ARALIN 3 (Hand-Outs)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


STO TOMAS, BATANGAS BRANCH

Aralin 3
Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran
INTRODUKSYON
Matatalakay sa bahaging ito ang ginampanan ng Filipinolohiya sa iba’t ibang sektor ng industriya
bilang bahagi ng Pambansang Kaunlaran. Mauunawaan din sa araling ito ang kasaysayan ng
industriya sa bansa at sa maging sa ibang bansa. Magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung
ano ang pangunahing pinagkukuhanan ng kabuhayan ng bawat Pilipino at kung paano
nakaambag ito sa tinatawag na Pambansang Kaunlaran. Tatalakayin din ang kalagayan
Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa. Ganun din ang ugnayan ng Filipinolohiya
at mga industriya sa Pilipinas.

KALALABASAN NG PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na kalalabasan ng pagkatuto.:
➢ nailalahad ng komprehensibo ang kasaysayan ng industriya sa bansa;
➢ naaanalisang kritikal ang kalagayan ng Pambansang industriya sa Pilipinas; at
➢ napag-uugnay ang gampanin ng Filipinolohiya sa mga industriya ng Pilipinas.

NILALAMAN NG KURSO
a. Kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa

INDUSTRIYA
Ito ay tumutukoy sa produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa
loob ng isang ekonomiya.

PANAHON BAGO DUMATING ANG KASTILA


(Pre-Colonial)
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

Ang mga ninuno ay umaasa sa likas na yaman. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng 7, 641 na
isla. Ang bawat isla ay mayaman sa likas na yaman at ito ang pangunahing pinagkukunan ng
kabuhayan ng ating mga ninuno. Ang sistemang pang-ekonomiya nila ay sa pamamagitan ng
tinatawag na “Barter”. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating ninuno sa pamilihan-porselana,
banga at seda ang kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.

PANAHON NG KASTILA
(Spain)

❖ Naging komplikado ang


sistemang barter dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng mga
pangangailangan.
❖ Paggamit ng sinaunang teknolohiya.-araro, suyod, at kawit.
❖ Nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila.
❖ Nagkaroon ng buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino.

❖ Nakilala ang reales na


ginagamit ng mga Pilipino
sa pagbabayad ng buwis
sa halip na produkto

❖ Hindi nagbabayad ang


mga Pilipinong
nagtatrabaho sa
pamahalaan ng Kastila
Klasipikasyontulad
sa estado ng tao de
ng cabeza noong panahon ng Kastila:
barangay. 2

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

❖ Peninsulares –ito ang mga


purong Espanyol na
ipinanganak sa Espanya na
nanakop ng mga bansa
upang mamuno.

❖ Insulares- tinatawag din


silang creoles dahil sila ang
mga Espanyol na
ipinanganak sa Pilipinas.

❖ Mestizo- ito ang mga


Espanyol na may dugong
Pilipino.

❖ Indio- ang pinakamababang


antas. Ito ang mga purong
Pilipino na naninirahan sa
Pilipinas

❖ Ang mga Pilipino ay gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan


❖ Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo (bayan kung saan naninirahan ang
mga katutubo) ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili
sa pamahalaan.
❖ Tumagal ang sistemang ito mula 16 na siglo hanggang 1815.

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

Sa panahon ni Gob. Heneral Jose


Basco Y Vargas:
Umunlad ang agrikultura ng bansa at
natuto ang mga tao ng pagtatanim ng
bulak at mga sangkap sa pagkain tulad
ng paminta..
Nagkaroon ng mga plantasyon,
binigyang-halaga ang paggamit ng
kalabaw sa pagtatanim, at lumaganap
ang monopolyo sa tabako.
Gob. Heneral Jose Basco Y Vargas

❖ Nakilala ang Pilipinas ng mga mangangakal sa Europeo at nabuksan ang malayang


kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino.
❖ Kasabay ng pag-unlad ng Pilipinas sa paggamit ng lupa ang pag-usbong ng sistemang
enkomyenda. Dahil sa kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa,
sinamantala ng mga mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa.
❖ Dahil walang kaalaman ang mga Pilipino ukol sa kautusan ng Hari ng Espanya, wala
silang magawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan.
❖ Dito nagsimula ang pangangamkam ng lupa at ang Paglawak ng pagtayo ng mga
hacienda.
PANAHON NG AMERIKANO (U.S.A.)

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

Umunlad ang pagtatanim ng abaka,


tabako, asukal, palay, at iba pang
produkto.
Umunlad ang pagsasaka at gumamit
ng mga makabagong pamamaraan
sa pagtatanim.
Dahil dito, lumaki ang produksiyon na
nagdulot ng pag-unlad sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

PANAHONG KOMONWELT
(Phil. Commonwealth)

Noong 1934, sa pamamagitan ng


Batas Tyding-McDutfie,
binigyaug-ganap ng Kongreso ng
Amerika ang kasarinlan ng
Pilipinas.
Sa panahon ding ito itinatag ang
National Development Company
at National Power Corporation

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

PANAHON NG HAPON
(Imperial Japan)

Bumagsak ang ekonomiya ng


Pilipinas dahil sa digmaan.
Napilitan na silang ipagbili ang
kanilang pag-aari upang sila ay
mabuhay at bumaba ang halaga
ng salaping Mickey Mouse Money
na ipinalabas ng pamahalaang
Hapon. “Mickey Mouse” Money

PANAHON NG REPUBLIKA
(Philippines after Independence from US)

Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya


ng bansa. Upang makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong
Manuel Roxas ng tulong sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa
ekonomiya ng bansa.

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

b. Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang


Bansa
Ano ang industriyalisasyon?

Ang industralisasyon ay ang pagbabagong panahong panlipunan at pang-ekonomiya na


humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang
lipunang industriya, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa
pagmamanupaktura.

Uri ng Industriya ayon sa laki

LARGE-SCALE INDUSTRY
❖ Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng malalaki at kumplikadong
makinarya sa pagpoproseso ng mga produkto at kailangan ng malalaking lugar para sa
produksyon tulad ng planta at pabrika.
COTTAGE INDUSTRY
❖ Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay o hand-made products). Hindi
hihigit sa 100 mangagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop
ng operasyon nito.
SMALL AND MEDIUM-SCALE INDUSTRY
❖ Binubuo ng 100-200 na mga mangagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa
pagpoproseso ng mga produkto.

SEKTOR NG INDUSTRIYA
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mamamayan

Pagawaan / Manupaktura
❖ Ito ay ang proseso ng pagbabago ng hilaw na materyales para gawing yaring produkto.
Sa sektor na ito ng industriya ang hilaw na materyales ay sumasailalim sa pisikal o kemikal
na transpormasyon.
❖ Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura
at pangingisda. Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang
proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais,
asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.

SERBISYO/UTILIDAD
❖ Ang sektor ng industriya na ito ay nakasentro sa paglilingkod. Ang layunin nito ay
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan.
❖ Ito ang sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at sa nga konsyumer.
Ang serbisyo'y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga
produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng turismo.

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

❖ Malaki ang kontribusyon nito sa bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng tubig, pagkain, elektrisidad, at
pangangailangan sa kalusugan.

PANGUNAHING OPORTUNIDAD PARA MAPALAWAK ANG SEKTOR NG SERBISYO


❖ Pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo.
❖ Pagpapalawak ng turismo para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
❖ Pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa
ibang bansa at manatili na lamang dito.
KONTRUKSYON
❖ Sektor ng industriya na nakapokus sa pagpapagawa ng mga malalaking gusali at
imprastraktura. Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng
trabaho.
❖ Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang pilipinas
dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa
mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa
anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa at hindi na kailangan ng mga
pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang makahanap ng
pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami
ng mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa
natin sa sektor ng industriya.
BUILD BUILD BUILD PROGRAM
❖ Ito ay planong pang imprastraktura ng pamahalaan na naglalayong maglatag ng mga
road networks, mahahabang tulay, flood control at urban water systems, mga
pasilidad para sa public transport gaya ng mga ports o daungan, airports o paliparan,
at mga riles ng tren.
PAGMIMINA
❖ Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang pagmimina
ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot.
Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral,
na katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang
mga bagay, katulad ng langis at likas na gas.

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

3 URI NG PAGMIMINA

QUARRYING
(IBABAW)

CORDILLERA FALLS

DREDGING
(ILALIM NG
TUBIG)

ZAMBALES

PAGHUHUKAY

Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan at kagubatan sa


bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan.

PAGKAIN AT KALUSUGAN
❖ Binibigyang pansin nito ang produksyon ng mga produktong tumutugon sa mga
pangangailangan sa pagkain at ang kabuuang pangangalaga sa kalusugan ng mamayan.

KURYENTE, GAS AT TUBIG


❖ Mahalagang sector ng industriya na nagsisilbing pangunahing serbisyo na kailangan sa
bawat proseso o produksyon.

TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

❖ Pangunahing sektor kung saan nakasal ig ang paglago ng ekonomiya. Ang sector na ito
ay nagsisilbing kagamitan sa iba pang sector upang maisakatuparan ang pagsasagawa
ng kani-kanilang tunguhin.

EDUKASYON
❖ Sektor na nangangasiwa sa paglinang ng kaisipan, kakayahan at abilidad ng mamamayan
ng lipunan.
Pabahay at imprastraktura
❖ Ang pinakamagandang halimbawa sa sektor na ito ay ang mga titulong ipinamamahagi
sa mga mamamayan. Upang maunawaan ng mga tao ang lahat ng kanilang karapatan sa
lupa at tahanan, ang titulo ay malimit na nakasulat sa Ingles at sa baba ay may nakasulat
na salin sa Filipino.

EKONOMIYA
Ang ekonomiya ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Ito rin
ay sumasalamin kung mayroon bang naging pagbabago sa nakalipas na panahon hanggang sa
kasalukuyang sitwasyon. Dito malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, kumakaharap sa
matinding problemang pang-ekonomiya o may malaking positibong pagbabago sa hinaharap. Sa
madaling salita, ang ekonomiya ay sumasalamin sa sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.

MGA SEKTOR NG EKONOMIYA


SEKTOR NG AGRIKULTURA
❖ Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga
hayop at mga tanim o halaman. Ito ay mahalaga dahil dito nagmumula ang mga hilaw na
materyal na pinakikinabangan ng industriya.
❖ Ang gawaing kinapapalooban ng pagbibigay tugon sa mga produktong nagsisilbing
pangunahing pangangailangan ng tao at nagsisilbing ding pangunahing s angk ap na
bumubuo sa iba pang mga produkto. Kinapapalooban ito ng pagsasaka, paghahayupan,
pagtotroso, at pangingisda

SEKTOR NG PAGLILINGKOD
➢ Dito pumapasok ang pagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at mga
konsyumer. Ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay pananalapi, insurance,
komersyo, real state, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-
iimbak, at komunikasyon.

Industriyalisasyon sa ibang bansa

Japan
• Taong 2018, natala na ang japan na pang-apat sa buong mundo na pinakamataas na
nag-aangkat at naglalabas ng produkto.
• Pangalawa sa mundo na pinakamaunlad na bansa
• Pangatlo sa buong mundo na nagmamanupaktyur ng mga sasakyan.
• Pangatlo sa pinakamalaking kumonsumo sa merkado

10

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MODYUL
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH 2020-2021

Saudi Arabia
• Simula taong 1970, ito ang bansa pinakamalaking naglalabas ng langis sa merkado
• Pinakamalaking Ekonomiya sa arab at pangalawang pinakamalaki sa rehiyon kasunod ng
Turkey
• Isa sa pinakamababang ranggo sa UN (united nation) gender equality index kung saan
pang-135 sa bilang na 187 na bansa kung saan sinasabing mas mababa ang oportunidad
para sa kababaihan
Singapore
• Sa dekada ng paglaya ng singapore, umunlad ang kanilang bansa mula mababang
nakukuhang kita hanggang sa isa sa pinakamataas na kinikitang bansa
• Ang pagmamanupaktyur at serbisyo ang haligi ng pangunlad ng kanilang bansa
• Sa pinakabagong tala sa World Bank Human Capital Index, ang Singapore ang bansa na
nangunguna sa human capital development, na nangangahulugang ang batang
pinanganak ngayon ay may tsansa na maging 88% produktibosa kanyang paglaki.

11

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

You might also like