Professional Documents
Culture Documents
Dalumat Pagsusuri
Dalumat Pagsusuri
Roque
2BSA-1
DALUMATFIL
I. Tauhan
Ang mga tauhan sa kwento ay sina Fely, Nana Ibang, Kuya Mente, Ate Sedes, kaniyang
mga pamangkin, Inso at Duardo na kaniyang kamag-aral noon.
II. Tagpuan
Ang mga tagpuan sa kwento ay ang bahay na unang pinuntahan ni Fely at ang
Eskwelahan sa Plaridel na kaniyang huling pinuntahan.
III. Banghay
a. Panimula
- Ang simula ng kwento ay patanong, dahil nagsimula ang kwento na
napalilibutan na ng mga katanungan katulad ng “Si Fely nga ba yan?”, “Malaki
ba talaga ang nagbago sa akin?” at iba pa.
b. Tunggalian
- Napag-usapan ni Fely at ni Nana Ibang ang mga pagbabagong nangyari kay Fely.
c. Kasukdulan
- Ang kasukdulan ng kwento ay noong sinundo si Fely ng kotse at noong
nagpakilala si Duardo. Si Duardo ang pinakamalapit na lalaki sa kanya noon.
d. Kakalasan
- Ang kakalasan ng kwento ay noong malaman ni Fely na may asawa at may mga
anak na si Duardo.
e. Wakas
- Ang wakas ng kwento ay isa namang paglalarawan sa mga nakikita at
nararamdaman ng babae.
IV. Tema
– Kaibahan sa pisikal na anyo, ngunit hindi nagbago ang kabutihang loob.
V. Pahiwatig
– Ang ipinahihiwatig ng akda ay kahit na magkaroon ng marangyang buhay at magkamit ng
tagumpay ay huwag magbabago ang kabutihang loob.
VI. Simbolismo
– Ang simbolismo na ginamit sa akda ay ang sapatos na may takong ng babae, na kahit na
siya ay umangat sa buhay at nananatili pa rin siyang mapagkumbaba at hindi nagbago ang
kanyang kabutihang loob.
Pagsusuring Pangnilalaman:
1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap kay Fely? Ibatay ang mga sagot sa sumusunod.
a. Kilos – Kung noon ay maayos at hindi umiinom ng serbesa si Fely, ngayon ay
umiinom na ito.
b. Pananamit – Kung noon ay simple lamang sa pananamit si Fely, nang kalaunan ay
nagsusuot na siya ng terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat
at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib.
c. Pananalita – Naging maligoy si Fely sa pananalita na hindi katulad ng dati.
Pagsusuring Pampanitikan:
1. Basahin at itala ang mga bahaging nagpapakita ng:
a. Kalakasan ng tauhang babae
- Ang kalakasan ng babae ay noong ipinakita niya na nagtagumpay siya at nagkaroon ng
propesyon na kanyang pinaghirapan, ngunit hindi nagbago ang kung ano man ang
kanyang nasa kalooban.
C. Mabangis na Lunsod
Pagsusuring Pangnilalaman:
1. Ipakilala ang mag sumusunod na tauhan:
a. Adong
Si Adong ay isang batang pulubi na marusing at mapayat na bata.
b. Bruno
Si Bruno ay may malaking katawan at isang sindikato.
c. Aling Ebang
Si Aling Ebang ay isang matandang pulubi na laging kasama ni Adong.
c. Banghay
a. Panimula - Ang gabi ay mabilis na lumatag sa Quiapo kung saan ang labindalawang
taong gulang na si Adong at iba pa niyang kasama ay nasa tapat ng isang simbahan upang
manglimos sa mga nagsisimba roon. Si Adong ay nagdurusa sapagkat siya'y walang
kapiling na magulang sa murang edad, kaya, ang nakita niyang paraan para mabuhay ay
manghingi na lamang ng ilang sentimos sa mga tao.
b. Saglit na Kasiglahan – Si Adong ay nasasaktan tuwing naaalala niya ang kasindak-
sindak na tingin ni Bruno habang kinukuha niya mula sa kanya ang mga baryang
pinaghirapan. Bahagyang nagalak si Adong nang matapos ang misa, subalit, ito'y
napalitan ng pangamba nang matanaw ni Aling Ebeng si Bruno na papalapit na sa kanila.
c. Kasukdulan – Nagpasya si Adong na kumaripas ng takbo patungo sa mga iskinita
upang matakasan si Bruno. Kalaunan, siya'y napagod din at sandaling sumandal sa isang
poste upang magpahinga. Nakaramdam siya ng tagumpay dahil sa kanyang akala na
natakbuhan niya na si Bruno na dala-dala ang kanyang pera, subalit, si Adong ay
nagkamali nang siya nasundan ni Bruno.
d. Kakalasan – Gusto sana ni Adong na tumakbo ngunit mahigpit ang hawak ni Bruno sa
kanya, kaya hindi niya ito nagawa. Sa kanyang natitirang lakas, sinigawan niya na
lamang si Bruno na pakawalan siy..
e. Wakas - Naramdaman nalang ni Adong ang malupit na palad ni Bruno at siya'y nahilo.
Wala nang ibang naramdaman si Adong sapagkat siya'y nabalutan na ng katahimikan at
kapayapaan.
d. Tumitinding galaw
– Ang pagdating ni Bruno na tila takot na takot ang mga namamalimos na kagaya ni
Adong.
e. Paksa
- Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang
contribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin.
Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto niya. Binibigyan tayo ng ang
pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit, sinasabi lang niya na
may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin.
f. Tema
- Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may kanyang
contribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung ano gusto natin.
Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto niya. Binibigyan tayo ng ang
pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit, sinasabi lang niya na
may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin.
g. Paningin
– Ito ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin
ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama.
h. Kasukdulan - Ang pagtakas sa kalupitan ni Bruno, ang pagtakbo at pagtago kay Bruno at
nangkalaunan at binugbog ni Bruno si Adong.