Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 3 (Hand-Outs)
ARALIN 3 (Hand-Outs)
Aralin 3
Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran
INTRODUKSYON
Matatalakay sa bahaging ito ang ginampanan ng Filipinolohiya sa iba’t ibang sektor ng industriya
bilang bahagi ng Pambansang Kaunlaran. Mauunawaan din sa araling ito ang kasaysayan ng
industriya sa bansa at sa maging sa ibang bansa. Magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung
ano ang pangunahing pinagkukuhanan ng kabuhayan ng bawat Pilipino at kung paano
nakaambag ito sa tinatawag na Pambansang Kaunlaran. Tatalakayin din ang kalagayan
Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa. Ganun din ang ugnayan ng Filipinolohiya
at mga industriya sa Pilipinas.
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na kalalabasan ng pagkatuto.:
➢ nailalahad ng komprehensibo ang kasaysayan ng industriya sa bansa;
➢ naaanalisang kritikal ang kalagayan ng Pambansang industriya sa Pilipinas; at
➢ napag-uugnay ang gampanin ng Filipinolohiya sa mga industriya ng Pilipinas.
NILALAMAN NG KURSO
a. Kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa
INDUSTRIYA
Ito ay tumutukoy sa produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa
loob ng isang ekonomiya.
Ang mga ninuno ay umaasa sa likas na yaman. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng 7, 641 na
isla. Ang bawat isla ay mayaman sa likas na yaman at ito ang pangunahing pinagkukunan ng
kabuhayan ng ating mga ninuno. Ang sistemang pang-ekonomiya nila ay sa pamamagitan ng
tinatawag na “Barter”. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating ninuno sa pamilihan-porselana,
banga at seda ang kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.
PANAHON NG KASTILA
(Spain)
PANAHONG KOMONWELT
(Phil. Commonwealth)
PANAHON NG HAPON
(Imperial Japan)
PANAHON NG REPUBLIKA
(Philippines after Independence from US)
LARGE-SCALE INDUSTRY
❖ Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng malalaki at kumplikadong
makinarya sa pagpoproseso ng mga produkto at kailangan ng malalaking lugar para sa
produksyon tulad ng planta at pabrika.
COTTAGE INDUSTRY
❖ Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay o hand-made products). Hindi
hihigit sa 100 mangagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop
ng operasyon nito.
SMALL AND MEDIUM-SCALE INDUSTRY
❖ Binubuo ng 100-200 na mga mangagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa
pagpoproseso ng mga produkto.
SEKTOR NG INDUSTRIYA
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mamamayan
Pagawaan / Manupaktura
❖ Ito ay ang proseso ng pagbabago ng hilaw na materyales para gawing yaring produkto.
Sa sektor na ito ng industriya ang hilaw na materyales ay sumasailalim sa pisikal o kemikal
na transpormasyon.
❖ Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura
at pangingisda. Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang
proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais,
asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.
SERBISYO/UTILIDAD
❖ Ang sektor ng industriya na ito ay nakasentro sa paglilingkod. Ang layunin nito ay
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan.
❖ Ito ang sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at sa nga konsyumer.
Ang serbisyo'y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga
produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng turismo.
❖ Malaki ang kontribusyon nito sa bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng tubig, pagkain, elektrisidad, at
pangangailangan sa kalusugan.
3 URI NG PAGMIMINA
QUARRYING
(IBABAW)
CORDILLERA FALLS
DREDGING
(ILALIM NG
TUBIG)
ZAMBALES
PAGHUHUKAY
PAGKAIN AT KALUSUGAN
❖ Binibigyang pansin nito ang produksyon ng mga produktong tumutugon sa mga
pangangailangan sa pagkain at ang kabuuang pangangalaga sa kalusugan ng mamayan.
TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON
❖ Pangunahing sektor kung saan nakasal ig ang paglago ng ekonomiya. Ang sector na ito
ay nagsisilbing kagamitan sa iba pang sector upang maisakatuparan ang pagsasagawa
ng kani-kanilang tunguhin.
EDUKASYON
❖ Sektor na nangangasiwa sa paglinang ng kaisipan, kakayahan at abilidad ng mamamayan
ng lipunan.
Pabahay at imprastraktura
❖ Ang pinakamagandang halimbawa sa sektor na ito ay ang mga titulong ipinamamahagi
sa mga mamamayan. Upang maunawaan ng mga tao ang lahat ng kanilang karapatan sa
lupa at tahanan, ang titulo ay malimit na nakasulat sa Ingles at sa baba ay may nakasulat
na salin sa Filipino.
EKONOMIYA
Ang ekonomiya ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Ito rin
ay sumasalamin kung mayroon bang naging pagbabago sa nakalipas na panahon hanggang sa
kasalukuyang sitwasyon. Dito malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, kumakaharap sa
matinding problemang pang-ekonomiya o may malaking positibong pagbabago sa hinaharap. Sa
madaling salita, ang ekonomiya ay sumasalamin sa sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
➢ Dito pumapasok ang pagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at mga
konsyumer. Ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay pananalapi, insurance,
komersyo, real state, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-
iimbak, at komunikasyon.
Japan
• Taong 2018, natala na ang japan na pang-apat sa buong mundo na pinakamataas na
nag-aangkat at naglalabas ng produkto.
• Pangalawa sa mundo na pinakamaunlad na bansa
• Pangatlo sa buong mundo na nagmamanupaktyur ng mga sasakyan.
• Pangatlo sa pinakamalaking kumonsumo sa merkado
10
Saudi Arabia
• Simula taong 1970, ito ang bansa pinakamalaking naglalabas ng langis sa merkado
• Pinakamalaking Ekonomiya sa arab at pangalawang pinakamalaki sa rehiyon kasunod ng
Turkey
• Isa sa pinakamababang ranggo sa UN (united nation) gender equality index kung saan
pang-135 sa bilang na 187 na bansa kung saan sinasabing mas mababa ang oportunidad
para sa kababaihan
Singapore
• Sa dekada ng paglaya ng singapore, umunlad ang kanilang bansa mula mababang
nakukuhang kita hanggang sa isa sa pinakamataas na kinikitang bansa
• Ang pagmamanupaktyur at serbisyo ang haligi ng pangunlad ng kanilang bansa
• Sa pinakabagong tala sa World Bank Human Capital Index, ang Singapore ang bansa na
nangunguna sa human capital development, na nangangahulugang ang batang
pinanganak ngayon ay may tsansa na maging 88% produktibosa kanyang paglaki.
11