Summative TEST AP 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG MGA PAARALANG PANGLUNGSOD
MATAAS NA PAARALANG MANUEL A. ROXAS
Scout Reyes cor. Scout Chuatoco St., Brgy. Paligsahan, Quezon City

Summative Test
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Taong Panuruang 2020-2021

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
I.
1. Ano ang tawag sa pag-aaral ng kapaligirang pisikal ng ibabaw ng mundo?
a. mapa b. globo c. kontinente d. heograpiya
2. Alin sa limang TEMA ng HEOGRAPIYA na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural?
a. lokasyon b. lugar c. paggalaw d. rehiyon
3. Aling agham panlipunan ang sumasaklaw sa pag-aaral ng mundo, ng mga bato at mga proseso ng kanilang pagbabago?
a. Antropolohiya b. Sosyolohiya c. Kasaysayan d. Heolohiya
4.Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga
ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
a.Mesolitiko b. Metal c. Neolitiko d. Paleolitiko
5. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “ Seven
Wonders of the Ancient World?
a. Taj Mahal b. Hanging Gardens c. Forbidden City d. Great Wall
6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maglarawan sa Klima ng Indonesia?
a. Tropikal na Klima c. Maladisyertong init
b. Buong taon na nagyeyelo d. Nakararanas ng apat na Klima
7. Saang lugar sa Kanlurang Asya umusbong ang pinakamatandang kabihasnang Sumer?
a. Lambak-ilog ng Huang Ho c. Lambak-ilog ng Tigris at Euprates
b. Lambak-ilog ng Indus at Ganges d. Lambak-ilog ng Nile
8. Ano ang tawag sa matigas at mabatong bahagi ng planetang daigdig?
` a. Crust c. Mantle
b. Core d. Pangea
9. Sa panahong ito nagsimula ang kaalaman sa pagtatanim.
a. Paleolitiko c. Mesolitiko
b. Neolitiko d.Ice Age
10. Ang sibilisasyong ito ay tinagurian The Gift of Nile.
a. Mesopotamia C. Egypt
b. B. Indus D. China

A. Tukuyin ang konsepto na hinihingi sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_________________11. Ito ay pag-aaral ng lahi, kultura, wika, paniniwala, gawi ng mga tao at kanilang interaksyon sa kapaligiran.
_________________12. Ito ay tumutukoy sa isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na
lugar.
_________________13. Ito ang mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.
_________________14. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “religare” na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at
pagbabalik loob.
_________________15. Ang salitang ito ay hango sa salitang Greek na ang ibig sabihin ay “mamamayan”

II
A. ANALOHIYA
16. Kabihasnang Ehipto: Pyramid
Kabihasnang Sumer : ___________________________
a.Dakilang Pader b. Mohenjo-Daro c. Ziggurat d. Harappa
17. Hanging Garden of Babylon :Nebuchadnezzzar
Sinaunang Aklatan: ____________________________
a.Ashurbanipal b. Cyrus the Great c. Sargon I d. Juluis Ceasar
18. Tsina : Dakilang Pader
India : _____________________________________
a.Taj Mahal b. Hanging Garden c. Potters wheel d. Ziggurat
19.Panahong Neolitiko : Pinakinis na Bato
Panahong _________________________________ : Tinapyas at magaspang na Bato
a.Mesolitiko b. Metal c. Bagong Bato d. Paleolitiko
20. Kontinenteng Africa : Sahara Desert
Kontinenteng North America : _______________________
a.Mt. Everest c. Rocky Mountain
b. Mt. Andes d. Balkan Peninsula
B. Panuto: Suriin ang ugnayan ng unang dalawang salita at ibigay ang katumbas na pares na salita.

21 : Cuneiform ; Egypt : _____ __________________


22 Egypt: Rosetta Stone ; Mesopotamia : __________________
23 Ramayana at Mahabharata: India ; Epic of Gilgamesh: ______________
24 Hebrew: Judaismo ; Persian: __________________
25 Egypt: fractions ; India: __________________

III.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi tumtukoy sa wika?
a. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa.
b. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng tao ang kaniyang saloobin.
c. Ang wika ang isa mga batayan ng pagpapangkat ng mga tao sa mundo.
d. Sa isang pangkat-etniko, iba-iba ang kanilang wikang ginagamit.
2. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi?
a. Ang wika ay may iba-ibang layunin.
b. Iba-iba ang wika ng iba-ibang tao.
c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
3. Paano maituturing ang isang tao kung kabilang siya sa isang pangkat?
a. Kung may parehong wika at relihiyon
b. Kung may parehong lugar at lahing pinagmulan
c. Kung parehong relihiyon at paniniwala
d. Kung may parehong wika, lahing pinagmulan at kultura
4. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba
ng kanilang mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
c. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d. Panatilihin ang paggalang sa isa’t-isa kahit may magkakaibang relihiyon
5. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
b. Maraming sigalot sa mga bansa.
c. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
d. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
6. Alin sa mga sumusunod ang isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiyang pantao?
a. Upang ihambing ang bawat lahi at kultura sa mundo.
b. Upang mapanatili ang pagkakaisa at pagkakaroon ng paggalang sa bawat lahi at kultura sa mundo.
c. Upang malaman ang pinakamagandang kultura na dapat sundin ng mga tao.
d. Upang makita ang mga hindi magagandang kultura na dapat ng kalimutan at baguhin.
7. Ang sinaunang kabuhayan o ekonomiya ay nakabatay sa ________.
a. agrikultura at kalakalan
b. trade guild
c. paggamit ng salapi
D. pagbabangko

8. Ang daloy ng tubig sa Ilog Nile ay mula _______.


a. hilaga patimog
b. silangan pakanluran
c. timog pahilaga
d. kanluran pasilangan

9. Ano ang tawag sa pamayanan na may organisadong pamahalaan, kultura at sistema ng pagsulat?
a. lungsod-estado
a. syudad
b. bansa
c. kabihasnan

10. Bakit sumibol sa lambak-ilog ang apat na sinaunag kabihasnan?

a. maraming mahuhuling isda


b. sariwa ang tubig mula sa kabundukan
c. mainam ito sa pagtatanim
d. maraming graba ang makukuha sa ilalaim ng ilog

11 Bakit sa kabila ng kabutihang dulot ng ilog sa mga kabihasnan ay nagbabanta ito ng panganib?
a. mabilis na nakadadaong ang mga kaaway gamit ang ruta sa ilog
b. ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nagdudulot ng baha ay nakapipinsala sa kabuhayan ng sinaunang tao
c. nalilimitahan ng ilog ang pakikipagkalakan ng sinaunang tao
d. may mga nagiging sakim na lider sa pamayanan

12. Paano mo ipapakita ang paggalang sa pananampalaya ng ibang tao?


a. Pagsamba sa kanilang diyos kahit hindi mo gusto
b. Pagrespeto sa kanilang mga ritwal
c. Pagpuna sa kanilang paraan ng pananampalataya
d. Pagbabasa ng kanilang banal na aklat
13.Bakit tinatawag na priest-king o paring-hari ang pinuno ng Sumerian?
a. Ginagampanan ng hari ang gawaing panrelihiyon.
b. Tumutulong ang hari sa pari tuwing may mga gawaing pang-ritwal.
c. Magkaiba ang hari at pari at pareho nilang ginagampanan ang tungkulin.
d. Maaaring maging hari ang isang napiling pari ng pamayanan.
14.Alin sa mga sumusunod ang isa sa batayan o salik ng pag-usbong ng kabihasnan?
a. Kaayusan sa pananamit
b. Pagkakaroon ng Sistemang Politikal
c. Pagsulong ng pag-aaral sa astronomiya
d. Mayroong malawak na teritoryo
15. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa pag-usbong ng mga kabihasnan sa daigdig?
a. Mayroon ng sistema ng pagsulat ang mga sumibol na kabihasnan.
b. Pinamumunuan ng isang may kapangyarihan na tao.
c. Ang mga kabihasnan ay sumibol sa tabi ng mawalak na dagat.
d. Ang relihiyon ay bahagi ng kanilang pamumuhay at kultura.

16. Ano ang iyong mahihinuha sa pagsamba ng mga sinaunang tao sa kanilang mga nakikita sa kapaligiran tulad ng araw
at ulan?
a. Hindi nila kilala ang tunay na diyos.
b. Mahiwaga para sa kanila ang kanilang diyos dahil ito ay hindi nakikita.
c. Malaki ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan na nagdudulot ng pag-unlad ng kanilang kabihasnan.
d. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga ritwal o pag-aalay sa kalikasan upang bigyan ng kasiyahan ang diyos.

17. Paano napakikinabangan ng kasalukuyan ang teknolohiya sa larangan ng agrikultura ng mga Sumerian?
a. Ang araro na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa ay patuloy na ginagamit.
b. Ang kalendaryo ng paraan ng pagtatanim ay nananatiling mahalaga.
c. Ang Cuneiform ay nakatulong sa agrikultura at kalakalan.
d. Ang pagtatayo ng Ziggurat bilang imbakan ng pagkain ay napanatili ngayon.

18. Bakit sinasamba ng mga Egyptian ang mga hayop tulad ng pusa at buwaya?
a. sila na makapangyarihan ang mga hayop.
b. Naniniwala sila na ang kanilang diyos ang nagkakatawang hayop.
c. Ang mga hayop ay sugo ng Naniniwala kalangitan upang makita ang mga tao.
d. Pinaniniwalaang nakagagaling ang mga hayop.
19. Kung mababago mo ang kasaysayan, alin sa mga sumusunod ang iyong higit na pipigilang maganap sa Kabihasnan
sa Mesopotamia?
a. Mapanatili ang batas ni Hammurabi hanggang sa susunod na henerasyon.
b. Mapigilan ang digmaan dahil sa teritoryo upang magkaroon ng kapayapaan.
c. Mapigilan ang pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates
d. Makipagkalakalan sa ibang bansa sa Asya at Europe
20 . Paano isinusulat ng mga Egyptian ang Hieroglyphics?
a. Inuukit nila ito sa mga pader ng kanilang templo.
b. Isinusulat nila sa mga bato.
c. Isinusulat sa clay tablet o basang putik gamit ang stylus saka pinapatuyo.
d. Inuukit sa mga buto ng hayop.
21.Paano nabago ng Buddhismo ang pananaw ni Ashoka o Asoka?
a. Nagpatayo siya ng mga templo upang maging relihiyoso ang mga tao.
b. Ipinalaganap niya ang Buddhismo upang maging madali ang pananakop.
c. Ginamit niya ang meditasyon upang maging mahusay na pinuno.
d. Itinigil niya ang pakikidigma at binigyan ng pagpapahalaga ang buhay ng tao.
22. Paano mo ipapakita ang paggalang sa iba’t ibang uri o antas sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan?
a. Magpakita ng respeto sa mga taong may katungkulan sa pamahalaan.
b. Magpakita ng pantay na pagtingin at trato sa kahit anong antas sa lipunan.
c. Igalang ang mga matatanda lamang sa lipunan.
d. Huwag makinig sa mga mga taong walang pinag-aralan.

23. Paano mo ipapakita ang paggalang sa iba’t ibang uri o antas sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan?
a. Magpakita ng respeto sa mga taong may katungkulan sa pamahalaan.
b. Magpakita ng pantay na pagtingin at trato sa kahit anong antas sa lipunan.
c. Igalang ang mga matatanda lamang sa lipunan.
d. Huwag makinig sa mga mga taong walang pinag-aralan.

24. Paano pinapahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahambing sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
b.Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kayat kaunti ang kanilang mga ambag.
c. Patuloy na hinahangad at tinatangkilk ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa
daigdig.

25. Agrikultural ang pangunahing gawaing pang-ekonomiya ng mga sinaunang kabihasnan na tulad ng Sumer, Indus,
Ehipto, Tsino at Mesoamerica malapit sa lambak-ilog. Bakit mahalaga sa kanila ang paggawa ng irigasyon?
a.Upang makontrol ang pag-apaw ng ilog
b. Upang maiwasan ang tagtuyot sa kanilang lugar
c. Upang makontrol ang pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga lambak-ilog
d. Upang magkaroon ng sistema sa patubig sa mga sakahan at komunidad

You might also like