ARALIN 2 (Hand-Outs)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


STO TOMAS, BATANGAS BRANCH

Aralin 2
Filipinolohiya: Kalagayan ng Halagahan batay sa Sitwasyong
Pangkultura, Pangwika at Panlipunan

INTRODUKSYON
Ang araling ito ay tumatalakay sa kahalagahan at pagpapahalaga sa Filipinolohiya. Papaunlarin
ang Filipinolohiya batay sa aspetong pangkultura, pang-ekonomiya, at pampulitika sa Pilipinas
man o sa ibang bansa. Mapag-iigting sa araling ito ang pagtuklas sa kulturang Pilipino at
maging sa ibang bansa, ang estado ng ekonomiya at pulitika na umunlad dahil sa Filipinolohiya.

KALALABASAN NG PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na kalalabasan ng pagkatuto.:
➢napaghahambing ang kalagayan ng halagahan ng Filipinolohiya batay sa
sitwasyong Pangkultura, Pangwika at Panlipunan sa Pilipinas at sa ibang bansa;
➢natutukoy ang mga kulturang Pilipino; at
➢napahahalagahan ang Filipinolohiya

NILALAMAN NG KURSO
Pagpapahalaga sa Filipinolohiya:
Batay sa aspetong pangkultura, pang-ekonomiya, at pampulitika ng
Pilipinas at ng ibang bansa

Filipinolohiya sa Pilipinas sa aspetong pangkultura


▪ Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at
mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
▪ Ang Wikang Pilipino na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na
salita galing Kastila.
▪ Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano,
Pagano, at iba pang lokal na seremonya.

Kultura ng mga Pilipino


▪ WIKA
- Bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtatanggap ng mensahe
▪ PANINIWALA
- Likas sa mga Pilipino ang maraming paniniwala. Halimbawa na lamang nito ay ang paggamit
ng “po” at “opo” at pagmamano bilang paggalang sa mga nakatatanda.
▪ TRADISYON
- Ang mga Pilipino ay isa rin sa mga malilikhaing tao. Sa iba’t ibang klase ng sining, makikita
ang talento ng mga Pilipino, tulad ng pagsayaw at pagkanta, paguhit at pati rin sa paglalaro.
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

▪ KAUGALIAN
- Ang mga Pilipino ay kilala rin sa kanilang pakikipag kapwa-tao, pagmamagandang-loob o
hospitality, at katatagan sa kabila ng mga unos o resiliency
▪ KASUOTAN
- Filipinyana
▪ RELIHIYON
- Kristiyansimo

Filipinolohiya sa ibang bansa sa aspetong pangkultura


▪ RELIHIYON
- Theravada Buddhism ang pangunahing relihiyon at nagsisilbing mahalagang bagay sa kultura
ng Thailand.
▪ LENGGWAHE
-Thai ang opisyal na lenggwahe sa Thailand
▪ KABUTIHANG-ASAL (ETIQUETTE)
- Bumabati sa pamamagitan ng “Wai”

Paraan ng pagpapahalaga
▪ - Tangkilikin ang pagpapanatili ng Kultura ng Thailand sa lahat ng aspeto mapa-
edukasyon, pananaliksik, animation, at kaunlaran upang maging isang importanteng
kasangkapan sa pagsaayos ng mga suliranin patungkol sa kaugalian ng kaniya-
kaniyang pamumuhay, para sa paglago ng social, economic, at political na kaunlaran, at
para sa pagpapatibay ng soberanya ng Thailand.

Filipinolohiya sa Pilipinas sa aspetong pang-ekonomiya


▪ Ang ekonomiya ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang
bansa. Ito rin ay sumasalamin kung mayroon bang naging pagbabago sa nakalipas na
panahon hanggang sa kasalukuyang sitwasyon. Dito malalaman kung ang isang bansa
ay maunlad, kumakaharap sa matinding problemang pang-ekonomiya o may malaking
positibong pagbabago sa hinaharap. Sa madaling salita, ang ekonomiya ay
sumasalamin sa sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
▪ Ang kaugnayan ng filipinolohiya sa ating ekonomiya ay nagbukas ito ng pinto upang
matuklasan natin na ang ating mga nakasanayang gawain at ang ating mga tinatangkilik
ay nagmula sa ating mga ninuno.
▪ Naipakita rin nito na marami na ang nagbago sa ating ekonomiya dahil sa pagdaan ng
maraming taon ngunit ang mga pagbabagong ito ay nananatili pa ring makapilipino dahil
mayroon tayong sarisariling pinaniniwalaan at ginagawa mula pa noong unang panahon.

Filipinolohiya sa ibang bansa sa aspetong pang-ekonomiya

▪ Napapataas ang antas ng kamalayan sa katayuan bilang dayuhang mamamayan.


▪ Napapataas ang antas ng kamalayan sa uri ng trabahong kinabibilangan.
▪ Napapataas ang kamalayan sa identidad bilang Pilipino at bilang dayuhan.
▪ Nabibigyan ng oryentasyon sa mga natatanging kontribusyon sa pag-angat ng
ekonomiya.
2

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

▪ Nabibigyan ng oryentasyon sa mga pang-ekonomiyang responsibilidad ant karapatan


bilang Pilipino at bilang dayuhan.
Filipinolohiya sa Pilipinas sa aspetong pampulitika
▪ Edukasyon
▪ Hawak ng gobyerno ang edukasyon
▪ “It is the government which must flow from the education and not education from the
government”- Plato

Paalala: Panuorin ang Bidyo na “Bakit Mahalaga ang Filipinolohiya”


https://www.youtube.com/watch?v=LXnZWoXJq7M

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

You might also like