Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of Alaminos City
Pangasinan State Universiy - Alaminos City Campus

MASUSING BANGHAY ARALIN SA UNANG BAITANG


NG ASIGNATURANG MTB-MLE

Inihanda Ni:
BERNADETTE
MONTEROLA
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang
pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang
konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking
nakapagsasalaysay ng kwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan
bilang Pilipino sa malikhaing pamamaraan.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol
sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang
pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino

II. NILALAMAN
III. Subject: Araling Panlipunan
Paksa Ng Aralin: Pagkilala Sa Sarili
Values Integration: Palakaibigan,Pakikisama, Respeto sa Kapwa
GAD Integration: Walang pinipiling kasarian ang guro sa pagpili ng mga batang
sasagot sa mga katanungan sa oras ng talakayan.
Mga Kagamitan: Laptop(, Power Point Presentation), Larawan
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo, pahina 3-8;Kagamitang pang Mag aaral,
pahina 3-9

IV. PAMAMARAAN
GAWAING PANG-GURO GAWAING PANG BATA
A. PAUNANG AKTIBIDAD

I. Pagbati
Magandang araw mga bata!Ako ang
inyong guro.Ang ngalan ko ay Bernadette
Monterola at pwede ninyo akong tawaging Magandang Araw din po Teacher Deth.
teacher Deth.
II. Panalangin
Bago tayo tuluyang mag- (Sa pangalan ng Ama,ng Anak,ng
umpisa,tayo ay madarasal Espititu Santo.Amen)
muna._______pangunahan mo
ang ating pagdarasal.

III. Pagtatala NgLumiban

Sa araw bang ito ay mayroong lumiban Wala po teacher.


sa klase?

Mahusay at lahat ay narito.

B. BALIK ARAL/REBYU

Marahil alam na ninyo ang inyong mga


kasarian. Opo

Ngayon,itaas ko ang aking kaliwang


kamay at lahat ng babae ay tatayo at
pagtaas ng kanang kamay ang mga lalaki
naman ang tatayo.
Maliwanag ba mga bata?
(Aktibong nakilahok ang
(Nagtaas ng kamay ang guro)
mga bata)

)
C. PAGGANYAK

Bago tayo magsimula ay babanggitin


ko muna ang kasunduan natin habang Opo teacher.
tayo ay nasa klase.Ayos lang ba iyon
mga bata?

(Babasahin ng guro ang kasunduan)

Naintindihan ba mga bata?


Opo
Magaling mga bata.
Dahil magagaling kayong mga
bata,kumanta muna tayo ng “Kumusta (Kumanta ang buong klase)
ka”.

D. PAGLALAHAD NGARALIN

Sa araw na ito ang paksa natin ay


Pagkilala sa Sarili kung saan pagtutuunan
natin ng pansin ang mga sarili natin.

Ano nga ulit ang paksa mga bata?Itaas Pagkilala sa sarili po teacher.
lamang ang kamay kung nais sumagot.

Mahusay.

Sa aralin nating ito inaasahan na kayo


ay…..

(Babasahin ng Guro ang Layunin)


E. PAGTALAKAY

Mga bata,kilala na ba ninyo ang Opo


inyong sarili?

Alam nyo ba ang pangalan at tirahan


ninyo? Opo

Alam nyo ba ang kaarawan at edad


ninyo? Opo

Mahusay.

Ako rin ay alam ko ang aking


ngalan,edad,kaarawan at tirahan.

Ako si Bernadette Monterola,nakatira


sa Dasol.Ako ay pinanganak noong
Nobyembre 10,2000 at ako ay 21
taong gulang.
Ang pangalan ay binigay ibinigay ng
ating mga magulang sa araw ng
kapanganakan natin.Mahalagang alam
mo ang ngalan mo dahil kung
hindi ,hindi alam ng ibang tao kung
anong itatawag sayo.
Ang araw ng kapanganakan natin ay
dapat nating pakaalalahanin gaya din
ng edad natin.Ilan lamang iba sa mga
dapat nating malaman sa ating sarili.
Mga bata sa anong sitwaston natin Kung may nagtatanong po teacher
kailangang sabihin ang pangalan natin? at kapag nagpapakilala po ng
sarili sa ibang tao.
Magaling

Mahalaga ba na alam natin ang


Opo teacher.
pangalan natin?

Mahalaga ba na alam natin ang tirahan Opo teacher.


natin?

Mahalaga ba na alam natin and edad at Opo teacher.


kaarawan natin?

Bakit mahalagang alam natin ang mga Upang mapakilala po natin ang
ito? ating sarili sa ibang tao.

Para kapag tinanong po ako kung


saan ako nakatira makakasagot
po ako.
Mahusay.

F. PAGLALAPAT

Dahil naintindihan ninyo ang mga


binaggit kanina ay mayroon pa akong
katanungan .Magtaas lamang ng
kamay kung gustong sumagot para
maayos tayong magkakaintindihan sa
klase.Maliwanag ba mga bata? Opo teacher.

Tanong:
May bago kang kaklase at nais niyang
makipagkilala sa iyo. Alin sa mga
sumusunod na impormasyon ang
dapat mong sabihin?

A.Edad
B. Pangalan
C.Tirahan B po teacher.Pangalan po.

Ang tirahan at edad ay ilan lamang sa


mga batayang impormasyon na
kailangan mong alamin.
A.Tama

B.Mali A po teacher Deth.

Magaling mga bata.Nakakatuwa at


naintindihan ninyo mga bata.

Ngayon naman sagutin ninyo ang


gawaing ito.

GAWAIN
Ipasulat sa mag-aaral ang mga
impormasyong hinihingi sa patlang.
G. PAGLALAHAT

Bakit kailangan mong malaman ang mga


pangunahing impormasyon tungkol sa
iyong sarili tulad ng iyong pangalan?

Mahalagang malaman mo ang


mga pangunahing
impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng
iyong pangalan, kaarawan,
edad, at
tirahan.
Magagamit mo ang mga
impormasyong ito sa
pagpapakilala ng
iyong sarili sa mga bagong
kaibigan, kaklase, at kalaro.

H. PAGTATAYA
Gamit ang malinis na papel, gumawa ng
name tag kung saan nakasulat ang
pinakagusto mong pangalan. Kulayan ito
gamit ang paborito mong kulay.

Halimbawa:

V. TAKDANG ARALIN

Upang lubusang makilala ang iyong sarili, alamin ang pinagmulan ng iyong
pangalan. Tanungin ang iyong magulang o tagapag-alaga kung bakit ito
ang ibinigay nilang pangalan sa iyo.
Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang
pangalan. Halimbawa, Jose. Isulat naman sa
loob ng bilog ang dahilan kung bakit ito ang
ibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa, pareho ang araw ng kapanganakan
namin ni Jose Rizal, isang maipagmamalaking Pilipino.Humingi ng tulong
sa iyong magulang o kasama sa bahay sa pagsagot nito

You might also like