ORASAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ORASAN

TIK…TOK….TIK…TOK..

Tunog ng orasan

Mapaumaga o gabi man

Kamay nito’y patuloy sa pagikot

katulad ng buhay kong patuloy sa pagtakbo

hinihingal, mapapagod, hihinto

ngunit mapagod man itoy,patuloy parin sa pagikot

katulad ng buhay ko

oo ! katulad ng buhay ko

Sa murang edad pa lamang ako’ y namulat na

Sa mga totoong hirap ng mundo

Ang mamuhay ng hindi lahat ng gusto,

Ay napapasakamay ko..

Masakit, ngunit kailangang pikit matang tanggapin,

Ang sitwasyong bumabalot sa buhay ko.

Kung kaya’ t bata pa lamang ay itinanim ko na sa isip ko

Na kinakakailangan kong makaalpas sa tanikalang,

Gumagapos sa akin,

At pumipigil sa akin sa pag-abot sa kung ano talagang ninanais ko.

Sa kung ano talaga ang gusto ko.

At hindi dahil sa ito lang ang kaya ko.

Sa bawat pagkkataong makakaranas ng hirap

Minsan maiisip na kung maaari’y huminto

Huminto na lang sa pakikipaglaban sa buhay

Ngunit may mga tao talagang magpapaalala sayo

Hindi pwedeng huminto..oo hindi pwede,

Katulad ng orasan,

Ang buhay ay kinakailangang magpatuloy

Magpatuloy sa pag-ikot.

Umulan man o umaraw


Dapat handa tayo sa lahat ng pagsubok sa buhay

buhay na walang humpay,,,,walang humpay ,

patuloy sa paglaban sa anumang karanasan na dumarating sa buhay

karanasan,,,karanasan…maganda man o masama itoy karugtong na ng ating buhay

Karanasan sa buhay na di maiiwasan kundi tanggapin at labanan

Tik.. tok.. tik.. tok

Tunog ng orasang nagpapapaalalang,

Matatapos na ang araw,

Katulad ng pag-asam ko na matapos ang dinaranas na pahihirap ko

Tik…tok…tik…tok..

Mag-uumaga na

Katulad ng pag-asam ko ng panibagong pag-asa.

RODELYN B. GONZALES

You might also like