Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paghahambing: Tagalog vs.

Ilokano
Ang mga Pilipino ay may iba’t- ibang paraan sa paghahatid ng madaloy na pakikipag
komunikasyon mapa probinsiya o ka maynilaan ay may lengguwahe silang ginagamit katulad na
lamang ng pagsasalita ayon sa kanilang lugar na tinaguriang “Diyalekto” halimbawa na lamang
nito ay ang Ilokano na ginagamit sa bilang lingua franca sa Hilagang Luzon, Ilokano ang
pangunahing wika na ginagamit ng 95% ng populasyon na may kabuuang 594,206 noong 2000.
Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa
Mindanao. Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko o ilokano sa
Pilipinas. Hindi lamang sa ating bansa particular ang paggamit ng ilokano diyalekto na ito
sapagkat maging sa ibang parte ng bansa ay ito ay kilala at may kaugnayan sa kanilang wika
kabilang nga rito ang mga Indonesian, Malay, Fijian, Maori, Hawaiian, Malagasy, Samoan,
Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan ayon sa isang tumblr na pinamagatang “Sulyap sa Buhay
ng Ilokano”. Ang Iloco o ilocano ay nagmula sa “I” na ang ibig sabihin ay nagmula samantalang
ang looc ay baybay o bay, Ang “samtoy” ay mula sa pariralang “sao mi ditoy” na ang kahulugan
ay “aming lenggwahe rito” samantalang heritage language naman ito ng bansang Hawaii at
ilang estado sa amerika at Europa samantalang sa bandang hilagang Luzon ito ay tinaguriang
Lingua franca. Ito ay ikatlo sa pinakamaraming nagsasalita ng wika sa buong bansa, samatalang
ang paraan ng pagsulat ay Latin ilokano alphabet at historically baybayin. Ang ponolohiya ng
wikang ilokano sa kabuoan, tinatayang may 21 ponemang segmental ang wikang Iloko. Ito ay ng
sumusunod: /a, b, c / k, d, e, ë, g, h, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y/ Ang ë na schwa sound ng
Iloko ay isang sagradong tunog. Kailangang linawin na iba ito sa tinatawag na schwa sound sa
Ingles (piping tunog). Ito ay binibigkas ng matigas at alanganing I at u at minsan nama’y para sa
tunog na alanganing a o e. Noon ay tinatawag itong peppet ngunit nitong 2013, nilinaw ng
Komisyon ng Wikang Fiipino ang tungkol sa tunog na ito at iminumungkaing gamitin ang
simbolong ë para katawanin ang nasabing tunog. Ang digrapong ng, ay isa ring makabuluhang
tunog sa Iloko. Tulad ng Tagalog, ito rin ay matatagpuan sa inisyal, (ngata, ngamin), midyal
(nangalam, nangan) at pinal (balëng, balatong, samong) ng mga salita. Sa ilang pagkakataon ang
n at ang ng ay kadalasang bilang m bago ang titik b,p (impan sa halip na inpan, pompon sa halip
na ponpon) at ang n ay kadalasang binibigkas bilang ng bago ang titik k at g (ingkari imbes na
inkari, kangkanen imbes na kankanen, inggapas imbes na ingapas).Tandaang tanging
pagpapadulas lamang ng pagbigkas ang dahilan ng ganitong sitwasyon/pangyayari. May
kalituhan kung alin sa titik c at k ang gagamitin sa pagbaybay ng mga salitang calsada (kalsada),
casino (kasino), cascade (kaskadi), casangay (kasangay) at iba pa. ang sinaunang bibliya ay
gumamit ng titik c, samantalang may mga ilan din tulad ng Bannawag (Opisyal na magasin ng
mga Ilokano) ang gumagamit ng titik k. Hanggang ngayon wala pang opisyal na kasunduan kung
alin sa dalawang titik ang gagamitin.klaster, diptonggo, malayang nagpapalitan, Dahil nga halos
lahat ng wika at wikain sa bansa ay galing sa angkang Malayo Polinesyo, hindi malayong may
mga pagkakatulad ang mga ito angklaster kagaya ng mga Filipino ay nanghihiram din ang mga
iloko ng mga salitang walang katumbas na salin. Karamihan sa mga ito ay hiram sa Kastila
(plano, bangko, istorya). Ngunit may mga katutubong salita na likas na klaster (aldaw, baybay,
balay). Likas ang mga salitang diptonggo sa Iloko. Noong unang panahon binabaybay ito ng
magkasunod na patinig, sa kasalukuyan binabaybay na ang mga ito tulad ng sa tagalog (aldaw,
daytoy, aray, kasdiay, kasangay).. Mapapatunayang malayang nagpapalitan ang E-I sa Iloko
(lalaki-lalake, manin-manen) gayundin ang o-u (okis-ukis). Ang morpemang binubuo ng isang
ponemang /k/ at /m/ na nangangahulugang pagaari ay mapapansin tangi sa Iloko, ang /k/ ay
nangangahulugang pag-aari ko at /m/ na pag-aari mo ay maaari lamang sa mga salitang
nagtatapos sa patinig samantalang ang panlaping –na ay nangangahulugang mayroon o taglay.
Katulad ito ng –ma sa tagalog ayhalimbawa: NAPINTAS (mayroong ganda) NABANGLO (may
bango), NASAM-IT (may tamis).

You might also like