Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Division of City Schools

PASAY CITY

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 6


SY 2020-2021
Pangalan:_______________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Maraming nagrereklamo dahil sa gabi-gabing nakawan sa inyong barangay. Alam mo kung sino ang
magnanakaw dahil nasilip mo siya sa bintana madaling araw. Ano ang gagawin mo?
A. Ililihim ko na lamang ito dahil baka saktan ako ng magnanakaw.
B. Kakausapin ko ang magnanakaw upang itigil ang pagnanakaw.
C. Hindi ko sasabihin sa aking magulang ang aking nakita.
D. Agad akong tutungo sa barangay hall upang magsumbong sa kapitan.
2. Ang pasya na dapat gawin ay kailangang para sa kabutihang __________.
A. panlahat B. pansarili C. sa pinuno D. para sa hindi kasapi ng pangkat
3. Kailangang maging __________ sa paghahanap ng mga kaalaman at impormasyong kailangan sa paggawa ng
desisyon.
A. mabait B. matiisin C. mapanuri D. matipid
4. Naipapakita ang pagtutulungan sa pamamagitan ng __________.
A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. pagpipilit ng sariling desisyon kahit na hindi sang-ayon ang ibang kasapi
D. hindi pagsasabi ng kahit ano pero magkikimkim ng sama ng loob sa mga kasapi ng pangkat
5. Sa pagbuo ng pasya, dapat __________.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang miyembro na magpasya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasya
6. Tumutukoy sa __________ ang mapanuring pag-iisip.
A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa iyong guro ng kanyang opinion
C. pagpapaliwanang ng sariling pananaw at pagpilit nito sa iba
D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasya
7. Sa pagbuo ng pasya, kailangan mong _____.
A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang sariling opinion
C. hingin lang ang opinion ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw
8. Nakakita ng tablet ang iyong ama sa mall at nais nitong bumili dahil sa promo, na “buy one, take one.” Ang ate
at kuya mo ay higit na nangangailangan ng gadget sa online classes dahil mga hayskul na sila. Paano mo
sasang-ayunan ang pasiya ng iyong ama?
A. Magpapabili ka rin ng tablet dahil may online class ka rin.
B. Makikihiram ka na lang ng tablet sa mga kapati
C. Papayag ka sa pasya ng iyong ama at hindi ka na lang muna mag-aaral
D. Papayag ka sa gusto ng iyong ama at magtatampo ka sa iyong mga kapatid.
9. Madalas mag away kayong magkakapatid dahil sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Kinausap kayo ng inyong
mga magulang. Sabi nila, ikaw na lang palagi ang maghuhugas dahil ikaw ang bunso. Binigyan din ng kani-
kanilang trabaho ang mga kapatid mo. Papayag ka ba?
A. Hindi ako papayag dahil hindi iyon patas
B. Hindi ako papayag dahil magiging tamad ang mga kapatid ko.
C. Papayag ako pero di na ako gagawa ng iba pang gawaing-bahay.
D. Papayag ako dahil ang mga magulang na namin ang nagtoka ng mga trabaho.
10. Hinihiram ng barangay captain ang mga bisikleta sa inyong barangay upang ipagamit sa mga manggagawang
hindi makasasakay sa pampublikong sasakyan dahil sa tigil-pasada. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapahiram mo ito nang maluwag sa puso.
B. Itatago mo na lang iyong bisikleta upang hindi mahiram.
C. Hindi ka papayag na hiramin dahil personal mong gamit ito.
D. Hihingi ka ng bayad o upa sa sinomang gagamit ng iyong bisikleta.
11. Nawalan ng trabaho ang mga magulang mo sa kasagsagan ng pandemya. Nais na lamang umuwi sa probinsiya
ang iyong ama. Ang iyong ina naman ay gustong magsimulang magnegosyo upang makaraos sa pang-araw-
araw. Ano ang isasagot mo kapag tinanong ka ng iyong mga magulang?
A. “Gusto ko pong manatili rito.”
B. “Umuwi na lang tayo sa probinsiya.”
C. “Umuwi tayo sa probinsiya at magnegosyo roon”.
D. “Kung ano po ang nakabubuti sa ating lahat ,iyon po ang nais ko”.
12. May naipon kang pera upang ipambili ng sapatos, ngunit hinikayat ka ng iyong mga kaibigan na mag-ambag
para sa ‘Feeding Program’ para sa mga locally stranded individual (LSI). Ano ang magiging pasiya mo?
A. Mag-aambag ako dahil kaya ko pa namang mag-ipong muli.
B. Mag-aambag ako dahil ayaw kong makantiyawan ng aking mga kaibigan.
C. Hindi ako mag-aambag dahil obligasyon ng gobyerno ang problemang iyon.
D. Hindi ako mag-aambag dahil gustong-gusto ko ng magkaroon ng sapatos.
13. Ang nanay mo ay nagbebenta ng murang face shield .Plano nitong ibenta sa tripleng halaga dahil
nagkakaubusan na ng supply. Sumang-ayon din ang iyong ama at mga kapatid. Bakit hindi ka dapat sumang-
ayon sa pasiya ng iyong pamilya?
A. Dahil nagtatampo ako sa kanila
B. Dahil hindi naman nilaako bibigyan ng pera
C. Dahil naniniwala akong walang bibili ng face shield sa tripleng halaga
D. Dahil hindi makatarungan ang presyong ipapatong nila sa face shield
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin tuwing may pagpapasiya?
A. Kahit sinasalungat ang aking pasiya, uunawain ko sila.
B. Iisipin ko muna nang mabuti ang maaaring kalabasan ng ating pasya.
C. Magtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap ng sumasalungat sa akin.
D. Ayaw na ayaw kong nasisisi ako, kaya hindi nalang ako sasali sa pagpapasya.
15. Narinig at napanood mo sa balita na may maraming nagkakasakit dulot ng Corona Virus o tinatawag na
COVID-19. Ang balitang ito ay isang halimbaw ng ______.
A. Legit news B. Haka-haka lang C. Fake News D. Hindi ko alam
16. Sinabihan ka ng kaibigan mo na bawal lumabas ng walang suot na face mask. Ito ay isang halimbawa ng ___
A. Legit news B. Haka-haka lang C. Fake News D. Hindi ko alam
17. Dito tayo nakakukuha ng mga iba’t ibang balita saan mang panig ng mundo.
A. Internet B. Radyo C. Diyaryo D. lahat ng nabanggit
18. Si Jimin ay sampung taong gulang pa lang. Pero gusto niya mamasyal sa Luneta kahit na may pandemic pa na
nararanasan ang ating bansa. Kung ikaw ang kanyang nanay, papayagan mo ba siya ?
A. Opo, kasi marunong na siya sumakay sa dyip.
B. Opo, kasi may isip na siya.
C. Hindi, kasi bawal pa lumabas ang mga bata na kagaya niya.
D. Bahala na siya magpasiya.
19. Paano mo malalaman kung ang balita ay may katotohanan?
A. Dahil ito ay “Legit News”.
B. Dahil ito ay “Fake News”.
C. Dahil ito ay narinig ko sa mga kapitbahay.
D. Dahil may nagkuwento lang sa akin.
20. Ang pagmamahal sa katotohanan ay isang mahalaga sa pagbibigay ng wasto na impormasyon sa mga tao.
A. Legit news B. Haka-haka lang C. Fake News D. Hindi ko alam.

PANUTO : Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad na pangungusap ay nakakaapekto sa
pagbuo o pag sang ayon sa pasya. MALI naman kung hindi nakakaapekto .

_______ 21. Tama ang lahat na impormasyong ibinigay mo sa iyong kagrupo.

_______ 22. Sobra ang impormasyon ang ibinigay mo sa kausap kaya nagging magulo na tuloy ang isip mo.

_______ 23. Nakinig ka sa opinion ng ibang tao at sinusunod mo ito.

_______ 24. Ikaw lang ang nagpapasya sa inyong grupo. Ayaw mo makinig sa kanilang opinyon.

_______ 25. May nakatagong interes kaya nahahadlangan ang ang tamang pasya.

You might also like