Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino-I

Martes, Marso 9, 2021

I. Layunin: Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento sa tulong ng mga


larawan at pamatnubay na tanong .
II. Paksang -Aralin : Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga larawan
Sanggunian: MELC Filipino 1 (F1PN-IIf-8)
Filipino Modyul 7 Ikalawang Markahan
Kagamitan: Tsart, mga larawan, Laptop, TV
Pagsasanib: ESP, ARPAN, MATH
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda:
Magandang umaga mga bata, bago natin simulan ang klase atin munang ipaalala ang mga protocols
ngayong new normal.
- Ipaalala ang paggamit ng behavioral chart.
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral:
Balikan natin ang kuwento ni Dr. Jose Rizal “Ang Kuwento ng Ina tungkol sa Gamu-Gamo”
(Balikan ng Guro ang kuwento sa pamamagitan ng Video Presentation at ipagawa ang Pagsunod-sunod
ng mga pangyayari ng kuwentong nabasa. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ayon sa wastong pagkasunod-
sunod nito.

2. Paglalahad (Activity)
Ngayong umaga ay pag-aralan natin ang tamang Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwentong
narinig. Pero bago tayo magpatuloy, masdan muna ang mga larawang ito.
Kaya mo bang i-ayos ang mga larawang ito batay sa tamang pagka sunod-sunod?
Para gawin ‘yan, maglaro muna tayo. “Isang tanong, isang sagot”
(Ipakita ang bidyo sa mga mag-aaral)
Ngayong napag sunod-sunod mo na nang mahusay ang iyong mga Gawain sa umaga,
Ay handa ka na ba sa ating kwento? Pakinggan at unawaing mabuti an gating kwentong “Ang Dagang
Mahilig sa keso”
(Ipakita ang kuwento sa TV projector)
Si Bubwit ay isang kyut na daga. Mahilig siyang kumain ng keso. Ito ang paborito niyang pagkain.Malaki
ang sweldo ng tatay ni Bubwit. Sa isang pabrika ng keso ito nagtatrabaho..Ang keso ay murang
ipinagbibili sa mga manggagawa ng pabrika. Ito ang dahilan kaya laging may pasalubong na keso ang
ama kay Bubwit.Marami ang naiinggit kay Bubwit. Lagi siyang may baong keso sa pagpasok sa eskwela.
“Heto, tikman ninyo.” Alok niya sa mga kaklase.Mahal na mahal si Bubwit ng ama at ina. Lahat ng gusto
niya ay ibibigay ng mga ito. “Isukat mo. Binurdahan ko ito para sa iyo.”“Inay, ang ganda po ng
sumbrerong ito. Salamat po,” sabini Bubwit. “Isuot mo ito sa kaarawan mo, ha?” sabi ng nanay
niya.Masarap ang buhay ni Bubwit. Hindi problema ng kanyangpamilya ang pera. Nakakain niya ang
lahat ng kesong gusto niya.Natutuwa naman ang mga magulang ni Bubwit sa kanya. Nag – aaral kasi ito
ng mabuti. Mataas ang kanyang marka.Ang akala ni Bubwit ay walang katapusan ang ligaya.
Hanggang isang araw ay umuwing malungkotang kanyang ama... natanggalito sa trabaho.Kailangan
nilang magtipid.Iyon ang sabi ng ina ni Budwit.Paunti-unti narin sila kung kumain ng keso.Nahirapan
humanap ng bagong trabaho ang tatay ni bubwit.Minsan ay inabutan pa ito ng malakas na ulan at nababad
sa basa.Nang gabing iyon ay nagising si Bubwit sa tawag ng kanyang ina. “Gisingin moang kapit bahay
natin. Dadalhin natin sa doctor ang tatay mo. Nagkaroon ng pulmonya ang tatay ni Bubwit. Ang natitira
nilang pera ay ipinambayad sa doctor at pambili ng mga gamot nito. Ubos na ang keso nila. Wala na
silang pagkain. Wala na ring pambaon sa eskwela si bubwit. “Okey lang po kahit wala akong baon, Inay”
Maraming kaibigan ang naawa kay Bubwit. “Talagang ganyan ang buhay. Minsan naman ay naranasan
kong kumain ng masarap na keso,” aniya sa kaibigan.
Madiskarte ang nanay ni Bubwit. Tumanggap ito ng mga buburdahang damit upang may pagkakitaan
habang inaalagaan ang asawa. Pagkatapos naman ng klase ay umuuwi agad si Bubwit. Siya ang nagluluto
Siya rin ang nagpapainom ng gamot sa tatay niya. ng kanilang hapunan. Sinikap naman ng tatay niya na
gumaling agad. “Kaya ko na ang katawan ko, anak. Maraming salamat sa pag-aalaga mo.”
“Pasensya na at hindi ka na nakakain ng keso.” “Mas mahalaga pa po sa akin ang gumaling kayo. Pwede
naman po akong mabuhay ng walang keso.” Nang gumaling na ang tatay ni bubwit ay muling naghanap
ng trabaho. Swerte naman natanggap ito. “Magsisimula ka na sa Lunes.”
Maayos na muli ang buhay nila. Nalampasan nila ang pagsubok. “Inuwian kita ng keso.” “Salamat po
Itay!” Pinatunayan nila na anumang problema ay maka-kayang lampasan ng isang pamilya kung sama-
sama at magtutulungan ang mag-anak.

3. Pagtatalakay (Analysis)
1. Ano ang pangalan ng kyut na daga?
2. Sino ang nagtatrabaho sa pabrika ng keso?
3. Saan lagi nagdadala ng keso si Bubwit?
4. Nang natanggal sa trabaho ang Tatay ni Bubwit, anong nangyari sa kanyang kalusugan?
5. Ano ang ginawa ni Bubwit habang may sakit ang kanyang tatay?
6. Gumaling ba ang tatay niya? Ano ang huling naganap sa kwentong nabasa?

Sa pamamagitan ng mga ginabayang tanong pagsunud-sunod natin ang mga pangyayari ayon sa
larawang inihanda ng guro. Lagyan ng bilang 1-6 ayon sa wastong pagkakasunod-sunod nito

Bilang Larawan Pangyayari


Si Bubwit ay isang kyut na daga. Mahilig siyang
kumain ng keso. Ito ang paborito niyang pagkain.

Pinatunayan nila na anumang problema ay maka-kayang


lampasan ng isang pamilya kung sama-sama at
magtutulungan ang mag-anak.

Siya ang nagpapainom ng gamot sa tatay niya.

Sa isang pabrika ng keso nagtatrabaho ang tatay ni


Bubwit.

Lagi siyang may baong keso sa pagpasok sa


eskwela.

Nagkasakit ang tatay ni Bubwit,dinala nila ito sa


doctor kasi nagkaroon siya ng pulmonia.
*Pagsasanib
Anong kabutihang nagawa ni Bubwit sa kanyang tatay habang ito ay nagkasakit?
Dapat ba nating siyang tularan?
Sa sitwasyon natin ngayon na sa new normal, paano tayo makakatulong sa ating mga magulang?

4. Ginabayang Pagsasanay (Abstraction)


Bakit mahalaga ang tamang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?
Dapat natin tandaan na sa pakikinig at pagbabasa at gamit ang patnubay na tanong nalalaman natin ang
pagsunod sunud ang pangyayari sa kuwento.

5. Paglalapat (Application)
Bago tayo magtungo sa activity, ating balikan ang pamantayan na dapat natin gawin kapag may
Gawain. (Pagbigay ng mga pamantayan)
-hatiin sa 3 grupo ang klase.
Ipagawa sa bawat grupo ang mga actividad

Unang Grupo
Panuto: Ayusin sa tamang pagkakasusunud-sunod ang mga larawan. Lagyan ng A ang unang
naganap at E sa pinakahuling pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_________1. A

_________2. B

_________3. C

_________4. D

_________5. E

Ikalawang Grupo
Panuto: Pagsunud-sunurin ang tamang life cycle na nasa kanan gupitin ng parisukat ang larawan at
idikit sa kaliwang bahagi.

Ikatlong Grupo
IV. Pagbibigay -Halaga
Mula sa kwentong “Ang dagang mahilig sa keso” Pagsunod-sunurin ang mga
larawan ayon sa mga pangyayari sa kuwentong nabasa. Lagyan ng bilang 1-6 ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod nito.

1. 4.
___________ ___________

2. ___________ 5. ___________

3.
___________ 6. ___________

V. Takdang -Aralin

Sa inyong asignaturang kuwaderno , isulat ang tamang pagkakasunud-sunod ng hakbang sa


pagsasaing na bigas. Humingi ng tulong sa inyong magulang upang magawa ang gawaing ito.

You might also like