Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Kabihasnan at mga
Katangian Nito
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol sa kung paano nabuo ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya at kung
paano namumuhay ang mga sinaunang Asyano.

Saklaw ng modyul na ito ay ang pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at ang
mga Konsepto kung Paano Nabuo ang mga Sinaunang Pamayanan

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:

(AP7KSA-IIb-1.3)

1. matutukoy ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya


2. mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad ng
sinaunang tao sa Asya
3. makakalikha ng isang poster na nagpapakita ng kaibahan ng kabiha

Subukin
Panuto: (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Sa larangan ng siyensya, ang Teorya ng Ebolusyon ng biologist na


si Milford Wolpoff ay ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa
pinagmulan ng unang tao sa daigdig.
________ 2. Ang fossils ay ang anumang mga kasangkapang ginagamit ng
sinaunang tao na siyang isa sa mga ginagamit na pangunahing ebidensya sa
ebolusyon ng tao.
________ 3. Hominid ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga
siyentipiko sa sinaunang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike
creatures) na naglalakad ng tuwid sa panahong prehistoriko.
________ 4. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid.
________ 5. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may
kakayahang gumawa ng mga kasangkapan.

1
________ 6. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng
Homo species na nagtungo sa ibat-ibang panig ng daigdig at nakarating sa Asya
at Europa.
________ 7. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa
isang lugar.
________ 8. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at
magalaga ng hayop.

________ 9. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko.


________ 10. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa
kalikasan.

Australopithecine
Konsepto ng Kabihasnan at
Aralin mga Katangian Nito

Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay


maraming tanong sa ating isipan tungkol dito at sa mga pangyayaring nagbigay-
daan sa pagsibol ng Kabihasnan sa Asya. Saan nagmula ang mga unang tao sa
Asya? Paano sila namumuhay? Paano nabuo ang sinaunang kabihasnan sa
Asya?

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na Aralin, balikan muna natin ang iyong mga
natutunan sa mga nakaraang modyul.

Panuto: Sagutin. Bakit kailangan mong matutung bumasa at sumulat?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2
Tuklasin
Gawain 1: GAMIT NILA NOON, GAMIT KO NGAYON, LEVEL UP!

Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na nasa


unang kolum. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito
ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang nasa halimbawa.
Hal. 1. Dahon = A = F
MGA KAGAMITAN NOON NGAYON
1. F.

A.

Dahon
2. Puno G.

B.
H.
3.

Clay o C.
luwad
D. I.
4.

Balat ng
hayop
J.
5.

Buto E.
ng
hayop

3
F. K.
6.
Bato

Suriin
1. Ano ang naging batayan ng pinagmulan ng tao sa Asya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Paano naitatag, namuhay, at umunlad ang pamayanang Asyano noong unang


panahon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________

Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig

Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t-


ibang bahagi ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa
pagaaral sa ebolusyon ng tao. Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng
mga halaman, hayop at tao samantalang ang artifacts ay anumang mga
kasangkapang ginagamit ng tao. Ganunpaman, mayroon ding dalawang
aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang bayolohikal at
kultural. Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao
tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay
ang siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag- unlad. Batay naman sa
ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay
ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

4
Artifacts
Fossils

Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng


Ebolusyon ng Tao ng isang French naturalist na si Jean Baptiste Lamarck
(1809) subalit kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag
hanggang sa nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R.
Wallace noong 1858. Pinag- ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanang sa kanyang
aklat na Origin of Species noong 1859. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan
(ladder) ang pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang nagsilbing
pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike ancestors) at ang mga
modernong tao (Homo sapiens) ang nasa pinakatuktok.

Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng bipedal


primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang silangang
bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng mga hominid. Ang mga
ito ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong pangkat- ang Ardipithecus Ramidus,
Australopithecine at Homo.

Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar,


Ethiopia na ardi na nangangahulugang ground floor at ramid
na ang ibig sabihin ay root. Tinatayang sila ay may taglay na
katangian ng chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa
Ardipithecus Ramidus
pagiging bipedal).

5
Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na nangangahulugang
Southern Ape. Ito ay nagtataglay ng
magkaparehong katangiang tao at bakulaw. Sila ang sinasabing mga ninuno ng
makabagong tao.

Gayunpaman, ang Homo naman ay


nagmula sa salitang Latin na
nangangahulugang “tao”. Sila ay may mas
malalaking utak at may kakayahang
makalikha ng mga kagamitan.

Homo

Ang Homo ay nahahati sa tatlong species Homo Habilis (handy man),


Homo Erectus (upright man), at Homo Sapiens (wise man). Ang mga Homo
Erectus ay ang unang pangkat na lumabas sa kontinenteng Africa at nagpunta
sa iba’t ibang kontinente kasama na ang Asya.

Homo Habilis Homo Erectus Homo Sapiens

Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang Asyano

6
Ang Panahon ng Bato ay ang panahon ng paglilinang ng tao na nahahati
sa dalawa: Paleolitiko (Lumang Bato) at Neolitiko (Bagong Bato) A. Panahong
Paleolitiko ang mga tao ay:

• Nomadiko (walang permanenteng tirahan)


• nangangaso at namumulot ng pagkain
• gumagamit na ng kamay di
kagaya ng hayop

• nakapagsalita at
nakatanggap ng Panahong

Paleolitiko anumang
impormasyon
• mas malaki ang utak
bunga ng pagiging mas matalino sa mga hayop
• nakakalakad na ng maayos at may pisikal na katangian
• mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba
• gumagamit ng apoy
B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay:

• napag-aralang gumamit ng matalas, makinis at matulis na kasangkapang


yari sa bato
• natutong magsaka at mag-alaga ng hayop
• namuhay sa permanenteng
lugar
• naging malikhain gaya ng
paghahabi ng tela, paggawa
ng lutuan, basket, palayok at
gamit sa bahay

• namuhay na magkasama na
naging Panahong Neolitiko sanhi
sa pagkabuo ng isang pamayanan,
pagkaroon ng lider, at pagtatag ng organisadong pamahalaan
C. Panahon ng Metal ang mga tao ay:

• gumamit ng mga bagay na yari sa metal (tanso o copper)

7
• gumawa ng mga mamahaling bagay gaya ng alahas at
kagamitang pandigma
• nakaimbento ng bronze, pinaghalong metal na tanso at metal na tin
• nakalikha ng mga kagamitang
pansaka at kagamitang panlaban o mga armas na may matatalim na bahagi
• sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang- alay sa mga diyos at mga
bariles na mula sa bronse
• nadiskubre din ang iron o bakal
• gumawa ng kagamitang yari sa bakal na siyang panlaban sa mababangis
na hayop
• natutong maghabi at mag-ukit sa mga kahoy
• mangalakal gamit ang sistemang barter at barya
• gumawa ng mga sasakyang pandagat para sa kanilang kalakalan
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa


Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na
“SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na
ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan namang “ng mga
mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.

Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman ay isang terminolohiya


ng mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang
ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon ang
kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng
tao. Sakop nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa
lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at
sining.

May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan,

8
mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema
ng pagsusulat.

Saan nabuo ang mga unang kabihasnan?

Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya ay nagsimula sa


mga mataas na lambak na nasa tabi ng pinagmumulan ng mga anyong tubig
gaya ng ilog.

Ilan sa mga unang lungsod estado na nabuo sa Sumer o Mesopotamia na


Iraq sa kasalukuyan ay ang Uruk, Catal Huyuk,
Jericho, Ur, Lagash at Umma.

Pagyamanin

Gawain 2: PICK IT UP!


Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng
pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum.

pagsasaka kariton alahas permanenteng tirahan

apoy nomadiko kweba magaspang na bato


barya
organisadong pangangaso
barter
pamahalaan
makinis na kasangkapang yari sa bakal na
sasakyang kasangkapan na panlaban sa mga mababangis na
pandagat yari sa bato hayop

PANAHONG PALEOLITIKO PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL

9
1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

Isaisip

1. Ang ________ at ________ ay ang ginamit na pangunahing ebidensya


sa pinagdaanang ebolusyon ng tao.
2. Ang pinagbatayan ng pinagmulan ng unang tao ay ang Teorya ng
_____________ ng biologist na si Charles Darwin.
3. __________ ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga
siyentipiko sa mga unang tao at iba pang nilalang na malatao na
naglalakad ng tuwid noong panahong prehistoriko.
4. Ang Homo species ay binubuo ng tatlong pangkat, ang mga ito ay ang
______, ______ at ______.
5. Ang _______ ay nag-ugat sa salitang Pilipino na hasa, samantalang ang
sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Latin na _______ at ______.

Isagawa
Gawain 3: POSTER

Panuto: Gumawa ng poster na naglalarawan sa iyong naunawaan tungkol sa


pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon. Ikolum ito at ilagay sa isang long
bondpaper.

10
RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Tayahin
Panuto: Ibigay ang tamang sagot na hinihingi sa bawat aytem. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
_____1. Ito ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa
mga unang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures) na
naglalakad nang tuwid noong panahong prehistoriko.
_____2. Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa
pinagmulan ng unang tao sa daigdig?
_____3. Ito ay ang pangkat ng Homo species na tinatawag na taong nag-iisip.
_____4. Ang tawag sa anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at
tao na siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pinagdaanang ebolusyon ng
tao.
_____5. Ito ay kabilang sa pangkat ng Hominid na nagtataglay ng katangian
ng isang ganap at tunay na tao.
_____6. Sa kontinenteng ito nagmula ang unang pangkat ng Homo erectus
na nagtungo sa ibang panig ng daigdig na nakarating sa Asya at Europa.
_____7. Sa panahong ito, ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
_____8. Ito ang tawag sa mga taong palipat- lipat o walang permanenteng
panirahan sa panahon ng Paleolitiko.
_____9. Sa panahong ito, natutong pakinisin ng mga tao ang kanilang
kasangkapan na yari sa bato.

11
_____10. Ito ay nag-ugat sa salitang Latin na
“civitas” at “civilis”.

Karagdagang Gawain

Gawain 4: I-SEARCH MO!

Magsaliksik sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus at Shang).


Maaring sa google or sa mga batayang aklat ng Araling Panlipunan. Punan ng
tamang sagot ang kolum na nasa ibaba mula sa mga nasaliksik.
KABIHASNA LUGAR SAAN ILOG NA SISTEMA NG
N UMUNLAD MATATAGPUAN PANULAT

1. SUMER

2. INDUS

3. SHANG

12
13
Tayahin
1 . Hominid 11 . Kabihasnan
2 .Teorya ng 12 . Sumer/
Ebolusyon Mesopotamia
3 . Homo Sapiens 13 . Lambak - Ilog
4 . Fossils 14 . Kabihasnan
5 . Homo 15 . Iraq
6 . Africa
7 . Neolitiko
8 . Nomadiko
9 . Neolitiko
10 . Sibilisayon
bato
9 . permanenteng
Subukin Pagyamanin
tirahan
1. M 11. M 1. Apoy
10. organisadong
2. M 12. M 2. Nomadiko
pamahalaan
3. T 13. T 3. Kuweba
11. barya
4. M 14. T 4. Magaspang
12. barter
5. T 15. T na bato
13. sasakyang
6. M 5. Pangangas0
pandagat
7. M 6. Pagsasaka
14. alahas
8. T 7. Kariton
15. kasangkapang
9. T 8. Makinis na yari sa bakal na
T kasangkapan panlaban sa mga
10.
mababangis na
na yari sa hayop
Susi sa Pagwawasto
14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E -mail Address: regio n10@deped.gov .ph

You might also like