Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Subject ARALING PANLIPUNAN Grade 10 Quarte SECOND Week TWO

MELC naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Name __________________________ Section ________ Date ________

School __________________________ District __________________________

A. Readings/Discussions

ARALIN 2: Mga Isyu sa Paggawa


Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at
hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang
kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa
ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na
mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at
korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa
na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na


kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade
Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa
mga manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa
mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang
manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito. Ilan
sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:

 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na


globally standard;
 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t
madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga
dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong
lokal.
Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto
na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.

B. Exercises

Exercise 1.

Picture – Suri!
Directions:

Suriin ang bawat larawan sa ibaba, kilalanin kung sa anong Isyu sa

Paggawa ito napabilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________________________ __________________________

___________________________

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan? Ipaliwanag.

2. Sa kasalukuyan, anong isyu sa paggawa ang dapat tutukan at bigyang pansin ng


ating pamahalaan? Bakit?
Exercise 2

COVID Effect
Directions:

Nahaharap ang buong mundo sa pandemyang dulot ng COVID-19. Kabi-kabila na

ang naging epekto nito maging sa sector ng paggawa. Gamit ang graphic organizer sa

ibaba, isulat ang mga naging epekto nito sa paggawa sa bansa.

Example:

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang maging epekto ng COVID 19 sa ating bansa?

2. Paano tayo makabangon sa epekto ng COVID 19 pandemya?

3. Paano natin haharapin ang mga hamon na dulot ng pandemya?


C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Directions: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga


manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining
unit.
a. Employment Pillar b. Social Dialogue Pillar
c. Social Protection Pillar d. Worker’s Rights Pillar
2. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa
at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
a. Employment Pillar b. Social Dialogue Pillar
c. Social Protection Pillar d. Worker’s Rights Pillar
3. Ang mga sumusunod ay ang naidudulot ng globalisasyon sa sector ng agrikutura,
MALIBAN sa:
a. Maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang company
na nagluluwas ng parehong produkto sa bansa.
b. Mataas na pagbebenta ng mga local na produkto sa bansa.
c. Murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
d. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang local.
4. Anu-ano ang iba’t-ibang anyo ng mga pang-aabuso sa mga karapatan ng mga
manggagawa?
a. ang Kawalan ng sapat na seguridad.
b. Mahabang oras sa pagpasok sa trabaho.
c. Mababang pasahod
d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa sector ng serbisyo?
a. Komunikasyon, turismo, medical, at edukasyon
b. Manufacturing, konstruksyon, minahan, at planta
c. pangingisda, pagsasaka, paghahalamanan, at paghahayupan
d. Wala sa nabanggit
6. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kapakanan ng manggagawang
Pinoy?
a. DILG b. DOLE c. DSWD d NEDA
7. Ito ay isang kagawaran na nagmungkahi na dapat maglaan ang pamahalaan ng higit na
prioridad sa pagpapalago ng sector sa pamamagitan ng patuloy na pag-eengganyo sa
mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga negosyo sa bansa.
a. DILG b. DOLE c. DSWD d NEDA
8. Anong sector ng paggawa ang may pinakamalaking bilang na naeempleyo (51.4%)?
a. Impormal na Sektor b. Sektor ng Agrikultura
b. Sektor ng Industriya d. Sektor ng Serbisyo
9. Ang Pilipinas ay kinilala bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya ayon
sa APEC (2016) dahil sa________.
a. Kawalan ng suporta sa mga manggagawa
b. Matinding pagpapatupad ng kontraktuwalisasyon
c. Pagyabong ng Sektor ng Serbisyo
d. Patuloy na pagtaas ng unemployment sa bansa
10. Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa na kung saan ang kompanya ay
komukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
a. Iskemang Subcontracting
b. Kontraktuwalisasyon
c. Probationary Workers
d. Regular Employment
11. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
a. Herrera Law
b. Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa
c. Labor Code
d. Mura at Flexible Labor
12. Patakarang pinaghanguan ng flexible labor?
a. Department Order No. 10
b. Predisential Decree (PD 442)
c. RA 5490
d. RA 6715
13. Nilalaman ng ________________ ng DOLE ang probisyong maaaring ipakontrata ang
mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa.
a. Department Order No. 10
b. Predisential Decree (PD 442)
c. RA 5490
d. RA 6715
14. Sa kasalukuyan, sila ang itinuturing bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nila sa
bansa na dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika’t pang-ekonomiya.
a. Mga Doktor sa loob ng ating bansa
b. Mga nagtatrabahong pinoy sa ating bansa
c. Overseas Filipino Worker
d. Wala sa nabanggit
15. Ayon sa International Labor Organization (ILO), ang sumusunod ay mga karapatan ng
mga manggagawa MALIBAN sa:
a. Ang kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat mapanganib at hindi ligtas
b. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga union
c. Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong
pamumuhay
d. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho bunga ng pamimilit
D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Imbentaryo ng mga Manggagawa


Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga manggagawa sa
inyong pangkat.

Paaralan:_______________________
Grado at Pangkat:________________

Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.


A. Bilang ng mga Manggagawa sa buong pangkat

Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos Hanapbuhay Status:


na Kurso Regular /
Kontraktuwal

References:

https://www.google.com/search?q=job%20mismatch%20pictures&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved
=0CB8QtI8BKAFqFwoTCLi--
9OCwu0CFQAAAAAdAAAAABAN&biw=1011&bih=468#imgrc=BMSG9SGDSPDqQM

https://www.google.com/search?q=mababang+sahod&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwiA_bb5gMLtAhUOMd4KHSzFCEMQ_AUoAXoECAQQAw#imgrc=-asgWpj5Xh0eFM
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frmn.ph%2Fdahil-sa-taas-ng-bilihin-
mandatory-14th-month-pay-isinusulong-sa-
kongreso%2F&psig=AOvVaw3bdQb9X43O63GrID5wKwi8&ust=1600750771924000&source
=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOjlh8m7-esCFQAAAAAdAAAAABAD

Prepared by: RACQUEL P. CHAVEZ Edited by:

Reviewed by:

GUIDE

For the Teacher

For the Learner

For the Parent/Home Tutor

You might also like