Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Nagmamahal, Carmela

ni Nicole Cabarteja

Mula pagkabata laging magkasama ang magkaibigang Gabriel at


Carmela. Magkasundo sila sa lahat ng bagay at mga Gawain
kung kaya nagging malapit sila sa isa’t isa. Habang tumatagal ay
napagtanto ni Carmela ang kaniyang nararamdamang
pagmamahal kay Gabriel. Dumating ang panahon na nabigyan
ng pagkakataon si Gabriel na makapag-aral sa isang kilalang
unibersidad sa ibang bansa.

“Carmela, nakapasa ako!’’ masayang wika ni Gabriel.

“Hala? Totoo ba? Matutupad mo na ang pangarap mo,


Congratulations! Sana-all!” ang pahayag ni Carmela.

Masaya si Carmela para kay Gabriel ngunit alam niya na


mapapalayo siya sa taong kaniyang pinakamamahal. Nang
dumating ang araw ng pag-alis ni Gabriel malungkot ang
nadama ni Carmela.

“Hindi ko alam kung kaya kong hindi ka Makita araw-araw”


malungkot na wika ni Gabriel.

“Alam kong kering-keri mo yan, Natupad mo nga ang pangarap


mong eskwelahan. Ngayon tupadin mo ng pangarap mo para sa
iyong sarili” galak na wika ni Carmela.

Bago nagpaalam si Gabriel niyakap niya ng mahigpit si Carmela


na para bang may malalim na nararamdamang pagmamahal ito.

Makalipas ang limang taon, wala nang balita si Carmela kay


Gabriel. Akala nito nakalimutan na siya ngunit may isang sulat
na dumating sa kaniya. Ang sulat na ito ay patungkol sa kasal ni
Gabriel. Nagulat, Nasaktan, Natulala si Carmela sa nakalagay sa
liham. Nag-dadalwang isip si Carmela kung dadalo ba siya o
hindi sa kasal ng kaniyang pinakamamahal na si Gabriel.
Nagpasya itong pumunta dahil nais din niyang sabihin ang
nararamdaman niya para kay Gabriel.

Nang makarating ito sa kasal ay muli niyang nakita ang bumihag


sa kaniyang puso ngunit huli na siya para sabihin ang kaniyang
nadarama. Nang makarating sila sa resepsyon ng kasal tinawag
si Carmela upang magbigay ng toast para kina Gabriel at sa
kaniyang asawa na si Kasey.

“Ang pagpili ng taong gusto mong pagbabahagian ng iyong


buhay ay isa sa pinakamahalagang desisyon nagagawin ng
sinuman sa atin, Kailaman.

Dahil kapag alam mong mali, nagiiba yung kulay ng buhay mo.
At minsan hindi mo napapansin hanggang sa paggising mo isang
umaga ay napagtanto mo ang lumipas na ang taon. Pareho
nating alam ang tungkol doon, Gabriel.

Ang pagkakaibigan mo sakin ay nagdala ng dakilang kasayahan


sa buhay ko. Nandiyan ka kahit nasa pinakamadilim na panahon
at ako ang pinakamaswerteng taong nabubuhay para sa regalong
iyon. Sana hindi ko nalang kinuha. Iisipin ko siguro ginawa ko
na. Dahil kung minsan hindi mo nakikita na ang
pinakamagandang bagay na nangyari sa iyo ay nakaupo lang
diyan, sa ilalim mismo ng iyong ilong. At ayos lang din. Ayos
lang talaga.

Dahil napagtanto ko na kahit na saan ka man, o ano man ang


ginagawa mo, o kung kahit sino man ang iyong kasama… Ako
ay palaging tapat, tunay, lubos na mahal ka… Parang… Mahal
na kapatid na babae at mahal na kaibigan. Basta lagi akong
andito para sayo, Gabriel. Kahit gaano ka-weird o baluktot.
Kaya tayo’y magbigay ng toast para sa bagong kasal.” Taos-
pusong inihayag ni Carmela.

Nang marinig ni Gabriel ang nakakaantig na wika ni Carmela


napaiyak ito. Ang hindi alam ni Carmela ay kaya lamang
pinakasalan ni Gabriel ay sa kadahilanang nag dadalang tao si
Kasey.

Nagpursige si Carmela magnegosyo ng hotel at sa kabutihang


palad ay lumago ito. Nang magkaroon siya ng unang kostyumer
ay nagulat ito na si Gabriel.

“Gab-Ga-Gabriel, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Carmela

“Gusto kong mag-pa check in please.” Wika ni Gabriel.

Habang naglalakad sila, sinabi ni Gabriel kay Carmela na


tinapos na niya ang kanyang kasal kay Kasey, at ibinahagi sa
kanya ang isang paulit-ulit na panaginip na mayroon siya
tungkol sa kanilang dalwa. Nang sila ay magkatitigan alam nila
sa pakakataong mamahalin nila ng buong puso ang isa’t-isa.

You might also like