Makran TV

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

MakranTV

Mango Spray
Guide-Tagalog
Mga dapat malaman sa 12 days after Mag-Induce
MakranTV click the
collapsible

Mga 10-12 days after na mag-spray ng inducer lumalabas na bulaklak. Dito rin
umpisang umaataki ang pesteng Leafhopper,Thrips at Antrhracnoce( isang uri ng
Fungus). Pina-ka goal ng isang matagumpay na mamangga ay ma-kontrol ang dami o
population ng mapanirang peste tulad ng leafhopper at thrips. Dahil sa biglang
paglabas ng mga bulaklak napukaw din ang mga pesteng dati ay di aktibo o natutulog
lang(hibernate) magandang pagkakataon ito , na sila ay magparami pinakagusto
nilang pagkain ang mga bulaklak. Kailangan nating Protektahan ang bagong usbong
na mga Flowers. Pinaka mainam na umpisang mag spray ng Pestecide ay 10-12 days
after induce. Personaly 11 or 12 days ako nag spray. Sa 12 days spray ay pinaka
importante sa lahat lalo na kung di ka naghalo ng pesticide sa pag induce. kailangan
ma zero hangat maaari ang mga peste para di na maka itlog ang mga ito. Dahil pag
marami ang maka-itlog malamang ito ay mapisa sa polination period sa panahon na di
na tayo pwedeng mag spray. Kung sa lugar mo ay maraming thrips mainam na
maghalo ka na ng pamatay thrips kasabay sa pang-hoppers.
Spray:

Calcium nitrate 4-6 klg/drum

Alika 50ml

or other option:

Calcium Nitrate 4-6 klg/drum

Selecron 150ml
MakranTV

Bud emergence attack by hoppers and thrips

Suggested Spray Program 10-12 DAFI(days after flower


induce)sugat

Insecticide
Solomon 50-100ml
Cyphermitren 120ml

. Fungicide Mancozeb 200-400 gms per drum.


+foliar Agar 300ml

*or onother option:


Alika 60ml

Selecron 150ml

Ortiva top 100ml(fungicide) mag systemic na fungicide pagmaulan katulad ni Ortiva


,Custodia,Superstar,Amistar,Folicur,at iba pa....Follow the label dosage

+foliar Agar 300ml


MakranTV

Bud elongation

Suggested Spray Program 15-18 DAFI-follow-up optional pwede


na hindi

Insecticide:

Solomon 50-100ml
Lorsban 150 ml

Mancozeb 250 gram(fungicide)

+foliar Agar 300ml

Pag maulan mag systemic na fungicide)

Ortiva Top 100ml or Amistar(fungicide) kung naka apply ka na sa 12dafi skip ka na dito sa 18dafi doon na sa 21 or
23 dafi mag Amistar or Custodia at kaparihong mayroonh Azosytrobin na AI.
Bakit Kailangang
MakranTV mag Follow-up sa 15-18 DAFI?

Hanggat maari ma zero talaga natin ang hoppers ibig sabihin ma control natin ang
dami (para konti nalang ang makapangitlog). Bawat babae na hoppers kayang
Mangitlog mula 100 to 200 eggs. Kapag naka itlog kahit 500 hopper lang malaki na
ang magiging damage. Ang itlog nito ay mapisa sa loob lang ng 3-5 days, ang nymphs
tatagal hangang 12 to 20 days, Ang nymphs ay ang pinaka mapinsala sa lahat. Kaya
ang spray sa 15-18 days ay para masiguro na makontrol o mapuksa ang natitirang
adult hoppers na maaring nakaligtas sa unang spray o di kayay mayroong bagong
lipat mula sa paligid na halaman o puno.

Bakit Napakahalaga ang Pag-spray ng Pabaon?

Tapos ng pangalawang spray mag spray tayo ng pabaon or sarada (term ito na
ginagamit ng nag-mamangga). Ibig sabihin mag spray tayo ng pesticide para ipabaon.
Kasi matagal pa tayo maka-pag spray ulit. Sa stages na 21 to 34 days ay polination
period.
Suggested Spray program for 20-23 Days DAFI-Pabaon
MakranTV

Chess 80 gram

Cartap 150gram

Benomyl 100gram (fungicide)

or other option: Pag Tag-ulan


Chess 80 gram (para sa hoppers)

Brodan 150ml (thrips at pang uod na cutter) or Selecron 150ml.

Amistar 100ml(Fungicide) Kung nag lagay ka na ng Amitar or Ortiva top ssa 18 dafi mag Benomyl ka nalang dito.

Ang Bulaklak na-damage ng Hoppers at Thrips-zero fruit set


MakranTV

29-30 days may fruit set na


suggested Spray Program for 29-31 days DAFI( "Sundot") ang
MakranTV

sundot or tandog sa visaya ginagawa pag maulan or maraming


thiprs at hoppers ung maganda naman ang takbo sa panahon
maaraw at tolerable ang thrips at talakitik hayaan na at huwag
sundotin o galawindoon na sa hugasan

Sundot

Selecron 50 ml

Sevin 85 125 gram( Kalahati ng pack)

Benomyl 100g (fungicide)

Or other Option:
Aplaud one pack (kung liquid solution 60ml)

Selecron 50ml

Fulicur two pack(fungicide)

Hugas suggested Spray Program for 32-34days DAFI ( maari itong


uliton after 2-3 days pag marami paring hoppers at thrips)

Insecticide:

Gold 150ml
Megatonic 50-100ml

Selecron 100ml

Mancozeb 250gramlfungicide)

Folicur or Benomyl pag maulan


MakranTV

fruit development

Fruit Development
After nito mag spray nalang tayo ng every 5 days bago mag bagging gamit si
Perfecthion or Selecron 200ml per 200 liter drum na tubig.Pagmaulan maglagay ng
sticker, Mancozeb 200 gms.Kung may kurikong

haloan ng Gold or Alika. Sa fruit developement mag lagay tayo ng foliar every 10-15
days interval para mas maganda ang Quality ng mangga natin.
MakranTV

Thrips

Suggested Thrips management

Sa mga lugar na maraming thrips or lalo na may history sa thrips ang lugar ninyo
maiging mag-apply ng pesticide na pang thrips. Kilalang Spinosad,Thripshield ,
Agrimik . Kailan pwede gamitin? Isama sa mix ng Inducer.

Bagging Stages

Para sa kaalaman kung paano mag bagging (Balotin ang bunga ng Mangga) tingnan
po ninyo ang aking YouTube videos sa ibaba;

Problemang Kurikong: wala talagang 100% na solusyon dito,


makontrol lang talaga ang damage sa pamamagitan ng Bagging or
balot. Start bagging as early as posible 45-60 DAFI. Pausokan mo
ang Mangga after fruit set until Bagging from 5:00 pm to 9:00
pm,matrabaho talaga.
MakranTV
Paano Gumawa ng Pang balot ng Mangga at Prutas

Tutorial sa Paggawa ng Old news para sa bagging ng Mangga


MakranTV
Paano ang pagbalot sa bunga ng mangga.Good Agricultural Practices(GAP).tagalog

paraan sa Pagbalot
MakranTV
How to wrap mango using paper bag- menaiki mango- mangga mengantongi- aam

Short Video sa Bagging procedure


MakranTV
Sekreto Paano Mapabunga Ang Mangga At Paano Mapabulaklak

Factor or Circumstances thats contributes mango to Flower


MakranTV
paano mapabunga at mapabulaklak ang mangga, How to force mango to flower.

Forcing Mango to Flower


MakranTV
Paano Pag Harvest ng Mangga - Pag ani ng mangga

harvest

Email me: pado_300@yahoo.com.ph


Disclaimer
MakranTV
Lahat na tips at suggestions na makikita sa sites

na ito ay mula sa personal ko na karanasan

ang mga resulta ay maaaring magkakaiba depende

sa panahon at Lugar.

You might also like