Filipino q1 Output 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

FILIPINO 9 QUARTER 1

PAGSU SU RI
NG N OD EL A
Module 4 Output 2

ABNKKBSNPLAKO?!
IPINASA NI: PHIL ANGELA R. TORINO
A. PAGTUKOY SA
ELEMENTO
TAUHAN
TAGPUAN
TUNGGALIAN
SIMBOLISMO
DAMDAMIN

B. PAGTUTUKOY SA MGA
BAHAGING NGAPAPAKITA NG:
KAGANDAHAN
KATOTOHANAN
KABUTIHAN
TAUHAN
Roberto Ong
Si Roberto ang pangunahing
tauhan sa nobelang
"ABNKKBSNPLAko?!"

Ulo at Portia
Sila ay ang mga matatalik na
kaibigan ni Roberto, na
mayroong malaking parte ng
kanyang buhay.
TAUHAN
Special Someone
Ang babaeng
nagugustuhan ni
Roberto

Nanay Lucing
Ang ina ni Roberto na laging
sumuporta, umiintindi at
nagmamahal sa kanya ng
husto.
TAGPUAN
Ramon Isidro High School

Sa paaralan na ito ay kung saan lumaki, natuto at gumadweyt ng high


school ang tatlong matatalik na magkakaibigan. Dito nakilala ni
Roberto ang kanyang "special someone". At didto din sila nagtatrabaho
bilang guro pagkatapos nilang makapagtapos ng kolehiyo.
TUNGGALIAN
Tao vs Sarili

Hindi siya pumapasok, walang ginawa maghapon kundi maglibot, pumatay


ng oras, mag-aliw, magpanggap at magsinungaling kahit alam niyang mali
ang mga ito pero ginawa niya parin dahil pakiramdam niyang nakakulong
siya sapagkat hindi nagbabago ang kaniyang sitwasyon. Napapagod na siya
at gusto niyang tumakas sakanyang sitwasyon. Hindi niya sinubukang
baguhin ang kanyang sitwasyon at ginustong ihinto ang kanyang pag-aaral.
SIMBOLISMO
Paaralan
Ang paaralan ay nagsisimbolo ng pagsisikap. Sa
paaralan ay nakakaramdam tayo ng mga iba't
ibang emosyon. Dito tayo natututo at lumaki. Kung
hindi sumuikap si Roberto sa kanyang pag-aaral at
sumikap na baguhin ang kanyang buhay, hindi siya
makapagtapos at matupad ang pangarap ng
kanyang ina para sa kanya.
Ipinakita sa nobela ang pagsisikap ni Roberto sa kabila ng pagsubok at dalamhati ay nagbunga
ng tagumpay. Sa huli din ay pinili ni Roberto ang manatili sa paaralan at maging guro. Hindi
lamang ang mga estudyante ang sumisikap sa paaralan, pati na rin ang mga gurong sumisikap
upang magturo at naniniguradong maraming natutunan ang mga mag-aaral para sa kanilang
kinabukasan.
DAMDAMIN
Masaya
Noong matagumpay at nakapagtapos siya ng kolehiyo at nagkaroon
siya ng mga matatalik na kaibigan at dahil hinarap niya ang kanyang
mga problema, sinubukan niyang magbago at ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Napasaya niya ang kanyang nanay dahil dito.
DAMDAMIN
Malungkot
Noong palaging huli sa klase si Roberto at nakipaghiwalay ang kanyang
"special someone" nang walang maayos na paliwanag. Sinusubukan
niyang humabol sa kanyang mga klase ngunit marami parin siyang
bagsak na grado at hindi niya na alam kung anong gagawin niya.
DAMDAMIN
Galit o inis
Noong nagagalit at kinakahiya ni roberto ang
kanyang sarili pagkatapos binalitaan ni
"special someone" na mayroon siyang ibang
mahal ngunit hinarap at kinausap siya ni Ulo
at sinabihan siyang huwag niyang ikakahiya
ang kaniyang sarili at kanyang trabaho.
Naduduwag si Roberto at inalala kung ano
ang iniisip ng iba tungkol sa kanya.
DAMDAMIN Noong nag-aalala ang nanay ni roberto
Nag-aalala sa kanya dahil kita niyang hirap na
hirap si Roberto sa kanyang pag-aaral.
Laging tinatanong ng ina kung kumusta
na ang pag-aaral ngunit laging
sumasagot si Roberto ng
kasinungalingan. Nagmungkahi ang
kanyang ina na lumipat si Roberto sa
ibang eskwelahan upang mayroong
panibagong simula si Roberto.

Nagpapakita rin ng pag-aalala ay


noong tinawagan ni Portia si Ulo
upang aaliwin nila si Roberto
sapagkat nabalitaan niyang ikakasal
na ang taong mahal niya.
DAMDAMIN
Pananabik
Noong pumasa ng application form sa kolehiyo ang nanay ni Roberto.
Nakakaramdam siya ng pananabik sapagkat mapapatuloy at
makapagtapos siya sa pag-aaral tulad ng laging pinapangarap niya.
DAMDAMIN
Natakot
Noong tumakbo at sinubukang tumakas nina Roberto at Ulo upang
hindi sila mahuli sapagkat, nakasira sila ng gamit sa mall na hindi nila
kayang bayaran at mas malaking gulo ang mangyayari kung sa
magulang nila ipapaalam.
KAGANDAHAN
Para sa akin, ang nagpapakita ng
kagandahan sa nobela ay ang pagmamahal
ng mga magualng ni Roberto sa kanya.
Noong naging tapat si Roberto tungkol sa
kanyang sitwasyon sa kanyang pamilya
ngunit inintindi at tinanggap parin nila si
Roberto. Handa silang maging matiyaga at
humintay para kay Roberto. Hindi nila siya
sinigawan at pinagalitan sapagkat alam nila
at inintindi nilang hirap na hirap na siya.

Sa totoo lang, nakaramdam ako ng


kapayapaan at saya tuwing pinapakita ang
pagmamahl ng mga magulang para sa
kanilla. Sumikap silang makapag-aral at
masuportahan ang kanilang mga anak.
Pinapakita dito ang kagandahan ng hustong
pagmamahal ng mga magulang sa kanialng
anak na si Roberto. Pagkatapos ng hapunang
'yun, piniling manatili ni Roberto sa kanyang
pag-aaral at nagsimula siyang bubumago at
sa huli, naging matanggumpay siya.
KATOTOHANAN

Buong igting kong sinusuportahan ang katotohanan na hindi talaga minahal ni


"special someone". Ginamit at nilaruan lang si roberto ni "special someone" upang
pagselosin ang dating nobyo ni "special someone" sapagkat gusto niyang
makabalikan sila ng datiing nobyo nito. Hindi pinag-iisipan ni "special someone" ang
totong nararamdaman niya at nagresulta ito sa pagbibigay ng mga maling pag-asa
kay Roberto. Masaya siya kay Roberto subalit mas pipiliin niya parin si Ken. Wala rin
siyang pakialam kung ang mga aksyon niya ay maaring makasakit sa iba.
KABUTIHAN
Hinuli ng gwardya sina Roberto at Ulo sapagkat nakasira sila ng gamir sa mall,
Sa tingin ko, nagapakita ng kabutihan ang eksenang ito dahil ang kanilang
guro na si Ms. Uyehara nalang ang sumalba sa kanila upang dahil alam nilang
masmalaking gulo ang mangyayari kung sa magulang nila ipapaalm ang
nagawa nila. Sa halip na magalit, sinabihan lang sila ng guro na babayaran nila
ito kung may pera na sila, kinausap sila at bumigay ng payo ang guro na
dapat mag iingat sila sa mga pinanggagawa nila.
OPINYON
Hindi ako sumasang-ayong magkakatuluyan sina Roberto at ang kanyang "special
someone". Sa palagay ko, hindi agad agad mawala ang pagmamahal ni "special
someone" kay Ken. Ipinakita na sobrang galit at sakit ang nararamdaman ni "special
someone" nang nakita niya may kahalikang ibang babae ang mapapangasawa niyang
si Ken at maaring hindi agad mawala ang pagkatangamahal niya kay Ken sapagkat
sinabi niya na na ilang beses nang ginawa nito ni Ken pero pinatawad niya parin. At
kung mag katuluyan man sila ni Roberto, maaring hindi parin sigurado ang
nararamdaman ni "special someone" para kay Roberto.
ABNKKBSNPLAKO?!
IPINASA NI: PHIL ANGELA R. TORINO
IPINASA KAY: TCHR. KRYSTELYN VILLANUEVA

You might also like