Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FIILIPINO Ikalawang Markahan-Week 6

Rae Simone B. Sampang


10-Loyalty
PAGSUSURI NG PELIKULA

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula:
Harry Potter and the Sorcerer’s Stone
B. Direktor:
Chris Columbus
C. Prodyuser:
David Heyman
D. Pangunahing Tauhan:
Harry Potter-Daniel Radcliffe-Ang bida sa kwento sa serye na “Harry
Potter”, si Harry ay minarkahan din ng paghaharap sa pagitan ng mabuti at
masamang salamangka na naging sanhi ng peklat na ito: ang pagtigil sa
pagitan ng kasamaan na si Voldemort at ng kanyang mga magulang na
namatay upang iligtas ang kanilang anak. Ang kuwento ay naging isang
kuwento ng paghihiganti ni Harry sa kanilang mga maling pagkamatay.
E. Tema ng Pelikula:
Ang tema ng pelikula ay tungkol sa katatagan ng loob at determinasyon sa
pagharap ng mga pagsubok sa buhay.
F. Buod ng Pelikula:
Nagbukas sa isang pagdiriwang ang kuwento na kadalasang palihim
dahil ang mga nagdaang taon ay laging ginugulo ni Lord Voldemort. Bago
ang gabing iyon, natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng mag-anak
na Potter, at pinatay sina Liliy at James Potter. Ngunit nang itinuro na niya
ang kaniyang wand sa sanggol nitong anak na si Harry, ang sumpang patayin
ito ay bumalik sa kanya. Ang kaniyang katawan ay nasira, at si Voldemort
ay naging isang walang kapangyarihan kaluluwa, naghahanap ng isang lugar
sa mundo na walang makakaistorbo samantalang si Harry naman ay naiwang
may marka ng kidlat sa kaniyang noo, ang natatanging palatandaan ng
sumpa ni Voldemort. Ang misteryosong pagkatalo ni Voldemort kay Harry
ay nagresulta sa pagkakakilalang “ang batang nabuhay” sa mundo ng mga
wizard.

Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kaniyang


malupit, at walang kapangyarihang mag-anak, ang Dursleys, na walang
pakialam sa pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry . subalit sa
paparating na ikalabing-isa niyang kaarawan, nagkaroon si Harry ng unang
kontak sa daigdig ng mahika nang makatanggap siya ng sulat galling sa
Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, na kinuha naman ng kaniyang
Tiya at Tiyo bago pa niya ito magawang mabasa. Sa kaniyang ilalabing-
isang kaarawan, sinabihan na siya ay isang wizard at inaanyayahan na
pumunta sa Hogwarts. Sinabihan siya ni Hagrid na nagturo sa kaniya kung
paano gumamit ng mahika at gumawa ng potions. Natutuhan din ni Harry na
malagpasan ang mga panlipunan at emosyonal na hadlang sa kaniya sa
paglaban niya hanggang sa kaniyang pagbibinata at pagharap sa
makapangyarihang si Voldemort.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika- Nababagay ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula dahil


angkop ito batay sa eksena at emosyong ipinapakita ng mga tauhan.
Nakatulong ang mga sound effects na ginamit sa mga mahika na mas lalong
nagpatingkad sa kagandahan ng kuwento.
B. Sinematograpiya- Mapusyaw ang kulay ng pelikula sa mga eksenang
gumaganap ang mga kontrabida dahil gumagamit sila ng mahika sa
kadiliman at matingkad naman ang kulay sa mga eksenang nagpapakita ng
masasayang emosyon at tagumpay. Makatotohanan ang mga visual effects
na ginamit dahil detalyadong nailarawan ang tagpuan ng kuwento na puno
ng salamangka at mahika.
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari- Maayos ang pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari. Hindi ito nakakalito dahil sinimulan ito sa kung paano
siya nabuhay sa piling ng kanyang Tiya at Tiya hanggang sa natuklasan na
niya ang kanyang tunay na pagkatao.
D. Pagganap ng mga Artista- Ang mga karakter na ginamit dito ay
nagpapaalala ng mga taong kilala na natin at sa mga taong dapat pa nating
kilalanin. Tulad ng batang mataba na laki sa layaw na si “Dudley” o kaya
ang mala ‘boss’ o mapanghimasok ngunit may malambot na puso na si
Hermone. Malaking bilang rin ng mga manonood ang makaka-relate kay
Harry partikular sa kaniyang inisyal na damdamin ng ganap na
pagkakahiwalay at ‘di kasali sa isang pamilya ngunit dumating ang panahon
na dapat na niyang iwanan ang naturang buhay upang pumunta sa lugar
kung siya kabilang at maging ganap na masaya.
E. Tagpuan- Sadyang nailarawan ng Mabuti at detalyado ang Hogwarts bilang
kaakit-akit na lugar na hindi lamang puno ng salamangka at mahika na tunay
na katangiang pinapangarap ng pangunahing tauhan.

III. Kahalagahang Pantao

A. Paglalapat ng Realismo:
Ito ay isang piksyon na panitikan. Samakatuwid, hindi makatotohanan ang
mga pangyayari sa akda dahil nagtataglay ng kapangyarihan ang
pangunahing tauhan.
B. Mga Aral:
Iba’t ibang pakikipagsapalaran ang dinaanan nila Harry kasama ang kanyang
dalawang kaibigan (Hermione at Ron) sa lugar ng Hogwarts. Malakas ang
nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkaibigan na naipakita sa
mahusay na pagkakaganap ng mga artista.
C. Kabuuang Pananaw:
Para sa akin, kakaiba ang pelikula na ito dahil nakuha nito ang kiliti ng masa
lalo na ang kabataan. Nagpatingkad sa pelikulang ito ang mga visual effects
sa pagpapalabas ng mahika at ang mahusay na pagkakagawa ng iskrip na
nakakapukaw ng damdamin.
TAYAHIN

1. Ang nobela ay isang uri ng panitikang prosa na tinatawag ding akdang-


buhay o kathambuhay. Isang mahabang kuwentong piksiyon o hindi man
piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata ang isang nobela. Samantalang
ang pelikula naman na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Maaaring tawaging dulang
pampelikula, motion picture, theatrical film, o photoplay. Parehong sining
ang nobela at pelikula. May mga tauhan at maaaring mabalangkas. Nahahati
sa panimula, kasukdulan at wakas. Kalimitan ay parehas na mahaba ang
nobela at pelikula.

2. Ang mga elementong lumulutang dito ay tauhan, tagpuan, saglit na


kasiglahan, suliranin, kasukdulan, kakalasan, at wakas.

3. Ninanais ng mga tao na isapelikula ang isang nobela upang mabigyan ng


kulay ang kanilang imahnasyon. Dagdag pa rito, ang pagbabasa ng nobela ay
mas nakakakonsumo ng oras kaysa sa panonood ng isang pelikula.

4. Kung ako ay isang prodyuser, gugustuhin kong isapelikula ang nobelang


tulad ng Harry Potter. Mula sa mga eksenang binubuhay lamang ng
mambabasa sa kaniyang imahinasyon, ay magkakaroon ng konkretong
pagsasabuhay sa pinilakang-tabing. Nalalapatan ng buhay ang magagandang
linya ng mga aktor na siya namang nagbibigay katotohanan sa mga tauhang
minahal sa noon ay nakasulat lamang na nobela.

You might also like