Tagalog Pilipino Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

WIKANG TAGALOG

Ang Tagalog ay isang wikang natural, may


sariling katutubong tagapagsalita.
Ito rin ang wika sa Bulacan, Metro Manila,
CALABARZON- Cavite, Laguna, Batangas,
Rizal, Quezon; Mindoro, Marinduque, ilang
bahagi ng Nueva Ecija at Puerto Princesa.

2
WIKANG TAGALOG

Isang partikular na wikang sinasalita ng isa


sa mga etnolingguwistikong grupo ng
bansa.
Ito ang napansing sinasalita ng maraming
Pilipino pagdating pa man nina Miguel
Lopez de Legazpi noong 1565.

3
WIKANG TAGALOG

Idineklara bilang wikang pambansa noong


1937 sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan ni
Pang. Manuel L. Quezon.
Alpabetong Tagalog – ABAKADA 20 Letra
A, BA, KA, DA, E, GA, HA, I, LA, MA, NA,
NGA, O, PA, RA, SA, TA, U, WA, YA.
4
WIKANG PILIPINO

Ang wikang pambansa mula noong 1959


na batay sa Tagalog, ayon sa Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 ng noo’y Sec. Jose
Romero, ng Department of Education.
Ito ang pangalang itinawag sa wikang
opisyal, wikang panturo, at wikang
pambansa noong 1959.
5
WIKANG PILIPINO

Ang Pilipino ay Tagalog pa rin sa nilalaman


at estruktura.
Pilipino ay batay sa iisang wika (Tagalog).
Dahil dito, hindi nabigyan ng pagkakataon
ang mga di-Tagalog na maging parte ng
pagpapayaman at pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
6
WIKANG FILIPINO

Nakasaad sa probisyong pangwika ng


1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 6:
“Ang pambansang wika ay FILIPINO.”
Ito ay batay sa maraming wika; hindi
lamang ito batay sa Tagalog, batay rin sa
iba pang mga wika sa Pilipinas, kasama ang
Ingles, Kastila, atbp.
7
WIKANG FILIPINO

Filipino ang nagsisilbing LINGUA FRANCA


ng bansa na wikang ginagamit ng iba’t
ibang etnolingguwistikang grupo upang
magkaunawaan at makipag-ugnayan.
Hal. Filipino ang ginagamit ng isang
Cebuano kapag nakikipag-usap sa isang
Ilokano.
8
WIKANG FILIPINO

Alpabetong Filipino – 28 Letra


A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ň, Ng, O,
P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z

9
Mga Pagbabago sa ating Wika

TAGALOG PILIPINO
 1937  1959  1987

 Kautusang Tagapagpaganap  Kautusang Pangkagawaran  Seksyon 6, Artikulo XIV,


Blg. 134 – Manuel L. Quezon Blg. 7 – Sec. Jose Romero Konstitusyon 1987

 Isang wikang natural  Batay sa iisang wika. Tagalog  Batay sa maraming wika sa
sa nilalaman at estruktura. Pilipinas kasama ang mga
 ABAKADA - Binubuo ng 20 salitang banyaga, Ingles,
letra  Hal. mag-aaral, guro, Kastila, atbp.
takdang-aralin
 ALPABETONG FILIPINO – 28
letra

 Hal. estudyante, titser,


asaynment
10

Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
mahigit sa hayop at malansang isda;
Kaya ang marapat, pagyamaning kusa,
Na tulad sa Inang tunay na nagpala.
-Sa Aking mga Kababata ni Dr. Jose Rizal

11

You might also like