Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa Impormatibo
Pagbasa Impormatibo
Santos
ABM 11 McGregor
Delikado ka sa lamok na may dengue
PANAHON na naman ng tag-ulan at isa sa mga binabantayang sakit sa panahong ito ay ang sakit na hatid ng
lamok. At isa sa pinakamapanganib na sakit na dala ng lamok ay ang Dengue Fever. Nitong 2016, base sa report
ng World Health Organization (WHO) ay napaulat na ang Pilipinas ay nagkaroon ng 176,411 hinihinalang kaso
ng dengue kung saan 422 dito ang namatay.
Ayon naman sa ulat ng Department of Health nitong nakaraang Abril mayroong 26,433 hinihinalang kaso ng
dengue simula nitong taon. Kumpara sa 41,170 kaso sa pareho ring panahon noong 2016, mas mababa naman
ito ng 35.8 porsiyento.
Pero hindi naman ito nangangahulugan na magiging kampante na tayo dahil mapanganib na sakit pa rin ang
dengue.
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa dengue fever na dapat mong malaman.
Ang dengue fever ay isang sakit na sanhi ng virus na dala ng lamok at mabilis na rin ang pagkalat nito sa mga
nakalipas na mga taon. Ang dengue virus ay hatid ng mga babaeng lamok mula sa uring Aedes aegypti at Aedes
albopictus. Ang mga nasabing lamok ay siya ring naghahatid ng chikungunya, yellow fever, West Nile infection
at Zika infection. Ang dengue ay laganap sa mga tropikong bansa kung saan ang iba’t ibang anyo nito ay
apektado ng pag-ulan, tempe-ratura at walang plano at mabilis na urbanisasyon.
Ang severe dengue (o mas kilala bilang dengue hemorrhagic fever) ay una naman nakilala noong dekada 50
kung saan nagkaroon ng epidemya ng dengue sa Pilipinas at Thailand. Sa ngayon, ang severe dengue ay
nakakapekto sa karamihan ng mga bansa sa Asya at Latin America at ito na rin ang naging pangunahing dahilan
ng pagkakaospital at kamatayan ng mga bata at mga matatanda sa nasabing rehiyon.
Ang malumanay na kaso nito ay nagiging sanhi ng pantal at mga sintomas ng trangkaso. Sa ibang tao, lalo na sa
mga bata, mas nagiging seryoso ang uri ng sakit na ito na mas kilala sa tawag na dengue hemorrhagic fever at
dengue shock syndrome.