Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng


Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

Mga Konseptong Pangwika

1.) Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

▪️Mga antas

Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

a.) Kolokyal/pambansa

b.) Kolokyalismong karaniwan

c.) Kolokyalismong may talino

d.) Lalawiganin/Panlalawigan

e.) Pabalbal/balbal (salitang kalye)

f.) Pampanitikan/panitikan

▪️Kategorya ng paggamit ng wika

Dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.

1.) Pormal

Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit
ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:

2.) Impormal o di-pormal


Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-
araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri
nito:

a.) Lalawiganin– mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang.

b.) Balbal– mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang
nabuklat sa lansangan.

c.) Kolokyal– mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

▪️Wikang Pambansa

Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang


pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa
politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.

▪️Wikang Panturo

Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng
edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin,
may iisang wikang panturo —ang wikang Ingles.

▪️Wikang Opisyal

Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa


saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang
ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama’t hinihiling din ng batas sa maraming
bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.

▪️Bilinggwalismo

BILINGGUWALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa


larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung
paano ang lipunan ay nakapag-aambag sa debelopment ng wika.

▪️Register/Barayti ng wika
Barayti ng wika kung saan iniaangkop ang wika sa taong kausap o sa lugar kung saan kayo
nag uusap. Halimbawa kung ang kausap mo ay teacher mo hindi ka puwedeng gumamit ng
salitang jejemon kailangan mong gumamit ng pormal na salita kapag guro ang kausap mo.

2.) Kasaysayan ng Wikang Pambansa

a.) Sa panahon ng Kastila

Nang sinakop ng mga kastilang mananakop ang pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang
kulturang pangkakatubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga paganong
pag-uugali ng mga ktutubo, kabillang na ang pag-iiba sa sistema ng mga pagsusulat, pagbasa at
mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang
abecadario o ang alpabteong Espanyol.

b.) Sa panahon ng rebolusyong Pilipino

Noong madiskubre ng mga Espanyol ang katipunan noong Agosto 19, 1896, napakaraming
inaresto at ikinulong na mga pinaghihinalaan na kasapi ng katipunan. Sinimulan ng mga
katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng
kanilang cedula personal. Ang kanilang pagpunit ng cedula ay sumasagisag sa pagpapalaya ng
mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya, ang pagpunit na ito ay nakilala sa kasaysayan sa
tawag na ” Sigaw sa Pugadlawin “. Ang Sigaw sa Pugadlawin ay ang opisyal na pagsisimula ng
Himagsikan ng Pilipino laban sa mga Espanyol. Dito ipinakita ng mga Pilipino na handa silang
mag buwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng PIlipinas. Ito rin ang nagbigay daan sa
pagkilala ng Pilipinas bilang ang kauna-unahang republika sa Asya.

c.) Sa panahon ng Amerikano

Mararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema ng pampublikong


edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos mapasakamay ng mga Amerikano ang Maynila
noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa
simula, mga sundalong Amerikano muna ang nagsilbing unang guro na kalaunan ay napalitan ng
mga gurong galing sa America. Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa
Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga
gurong ito na binansagang Thomasites.

d.) Sa panahon ng Hapon


Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo
ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

You might also like