Summative Test 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

(Summative Test # 2) Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.

Piliin ang titik ng


tamang-sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ang isa sa mga itinuturong dahilan ng mataas na unemployment at underemployment ng Pilipinas kung
saan hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng
mga kompanya sa bansa.

A. Iskemang subcontracting

B. Out of School Youth

C. Undergraduates

D. Job-skill mismatch

2. Dala ng globalisasyon, ang mga multinational company sa bansa ay naglagak ng investment para sa mga trabaho
na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng
bansa sa mga kompanyang ito. Anong isyu sa paggawa ang tinutukoy sa pahayag na ito?

A. Global Standard sa Paggawa

B. Unemployment at Underemployment

C. Iskemang Subcontracting

D. Kontraktwalisasyon

3. Alin sa mga sumusunod na pangyayaring dala ng globalisasyon ang may direktang epekto sa mga manggagawa ng
sektor ng agrikultura?

A. Pagdagsa ng mga dayuhang kompanya

B. Pagkonbert sa mga lupang sakahan upang maging lupang komersyo na tinatayuan ng subdivision, malls at iba
pang istrukturang pang-industriya tulad ng pabrika

C. Pagsulpot ng mga Business Process Outsourcing tulad ng mga Call Centers

D. Malayang pagpapasok ng mga kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telekomunikasyon,


beverages, mining, at enerhiya

4. Saklaw ng sektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersyo, insurance,kalakalang pakyawan at


pagtitingi,transportasyon,pagiimbak,libangan,turismo, medical, BPO at edukasyon.

A. Sektor ng Industriya

B. Sektor ng Agrikultura

C. Kontraktuwalisasyon

D. Sektor ng Serbisyo

5. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.

A. Global Standard Sa Paggawa

B. Unemployment at Underemployment

C. Mura at Flexible Labor

D. Iskemang Subcontracting

6. Alin sa apat na haligi ng paggawa para sa disente at marangal na paggawa na nakapaloob ang na palakasin at
siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa?

A. Social Protection Pillar


B. Worker’s Rights Pillar

C. Social Dialogue Pillar

D. Employment Pillar

7. Sinasabing dahil sa patuloy na paglaganap ng globalisasyon, tila ba ang mga kaakibat na hamon nito gaya ng
kontraktuwalisasyon ay kailangan na lamang nating kaangkupan. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na
gawin ng mga susunod na henerasyon upang maka-iwas sa negatibong epekto ng kontraktuwalisasyon?

A. Paunlarin ang mga kakayahan, talino at talento upang magamit sa pagtataguyod ng sariling hanapbuhay o
kabuhayan sa hinaharap

B. Maghanap ng mapapangasawang mayaman upang masigurado ang masaganang buhay sa hinaharap C.


Magpakasaya habang bata pa upang hindi pagsisihan ang buhay kung matanda na.

D. Tiyaking mabubuhay ng matagal at malusog ang mga magulang upang may kaagapay sa pagtanda

8. Sa anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang mga guro, pulis, at sundalo?

A. Politika

B. Agrikultura

C. Industriya

D. Serbisyo

9. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

A. Global Standard sa Paggawa

B. Unemployment at Underemployment

C. Iskemang Subcontracting

D. Kontraktwalisasyon

10.Alin sa mga sumusunod ang suliraning pinaka karaniwang nararanasan ng mga manggagawa ng sektor ng
serbisyo?

A. Kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na
nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi

B. Kakulangan sa ayuda ng pamahalaan sa oras ng tagtuyot at bagyo

C. Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi
normal na oras ng pagtatrabaho

D. Ang mga produktong dayuhan ay mas murang naibebenta sa bansa, mas maraming insentibong tinatanggap ang
mga dayuhang kompanyang nagluluwas ng parehong produkto.

11.Batas na nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong ingatan ang mga manggagawa at mabigyang batayan ang
mga karapatang pang manggagawa ng Pilipinas.

A. Department Order 18-A

B. Department Order 18-02

C. Presidential Decree 442

D. Kontraktuwalisasyon
12.Alin sa mga sumusunod ang suliraning nararanasan ng mga manggagawa ng sektor ng industriya?

A. Kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na
nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi

B. Kakulangan sa ayuda ng pamahalaan sa oras ng tagtuyot at bagyo.

C. Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi
normal na oras ng pagtatrabaho

D. Ang mga produktong dayuhan ay mas murang naibebenta sa bansa, mas maraming insentibong tinatanggap ang
mga dayuhang kompanyang nagluluwas ng parehong produkto.

13.Ito ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga alituntunin at mga polisiya na may kinalaman sa
paggawa ng buong bansa.

A. Department of Interior and Local Government.

B. Department of Labor and Employment

C. World Trade Organization

D. International Labor Organization

14.May mga mangagawang nakakararanas ng pinaka mababang uri ng paggawa at nagpapakita ng kakulangan sa
suporta ng pamahalaan. Anong uri ng sektor ng ekonomiya na nakararanas ng manggawa ng hindi pantay na
oportunidad at mas vulnerable sa mga pangaabuso?

A. Agrikultura

B. Serbisyo

C. Industriya

D. DOLE

15. Sa pagtatayang isinagawa ng APEC (2016) kinilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries”
sa Asya dahil sa pagyabong ng sector ng serbisyo. Ano ang nagiging suliranin ng isang developing country?

A. Mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino

B. Nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan galing sa ibang bansa.

C. Malayang patakaran ng mga mamumuhunan at mga tax incentives na may taripa

D. Patuloy ang pagbaba ng mga bahagdan ng mga small-medium enterprises (SMEs) sa bansa

You might also like