Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bituwing Patay

JOHN MICHAEL “Mico” L. LAURON

Malakas ang buhos ng ulan noong nakaraang gabi.

Kasabay ng pagdaloy ng tubig ulan ay ang aking mga pangarap at mga alaala ng
kinalimutang pag-ibig – ng mga nasirang gunita at mga napakong pangako.

“Umiiyak ang kalangitan para sa akin,” konsuelo ko sa aking sarili. Ngunit kahit ang
ulan o ang init na nagmumula sa haring araw ay hindi kayang isalaysay ang pighati nga
aking puso.

Kagabi, maaliwalas ang kalangitan at ang awit ng mga kuliglig ang pumalit sa
kalungkuta’t hinagpis nito.

Nakakita ako ng isang buntala.

Ito’y kabigha-bighani – asul na may konting kulay ng kahel, dilaw at pula.

“Nawa’y maging masaya siya habang buhay.”

“Bakit hinihiling mo ang kanyang kasiyahan sa halip ng kanyang pag-ibig?”

“Sapagkat ayaw kong mahalin niya ako ng dahil lang sa isang hiling.”

Humiling ako sa isang buntala – sa isang bituwing patay.

Ngunit bago pa man ito makapagsimula, napagtanto ko na ito’y simula ng isang


dapithapon - tanda ng liwanag na nagmumula sa isang talang matagal ng patay. Ito’y
naging mapanlinlang – nakakabighani, maamo, marahan – mga tira-tira ng kinang na
naglaho na.

Siguro ito ay nagniningning pa rin. Ngunit ang kanyang kinang ay unti-unti nang
kumukupas.

Sa aking pag-upo sa tabi ng durungawan kasabay ng pag-angat ng singaw na


nagmumula sa isang mainit na kape kasabay ng mapanglaw na paghulog ng mga abo
ng sigarilyo sa malamig na sahig, ang kislap ng yaong bituwin ay hindi na para sa akin.
ito’y nagniningning na para sa iba.

Ngunit ako ma’y isang bituwin.

Katulad ng ibang mga tala sa kalawakan.

Tapos na.

You might also like