Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kwarter 2-Aralin 6: Dati ng Wakas, Binago nang

Wagas
PANIMULANG PAGSUBOK
1. B
2. B
3. B
4. A
5. A
PAGSASANAY 1
1. Palakas nang palakas ang hangin at pagiwang-giwang ang bangka dahil sa malalaking alon. Di
kawasa’y sabay-sabay na nagtilian ang mga sakay.
 Dahil sa palakas nang palakas ang hangin at nagkakaroon ng malalaking alon, natumba ang bangka
at nalunod ang mga sakay nito. Mayroong mga nakaligtas na pasahero ngunit karamihan ay nasawi.

2. Matitinding suntok ang inabot ng kalaban niya. Hindi siya tumitigil sa pananakit subalit hindi niya
nalalamang isang lalaking may patalim sa kanyang likuran.
 Nasaksak ng patalim ang kaniyang likuran at natigil sa pananakit sa kaniyang kalaban. Sinugod ito sa
ospital ngunit dahil sa matinding sugat na natamo hindi na ito umabot at namatay.

3. Takbo! Takbo! Nariyan na ang ating kalaban! Ay! Nadapa si Gener! Bangon Gener! Ayan na sila!
 Naabutan ng mga kalaban si Gener at hinuli siya. Dahil dito walang- awang pinagsusuntok si Gener
hanggang sa nawalang ito ng malay.

4. Malamig ang ihip ng hangin. Tila nanunuot sa aking buto lalo na nang may pumigil sa aking bisig
na malamig na kamay na may matutulis na kuko. Lumingon ako’t hanggang…hanggang…
 May Nakita akong multo at napasigaw ako sa takot. Puno ito ng dugo at nakakatakot ang itsura.

5. Nasilip niya sa siwang ng lumang bintana. Isang lalaking may palakol, ngingiti-ngiti na parang may
naiisip na kung ano. Nakakita ng isang malaking kahon at humahalakhak, sabay hawak ng
dalawang kamay sa palakol at itinaas.
 Bigla siyang kinilabutan at natakot kaya isinara nito ang bintana. Naisip niyang baka may patayin
ang lalaking may hawak na palakol kung kaya isinara nito ang mga pinto at tumago sa ilalim ng
kama.

PAGSASANAY 2
Sariling Wakas:
Labis ang paghihinagpis ni Mathilde sa kaniyang nalaman. Nabalewala lahat ang paghihirap ni Mathilde at
ng kaniyang asawa dahil hindi naman totoong diyamante ang nakakabit sa Kuwintas. Imitasyon lamang ito
na nagkakahalaga ng limang daang prangko. Dahil sa Masidhing Ambisyon para kilalanin at sambahin ng
lipunan, naging isang matandang babae kaagad si Mathilde at malaki ang pinagbago nito hindi katulad ng
dati na angat ang kaniyang kagandahan sa ibang mga babae at labis ang paghanga ng nakararami, at pilit
na gustong makuha ang mga bagay o mga luho upang magmukhang maganda sa mata ng ibang tao. Dahil
sa mga nangyari, natutong makuntento si Mathilde sa kung anong meron siya at lagi siyang
nagpapasalamat sa mga biyaya na kaniyang natatanggap.

You might also like