Thesis Proposal Draft

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

ANG KASAYSAYAN NG PAROKYA NG OUR LADY OF GUADALUPE SA

BARANGAY SEMIRARA, (1980-2015)

Isang Tesis Proposal

Para sa: Historical Methodology

Inihanda nina

Vincent L. Gervacio

Julie Ann G. Nacion

Jemmar S. Gaugano

Justine C. Arcelo

Erika C. Verdera

Kristine A. Bajita

Janice C. Casampol

Eugene S. Valdriz Jr.

June 15, 2021


NILALAMAN

Kabanata

I. INTRODUKSYON

Saligang Pangkasaysayan………………………………………………………….1

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………………4

Layunin ng Pag aaral……………………………………………………………....5

Kahalagahan ng Pag aaral…………………………………………………………5

Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………...6

Konseptual na Balangkas………………………………………………………….7

Pagsusuri ng mga kaugnay na Literatura…………………………………………10

Metodolohiya……………………………………………………………………....13

Organisasyon ng Tesis……………………………………………………………...14

BIBLIOGRAPIYA…………………………………………………………………………...16

APPENDIX

A. Mga tanong para sa panayam…………………………………………………………

17

DAYAGRAM

DAYAGRAM 1. Ang pagtatag at paglayo ng simbahang Our Lady of Guadalupe sa Isla ng

Semirara……………………………………………………………………………………….8
iv

MGA DAGLAT

HTC Holy Trinity Chapel

OLGP Our Lady of Guadalupe

CHAPLAIN PRIEST Paring nangangasiwa sa simbahan na pinapatakbo o tinatag

nang isang pribadong kompanya na ang tanging layunin ay gabayan ang isang institution sa

kanilang espirituwal na pamumuhay

SMPC Semirara Mining Power Corporation

SCC Semirara Coal Corporation

SAMAHAN LAYKO Isang organisasyon na binubuo sa loob nang simbahan na siyang

tutulong sa pari sa pag oorginisa nang misa at ibang gawain nang simbahan.

v
KABANATA I

INTRODUKSYON

Saligang Pangkasaysayan

Makalipas ang mahigit 500 taon ng matagumpay ng bansang Espanya sa

pagpapalaganap ng katolisismo sa ating bansa ay patuloy parin sa pagyabong ang

pananamampalatayang katoliko sa mga Pilipino. Ayon kay Lipka, M. (1995) sa katunayan

tanging ang bansang Pilipinas lamang ang natatanging bansang dumenante sa

pananampalatayang katoliko sa buong Asia na may tinatayang bilang na 76 million sa taong

2010.Ang pagkakatatag ng kapilya sa isla ng Semirara ay isang hakbang ng pagkakaroon

ng isang malaya at demokratikong bansa na kung saan isinasaad sa 1987 kunstitusyon

artikulo III na tinatawag na “Katipunan ng mga karapatan” seksyon 5 na sinasabing hindi

dapat mababalangkas ng batas sa pagtatag ng relihiyon. Dapat ipahintulot magpakailanman

ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba.

Ang Isla ng Semirara ay napapabilang sa mga isla ng bayan ng Caluya na

nasasakop ng lalawigan ng Antique. Ito ay may kabuoang sukat na 55km2(21 sq ml). at may

tinatayang bilang ng pupolasyon na 12,434(2015). Maituturing na isa sa mga naging tatak ng

pagiging kristiyanong katoliko ng mga taga isla ng Semirara ang pagkakaroon ng isang

promenente at dekalidad na simbahan. Sa panahon ng Vulcan mining exploration na

pinamamahalaan ni Ginuong Walter Brown. Iminungkahi ng kanyang butihing maybahay na

si Ginang Annabelle Brown na magkaroon ng isang kapilya sa Isla ng Semirara. Kaya’t sa

taong 1980 ay pinasimulan ang paggawa sa gusali ng kapilya na kalaunay tinawag nila itong

Holy Trinity.

1
Ang kapilya ng Holy Trinity ay siyang naging sentro ng pananampalatayang katoliko sa

buong isla subalit ito ay pinamumunuan ng mga paring diosesan na mula pa sa bayan ng

Caluya Antique sa ilalim ng parokya ng San Antonio De Padua. Nagkakaroon lamang ng

misa sa isla ng Semirara sa tuwing sasapit ang kapistahan.

Subalit sa taong 1984 pormal na nagkaroon ng paring nakatalaga sa Semirara na tinatawag

na Chaplain Priest. At ito ay dahil sa tulong pinansyal ng Semirara Coal Corporation(SCC).

Na siyang humiling sa dioses ng Antique na magkaroon ng permanenteng pari sa isla ng

Semirara. Noong December 12, 2007 pormal ng pinalitan ang pangalan ng Holy Trinity at

ito ay naging Our Lady of Guadalupe6. Sa kahilingan ng mga pari, relihiyusong samahan-

layko at nang pamunuan ng Semirara Mining and Power Corporation(SMPC). Kaya’t sa

pangunguna nang dating Obispo ng diocese ng Antique sa katauhan ni Bishop Romulo T.

Dela Cruz D.D ay kanyang binasbasan at pinagtibay ang pag papalit ng pangalan Holy

Trinity at ito ay naging our lady of Guadalupe.

Sa kasalukuyan ang Our Lady of Guadalupe ay isang kristiyanong pamayanan sa

isla ng Semirara na sumasakop sa tatlong barangay. Ito ay ang barangay Semirara,

Barangay Tinogboc at Barangay Alegria at ang karatig na isla ng Liwagao. Sa ngayon, ang

Our Lady of Guadalupe ay pinangangasiwaan ng kaparian na nag mula sa diocese ng

Antique. Lalong naging progresibo ang mga samahang relihiyoso sa loob ng parokya ng

Our Lady of Guadalupe. Aktibong nakikiisa ang mga local na pamahalaan at mga barangay

sa gawain ng parokya. Ang pagkakaroon ng isang progresibong pamumuno ng

kasalukuyang pari sa katauhan ni Fr. Edwin Rubido ay naging hudyat ng isang pamumuno

na nagpapatatag sa
2

pananampalatayang katoliko ng mga taga isla ng Semirara. Ang pagkakaroon ng isang

parokya sa isla ng Semirara ay isang hudyat ng pagbabagong pangsimbahan sa buong isla.

Ang pagiging aktibong pakikiisa nang mga parokyano, samahang relihiyoso, local na

pamahalaan ng Semirara at ng Semirara Mining and Power Corporation ay malaking tulong

upang magpatuloy sa gawain ang parokya. Samakatuwid ang pagbabagong pang relihiyon

ng isang instutusyon ay naka depende sa mga taong nasasakupan nito, mga namumuno sa

mga organisasyon at samahang pang relihiyon, mga kaparian at mga pribadong sector.

Gayunpaman napakalaking papel ang dapat gampanan ng mga taong naninirahan sa isang

kumunidad na nasasakupan nang isang parokya upang patuloy itong maging progresibo at

nang sa ganun ay mahihikayat at maayos na magabayan ang espiritwal na pangangailangan

ng mga taong nakapaligid dito.

Sa kabuuan ang pag babago nang parokya mula sa pagiging kapilya nito ay isang hakbang

na nag papatunay na ang pag yabong ng pananampalataya ay isang hudyat ng pagkakaroon

ng isang matagumpay na gawain ng simbahan.


3

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning talakayin ang kasaysayan ng Our Lady of Guadalupe

at malaman ang mga salik at aspetong naging dahilan ng pagbabago nito magmula sa

pagiging kapilya hangang sa pagiging parokya nito.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga naging dahilan sa pagpapatayo ng simbahan sa barangay Semirara?

a. Sino ang nagpatayo ng kapilya sa barangay semirara at kailan ito naitatag?

2. Ano-ano ang naging papel ng mga parokyano sa pag unlad ng kapilya ng Holy Trinity?

a. Paano nakiisa ang mga taong simbahan, relihiyosong samahan na napasama sa

pagbabago ng Holy Trinity?

3. Paano nakakaapekto ang paniniwalang katoliko, gawain at mga aktibidad sa pagbabago

ng kapilya patungo sa pagiging parokya nito?

4. Ano- ano ang epekto ng pagbabago ng isang instutusyon sa kumunidad?


4

Layunin ng Pag-aaral

Sinusubukan ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga dahilan at aspeto para sa

pagbabago ng kapilya nang Holy Trinity hangang sa maging isang parokya na ito na

tinawag na Our Lady of Guadalupe.

1. Maisalaysay ang mga dahilan ng pagkakaroon ng simbahang katoliko sa Barangay

Semirara.

2. Mabakas ang mga naging ambag ng mga personalidad na sangkot sa pagbuo at

pagbabago ng kapilyang Holy Trinity.

3. Upang tukuyin ang mga paniniwala at mga aktibidad ng mga katoliko na

nakisangkot sa pagbabago ng simbahan.

4. Matukoy ang epekto ng pagbabago ng pangalan na Holy Trinity sa pamayanan ng

Semirara.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ito ay pinagsusumikapan na pahalaganahan sa dalawamput walong taong mayroon ang

kapilya ng Holy Trinity. Ang pag –aaral na ito ay nagpapakita ng isang detalyadong

mapagkukunan ng datos na siyang naging sanhi ng pagbabago ng simbahan. Ang

matagumpay na pananaliksik na ito ay magbibigay ng pakinabang sa mga sumusunod.

1. Mga mamayan ng isla ng Semirara. Ang pananaliksik na ito ay lubos na

pakikinabangan ng mgananinirahan ng isla ng Semirara,yamang ang isa sa mga dahilan

na gawin ang pag-aaral na ito ay magkaroon ng kamalayan at edukado sa kasaysayan ng

kanilang simbahan. Binibigyan sila ng kaalaman sa kahalagahan ng pagkakaroon ng

kapilya nang Holy Trinity noong 1980 hangang 2015 na siyang kasalukuyang tinatawag

na parokya ng Our Lady of Guadalupe


5

2. Ministeryo ng simbahan ito ay nagsisilbing deklarasyon at pagpapahalaga sa mga

naging paring nanilbihan, mga katekista, layko, samahang relihiyoso at mga indibidwal

na patuloy nagbibigay ng ambag sa simbahan. Sa mga librarian o espesyalista sa

impormasyon. Ang paghahanap nang impormasyon na makukuha mula sa pag-aaral na

ito ay magbibigay ng malaking epekto sa mga librarians. Dahil ito ang unang pag-aaral

na isinagawa ng mga mananaliksik sa lugar na ito tungkol sa pagtatag ng kanilang

simbahan. Maari nilang magamit ang impormasyon na napapaloob sa pananaliksik na

ito para sa mga taong interesado rin sa lugar na ito.

3. Iba pang mga pananaliksik. Ito ay makakatulong sa kanila upang mahanap ang

impormasyong kanilang gagamitin para sa kanilang pag-aaral. Nag bibigay din ito ng

isang rekomendasyon sa mga susunod na mananaliksik na magamit at magpupuno sa

mga kakulangan ukol sa pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa isla ng Semirara sa panahon ng ikalawang semester ng

taong 2020-2021. Ang pag-aaral ng pananaliksik ay naging sentralisado sa pagbabago sa

pangalan ng simbahan mula sa kapilya ng Holy Trinity hangang sa maging parokya ng Our

Lady of Guadalupe mula sa taon ng 1980-2015. Susuriin ng mga pag-aaral na ito ang mga

aspeto na naging dahilan ng pababago sa katayuan ng simbahan. Bahagi rin ng pag-aaral na

ito ang pagkakaroon ng isang makabuluhang pagsusuri ng mga daloy na kasukdulan ng

isang progresibong talakayan. Ang ilan sa mga limitasyon ng pag-aaral na ito ay batay sa

mga tao na naging bahagi ng pagbabago ng simbahan. Ang datos na nakolekta at naging

pangunahing batis na siyang ginamit sa pag-aaral na ito.


6

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Sa pag aaral na ito ang Our Lady of Guadalupe ay itinuturing na isang institusyon na

naging sentro ng balangkas ang New Institusyonaism. Ginamit ang New Institusyonalism

bilang isang teoryang ginagamit sa pag aaral ng mga panlipunang institusyon at ang maging

epekto nito sa lipunan. Sa pamamagitan nito ay nalalaman ang mga salik na nakakaapekto

sa mga taong naninirahan sa isang lugar.ng pagkakatatag ng simbahan.

Mayroong tatlong kategorya ang New Institutionalism ito ay ang historical institutionalism,

Rational Choice Institutionalism at ang Sociological Institutionalism. Kaya minabuting

gamitin sa pag aaral na ito ang historical institutionalism. Bibigyan ng tuon ng mga pag

aaral na ito ang mga salik ng pagkatatag ng simbahan. Ang pagpapalit ng pangalan dito at

kung paano ito naging isang parokya. Tatalakayin din sa pag aaral na ito ang mga naging

kabahagi sa pagpapatayo ng simbahan hanggang sa pagpapalit ng pangalan nito at nang

maging isang ganap na parokya.


7

LAYKO PARISH SEMIRARA MINING


PASTORAL COUNCIL COMPANY

OUR LADY OF GUADALUPE PRIBADONG


RELIGIOUS GROUP
PARISH SECTOR

BARANGAY PASTORAL BARANGAY


COUNCIL SEMIRARA PROPER,
TINOGBOK, AT
BARANGAY
ALEGRIA

PAMAYANAN NG ISLA NG SEMIRARA

Diagram Bilang 1. Ang pagtatag at paglago ng simbahang Our Lady of Guadalupe sa

Isla ng Semirara.
Sa paggamit ng New Institutionalism ay naipapakita ang pagkakaroon ng

pagbabago sa loob at labas ng simbahang katoliko sa barangay Semirara. Ang Holy Trinity

Chapel ay

itinatatag sa panahong 1980 hanggang 2011. Sa loob ng 31 na taon ang Holy Trinity Chapel

ay nasa ilalim ng San Antonio De Padua Parish. Sa panahong 2011 Mayo 16 ay naging ganap

ng Parokya at tinawag na Our Lady of Guadalupe. Maraming nagbago sa panlabas na

kaanyuan ng simbahan at maging sa aktibidad sa loob nito. Ang Holy Trinity Chapel ay isa

lamang maliit na kapilya at ito ay umuukupa lamang ng mahigit 50 na tao. Sapagkat noong

naging isa na itong ganap na parokya ay kaya na nitong mag ukupa ng dalawang daan (200)

na tao. Ang pagiging progresibo ng parokya ay isa sa mga naging dahilan ng pagtatag ng

pananampalataya ng mga tao sa Barangay Semirara. Sa pag aaral na ito ay ipinapakita kung

paano naging isang ganap na parokya ang isa lamang na kapilya.

Sa kasalukuyan, may pitong (7) kapilyang nasa ilalim ng parokyang Our Lady of

Guadalupe. Patuloy na lumalago at namamayagpag ang relihiyong katoliko sa barangay

Semirara sa kabila ng pagdating ng ibat ibang sektor ng relihiyon dito. Ang pagsasalaysay ng

mga dating nagseserbisyo katulad ng mga katekista sa loob ng simbahan noong mga

panahong ito na isa lamang kapilya ay malaking tulong sa pag aaral na ito upang matukoy

ang kasaysayan ng parokyang Our Lady of Guadalupe. Ang paghalungkat sa talaan sa loob

ng simbahan ay isa sa ginamit na batayan upang masagot ang mga suliranin sa pag aaral. Sa

pamamagitan ng salaysay ng mga tao kasama ang mga datos na magsusuporta dito ay

magbibigay linaw sa pagtatag ng simbahang Holy Trinity chapel at kung paano ito naging

Our Lady of Guadalupe Parish.


9

Pagsusuri ng Pag aaral ng Literatura

Ang pag aaral ng kasaysayan ng simbahang Our Lady of Guadalupe ay magroong

dalawang kasaysayan na kailangan alamin at suriin. Sa pamamagitan ng mga sumusunod na

pagsusuri sa nakaraang pag aaral tungkol sa pag usbong at pag unlad maging ang pagbabago

ng ilang mga simbahan sa bansa ay maipapakita ang malaking epekto nito sa pamumuhay ng

komunidad at mamamayan.

Ayon kay Postma, A. (1997) sa kanyang artikulong"CALAVITE: The Life and

Death of a Mindoro Parish."ay kanyang tinalakay ang pagkakatatag ng simbahang katoliko sa

lugar nang Calavite sa panahon ng 1580. Na kung saan tinalakay ng may akda ang Calavite

bilang sentro ng pananampalatayang katoliko sa isla nang Mindoro. Ayon sa mga dokumento

na ibinahagi ng may akda sa panahon ng 1679-1731 ito ang panahon na kung saan yumabong

ang pananampalatayang katoliko sa kugar ng Calavite. Subalit hindi parin naging ligtas ang

Calavite sa pangangayaw ng mga Moro. Kayat noong 1731-1767 ang Calavite ay bumagsak

at maraming mga pari ang pinatay ng mga moro. Samantalang ang mga katutubong mangyan

na naninirahan sa Calavite ay pinili na manirahan sa kabundukan. Sa kasalukuyan tanging

mga pundasyon nalang ang nakikita sa dating simbahan ng Calavite.

Ayun sa artikulo ni Rodell, P. (1988) na pinamagatang "THE FOUNDING OF THE

IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE (THE "AGLIPAYAN" CHURCH): AN

HISTORIOGRAPHICAL REVIEW." Noong Setyembre, 1902 Fr. Si Gregorio Aglipay at


Isabelo de los Reyes, Sr. ay humiwalay sa Simbahang Katolikong Romano at itinatag ang

Iglesia Filipina Independiente (IFI), na mas kilala bilang "Aglipayan" Church. Ang

pagtatatag ng IFI ay naging isang kontrobersyal sa debate ng Repormasyon kumpara sa

Counter

10

Reformation sa panitikan. Ang IFI kasama ang mga tagapagtanggol ng Protestante at

Epescopalian at mga tagasuporta nito mula sa Philippine Nationalist Academia ay nakatayo

sa

isang panig laban sa Roman Catholic Clergy at kanilang mga kakampi sa iba pa. Ang

pangunahing arena ng debate ay isang "wheel within the wheel" ng IFI na lumikha ng isa

pang pagsabog ng relihiyosong pagkahilig at debate sa kasaysayan Matapos ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig ang IFI ay napunit ng sariling schism nang dalawang malubhang

sumalungat na paksyon na nag-indigay para sa kataas-taasang kapangyarihan sa isang

pakikibaka upang magpasya kung sino ang susunod sa Aglipayan bilang isang pinuno ng

Simbahan. Ang pakikibakang ito ay tumagal mula noong 1946 hanggang sa maagang bahagi

ng 1960 ang dalawang paksyon ay ipinaglaban sa katayuang ligal, mga pag-aari ng simbahan,

mga tagasunod sa batas, kadalisayan sa teolohiko, at pinakamahalaga para sa kasalukuyang

papel, pagiging lehitimo ng kasaysayan.

Ayon kay Cunningham, F.T. (1993) nagsimula ang simbahan ng Nazareno sa

Pilipinas ilang sandali mataopos ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ang Church of the

Nazerene ay bumangon sa Estados Unidos at ang mga ugat ng simbahan ay halos nasa loob

ng Methodolism. Ang kapamahalaan ng simbahan ay umabot sa Methodist, maliban na ng

pinakamataas na opisyal sa simbahan ng Nazarene ay tinatawag na General Superintendents


sa halip na mga Obispo, at na ang layunin sa pagtatanim ng Church of the Nazarene sa buong

mundo ay upang bumuo ng isang internasyonal na katawan (tulad ng ang mga Romano

Katoliko) sa halip na mga autonomous na pambansang organisasyon, tulad ng Methodist.

Naantala ng simbahan ang pagpasok nito sa Pilipinas hanggang matapos ang ikalawang

Digmaang Pandaigdig sa kabila ng mga pakikipag ugnayan ng simbahan sa bansa bago ang

digmaan. Ilang Pilipino ang nag aral sa koleheyo ng denominasyon sa liblib na Nampa,

Idaho.

11

Ang una, tila, ay si Marciano Encarnacion, tubong Cabanatuan, Nueva Ecija. Lumaki siya sa

isang pamilya na isa sa mga unang tumanggap sa lugar ng Protestantismo sa pamamagitan ng

pagsali sa Methodist Church. Tulad ng maraming Pilipino noong 1910s, lumipat si

Encarnacion sa States, pagdating sa Seattle, Washington, kung saan nagkaroon siya ng mga

kamag anak, noong 1919. Sa maikling panahon ay nakilala niya ang lokal na Simbahan ng

Nazareno. Samantala, si Joseph S. Pitts, isa pang Nazarene chaplain na nakatalaga sa

Pilipinas, na bumalik sa Estados Unidos, ay nadama lalo na nabibigatan na ang Simbahan ng

Nazarene ay narubdob na pumasok sa bansa. Noong 1947, nang pinindot niya si Hardy C.

Powers sa direkyong ito, iminungkahi ng mga General Superintendent na marahil si Pitss

mismo ang magpapayunir sa gawaing misyon pagkatapos ng deliberasyon sa usapan, sumang

ayon si Pitts. Nakilala siya ni Encarnacion sa Maynila nang dumating siya at ang kanyang

pamilya noong Pebrero 1948. Ang simbahan ay lumawak sa pamamagitan ng iba’t ibang

paraan ng evangelism sa mga unang taon. Ang pamamaraan ni Patte ay kapareho ng ginamit

niya sa Tsina, ang pangangaral sa labas. Karaniwang dinadala niya ang mga pastor ng mga

estudyante upang tumugtog ng akurdyon o isalin ang kanyang mga mensahe, kahit na

sinusubukan niyang matuto ng Ilokano. Ang unang bahagi ng kasaysayan ng Simbahan ng


Nazareno sa Pilipinas ay nagpapahiwatig na bagama’t ang karmihan sa mga nakumbre ay

dating Romano katoliko, ang pamunuan sa pinagmulang Protestante.

12

Metodolohiya

Ang pagbibigay ng mga impormasyon at salaysay nang mga taong saksi sa

pagkakatatag ng kapilya hangang sa maging isang parokya ito ang siyang naging batayan sa

pananaliksik at pag-aaral. Karamihan sa mga datos na ginamit ay nag mula sa 25 kataong

naging saksi at kasapi ng naturang institusyon. Maliban sa masasalamin sa kanilang mga

salaysay ang malalim na ugnayan nila sa dating kapilya na kalaunay naging isang parokya.

Sa pamamagitan nito, malalim na naunawaan ng mga mananaliksik ang tunay na dahilan at

pagbabago nang simbahan.

Ang pagsusulat nang kasaysayan ng simbahan at ang tungkulin nito sa isang

progresibo at maunlad na pamayanang kristiyano ng isla ng Semirara na itinatag ito sa

taong 1980 hanggang 2015. Ang paggamit nang descriptive-analytical ang siyang ginamit

nang mga mananaliksik sa pag-aaral nang kasaysayan nang simbahan. Descriptive ang

paggamit nang mga datos mula sa mga taong naging saksi at may personal na ugnayan sa

simbahan mula sa panahon nang pag kakatatag nito. Samantalang ang analytical naman ay

paraan ng pag susuri sa mga datos na nakuha ng mga mananaliksik ay isang kapani-
paniwalang datos. Ang mga pangunahing batis na mga salaysay nang mga tao na naging

bahagi ay ginamit nang mananaliksik bilang bahagi nang maikling pagsisiyasat ng mga

kaganapan. Gumamit ng metodong Oral History ang mga mananaliksik sa pag aaral at

sinupotahan ito ng mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik. Naglaan ng oras at

panahon ang mga mananaliksik upang makapanayam ang mga taong naging bahagi nang

simbahan upang makakalap nang mga datos at impormasyon upang mag karoon nang isang

makatutuhanang pananaliksik tungkol sa simbahan at makapag bigay nang isang

makabuluhang pag-aaral.

13

Organisasyon ng Tesis

Ang pag-aaral na ito ay hinati sa limang bahagi na kung saan ay tinalakay

ng mga mananaliksik ang mga salik na naka epekto sa pagkakatatag at pagbabago ng

simbahan. Sa bawat kabanata ng pag-aaral na ito ay ipinapakita ng mga mananaliksik ang

daloy ng kasaysayan ng parokya ng Our Lady of Guadalupe. Upang mailahad ng mga

mananaliksik ang konkretong daloy ng kasaysayan ng parokya minabuti ng mga

mananaliksik na hatiin ito sa isang sistimatikong pamamaraan.

Kabanata I: Introduksyon

Kabanata II: Ang pagkakatatag ng Holy Trinity (1980-1984)

Kabanata III: Mga hakbang ng pamunuan ng simbahan upang maging

Isang ganap na parokya ang Our Lady of Guadalupe

(1985-2011)
Kabanata IV: Ang pagbabago ng simbahan bilang isang parokya

(2012-2013)

Kabanata V: Tungkulin ng kumunidad sa pagtataguyod ng parokya

(2014-2015)

14

Sa kabanata I ay tinalakay at ipinakita ng mga mananaliksik ang mga mahahalagang

pangyayari sa pagkakatatag ng simbahan ng Holy Trinity sa kung paano ito lumago at

kalaunay naging isang ganap nang parokya. Tinalakay rin ng mga mananaliksik ang mga

naging partisipasyon ng mga taong naninirahan sa isla kaugnay sa pag babago ng simbahan.

Sa kabanata II naman ay tinalakay ng mga mananaliksik ang mabusising proseso ng

pagkakatatag ng simbahan.

Sa kabanata III naman ay inisa isa ng mga mananaliksik ang mga hakbang ng

pamunuan ng simbahan upang maging isang ganap na parokya ang Our Lady of Guadalupe.

Samantalang sa kabanata IV naman ay inilahad ng mga mananaliksik ang naging katayuan

ng parokya ng Our Lady of Guadalupe bilang isang sentro ng pananampalatayang katoliko

sa buong isla at sa karatig na isla nito. Tampok naman sa kabanata V ang naging tungkulin

ng mga mamayan sa isla ng Semirara sa pag tataguyod ng parokya ng Our Lady of

Guadalupe. Dito tinalakay ang mga mahahalagang papel ng kumunidad upang patuloy na

lumago at maging progresibo ang parokya.


15

BIBLIOGRAPHY

Cunningham, F.T. (1993). The Early History of the Church of the Nazarene in the

Philippines. Philippine Studies, 41 (1), 51-75. http://www.jstor.org/stable/42634946

Lipka, M. (2015) “5 Facts about the Catholism in the Philippines”. January 9,

2015.https://www.pewresearch.org.5facts about Catholism in the Philippines.

Postma, A. (1997). CALAVITE: THE LIFE AND DEATH OF A MINDORO PARISH.

Philippine Quarterly of Culture and Society, 25(3/4), 156-180.

http://www.jstor.org/stable/29792219

Rodell, P.A. (1988). THE FOUNDING OF THE IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE

(THE “AGLIPAYAN” CHURCH):AN HISTORIOGRAPHICAL REVIEW. Philippine

Quarterly of Culture and Society, 16(3/4),210-234. http


16

Apendiks A

Mga Tanong para sa panayam

Background na Panayam

1. Bakit nagkaroon ng simbahang Katoliko sa barangay Semirara?

2. Kailan itinayo ang simbahan?

3. Sino ang nagpatayo ng simbahan?

4. Ano ang unang pangalan ng simbahan?

5. Sino ang unang naging pari ng simbahan?

6. Ano ang pinagkaiba ng parokya at kapilya?

7. Ano ang dahilan kung bakit nagiging parokya ang isang kapilya?

8. May kinalaman ba ang dami ng tao o mananampalataya sa pagbabago ng simabahan?

9. Kailan naging Our Lady of Guadalupe ang simbahan?

10. Kailan naging parokya ang Our Lady of Guadalupe?


11. Mayroon bang pagbabago sa pamamalakad ngayong naging isang parokya na ang

simbahan?

12. Ano ang kagandahan ng pagiging isang parokya ng simbahan?

13. Nakatulong ba sa mga mamayan ng Semirara ang pagiging parokya ng simbahan

11.Sino-sino ang nagsulong na nagiging parokya ang Holy Trinity?

12. Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga opisyal at mga mamayan ng semirara

upang maging ganap na parokya ang simabahan?

13. mayroon bang ambag ang mga politiko sa pagpapatayo ng simbahan?

17

Personal na panayam

1. Ano ang pangalan ninyo?

2. Ilang taon na kayo?

3. Ilang taon na kayo naninilbihan sa simbahan?

4. Ano ang posisyon ninyo sa simbahan?

5. Ano ang pinakamalaking pagbabago sa loob at labas ng simbahan ang iyong

nasaksihan?
18

You might also like