Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa bawat kasarinlan, kasaysayan at impluwensya ay saksi sa mahalagang pag

kahubog ng kaalaman na magagamit hanggang wakas.

Awit ni Kadunung ni Faye Cura

Ano-anong kultura ng Ka-Bicolan ang mababakas sa artikulo ni Cura?

Likas na yaman :

Mga magagandang tanawin – Taglay ng bikol ang kaaya-ayang tanawin tulad ng


Bulkang Mayon, sa lugar na ito madalas ding naipapakita sa mga itinatanghal na palabas
sa telebisyon.
Pagkain – Kilala ang mga bikolano sa hilig sa pagkaing maanghang at gata tulad na
lamang ng Bikol Express.
Paghahabi – Ito ay sikat sa bicol kailangan lamang ng maraming oras para ikaw ay
makatapos ng isang produkto halimbawa na lamang ng kumot, tuwalya o alpombra kaya
hindi ka kagad makakakuha ng pera. Hindi rin lahat ng tao doon ay sanay sa pag-disenyo
ng mga bagay-bagay, mas sanay sila sa mga mas pisikal na trabaho katulad ng pagsasaka.
Ngunit dahil sagana sa likas na yaman ang Bicol, madali lamang sakanila na gawin itong
hanapbuhay katulad na lamang ng paghabi ng mga abaka na galing sa puno ng saging.
Kasuotan – Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang
mga kababahian ay mahilig magpaganda at maglagay ng mga palamuti sa katawan.
Pagsasaka - Sa Bicol, maraming naninirahan dito ay pagsasaka ang hanapbuhay. Mais,
palay at abaka ang mga pangunahing produkto nila. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at
ang lugar nila ay likas sa mga matatabang lupa.
Pangingisda - Sa Bicol, Alumaha, Pampano, Lapu-lapu, Galunggong, Kanduli at Dilis
ang kalamitang mahuli ng mangingisda rito. Napapalibutan ng iba’t ibang anyo ng tubig
ang Bicol kaya maraming mangingisda dito. Ang pangingisda ay mahirap na trabaho
sapagkat kung wala masyadong huli ay nagkakadahilanan na ang iyong kita ay kakaunti
rin. Dahil dito, may mga gumagamit ng hindi magandang paraan upang makapanghuli
lamang para sa kanilang pangaraw-araw na kapakanan.
Matapos basahin ang artikulo, ano ang mga bagong bagay na natutuhan hinggil sa panitikan ng
Rehiyon V?

May mga bagay na hindi mo malalaman hangga’t hindi mo nababasa dahil hindi
naman lahat ng bagay ay kayang maituro ng guro. Kailangan mo ding gumawa ng aksyon
para sa sariling kapakanan at pagkukuhanan ng kaalaman. Sa pagbabas ang naturang
artikulo, may mga salitang hindi pamilyar kung kaya mas nakatulong ito na mapalalim
ang aking pang unawa at napalawak ang bokabolaryo. Natutunan ko din na napakarami
talagang epiko sa Pilipinas, sa dami ay kakailanganin mo talagang mag saliksik nang
malaman ang mga kasagutang mayroon ang isip. Ang lawak ng imahinasyon, galing sa
pagsulat at husay sa sining ay malaking tulong upang makabuo ng isang malikhaing
pagsulat. Sa pamamagitan din nito, naipakita ang kultura at pamumuhay na mayroon ang
rehiyon V.

Sa paanong paraan nakaambag ang artikulong ito sa panitikan ng Rehiyon V?

Malaki ang ambag ng artikulong ito para maipakilala sa ibang rehiyonh ang
panitikan na taglay nila. Dahil hindi lamang kultura ang ipinakita dito kundi pati ang
kanilang tradisyon. Nakararating na din ang ating mga panitikan sa ibang bansa dahil
ipinapakilala ang ating kultura, tradisyon ng bawat rehiyon, epiko, at marami pang iba.
Sa pamamagitan nito napagyayaman ang ating panitikan pati mga katutubong panitikan
at pagkakakilanlan. Ipinakita rin naman ang kanilang lipunang kinalakhan at pati ang
pagusbong ng kanilang pamayanan. Natulungan ng panitikan na magkaroon ng
pagkakilanlan ang bawat lygar na pinagmulan nito.

You might also like