Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panitikang Pilipino

Pangalan: Cabarle, Mary Ann M. Seksiyon: BSTM4A

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 1
Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral na iyong napulot sa kwento?
Nararapat na maging tapat ang isang tao sa salita at sa gawa dahil ang pagiging matapat sa mga
kaugaliang makapagbibigay ng mapayapang buhay sa marami sa atin. Kung maisasabuhay ng bawat isa
ang kanilang katapatan, makabubuo sila nang maayos na ugnayan sa kanilang kapuwa.
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
Ang anyo ng akdang pampanitikan ng aking nabasa ay maikling kwentong pasulat na akdang
tuluyan.
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
Ang kwentong ito ay may elementong lumilikha sa akdang aking nabasa, patungkol sa mga
karanasan at aral na nakukuha rito.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Ang maikling kwento ay may kasangkapang pampanitikan na ‘nilalaman’ tungkol sa pagbubuo
ang pagtitiwala ng iba dahil batid nilang buo ang iyong loob na gumawa ng mabuti at tuparin ang iyong
ipinangako.
Pangkat 2
Ang Babaeng Ubod ng Talino
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral na iyong napulot sa kwento?
Ang natutunan ko sa kwento ay higit na nakalalamang ang taong matalino kaysa taong mayaman.
Ang katalinuhan ay maaring maging daan upang iyong ikayaman ngunit ang kayamanan kahit kaylan ay
hindi maaring makabili ng katalinuhan.
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
Ang anyo ng akdang pampanitikan ng aking nabasa ay maikling kwentong pasulat akdang tuluyan
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
Ang kwentong ito ay may elementong lumilikha sa akdang aking nabasa, patungkol sa mga
karanasan at aral na nakukuha rito.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Ang maikling kwento ay may kasangkapang pampanitikan na ‘nilalaman’ tungkol sa ang
katalinuhan sa kabutihan at hindi sa panlalamang sa kapwa.
Panitikang Pilipino

Pangkat 3
Ina
Tula ni missy.k
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
Ang tulang ito ay may mensahe patungkol sa sakripisyo at pagmamahal ng ating mga minamahal
na ina.
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
Ang anyo ng akdang pampanitikan ng aking nabasa ay akdang patula
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
Ang tulang ito ay may elementong lumilikha sa akdang aking nabasa, patungkol sa ina at kung
ano ang mga iba’t-ibang hakbang na nararanasan nitong sakripisyo.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Ang tula ay may kasangkapang pampanitikan na ‘tulang pasalaysay’ tungkol sa isang huwarang
ina

Pangkat 4
Kalupi ng Puso
Tula ni Jose Corazon De Jesus
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
Ang tulang ito ay may mensahe naisulat sa malikhaing paraan kung saan ang autor ay
nagpapahayag ng kanyang ideya ng puso. Ang kabuuan ng tula ay iginaya sa isang orasan na ang puso ay
siyang tao at ito ay parang isang umaandar na orasan. Ipinapakita ng mesahe nito na sa kabila ng
kalungkutang nadarama ay may nakatagong saya pa ding makikita sa buhay.
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
Ang anyo ng akdang pampanitikan ng aking nabasa ay akdang patula
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
Ang tulang ito ay may elementong lumilikha sa akdang aking nabasa, nananatiling buhay sa
kasalukuyang panahon sapagkat ang buhay ng tao ay hindi puro kasiyahan lamang. Ito ay isang
responsibilidad na nangangailangan ng malawak na pag-unawa. 
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Ang tula ay may kasangkapang pampanitikan na ‘tulang pasalaysay’ tungkol sa puso ay bahagi ng
sistema upang tulungang idaloy ang ating dugo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ang puso din at ang
bawat kumpas nito ang siyang ating palatandaan na tayo ay may hinihinga at nabubuhay.
Panitikang Pilipino

Pangkat 5
Ang Palaka at ang Kalabaw
Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
Ang aral o mensahe na aking nakuha ay teksto ay walang masama kung may taong nakahigit sa
kakayahan mo. Maluwag na tanggapin ang pagkatalo at iwasan ang sama ng loob.
2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?
Ang anyo ng akdang pampanitikan ng aking nabasa ay pabula na pasulat akdang tuluyan
3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.
Ang kwentong ito ay may elementong lumilikha sa akdang aking nabasa, patungkol sa
mapagpakumbaba kaysa taong ubod ng yabang at puro salita.
4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.
Ang pabula ay may kasangkapang pampanitikan na ‘mga kasangkapang metaporikal’ tungkol sa
ubod ng yabang at puro salita.

You might also like