Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

REGION III
Division of Nueva Ecija
BONGABON NATIONAL HIGH SCHOOL
Bongabon, Nueva Ecija

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8


S.Y. 2018-2019
Pangalan: ________________________________________________________ Iskor: ___________________
Antas/Pangkat: ___________________________________________________ Petsa: __________________

Pangkalahatang Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______1. Ano ang batayan ng yaman ng bansa ayonsa teoryang merkantlismo?


a. Negosyo b. bullion c. kapangyarihan d. ginto
______2. Saan na kabatayang paglakas ng merkantilismo?
a. kalakalan b. ginto at pilak c. bagong-bayan d.salapi
______3. Alin sa mga rebolusyon ang higitna nagbigay daan sa mananakop?
a. Siyentipiko b. komersyal c. industriyal d.renaissance
______4. Ano ang pangunahing dahilan ng bansang Portugal sa pangunguna sa paglalakbay patungo sa silangan?
a. makarating at makapasyal sa silangan c. makatuklas ng bagong lupain
b. maipalaganap ang kristiyanismo d. maipalaganap ang kulturang Portuges
______5. Ang mga sumusunod na salik sa paglalakbay ng mga Europeo patungo sa Silangan maliban sa isa;
a. pagiging mausisa dulot ng renaissance
b. pagsuporta ng mga monarkiya sa paglalakbay
c. pagkatuklas at pagpapaunlad s amga instrumentong pang nabigasyon
d. mailigtas ang mga kristiyano sa Jerusalem
______6. Kung ikaw ay isang karaniwang mamamayan sa Europe na nais umunlad sa buhay, ano ang iyong
pangunahing dahilan sa iyong pagsama sa paglalakbay?
a. Makarating at makapasyal sa silangan c. Maipalaganap ang pananampalataya
b. Makatuklas ng kayamanan d. Maibahagi at maipalaganap ang kultura
______7. Bakit nagingmahalaga ang naging papel ni Prinsepe Henry, the Navigator sa Europe?
a. Siya ang nagturo ng tamang paggamit ng astrolabe at compass
b. Naging inspirasyon siya sa mga manlalayag
c. Nanguna siya sa paglalayag at pagtuklas ng mga lupain
d. Pinaunlad niya ang kalakalan sa Europe
______8. Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan samundo?
a. Napasok niya ang malawak na karagatang Pasipiko
b. Nakilala niya si Lapu-lapu
c. Nakatuklas siya ng mga bansa sa Asya
d. Naitama ang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag.
______9. Binubuo ng mgamangangalakal, negosyante at gitnan guri.
a. Banker b. alipin c. bourgeoise knight
______10. Kaakibat ng merkantilismo na ang pamamahala ng pamahalaan ay parang ama sa kanyang mamayan
a. Komunismo b. sosyalismo c. kolonyalismo d. imperyalismo
______11. Ito ay pinaniniwala na ang gawain ng tao ay nakabatay sa ebidensiya at katotohanan.
a. Sekularismo b. imperyalismo c. kolonyalismo
______12. Kaalinsabay ng paglakas ng ekonomiya ng Greece at Britain dahil sa Rebolusyong Industriyal ay ang
pagnanais nito na magkaroon ng kolonya ng bansa.Ano angdahilan ng pagnanais na ito?
a. Ninais ng Great Britain na makilala sa daigdig na makilala bilang makapangyarihang bansa.
b. Naghanap ang Great Britain ng pamilihang kokonsumo sa sobra nito ng mga produkto.
c. Dahil sa laki ng kinita ng Great Britain nagkaroon sila ng sobrang salaping panustos sa
paglalayag.
d. Ninais ng Great Britain natalunin ang humihinang kapangyarihan ng Espanya s aEauropa at
maging sa ibang kontinente.
______13.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa rebolusyong industriyal.
a. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspeto ng agrikultura sa Europa at Amerika.
b. Nagkaroon ng repormasyon sa simbahang katoliko sa Europa
c. Lumawak ang kapangyarihan ng mga bansa sa Europa
d. Nagkaroon ng digmaan sa Europa
______14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi angkop sa pag-usbong ng Renaissance.
a. Ang Renaissance ay umusbong sa Italy
b. Nagtaguyod ng Sining, Panitikan at Agham sa Europa
c. Nagkaroon ng Repormasyonsa Katoliko Romano
d. Nagkaroon ng pagkakataong makipagkalakalan ang mga lungsod sa kanlurangAsya at Europa.
______15. Sa Italy sumibol ang renaissance dahil ditto nagtatagpo ang mga kaisipan mula sa Silangan(Asya) at
Kanluran(Europe). Ang kaisipang ito ay nagpapatunay lamang na________________.
a. Malaki ang naiambag ng Heograpiya ng Italya sa pagsibol ng Renaissance.
b. Hindi possible ang pagsibol ng Renaissance sa ibang bahagi ng Europa.
c. Italy ang itinakdang bansang pagmumulan ng Renaissance
d. Mapalad ang Italya dahil sa lokasyon nito.
______16. Ang terminong iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga
mangangalakal at artisan.
a. Bourgeoisie b. magsasaka c. kaparian landlord
______17. Panginoong maylupa at nasa ilalim nila ang mga magsasaka.
a. Landlord b. Bourgeoisie c. banker d. Monarchy
______18. Paniniwalang nag-ugat sa Europe nabinibigyang diin ang karapatan ng indibidwal.
a. Pasismo b. merkantilismo c. liberalism d. bullionism
______19. Isang Sistema na ang pangunahing layunin ay politikal. Layunin nito ang magkaroon ng malaking kitang
magbibigay daan upang anghari ay respituhin ng buong daigdig.
a. Merkantilismo b. Bullionism c. Piyudalismo d. manoryalismo
______20. Estado na pinananahanan ng ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at
kasaysayan.
a. Absolute Monarchy b. imperyalismo c. national Monarchy d. Nation –State
______21. Ang dokumentong ginawang panuntunan at batayan ng mga Ingles patungkol sa kalayaan at mga
karapatan ng mga mamamayan.
a. Magna Carta b. Bill of Rights c. Declaration of Independence d. Constitution of America
______22. Ang heliocentric view ay batay sa panukala ni Nicolas Copernicus kung saan ang araw ang sentro ng
kalawakan na pinatotohanan ni Galileo sa pamamagitan ng kanyang imbensyon na
a. Mikroskopyo b. teleskopyo c. astrolabe d. compass
______23. Malaki ang naitulong ng Rebolusyong Industriyal sa pag-angat ng ekonomiya ng Europa. Ngunit hindi
mapasisinungalingan na mayroon din itong naging masamang bunga sa ekonomiya. Ito ay ang _______.
a. Paglipat ng mga tao mula rural patungo sa mga siyudad na nagpataas ng krimen
b. Paglaki ng bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa mga na imbentong makinarya
c. Kinasangkapan ang mga menor de edad upang kumite ng Malaki
d. Paglala ng populasyon sa siyudad.
______24. Kompromiso sa pagitan ng simbahan at ni Henry IV na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo
bilang lider-espiritwal ng simbahan at panginoong maylupa.
a. Concordat of Worms c. Kasunduang Tordesillas
b. Kasunduang Augburg d.Investiture Controversy
______25. Isang Kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang
klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome.
a. Katolisismo b. Humanismo c. Humanista d. Komunismo
______26. Ang mga sumusunod ay kabilang sa Bourgeoisie maliban sa;
a. Banker b. Shipower c. pari d. mangangalakal
______27. Ang paggamit nito ang isinusulong ng pamahalaan at tinututulan naman ng Simbahang katoliko.
a. Natural Family Planning b.Family Booklet c. Contraceptives d. Fertilized Pills
______28. Ito ay paniniwalang ang gawain ng tao ay nakabatay sa ebidensiya at katotohanan.
a. Sekularismo b. Imperyalismo c. Kolonyalismo d. Komunismo
______29. Ang balance of Power ay paghahati ng kapangyarihan sa Pamahalaan para maproteksyunan ang mga
mamamayan. Sa kalagayan ng Pilipinas, alin sa sumusunod ang nagpapakita nito?
a. Ang mayayaman at kilalang tao sa lipunan ang may karapatan sa posisyon ng pamahalaan.
b. Mga mahihirap ang dapat bigyan ng pagkakataon na makapaghanap-buhay.
c. Ang bawatisa ay may pantay na karapatan sa benipisyo at karampatang parusa sa lahat ng
nagkasala.
d. Ang nagpapatupad ay mga maimpluwensiyang tao ng gusto niyang batas sa kanyang
nasasakupan.
_____30. Alin sa mga sumusunod ang sekta ng protestante?
a. Calvinism b. Lutheranism b. Methodist d. lahat ng nabanggit
_____31. Tawag sa kapirasong papel nanagsasaad at nagpapalabas na an ggrasya ng Dyos ay maaaringi pagbili at
bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.
a. Simony b. indulhensiya c. paper sin d. walasanabanggit
_____32. Sumasalamin sa tunggalian ng simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideyani Papa Gregory VII.
a. Concordat of Vorms c. Kasunduang Tordesillas
b. Treaty of Paris d. Investiture of Controversy
_____33. Alin sa mga sumusunod ang mga naging salik sa paglakas ng Europe?
a. National Monarchy c. Pagsibol ng Nation-State
b. Repormasyon d. Lahat ng nabanggit
_____ 34. Ang obrang Monalisa at Last supper ay likha ni Leonardo da Vinci sa larangan ng
a. Sining b. Musika c. Arkitektura d. Iskultura
_____ 35. Ang panahon ng Enlightenment ay pagkamulat ng mga kaisipan ng mga tao sa Europe na naging
dahilan sa pag-usbong ng
a. Protestantismo b. Humanismo c. Imperyalismo d. Komunismo
_____ 36. Noong unang panahon ang sistema ng pamamahala ay pinamumunuan ng mga haring-pari. Sa pagsapit
ng gitnang pnahon, ito ay nagbago kung saan ganap na kapangyarihan ay nasa kamay ng hari at
reyna. Ang pamahalaang ito ay tinawag na
a. Diktadurya b. Demokrasya c. Teokrasya d. Monarkiya
_____ 37. Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura sa Europe?
a. Ang mga gawaing manual sa kabukiran ay napalitan ng mga bagong imbentong makinarya
b. Nagbigay-diin na ang tao ay kailangang pumasok sa kasunduan sa pamahalaan
c. Lumaganap ang pakikipagkalakalan sa Europe
d. Unti-unting lumakas ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo.
_____ 38. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Pranses sa buhay ng tao sa Europe?
a. Paglunsad ng sistemang piyudal.
b. Pagpirma ng deklarasyon ng karapatan ng tao.
c. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika.
d. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran.
______ 39 Ano ang mga pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ng Rebolusyong
Industriyal.
a. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsiya
b. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy
c. Maraming bata ang napilitang magtrabaho
d. Naging dahilan ng hidwaan
______ 40. Ano ang kahuluagn ng Renaissance?
a. Muling pagsilang ng kulturang Helenestiko
b. Nagbigay ng bagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
c. Muling pagsilang ng kaalamng griyego-Romano
d. Panibagong kaalaman sa agham
______ 41. Kung ikaw ay isang makabayang Pilipino na nabuhay noong panahon na sinakop tayo ng mga kastila,
Ano ang inyong gagawin?
a. Makikipagkaibigan sa mga kastila c. Ipaglalaban ko ang aking karapatan
b. Magpapaalipin sa mga kastila d. Ilalaban para sa kapayapaan
______ 42. Ang Merkantilismo ay paniniwala kung saan nasusukat ang kapanyarihan ng isang bansa sa dami ng
ginto at pilak na meron ito. Paano ito nakakaapekto sa ekonomiya at lipunan sa Europa?
a. Lumakas ang kapangyarihang politikal sa Europa
b. Umunlad ang ekonomiya ng mga bansa sa Europa
c. Naging dahilan ng pananakop nila sa ibang bansa
d. Lahat ng nabanggit
______ 43.Bakit mahalaga ang ginampanan ng Bourgeoisie sa kasalukuyang panahon?
a. Sila ang mga pulitiko na tumutulong s apag-aangkat na tumutulong sas pag-aangat ng lipunan
natin
b. Ang mga mangangalakal at mayayaman sa ating lipunan na tumutulong sa pagtataguyod sa
pag-angat ng ekonomiya
c. Grupo ng mayayaman na tumutulong sa mahihirap sa ating lipunan
d. Lahat ng nabangggit
______ 44. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem?
a. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad st kaparian
b. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri
c. Nagmula sila sa mga banker at mngangalakal sa mg abayan at lungsod
d. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampulitika at
pang-ekonomiya
______ 45. Alin ang tamang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari?
I. Schism sa Simbahang Katoliko
II. Pagtawag ni Pope Paul II sa Council of Trent
III. Pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety Five These sa pinto ng Wittenberg Church
a. I-II-III b. II-I-III c. III-I-II d. I-III-II
______ 46. Alin sa sumusunod ng mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “ The end justifies the
means”?
a. Anuman ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito palaging mabuti ang bunga nito.
b. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala
c. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan
d. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang
hangarin.
______ 47. Bakit Itinuturing na batik sa kasaysayan ng simbahang Katoliko ang Inquisition?
a. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa Timog Europe
b. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa kamatayan ng maraming walang
sala.
c. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng katolisismo
d. Nagkaroon ng maraming kaaway ang simbahang katoliko
______ 48. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan sa kalalakihan
noong ika-18 siglo.
a. Paglaban sa mga kalalakihan
b. Pagkakaroon ng pinunong babae
c. Pagtatrabaho ng mga kababaihan
d. Pag-aaral ng mga kababaihan sa paaralan
______ 49. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?
1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita
2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.
3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit na natutuhan sa sariling bansa
4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino
a. 1,2,3,4 b. 1,2,3 c. 2,3 d. 3,4
______ 50. Maraming makabagong ideya st imbesyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng
panahong ito ang pagtingi ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang
ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga kanluranin?

a. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panhong ito


b. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europa
c. Nabago ang tingi ng mga Kanluranin sa sansinukob
d. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga kanluranin

Prepared by:

(SGD) RAQUEL I.TUSCANO - Teacher III


(SGD) Almira Lourdes C. Agbayani - Teacher III
(SGD) Norma G. Cunanan Teacher - III

Noted by: (SGD) ILDIE L. ESTEBAN - HT IV


KEY ANSWER

1. D
2. B
3. C
4. C
5. D
6. B
7. B
8. D
9. C
10. A
11. D
12. B
13. A
14. D
15. A
16. A
17. A
18. C
19. A
20. D
21. B
22. B
23. B
24. A
25. B
26. C
27. C
28. A
29. A
30. B
31. B
32. D
33. D
34. A
35. A
36. D
37. A
38. B
39. A
40. A
41. D
42. D
43. D
44. A
45. A
46. A
47. B
48. D
49. C
50. D

You might also like