Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Filipino

Unang Kwarter – Ikalawang Linggo


Nabibigyan ng Kahulugan ang Kilos at Pahayag
ng mga Tauhan sa Napakinggan na Pabula
Filipino – Grade 6
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Ikalawang Linggo: Nabibigyan ng kahulugan ang kilos at
pahayag ng mga tauhan sa napakinggan na pabula.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Marilyn L. Mahinay


Illustrator: Rubie-Ann Y. Talua
Layout Artist: Rutchelyn C. Seclon
Language Editor: Rachel Methuselah R. Cumahig, PhD
Content Evaluator: Gracel Ann M. Sanchez
Layout Evaluator: Rhyan Balacy
Management Team: Wilma A. Premarion , PhD

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon


ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-
aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang
krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Grade 6-Quarter 1


Exemplar para sa araling Nabibigyan ng kahulugan ang kilos at pahayag ng
mga tauhan sa napakinggan na pabula!

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang
mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran
habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-
aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang

2
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Grade 6-Quarter 1 Exemplar para sa


araling Nabibigyan ng kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula.

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


kompetensi ang inaasahan mong matutuhan
Alamin
sa exemplar na ito at ang mga layuning
dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
Suriin
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa
na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3)

3
bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.

Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong


Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto
Dito ay mayroong panuto tungkol sa
Pagtatakda
pagtatala ng iyong positibo at
ng Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga panuto tungkol sa
Pagsagawa
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
ng Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

4
Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar na ito:

1. Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng exemplar. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat


pagsasanay.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga


gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
exemplar na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Umaasa kami, sa pamamagitan ng exemplar na
ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo
ito!

5
Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan ang wastong kahulugan ng kilos


at pahayag ng mga tauhan sa pabula. Ang mga gawain na
magpapaunlad sa iyong kakayahan sa pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan
ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:

Nabibigyan ng kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa


napakinggan na pabula (F6PN-lc-19)

Layunin

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar


na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nakatutukoy sa kahulugan ng kilos at pahayag ng


mga tauhan sa nabasang pabula;

B. Kasanayan: Nakasusulat ng mga kahulugan ng kilos at pahayag


ng mga tauhan sa nabasang pabula; at

C. Pandamdamin: Nakapagpapahayag ng mga kilos ng isang


tunay na kaibigan ayon sa nabasang pabula.

Tagal: Isang (1) araw

6
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel
1. Ang tawag sa kwento na mga hayop ang gumaganap ay:
a. salawikain c. pabula
b. dayologo d. bugtong

2. Ito’y naglalahad ng buhay sa dalawang hayop na ang


kadalasang nagwawagi sa huli ay ang may magandang ugali.
a. epiko c. parabola
b. pabula d. drama

3. Anong uri ng kathang isip na panitikan kung saan ang mga


hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang gumaganap
ng mga tauhan.
a. epiko c. pabula
b. parabula d. kwento

4. Ilan kadalasan ang hayop na nag-uusap sa isang pabula.


a. 4 c. 2
b. 3 d. 5

7
5. Ano ang pangunahing tauhan sa kwentong pabula?
a. mga hayop c. mga halaman
b. mga tao d. mga isda

6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pabula.


a. ang pinya c. sa aming bukurin
b. si kalabaw at si Tagak d. ang manga at bayabas

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang pabula?


a. si Maria at si daga c. ang bundok ng mt. apo
b. kuneho at pagong d. ang batang, matulungin

8. Alin sa pamagat sa ibaba ang halimbawa ng pabula?


a. Ang pagong at ang matsing
b. Ang pinagmulan ng manga
c. Si malakas at makisig
d. Ang bunga ng malunggay

9. Bakit mahalaga ang pabula?


a. Nagbigay kasiyahan
b. Napupulutan ng mga aral na magagamit sa buhay
c. Nag mamahalan ang dalawang hayop
d. Nagsasayaw ang mga hayop

10. Ang pabula ay __________________.


a. Mga hayop ang tauhan ng kwento
b. May taludtod at saknong
c. Isang sulatin na naglalahad ng saloobin o opinion ng may-
akda
d. Nagtatalakay sa pingamulan isag bagay.

8
Suriin

Ang pabula ay isang uri ng kathang isip na panitikan kung saan ang
mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay ang mga tauhan.
Madalas na mailalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may mag
kaibang ugali at nag wakas ang kwento na nagwawagi ang may mabuting
ugali at nag-iwan ito ng mabuting aral sa mambabasa.

Bakit mahalaga ang pabula?

1. Nakapagdaragdag sa mga bata/kabataan ng mga kasabihang buhat


sa pabula tulad ng… matalino man ang Matsing, mag-ingat sa lobong
nakabihis tupa, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,
at balat man ay malinamnam.
2. Mapalawak ang kanilang talasalitaan.
3. Masasanay sa sining ng pagsasalaysay.
4. Makapupulot ng mga aral na magagamit sa buhay.
5. Mahihikayat na magbasa ng mga pabula.
6. Malilinang ang kakanyahan sa pagsasalita ng patalinghaga.

Narito ang mga halimbawa ng Pabula:

• Si Langgam at si Tipaklong
• Si Kuneho at si Pagong
• Si Pagong at si Matsing
• Ang Daga at ang Leon
• Si Paruparo at si Langgam
• Ang Kabayo at ang Kalabaw
• Ang Aso at ang Uwak
• Ang Lobo at ang Kambing
• Sino ang Magtatali ng Kuliling?
• Ang Gorilya at ang Alitaptap

9
Isagawa 1

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang pabula matapos itong


basahin sagutan ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

Si Kalabaw at si Tagak

Iginuhit ni: Rubie-Ann Y. Talua

Tanghaling tapat. Mainit ang sikat ng araw. Tapos na ang gawain ni


Kalabaw sa bukid. Nagpunta siya sa tubugang putik at dito siya naglunoy.
Pagkatapos, sumilong siya sa lilim ng punong mangga. Hindi nagtagal,
nakatulog si Kalabaw.
Matagal na nakatulog si Kalabaw. Nagising lamang siya nang maramdaman
niya ang sakit at kati ng kagat ng mga lamok.

10
“Ayan na naman kayo”, wika ni Kalabaw. “Bakit ba ako na lamang ng
ako ang alaga ninyong kagatin? Ang sakit at kati pa naman ninyong
kumagat. Hala, alis kayo sa likod ko.”

“Ayaw namin. Hindi kami aalis sa likod mo. Kay sarap-sarap mong
kagatin. Malaki at malaman ang inyong katawan”, wika ng mga lamok.

At lalong dumami ang lamok na dumapo at kumagat sa likod at batok


ni Kalabaw. Hinampas nang hinampas ni Kalabaw ng kanyang buntot ang
mga lamok. Ngunit nagpalipat-lipat lamang ang mga ito ng lugar sa likod at
batok ni Kalabaw na di abot ng hampas ng kanyang buntot. Inis na inis sa
mga lamok si Kalabaw ngunit wala siyang magawa.

Siyang pagdating ni Tagak. Naawa siya kay Kalabaw.

“Nakakaawa ka naman”, wika ni Tagak kay Kalabaw. “Tutulungan


kita. Pagtutukain ko ang mga pesteng lamok sa ito.”

“Salamat, Tagak, kaybuti mo”, wika ni Kalabaw.

Inisa-isa ni Tagak na pagtutukain ang mga lamok na nakadapo at


dumadapo pa sa katawan ni Kalabaw. Naubos ang mga lamok.

“Hayan, Kalabaw!” wika ni Tagak. “Naubos ko nang tukain ang mga lamok
sa iyong batok at likod.”

“Kayginhawa na nga ng pakiramdam ko. Salamat na muli sa iyo,


Tagak”, wika ni Kalabaw. “Magmula ngayon makakasakay ka na sa aking
likod.”

Lumipas ang mga araw. Naging mabuting magkaibigan si Tagak at si


Kalabaw. Ang mga lamok na dumadapo sa likod ni Kalabaw ay kanyang
tinutuka kaya libre naman ang pagsakay ni Tagak sa likod ng Kalabaw.

Minsan umulan nang malakas. Nasa likod ni Kalabaw si Tagak.

“Tagak, dito ka sumilong sa ilalim ko”, wika ni Kalababaw sa kaibigan.


“Malapad ang katawan ko at hindi ka mababasa.”

“Salamat, Kalabaw. Kaybuti mo. Isa kang mabuting kaibigan”, wika ni Tagak.

“Ang mabuting magkaibigan ay nagtutulungan sa lahat ng araw at sa


anumang panahon”, wika ni Kalabaw.

11
1. Ito ay isang akda na ang gumaganap ay magkaibang ugali na
hayop.
a. parabola
b. maikling Kwento
c. pabula
d. tula

2. Sino ang naawa kay kalabaw?


a. Lamok
b. Langgam
c. Tagak
d. Uwak

3. Saan nagpahinga si Kalabaw?


a. sa ilalim ng punong manngga
b. sa gilid ng sapa
c. sa ilalim ng kawayan
d. sa ilalim ng bahay

4. Saang bahagi ng katawan dumapo ang tagak?


a. sa taenga ng kalabaw
b. sa likod ng kalabaw
c. sa buntot ng kalabaw
d. sa sungay ng kalabaw

5. Anong hayop ang naawa sa kalabaw?


a. Tagak
b. Langgam
c. Uwak
d. Ahas

6. Ano ang sabi ni Kalabaw habang siya ay kinagat ni Lamok?


a. Umalis kayo sa likod ko
b. Pupunta kayo sa punong kahoy
c. Aalas kayo sa lilim ng manga
d. Aalis ang mga langgam

7. Ano ang hinihampas ni Kalabaw habang siya ay kinagat ng mga


Lamok?
a. paa ng Kalabaw
b. untot ng Kalabaw
c. sungay ng Kalabaw
d. taenga ng Kalabaw

12
8. Paano tinuka ni Tagak ang mga Lamok sa batok ni Kalabaw?
a. sabay-sabay
b. inisa-isa
c. tigdalawahan
d. lahat ginawa

9. Paano tinulungan ni Kalabaw si Tagak?


a. pinagtutuka ang mga lamok
b. pinatay ang mga lamok
c. hinampas ang mga lamok
d. tinali ang mga lamok

10. Ano ang naidudulot sa pagbabasa ng pabula?


a. magandang aral
b. aliw
c. pampalipas oras
d. lahat ng Nabanggit

Isagawa 2

Panuto: Magbigay ng sampung (10) kilos ng isang tunay na kaibigan katulad


nina Kalabaw at Tagak. Ibigay ito gamit ang wastong pangungusap. Isulat
ang mga pangungusap sa sagutang papel.
Halimbawa: Ang tunay na magkakaibigan ay nagtutulungan.
1.

2.
3.

4.
5.
6.

7.
8.

9.
10.

13
Isagawa 3

Panuto: Basahin at unawain ang pabula sa ibaba matapos itong mabasa


sagutan ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

Ang Pagong at Ang Kalabaw


Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong
na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw
at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan.
Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na't
maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."

Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra


kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan dapat mong
malaman na ang maliit ay nakakapuwing.

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang


mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang
hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay
pagsisilbihan kita sa habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang
karera?" pakutyang sambit ng kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.

Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa


karera. Malaki siya at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino,
Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga
ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.

Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa


ang makakalaban niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na.
Ano bang kondisyon ng ating karera?" tanong ng kaiabaw.

"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa


ikalimang tuktok ng bundok na iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong.

14
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang
sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na
ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa
pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang
kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit
na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok."
Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at
ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay
pagong tinadyakan niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang
pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang kalabaw ang umatungal ng
iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit
na pagong.

1. Sino ang hinamon ni Kalabaw sa karera?


a. Ibon
b. Pagong
c. Kalapati
d. Kuneho

2. Kailan gaganapin ang karera ng dalawang hayop?


a. sa Gabi
b. sa hapon
c. sa umaga
d. sa madaling araw

3. Ilan ang kinausap ni Pagong para tulungan siya sa karera?


a. Dalawa
b. Tatlo
c. Apat
d. Lima

4. Ano ang anyo ng lupa ang kanilang dinaraanan para manalo?


a. burol
b. talampas
c. ilog
d. bundok

15
5. Paano tumakbo si Kalabaw para manalo?
a. mahina lamang
b. mabilis tumakbo
c. katamtaman lamang
d. naglalakad lang

6. Bakit si Pagong ang nanalo sa karera?


a. Dahil mabilis tumakbo si Pagong.
b. Dahil sumakay siya kay Kalabaw na hindi namamalayan ni
Kalabaw.
c. Dahil humingi siya ng tulong sa iba pang pagoong na manatili sa
bawat bundok na dadaanan sa karera.
d. Dahil ginamit ni Pagong ang kanyang kapangyarihan.

7. Ano ang ginawa ni Kalabaw ng malaman na siya ay talo?


a. Umuwi at umiyak nalang si Kalabaw.
b. Nagmakaawa kay Pagong na siya ang dapat Manalo.
c. Sinipa nang malakas si Pagong.

8. Bakit matinding kahihiyan ang naramdaman ni Kalabaw?


a. Dahil minaliit niya nang husto si Pagong.
b. Dahil nagpustuhan sila ng maraming pera.
c. Dahil hindi siya nakinig.
d. Wala sa nabanggit.

9. Paano mo mailalarawan si Pagong at si Kalabaw?


a. Si Kalabaw ay mayabang; Si Pagong ay mapagkumbaba.
b. Si Kalabaw ay minamaliit ang kapwa; Si Pagong ay madaya.
c. Si Kalabaw ay mapagmataas; Si Pagong ay matalino.
d. Lahat ng nabanggit.

10. Anong magandang aral ang mapupulot sa pabulang nabasa?


a. Huwag maging mayabang.
b. Pilitin mahalin ang sarili.
c. Umiwas sa anumang gulo.
d. Marunogn tumanaw ng utang na loob.

16
Isaisip

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag mula sa pabulang


nabasa. Ang pagpapaliwanag ay dapat aabot sa lima o higit pang
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1-5. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan


dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”, sabi ni
Pagong

Ipaliwanag:

6-10. "Hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko
ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na't maliit
ay sobra pa ang kupad kumilos."

Ipaliwanag:

17
18
ISAISIP ISAGAWA 3
Ang guro ang 1. B
magwawasto sa sagot ng 2. C
mag-aaral 3. B
4. D
5. B
6. C
7. C
8. A
9. D
10. A
ISAGAWA 2
Ang guro ang magwawasto
sa sagot ng mag-aaral
ISAGAWA 1 NALALAMAN
1. C 1. A
2. C 2. B
3. A 3. B
4. B 4. B
5. A 5. C
6. A 6. B
7. B 7. B
8. B 8. A
9. A 9. A
10. D 10. A
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling Pagbutihin
Napaka-husay
Krayterya din pa Kabuu-an
10 pts. 8 pts. 5 pts.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-in
sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

19
Sanggunian
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-si-
kalabaw-at-si-tagak-pabula-fable_586.html
https://www.google.com/search?ei=kpYLX9_yKtKJoASO0bDoAQ&q=pabula
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-fables-mga-pabula-
kahalagahan-ng-pabula_1147.html

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Tagbina I

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

21

You might also like