Batas Rizal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Republic Act 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal ay ipinagtibay noong ika-12 ng

Hunyo,1956 mahigit animnapung taon na ang nakalipas mula nang ito ay inaprubahan noong ika-16 ng
Agosto, 1956. Noon ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales
at Senate Bill No. 438 na pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang
naapektuhan sa pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang
pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang
pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap
kung saan iba’t-ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang
adhikain na maitupad ang Batas Rizal.

Ang Batas Rizal ay nakatadhana na isama sa curriculum ng mga estudyante ang pag-aaral tungkol sa
buhay ni Rizal lalong-lalo na ang kaniyang mga isinulat na kathambuhay na Noli Me Tangere at El
Flibusterismo.

Isinasaad din sa batas na ang mga silid-aklatan ng mga pampubliko at pribadong paaralan ay dapat
magkaroon ng sapat na libro tungkol sa buhay at mga nilikha ni Rizal.

Isinaad din na ang Board of National Education ay may responsiblidad na ilipat sa iba’t bang lengwaheng
nararapat sa ibat ibang lugar sa Pilipinas ang mga librong tungkol kay Rizal at ibahagi ito sa
piakamababang presyo.

MGA LAYUNIN:
• Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng
Batas Rizal.
• Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na maunawaan ang
kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal

• Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas.

• Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal.

IBA PANG LAYUNIN:

• Muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayani’y nabuhay
at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat
mamamayang Pilipino ang mga dugo’t pawis na inialay ng ating mga bayani na maaaring maging
ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay.

• Upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa
mga mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para sa kalayaan ng
sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng ating mga responsibilidad bilang isang
Pilipino, lalong lalo na sa mga kabataan.

• Upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung saan sila’y nasa lebel pa lamang ng
paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang pag-asa ng bayan.

GAGAN, JEAN P. g. arjay s. targa


BSBA-HRM | 2ND YR – C Tagapagturo

You might also like