Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 7
Ang Mga Kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya sa Kulturang Asyano
Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo

Romeo C. Lacanlale
Manunulat

Ma. Martha R. Ullero


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa bahaging ito ay inaasahan na makikilala mo ang mga kontribusyon ng
timog at Kanlurang Asya at pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga
kontribusyon nito. Higit sa lahat ay mapapahalagahan ang mga ito na magbibigay
kilalanlan sa iyo bilang Asyano. Sila, Ikaw, Ako… Asyano!

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap ng Nobel Prize noong 1966.


A. Jahan B. Yosef C. Khyyam D. Salamis
_____2 Ang wikang klasikal ng Hindu.
A. mihrab B. turbe C. Hoplite D. sanskrit
_____3. Isang tanyag na laro galing sa India.
A. ragas B. Turbe C. kabaddi D. mizmar
_____4. Musoleo ng sektang Shi’it na ang tawag ay
A. turbe B. Taj Vina C. mihrab D. Salamis
_____5. ang pinakadakilang dramatist ng Timog Asya.
A. Anichai B. kalidasa C. Tagore D. Hoplite
_____6. Tawag sa antas ng “ganap na galigayahan” ng Hindu.
A. Tagore B. Turbe C. Vina D. Nirvana
_____7. Siya ang pinaka mamahal na asawa ni Shah Jahan.
A. Kalidasa B. Turbe C.Mumtaz Mahal C. vina
_____8. Ang isa sa obra maestrang arkitekturang India na isang temple sa Java.
A. Borobudur B. Minbar C. Tah Mahal D. Angkor Wat
_____9. Instrumentong pang musika sa India na gawa sa pinatuyong upo at
maraming kuwerdas.
A. vina B. sitar C. maridangan D. ragas
_____10. Isang musika sa India na nagpapagaling ng sakit, mayroong tiyak at
takdang oras at panahon ang pagtugtog nito
A. ragas B. sitar C. maridangan D. vina
_____11. Ang kilalang templong Budista sa India
A. mizmar B. ragas C. gussaba D. Stupa
_____12. Ang banal na lungsod ng mga Muslim.
A. Mecca B. Salamis C. Dubai D. Qatar
_____13. Tawag sa nitso na may madetalyeng disenyo ng mga Muslim.
A. turbe B. mihrab C. Stupa D. ragas
_____14. Koleksyon ng mga kuwento sa India ukol sa ordinaryong pamumuhay at
dinadanas na paghihirap ng mga tao
A. masjid B. gussaba C. vina D. Golpa Guccha
_____15. Ang tawag sa bahay sambahan ng mga Muslim.
A. ragas B. Stupa C. masjid D. Golpa Guccha

2
Panuto: Kilalanin ang mapa ng Asya. Isulat ang sagot sa ibaba. Lagyan ng bilang ang
tamang sagot

2
4

https://tinyurl.com/y26sf5by

_____ Timog-Silangang Asya ____ Hilangang Asya ____ Timog Asya


_____ Kanlurang Asya ____ Silangang Asya ____ Gitnang Asya

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba.

https://tinyurl.com/yxmlju44
Pamprosesong Tanong:
1. Anong larawan ang pinakikita sa itaas?

3
2. Saang bansa ito matatagpuan? Saang bahagi ito ng Asya?
3. Sino ang nagpagawa at para kanino ito?
4. Ano ang gamit ng gusaling ito?
5. Magbigay ng isang kahalintulad na gusali o park na ganito ang gamit sa
ngayon.

GAWAIN 1: Pagsusuri ng Teksto

ARKITEKTURANG ASYANO

Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng mga pananakop, nakalikha


ito ng mga maipagmamalaking pagkakakilanlan, mataas na kakayahan,
karunungan at kakaibang galing sa iba’t ibang larangan. Tulad ng sining,
humanidades at pampalakasan. Ang sentro ng paggawa sa iba’t ibang larangan ay
nakapaloob sa relihiyong kinagisnan at niyakap nito.

Timog Asya
Naiiba ang rehiyon ng Timog Asya, sa kabila ng impluwensiya ng mga
mananakop hindi natinag ang kulturang nabuo sa pagkakakilanlan bilang isa sa
rehiyong mayaman sa kultura. Lumaganap ang impluwensiya ng India sa rehiyon
ng Silangang Asya at Timog-Silangang Asya. Makikita ang arkitekturang India sa
Indonesia, Cambodia, Myanmar, Nepal, Sri Lanka, Pakistan, at Thailand.
Sa relihiyong Budismo, Islam at Hinduismo iniuugnay ang bawat gusali na
nilikha nila. May dalawang pagkakakilanlan ang arkitekturang India, ang kilalang
templong Budista sa India, ang Stupa, na gawa sa laryo o baton a may bilugang
umbok na may tulis na tore.Dito inilalagak ang mga sakrado at panrelihiyong relikya
at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang pinakamamahal na
asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa panganganak sa ikalabing-apat nilang
anak. Ang mga obra maestrang arkitekturang India ay ang temple ng Borobudur sa
Java at ang Angkor Wat sa Cambodia.

Angkor Wat

https://tinyurl.com/y42pvkg2

4
Kanlurang Asya
Isa sa kilalang arkitekturang islamik ay ang masjid o moske. Itinuturing ito
na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik. Ito ay naglalarawan ng
istrakturang may minbar o pulpit at mihrab o nitso na may madetalyeng disenyo
at nagtuturo sa direksyon ng Mecca, ang banal na lungsod ng mga Muslim. Ang
moske ay napapalamutian ng mosaic, marmol at gawang kahoy. May isa pang
gusaling panrelihiyon ang ribat. Ito ay may hugis parisukat, ang pasukan nito ay
napapalamutian at sa gitna ay may palyo. May musoleo ang sektang Shi’it na ang
tawag ay turbe (tomb), ito ay may maliliit na gusali na hugis bilugan, ang bubungan
ay may turret na hugis dulo ng lapis.

Panitikang Asyano

Mayaman ang panitikang Asyano sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko,


tula, maikling kuwento at dula.

Timog Asya
Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian sa sanskrit, na naka
impluwensiya sa wika ng mga karatig bansa tulad ng Indonesia, Plipinas, Sri Lanka
at Pakistan. May paniniwala na sa India nagmula ang mga sinaunang kuwento. Ang
India ay may dalawang mahahalagang epiko, ang “Mahabharata” at “Ramayana”.
Ang “Mahabharata” ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan, samantalang ang
“Ramayana” ay patungkol sa lalaking bida sa epiko na si Rama.
Si kalidasa, ang pinakadakilang dramatist na may akda ng “shakuntala”. Ito
ay patungkol sa pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya. Si Kalidasa ay
mahahalintulad sa kahusayan ni William Shakespeare.
Ang “Panchatantra” ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng
pabula na may maraming kuwento ukol sa engkantada at alamat. Si Rabindranath
Tagore, isang manunulat na taga Bengal at kauna-unahang Asyano na nagwagi ng
Gawad Nobel para sa panitikan noong 1913. Sa kanyang mga akda, hinihikayat ang
mga kapwa Indian na ipagmalaki ang lahing Indian. Lahat ng kanyang akda ay
naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan at pampolitika. Ang “Golpa Guccha” ay
koleksyon ng mga kuwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinadanas na
paghihirap ng mga tao at ang “Gitanjali’ ay isang akda ng mga tula.

Kanlurang Asya
Ang panitikan ng Kanlurang Asya ay repleksyon ng kultura ng mga
mamamayan. Si Shmuel Yosef na taga-Israel ay tumanggap ng Nobel Prize noong
1966, ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap ng naturang parangal dahil sa
mga akda niyang “The bridal Canopy” at “A Guest for the Night”.
Isa pang taga-Israel ang nakilala sa kanyang akda na “Songs of Jerusalem and
Myself” ay si Yehuda Anichai. Ang popular na “A Thousand and One Nights” na mas
kilalang “Arabian Nights” ay isang kuwentong Persiano na hango sa kuwentong
Indian. Isinasalaysay dito ang isang magandang prinsesa na nilibang ang hari upang
hindi matuloy ang pagbitay sa kanya. Ang “Rubaiyat” ay isang tula na isinulat ni
Omar Khyyam. Ang iba pang makasining na katha ay ang mga “Ang
Pakikipagsapalaran ni Sinbad”, ang “The tale of Alibaba and the Forty Thieves” na
pawang may kaugnayan sa paniniwala nilang relihiyong Islam.

MUSIKA AT SAYAW NG MGA ASYANO

Sa mga bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay isang bahagi ng ritwal sa


panganganak, pag-aasawa at kamatayan. Bagamat maraming mga bansa rito ang

5
nasakop ng mga taga kanluranin, nanatiling buo ang tradisyong musikal ng mga
Asyano dahil sa mahigpit at matibay na pundasyon nito. Sa sayaw ay mas
binibigyan-diin nito ang galaw ng kamay at katawan ng tao na ang iba ay halaw sa
kilos minsan ng mga hayop.

MUSIKA AT SAYAW NG INDIAN

Sa mag mamamayan ng India ay mahigpit ang pagtuturo sa mga nais mag-


aral ng musika, Dahil sa higpit at dedekasyon sa pagtuturo, nagtulot ito ng mga
maraming likhang musika. Sila ay naniniwalang upang makamit ang Nirvana
(ganap na kaligayahan), ang pinakamahusay at madaling paraan ay ang paggamit
ng musika. Maraming instrumentong pang musika ang kanilang ginagamit, tulad ng
tamburin, plawta (vina), at tambo; (maridangan).Ang sitar na gawa sa pinatuyong
upo at maraming kuwerdas ang pinabantog na instrument.
SITAR

https://tinyurl.com/5y36mop5

VINA

https://tinyurl.com/3slzru77

https://tinyurl.com/3eaq3s3m

Ang ragas ay isang musika na nagpapagaling ng sakit, mayroong tiyak at


takdang oras at panahon ang pagtugtog nito. Sila ay may paniniwala na ang ayaw
sumunod sa itinakdang oras ay malalagay sa panganib ang tinitugtugan at nakikinig
nito.
Mahilig ang mga Hindu sa sayaw, may paniniwala sila na ito’y libangan ng
kanilang diyos. Patunay nito na kahit sa kanilang temple ay may babaing nakaukit
na sumasayaw.

6
ANG MUSIKA AT SAYAW NG MGA ARABE

Sa mga lungsod ng Medina, Mecca, Ukash sa Saudi Arabia pumupunta ang


mga manunula, payaso at musikero upang mag-aral at magpakadalubhasa sa
musika. May mga instrumentong gamit tulad ng mi’zafa, gussaba, mizmar at
tambourine. Ang Harpa at trumpeta ay nagmula sa Iraq.

PAMPALAKASAN

Karamihan sa kilalang mga laro ngayon sa buong daigdig at daigdig ay


nagmula sa India, karamihan sa mga ito ay inilalarawan sa tanyag na epikong
“Mahabharata”. Ang larong ito ay nilalaro ng mahabang panahon hanggang sa ito ay
nahlun na ng iba’t ibang paraan at pangalan.
Isa sa tanyag na laro galing sa India ay ang kabaddi. Napakasimple, hindi
magastos at hindi nangangailangan ng malaking ispasyo para ito maisagawa.
Ngsimula ang larong ito ng may apat na libong na ang nakakalipas upang
makapagbigay tulong sa mga Indiano na ma proteksyonan ang kanilang sarili laban
sa mga paglusob ng mga kaaway.
Ito ay isang pangkatang laro na nangangailangan ng dalawang pangkat na
may pitong miyempro ang bawat pangkat. Ang gagawin lang ng magkabilang pangkat
ay manghuli ng miyembro ng katunggling pangkat upang makakuha ng iskor.
Ang larong baraha, ahedres, at martial arts tulad ng karate at judo ay
nagmula sa India. Ang baraha ang kilalang laro sa mga hari at Maharlika ng
kahariang korte. Ang judo at karate ay mahalagang pananggalang ng mga Budista
sa mpanganib na paglalakbay patungong Japan, China at Korea n nag-uugnay sa
repleksyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.
Sa kabihasnang Sumer ay may natagpuang tabletang luwad na may naglalaro
na ng wresling at boksing. Sa panahong Biblikal, may mga istatwang tanso na
naglalaro ng wresling. May mga damahan naman sa panahon ng Ur at pangangaso
ang naging libangan ng mga mayayaman. Sa panahon ng Hittite ay nakilala ang
kagalinga sa paglangoy bilang bahagi ng pakikidigma, sila ay nagtataglay ng malusog
na pisikal. Ang sinaunang Israel naman ay kilala sa larong takbuhan at pangingisda.
Ang mga Persiano ay sa kahusayan sa pangangabayo.

Gawain 2:

Panuto: Punan ng kaalaman ang kahon sa ibaba. Ang bansa at kontribusyon ng mga
ito.

BANSA MGA KONTRIBUSYON


A.
B.
C.
D.
E.

Pamprosesong mga tanong; Dugtungang Pangungusap


1. Ang kontribusyon ng mga Asyano ay…
2. Bilang Pilipino, nararapat na ipagmalaki ko ang ambag ng mga Asyano dahil…

7
3. Mapahahalagahan ko ang kontribusyong Asyano sa pamamagitan ng…

Ang Timog at Kanlurang Asya ay may mahalaga at malaking kontribusyon


sapagkakakilanlan ng kulturang Asyano sa larangan ng Arkitektura, Panitikan,
Musika at Sayaw, at sa larangan ng Pampalakasan. Ang mga ambag na ito ay
nakilala hindi lamang sa Asya, maging sa buong daigdig. Umukit ito making sa
kultura ng ibang kabihasnan na may malaking papel na ginampanan upang
mapaunlad ang kasalukuyang panahon.

Mga Gintong Aral:


PANUTO: Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
Sanaysay.
1. Bilang isang Pilipino at Asyano, paanong nagsilbing insperasyon sa iyo ang
araling ito?
2. Paano mo maisasabuhay ang pagiging Pilipinong Asyano ?

8
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Siya ang pinaka mamahal na asawa ni Shah Jahan.


A. Kalidasa B. Turbe C.Mumtaz Mahal D. Vina

_____2. Ang tawag sa bahay sambahan ng mga Muslim.


A. ragas B. Stupa C. masjid D. Golpa Guccha
_____3. Ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap ng Nobel Prize
noong 1966.
A. Jahan B. Yosef C. Khyyam D. Salamis
_____4. Isang musika sa India na nagpapagaling ng sakit, mayroong tiyak at
takdang oras at panahon ang pagtugtog nito
A. ragas B. sitar C. maridangan D. vina
_____5. Isang tanyag na laro galing sa India.
A. ragas B. Turbe C. kabaddi D. mizmar
_____6. Ang banal na lungsod ng mga Muslim.
A. Mecca B. Salamis C. Dubai D. Qatar
_____7. ang pinakadakilang dramatist ng Timog Asya.
A. Anichai B. kalidasa C. Tagore D. Hoplite
_____8. Instrumentong pang musika sa India na gawa sa pinatuyong upo at
maraming kuwerdas.
A. vina B. sitar C. maridanga D. ragas
n
_____9 Ang wikang klasikal ng Hindu.
A. mihrab B. turbe C. Hoplite D. sanskrit
_____10. Tawag sa antas ng “ganap na galigayahan” ng Hindu.
A. Tagore B. Turbe C. Vina D. Nirvana
_____11. Musoleo ng sektang Shi’it na ang tawag ay
A. turbe B. Taj Vina C. mihrab D. Salamis
_____12. Koleksyon ng mga kuwento sa India ukol sa ordinaryong pamumuhay
at dinadanas na paghihirap ng mga tao
A. masjid B. gussaba C. vina D. Golpa Guccha
_____13. Ang kilalang templong Budista sa India
A. mizmar B. ragas C. gussaba D. Stupa
_____14. Ang isa sa obra maestrang arkitekturang India na isang temple sa
Java.
ABorobudur B. Minbar C. Tah Mahal D. Angkor Wat
_____15. Tawag sa nitso na may madetalyeng disenyo ng mga Muslim.
A. turbe B. mihrab C. Stupa D. ragas

9
Sanggunian
Aklat:

Rosemarie C. Balndo, Micheal M. Mercado, Marl Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,


Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I.
Balgos, Allan F. Del Rosario at Randy R. Mariano. Araling Panlipunan 7,
Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba*Modyul Ng Mag-aaral (Department of
Education-Bureau of Learning Resources: Groun floor, Bonifacio Bldg., DepEd
Coplex Meralco Avenue, Pasig City Phlippines,2016), Pahina 290-294
Mga larawan

https://tinyurl.com/y26sf5by https://tinyurl.com/yxmlju44
https://tinyurl.com/y42pvkg2 https://tinyurl.com/3slzru77
https://tinyurl.com/5y36mop5 https://tinyurl.com/3eaq3s3m

Pang wakas na Pagsususlit: 1. C 2. C, 3. B, 4. A,5. C, 6. A 7.B, 8. B 9. D 10. D 11.A 12. D 13. D 14. A 15. B
Unang Pagsubok:1B 2.D,3.C, 4.A, 5.B, 6.D, 7. C, 8.A, 9.B, 10.A, 11.D, 12.A, 13.B, 14.D, 15.
Susi sa Pagwawasto

10

You might also like