Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I.

Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga bata ay inaasahang :

A. Nabibigyang kahulugan ang pangalan


B. Natutukoy ang mga uri ng pangalan
C. Nakagagawa ng pangungusap na may ibat-ibang yri ng pangalan

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga uri ng pangalan


Sangunian : Hiyassa wika
Pahina: 38-42

Mga Kagamitan : kagamitang biswal, power point, at mga larawan.

Gawain ng Guro. Mag-aaral

a. Panalangin

Pipili ang guro ng estudyanteng


mamumuno sa panalangin.

b. Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw. Bb Joy!


Kamusta ang araw ninyo? Mabuti naman po
Kumain naba kayo. Opo

Mabuti naman!

c. Pagsasaayos ng silid

Tingnan niyo muna ang ilalim ng inyong


mga mesa kung may basura. Pulutin ito at
itapon sa basurahan.

Maari na kayong umupo.

d. Pagtsek ng attendance

May lumiban ba sa araw na ito? Wala pong lumiban sa araw na ito.


Mabuti!

III. Balik Aral

Bago tayo magtungo sa ating bagong aralin.


Nais kong malaman kung ano ang ating Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa
natalakay kahapon. pandiwa.

Magaling!

Ano nga ulit ang pandiwa? Ang pandiwa ay isang salita na nagsasaad
ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan.
Magaling!

Sino ang makapagbibigay halimbawa? Kumain


Sumayaw
Tumakbo
Nagluto

Magaling klas!

IV. Paglalahad

Ngayon ang ating aaralin ay pangalan. Ano


nga ba ang pangalan?
Ang pangalan ay mga ngalan ng tao,
lugar,bagay,gawa, at pangyayari.

Sino ang makapagbibigay halimbawa ng Jessica, Kenneth, Janine


pangalan ng tao?

Magaling! Halimbawa naman ng pangalan Davao, Manila, Amerika


ng lugar?

Magaling klas.

Ngayon ang pangalan ay may dalawang uri.


Pero bago iyan ipapangkat ko kayo sa
dalawa. Ito ang pangkat 1 ant ito naman
ang pangkat 2.

Mayroon akong isang box dito at itoy


naglalaman ng mga letra. Kinakailangan
ninyo itong buohon upang makita ang
salita.
Tapos na po Bb. Joy
Tapos na ba klas?

Magaling. Ngayon ano ang salitang nabuo Pantangi!


ninyo. Pambalana!

Tama! Ang pantangi at pambalana.

Ang pantangi at pambalana klas ay ang


dalawang uri ng pangalan.

Ang pangalang pantangi ay tumutukoy sa


tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayayri at iba pa. Kadalasan itong
nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Bb. Aisah Gomez
Araw ng mga Puso
Davao City

Ang pangalang pambalana naman ay


tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng
tao, pook, hayop, bagay, pangyayari at iba
pa. Ito ay karaniwang nagsisimupa sa maliit
na titik.

Halimbawa:
damit
guro
paaralan
V. Paglalahat Opo!
Naintindihan ba klas?

Ano nga ulit ang pangalan? Ang pangalan ay mga ngalan ng tao, lugar,
bagay,gawa,o pangyayari.

Ano naman ang dalawang uri nito? Ang pantangi at pambalana

Tama!

Maari ba kayong magbigay ng halimbawa Davao City National Highschool


ng pangalang pantangi? Aling Rosa
Mrs. Santos
Ano naman ang halimbawa ng pangalang
pambalana? gamot
sanggol
gulay

Magaling! Ngayon dahil alam nyo na ang


kahulugan at halimbawa nito, susubukin
natin ang inyong kaalaman.

VI. Pagtataya

Direksyon: Bilugan ang pangalang ginamit


sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay
pangalang pantangi o pangalang
pambalana. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Tungkol kay Gat Jose Rizal ang


itinuro sa mga bata.

_____2. Dumaan sa tulay ang sasakyan


namin.

_____3. Ang matangkad na guro na


nakatayo sa labas ay ang bagong guro
namin.

____4. Nakita ko sipa sa parke kagabi


naglalaro ng tagu-taguan.

____5. Sa Mababang Paaralan ng Santo


Rosario nag-aaral ang kapatid ko.

____6. Pumunta sa palengke ang aking ina.

____7. Ang mga bata ay naglalaro sa ulan.

____8. Kumain ako ng prutas kahapon.

____9. Si Mrs. Reyes ay kumain ng maaga.

____10. Ang aking kapitbahay ay isang


doktor.
VII. Takdang Aralin

Sa isang sagutang papel gumawa ng tig


limang (5) pangungusap ng pangalang
pantangi at pangalang pambalana. Ipasa ito
bukas.

You might also like