Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

IKALAWANG MARKAHAN – MAHABANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 7

Name: _____________________________________ Score: ___________


Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at mga pahayag. Piliin lamang ang tamang sagot
at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. pamumuhay na nabago ng kapaligiran
B. pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
D. pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?


A. kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
B. kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at na pangkat ang tao ayon sa kakayahan
D. sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura at sistema ng pagsulat

3. Alin sa mga nabanggit ang tamang kahulugan ng sibilisasyon?


A. kung ikaw ay nakatira sa lungsod
B. kung ikaw mula sa angkan ng mga maharlika
C. kung ikaw ay naninirahan sa malalayong lugar
D. kung ikaw ay natutung humarap sa hamon ng kapaligiran at paano mo ito matutugunan

4. Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ng mga sinaunang
kabihasnang Asyano.
A. kotse, pera, karangalan, kaibigan
B. tv, ref, computer, cellphone, wifi
C. kaharian, katungkulan, katapangan, kagalingan
D. apoy, kuweba, bato, dahon, balat ng hayop at kahoy

5. Saang bansa matatagpuan ang sinaunang Mesopotamia?


A. India
B. Iran
C. Iraq
D. Tsina

6. Sinong hari ang nagbalangkas ng kauna-unahang batas sa daigdig?


A. Gilgamesh
B. Patesi
C. Ur
D. Uruk

7. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.

8. Bakit sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India?


A. dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga manunulat sa Sanskrit
B. hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang kahulugan ng mga naiwang labi
C. dahil sa kawalan ng interes ng mga iskolar na tuklasin ang kasaysayan ng India
D. hindi nakahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno

9. Para sa mga Hapones, banal o sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula ito kay
___________, ang diyosa ng araw.
A. Amaterasu
B. Indra
C. Izanagi
D. Shiva 10

10. Sa Japan hindi maaaring palitan o tanggalin sa pwesto ang emperador. Banal o sagrado
ang emperador at tanging sa lahi lamang ni Amaterasu maaari siyang magmula. Sa
ngayon, bagamat hindi na diyos ang pananaw ng mga Hapones sa kanilang emperador,
nananatili pa rin ang kanilang paggalang at pagmamahal dito. Noon at ngayon, simbolo ng
_________ ng mga Hapones ang kanilang emperador.
A. kaunlaran
B. katatagan
C. pagkakaisa
D. kasaganaan

11. Ang Japan at Korea ay kapwa naniniwala na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador
at kaharian. Ayon sa ilang iskolar, maaaring ito ay impluwensiya ng bansang _____ dahil
kapwa humiram ang dalawang bansa sa kultura nito at hindi malayong naimpluwensiyahan
nito ang kanilang kaisipan.
A. China
B. India
C. Pilipinas
D. Indonesia

12. Bundok Popa: Myanmar; Bundok Ba Phom:_______________.


A. PIlipinas
B. Cambodia
C. Thailand
D. Indonesia

13. Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng tamang kaisipan ukol sa mga Hapones?
A. Ang pamumuno ay ipinagkaloob ng langit
B. Kinilala bilang hari ng Diyos o hari ng buong daigdig
C. Mga lalaking may kakaibang talino, tapang o kaugalian
D. Sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula kay Amaterasu

14. Kung ang mga hari at pinuno sa Timog Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga lalaking
may angking talino, tapang, kagalingan, ano naman sa India?
A. May banal na pinagmulan
B. Caliph at Sultan na pinunong pulitikal at panrelihiyon
C. Anak ng langit at may basbas ng langit ang pamumuno
D. Kinilala bilang Devaraja at Cakravartin o hari ng mga Diyos

15. Bakit naging mahalaga sa China ang pagpasok ng ika-20 siglo?


A. Dahil higit na naging makapangyarihan ang mga babae kaysa lalaki
B. Dahil itinuring na pantay ang lalaki at babae
C. Dahil itinigil na ang pagsasagawa ng footbinding sa mga kalalakihan
D. Dahil ang mga kababaihan ay itinuring na magaling na lider sa lipunan

16. Sa tradisyunal na papel ng mga babae sa Asya, alin sa sumusunod na impormasyon ang
itinuturing na dapat iisa lamang ang maaaring tunguhin ng mga kababaihan?
A. Maging isang asawa at ina
B. Maging isang mabuting pinuno ng lipunan
C. Maging isang magaling na lider ispirituwal
D. Maging isang magaling na mangangalakal

17. Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan?
1. Igagalang ko ang opinion o desisyon ng kapwa ko mag-aaral.
2. Magiging bahagi ako sa pagsulong ng pantay na karapatan ng mga babae at
lalaki. 3. Hindi ako magiging bahagi ng mga gawain na ikasisira ng mga kababaihan.
4. Patuloy kung kikilalanin ang kagalingan ng mga kababaihan.
A. 1,2,3,4
B. 1,2,3
C. 1,3,4
D. 2,3,4

18. Silangang Asya : Calligraphy - Kanlurang Asya :___________:


A. Cuneiform
B. Hieroglyphic
C. Alibata
D. Pictogram

19. Cambodia : Angkor Wat – Indonesia : _____________:


A. Borobodur
B. Hanging Garden
C. Taj Mahal
D. Ziggurat

20. Water Clock : Kanlurang Asya - Magnetic Compass : __________:


A. Hilagang Asya
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Timog Silangan Asya

You might also like