Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG PAGBABAGO

Sa panahon ngayon, maraming nagaganap na pagbabago sa lipunan, politika,


industriya, edukasyon at teknolohiya at marami ring lumalaganap na mga isyu sa
mundo. Sa dati ng mga kaalaman, ito ay bahagi ng globalisayon.

Bilang personal na pagsusuri,  saan  nagmula ang mga pagbabago na ito? Saan
nagsimula ang globalisasyon? Ano-ano ang sanhi ng pagkakaroon ng globalisasyon.
Nakabubuti ba ito o nakakasama?Ano nga ba ang mga posible na maging epekto nito?
Ano ang implikasyon nito sa mundo?

Sa usapin ng globalisasyon, maraming nagsasabi na nakatutulong ito sapagpapaunlad


ng ating bansa subali’t maliwanag na magpahanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa
rin na mga pagtatalo ukol dito. Napakarami ng mga pag-aaral, mga pagsasalungatan at
politikal na aspekto nito.

Sa ganitong punto at mga usapin, hindi maitatanggi na mahalaga para sa isang


matalinong paghusga. Sa papel sa blog na ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang
kanilang pagsipat sa kapkinabangan at hindi kapakinabangan ng globalisasyon.

Lungsod Quezon

03.07.17

GLOBALISASYON 

Ayon kay Angelica Aquino, magkaiba ang opinion at pananaw ng mga tao sa
Globalisasyon. Ito ay maaaring negatibo o positibo.

Ang Globalisasyon ay dahilan ng pagiging global ng mga lokal o pampook o mga


pambansang mga gawi o paraan.

Ipinapakita sa prezi na ito kung anu-ano ang mga epekto ng globalisasyon sa wika at
kabuhayan o ekonomiya. Wika at edukasyon, wika at kaisipan o ideolohiya, wika at
ugnayang panlipunan.

Ang epekto ng globalisasyon sa wika at ekonomiya ay mas nahahasa natin ang wikang
Ingles ngunit mas lumalala ang problema sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.
Dumadami rin ang numero ng mga at trabaho at mas napapadali ang pagpasok ng
puhunan.

Ang epekto ng globalisasyon sa edukasyon ay malaking tulong sa mga asignatura at


kurikulum ng mga mag-aaral sa sa paaralan.

Ang mga epekto ng globalisasyon sa kaisipan at ideolohiya ay ang pagkawala ng


nasyonalismo at ang pagtangkilik sa mga gawa ng ibang mgga bansa.

Ang mga epekto ng globalisasyno sa ugnayang panlipunan ay mas nahahasa ang ating
kaalaman sa iba’t ibang uri ng kultura at paniniwala.

EPEKTO NG GLOBALISASYON SA ATING BAYAN 

Ayon kay Susan Grace Neri, ang globalisasyon ay isa sa naging daan ng Pilipinas upang
makaahon ang ating bansa sa pagkabaon ng ekonomiya noong mga panahon Marcos.

Binigyan ng pokus ng may akda ang epekto ng globalisasyon sa sistemang industriyal at


edukasyon. Sinasabing noong masakop tayo ng mga dayuhan kagaya ng mga espanyol,
hapon at lalo na ang mga amerikano ay ginamit at ginagamit pa rin natin ang kanilang
mga wika at ito’y tinuturo pa sa paaralan.

Ang layuin ng mga Amerikano nang ginawa nila ang sistemang pangedukasyon ay para
palayain tayo sa ating nakaraan na ang maaaring maging ibig sabihin ay makalaya tayo
sa mga espanyol at malimutann na nati ang mga tinuro o impluwensiya ng mga
espanyol at ang isang maaaring maging ibig sabihin ay tuluyan na nating malimutan ang
mga panahong tayo ay malaya pang namumuno ng sarili nating bansa.

Sinasabi pa na ang wika ay ang proteksyon at kapangyarihan ng mga Pilipino at dapat


natin itong pahalagahan sapagkat ang wikat kultura ay ang mga importanteng bagay
sapagkat ito ang humubog sa mga Pilipino at Pilipinas.

Mayroong mabuti at masamang epekto ang globalisasyon na maaarig makatulong o


makasira sa ating bansa ngunit dapat ay manatili tayong mga Pilipino at hindi mabago
ang ating kultura at huwag nating hayaan nna makontrol tayo ng mga mas dominante o
mas malakas na bansa o mga banyaga.

 
ANO ANG GLOBALISASYON?

Ayon kay David Held, Anthony McGrew, David Goldblatt at Jonathan Perraton,  noong
20’s ang ideya nila sa globalisasyon ay di masyado o di ganoong malinaw ngunit sa
paglipas ng panahon ito’y unti-unti ng nagiging malinaw.

Ang globalisasyon ay isang proseso na nagpapaganda o nagpapadali ng daloy sa mga


gawain sa lipunan at ekonomiya.

Mayroong apat na pagbabago ang dulot o dinnudulot ang globalisasyon.

Una’y ang pagbabago ng sa lipunan, politika at ekonomiya.

Pangalawa ay nakatutulong ito pagdating sa pakikipagkalakan, perang iniluluwas,


perang inililipat at sa ating kultura.

Pangatlo ay dahil sa koneksyon ng mga bansa ay gumanda ang komunikasyon at


transportasyon kaya mas umunlad pa lalo ang mgga bansa.

Ang huling pagbabago ay dahil sa koneksyon ng mga bansa, malaki ag hatid nitong
epekto sa sarili nilang bansa at ang epektong ito ay maaaring makabubuti o hindi.

ANO ANG NAGING SANHI NG GLOBALISASYON?

Ayon kay Tejva Pettinger, isa sa mga pangunahing rason kung bakit nagkaroon ng
globalisasyon ay napapaunlad nito ang mga trasportasyon at pati na rin ng
pakikipagkalakan sa ibang mga bansa ay napapadali.

Napapadali rin ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sapagkat mayroon ng makabagong


mga teknolohiya at mas napapadali ang pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa
mga bagay, tao, pangyayari at iba pa.

Mas napapaunlad ang mga pangmalawakang kompanya kung saan maraming mga
bansa ang kasapi doon kaya ang ekonomiya ng kanilang bansa ay tumataas.

Mas napapataas ang mga taong nakikipagsapalaran na magtrabaho sa iba’t ibang mga
bansa kaya napapadali ag mga bansang kulang sa mga trabahador.
Mas napapataas ang pera ng mga bansa dahil sa globalisasyon kaya tumataas din ang
kanilang ekonomiya.

GLOBALISASYON, KULTURA AT KAMALAYANG PILIPINO 

Ayon kay Napoleon M. Mabaquiao Jr., ang hamon ng globalisasyon sa mga bansa ay
kung paano nila mapapanatili ang kanilang pambansang identidad kagaya na lamang ng
mga teknolohiya, na dapat ang mga tao ang gagawa ng trabaho ngunit sila’y gumagamit
na lamang ng mga makina.

Sinasabi ring maaaring mapanatili natin ang ating kultura at pambansang identidad
kung gagamitin ang sarili nating wika at kung tatayo tayo sa atnig mga paa.

Dapat din na huwag tayong magpakontrol sa mga ibang bansa o mga dayuhan sapagkat
doon nagsisimula ang pagkalito natin sa kultura o identidad.

Dapat ay hindi rin natin sinasama o tinuturo ang mga wikang banyaga sa mga paaralan
sapagkat minsa’y naiisip ng mga mag-aaral na ang mga wikang iyon ay bahagi na ng
ating kultura, kaya dapat ay maging malinaw sa ating kung ano ang ating kultura at
kung ano anng impluwensiya lamang.

NEGATIBO AT POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON SA MGA


UMUUNLAD NA BANSA PAGDATING SA NEGOSYO 

Ayon kay Don McCubbrey, dahil sa pagpapalawak ng malawakang pakikipagkalakalan


ay nagapalala ng hnndi patas na pagpapasahod sa mga trabahador.

Natatabunan ng mga banyagang korpurosyon ang mga lokal na korporusyon at sila’y


lalong maghahanap g paraan upanng kumikita ng hindi iniisip ang integridad ng
kanilang bansa.

Ang ibang mga banyagang investor ay pinagaagawan ng iba’t ibang mga bansa upang
sila’y yumaman.

Nawawala ang pagkakaiba ng bawat bansa dahil sa epekto ng globalisasyon kung saan
ang dominanteng kultura ang nagiging pamantayan na kultura ng ibang mga bansa lalo
na ang mahihirap.
Nabibigyan ang mga bansa ng pagkakataon upang makapasok sa mas malawakang
pakikipagkalakan.

EPEKTO NG GLOBALISASYON SA MGA UMUUNLAD NA BANSA


PAGDATING SA EKONOMIYA

Ayon kay Angie Mohr, ang globalisasyong pang ekonomiya ay nagbibigay ng


opurtinidad sa mga bansang umuusbong pa lang na manghiram ng pera mula sa ibang
bansa upang magamit sa imprasraktura, pang medikal, edukasyon at iba pang serbisyo.

Ang pamantayan ng pamumuhay sa isang bansa ay tataas kung tama o maayos ang
paggamit sa pera nguit hindi lahat ng mamamayan ay makikinabang at maaari rin itong
magdulot ng mas malayang pakikipagkalakalan.

Dahil sa paglawak ng kalakalan ang biglag bugso ng kompanyang banyaga ay maraming


mawawala nng trabaho ngunit dahil sa globalisasyon mas nagiging pili ang pagkuha ng
mga trabahador at ang sahod ay mas nagiging mas mataas.

NEGATIBONG ASPEKTO NG GLOBALISASYON 

Ayon kay Gail Tverberg, dahil sa globalisasyon mas malakas ang konsumpsyon ng mga
bansa sa limitadong likas na yaman upang makipagsabayan sa malawakang kalakaran.

Kasama sa mga likas na yamang malakas sa konsumpsyon ay uling na nagdudulot ng


produksyon ng karbon.

Halos imposible na makita ng mga regulator ng mga bansa ang implikasyon ng


kanilang mga ginawa.

Tumataas ang halaga ng langis dahil marami itong gamit at maraming bansa ang
nangangailangan nito.

Napupunta ang mga langis at mga investment ng mga mauunlad na bansa sa ibang


bansa.
Ang tax ay magmumula na lamang sa indibidwal na mga mamamayan at hindi na ito
kailangang bayaran ng mga korpurasyon.

Dahil sa kompitisyong dulot ng globalisasyon nagpapamurahan ng produkto ang mga


bansa upang mas marami ang bumili sakanila,ngunit maaari itong magdulot ng
kalugian nila.

Dahil sa mga koneksiyong binubuo ng globalisasyon sa pagitan ng mga bansa, maaaring


umasa na lang ang ibang bansa sa tulong ng iba.

Dahil nagiging konektado ang mga bansa maaaring ang magiging problema ng isang
bansa ay makaapekto sa iba pang bansa.

PAANO TAYO NAAPEKTUHAN NG GLOBALISASYON? 

Ayon kay Michael Ugulini, ang nilalaman ng komentong ito ay ang mga epekto ng
Globalisasyon sa atin.

Ipinakita ni Michael ang limang pangunahing epekto ng Globalisasyon sa atin.

Ang Unang epekto ay mas napapadali ang pakikipag kalakalan ng iyong bansa. Dahil
dito, maaring magkaroon ng iba’t ibang produkto ang iyong bansa na galing sa ibang
bansa at ito rin ay makatutulong sa mga kompanya upang magkaroon ng maraming
produkto na kanilang kinakailangan.

Ang pangalawang epekto ay maaaring mawala o matangal ang mga bayarin. Mawawala
ang ating mga bayarin dahil hahayaan ng mga bansa babaan o tanggalin ang bayarin
para lang makipagkalakalan sa isang bansa na mayroon silang kinakailangan.

Nagkakaroon ng magandang opurtunidad para sa mga kompanya na magkaroon ng


magandang negosyo dahil marami silang nakukuhang iba’t ibang mga produkto mula sa
iba’t ibang mga bansa.

Ang pang apat na epekto ay maaring magkaroon acess ang mga bansa sa mga produkto
galing sa iba’t ibang . Magandang epekto ito para sa mga kompanya dahil lalakas at
lalaki ang kanilang negosyo dahil dito.

At ang huling epekto ay maaaring makakabuti o makakasama sa atin at sa ating bayan.


Ang epekto na ito ay maaring pagkaroon ng libreng kalakalan. At kapag mayroong
libreng kalakalan, maaaring umusbong ang iyong bansa gamit ang mga produktong
kinakailangan na galing sa ibang bansa. Ngunit, ang masamang epekto ay maaring
masobrahan ka sa produkto ng ibang bansa kaysa sa mga produktong dapat o kailangan
mo.

GLOBALISASYON: NOON, NGAYON AT SA HINAHARAP

Ayon kay Andrew Tanzer, ang nilalaman ng kaniyang article ay kung ano ang
globalisasyon noon, ngayon at sa kinabukasan. Ipinaliwanag niya rin dito kung ano ang
hindi naintindihan ng mga tao at ng media tungkol sa globalisasyon.

Sinasabi dito na noon pa man ay mayroon ng globalisasyon at nagiging mas kilala o mas
binibigyan ng pansin ito sa paglipas ng panahon, ang Tsina ay ang pinakamalaking
bansa na naglalabas ng mga produkto at ang Amerika naman ay ang pinakamalaking
bansa na tumatanggap ng mga produkto mula sa iba’t ibang mga bansa. Ang mga
bansang iyon kasama na ang Japan ay ang mga bansang matataas ang ekonomiya at
tinitingala ng mga mahihirap na bansa.

Sinasabi rin na kung titingnan natin ang 150 taong nakalipas ay makikita natin na
mayroon ng globalisasyon kung saan ito ang nagbigay daan upang umunlad ang ibang
mga bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maganda serybisyo, magandang
pakikipagkalakalan sa iba’t ibang mga bansa at magandang nga produktong binebenta
at tinatanggap.

Sinasabi na sa ating kinabukasan ay maaaring magkaroon ng malalaking problema dahil


sa globalisasyon kaya kailanga ng mabuting pinuno at mga nag nenegosyo upang
masulusyunan ito.

You might also like