Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA NG MANOK

Sa pagpili ng mga inahing paiitlugin, kailangan mong obserbahan ang iyong


mga manok para makita ang mga palatandaan ng mga inahing mahinang
mangitlog at kailangan mong kumilos agad para alisin ang mga ito. Bakit?
Ang mga inahing manok na mahinang mangitlog ay kumakain lamang at
umuukupa ng espasyo ngunit hindi naman nakababalik ng maayos ang iyong
kapital sa pamamagitan ng itlog.

Narito ang mga palatandaan ng mga inahing manok na mahinang mangitlog:

 Maputla at tuyo ang mga palong


 Malamlam ang mga mata
 Ang inahing manok ay payat at hindi gaanong gumagalaw
 Mahinang kumain, kadalasang walang lamang ang butse
 Naninilaw na mga mata, binti at tuka. Ang mahuhusay na mga inahing
manok na paitlugin ay wala ng ganyang kulay
 Ang puwet ay dilaw, maliit at kulubot
 Ang katawan ay manipis at maiksi
Sa muli, kailangan mong alisin ang mga manok na may ganitong mga
katangian bago pa man mangitlog ang mas nakararami sa mga ito. Sa
ganitong paraan ay makasisiguro ka na ang mga pinagkakagastusan ng
iyong poultry farm ay nagluluwal din ng maayos na kita.

PAGKUHA NG MGA ITLOG SA KULUNGAN NG MGA INAHING


MANOK
Narito ang mga pamamaraan ng tamang pagkuha o pag ani ng mga itlog sa
kulungan ng mga inahing manok na paitlugin:

Kunin ang mga itlog tatlong beses kada araw lalo na kung mainit ang
panahon. Mas madaling masira ang itlog kapag mainit ang panahon.

 Ilagay sa matatag na lalagyan o basket ang mga itlog


 Paghiwa-hiwalayin ang mga itlog base sa laki
 Alisin ang mga dumi bago itago ang mga itlog
 Itago ito sa lugar na may maayos na bentilasyon
 Panatilihing malinis ang mga lalagyan para hindi madumihan ang mga itlog
 Palamigin ang mga lalagyan kung ito ay mainit bago ilagay ang mga itlog
 Ibenta o ipamahagi ang mga itlog dalawang beses kada linggo. Iiwan
lamang ang mga bagong kuha sa paitlogan
MGA PARAAN PARA DUMAMI AT GUMANDA ANG KALIDAD NG
MGA ITLOG
Kasama sa pag aalaga ng manok na nangingitlog ang pag tiyak na sapat ang
dami at de-kalidad ang mga itlog na ibinibigay ng mga inahing manok. Narito
ang ilang mga kaalamang dapat mong matutuhan para mas lumaki pa ang
iyong kita.

Asin bilang pamparami ng itlog. Alam mo ba na ang asin ay isang sangkap


na kailangan para sa maayos na pangingitlog ng mga inahing manok subalit
hindi ito ihinahalo sa mga komersyal na patuka para makatipid sa mga
sangkap? Kung ganoon, bakit hindi mo subukang maghalo ng asin sa patuka
ng mga inahing manok, 200 gramo sa bawat dalawang sako ng patuka.
Napatunayan ng mga dalubhasa na ang mga manok na ginagamitan ng asin
ay nakapagluluwal ng hanggang 29% mas maraming itlog kumpara sa mga
manok na hindi gumagamit ng asin.

Ilaw para sa magandang pangingitlog. Ang paglalagaw ng ilaw ay isang


mahalagang salik sa pagpapatayo ng kulungan para sa mga inahing manok
na paitlugin. May kinalaman kasi ang tamang ilaw sa paglaki ng mga inahing
manok at sa kakayahan nilang mangitlog sa hinaharap.

Tandaan ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa paglalagay ng


ilaw sa kulungan ng mag paitluging manok.
 Huwag mong dadagdagan ang liwanag sa kulangan ng lumalaki pa lang na
mga paitlugin. Pabibilisin nito ang kanilang pagtanda na maaaring
magresulta sa maaagang pangingitlog ng maliliit na mga itlog.
 Kung nangingitlog na ang mga inahing manok, huwag mong babawasan ang
liwanag. May epekto ito sa kanilang mga hormones na maaaring
magpababa ng produksyon ng mga itlog.
 Gumamit ng isang 50 watt na bumbilya sa bawat 25 metro kwadrado ng
kulungan.

BAKET AYAW MANGITLOG NG MANOK?


 Hindi maganda ang priming o paghahanda sa manok bago ang age ng
pangigitlog
 Sobrang taba ng inahin - ireduce ang pakain, pakawalan sa mas malawak na
bakuran
 Ayaw ng inahin sa brooder cock/ ayaw sa lalaking manok
 Mali ang ginagamit na patuka. – integra 4000
 Stress ang inahin – huwag pupunta sa oras na nangigitlog (10am-1pm)

You might also like