Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 10.

Modyul 6 Ikaanim na Linggo


I. Paksa: Naisasagawa ang Hakbang ng CBDRRM Plan
II. Panimula:
Ano-anong mga bagay ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay malalaman mo sa mga
sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan
ang mga ito. Saklaw sa araling ito, ang paghahanda na nararapat mong gawin sa panahon ng kalamidad.
Pagkatapos nito, inaasahang ikaw ay maging handa sa ano mang kalamidad o sakuna.

Bago magsimula ang ating aralin. Inaanyayahan ko kayo na

sagutin muna ang ating paunang pasulit. Huwag kayong mag-alala…

Ito ay susukat lamang kung gaano kalawak ang inyong kaalaman

tungkol sa ating mga aralin.


III. Talakayan:

Kung susuriin natin ang unang yugto ng Disaster Management na Disaster Prevention and
Mitigation makikita natin na tumatalakay ito sa mga paghahahanda na kailangang gawin sa pagharap ng
panganib o sakuna na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran gamit ang vunerability, capacity at risk
assessment.

Sa pamamagitan ng Vulnerability at Capacity Assessment, masusukat ang kahinaan at kapasidad


ng isang Komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar.

Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o Komunidad


na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa Capacity Assessment naman
ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson
at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang vulnerability: ito ay ang pisikal o material,
manlipunan, at pag-uugali tungkol sa hazard.

Ang pagiging Vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroong itong kakulangan sa


mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard.
Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng
kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga
mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging biktima ng sakuna o
kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may maliit na kita ay maituturing rin na
vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang kanilang sweldo upang tustusan ang dagdag na gatusin sa
panahon ng sakuna tulad ng bagyo o baha.

Capacity Assessment

Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
Mayroon itong tatlong kategorya: ang piskal o material, paglipunan, paguugali ng mamamayan tungkol
sa hazard.

Sa piskal o material na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na
muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa
na nasira ng kalamidad. Sa aspektong panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang
Komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon
ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong
disaster management plan. Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang
oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o kaya ay
bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.

Risk Assessment ay sinusuri ang mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. Sa
pagsasagawa ng risk assessment kailangang suriin ang dalawang uri ng mitigation; structural at non-
structural mitigation.

Dalawang uri ng
Migitation

Structural Migitation Non-structural Migitation

Tumutukoy sa mga paghahandang Tumutukoy sa gingawang plano


ginagawa sa pisikal na kaayuan ng at paghahanda ng pamahalaan
isang komunidad upang ito ay upang maging ligtas ang
maging matatag sa panahon ng komunidad sa panahon ng
pagtama ng hazard. pagtama ng hazard
Hal. Hal.
pagpapagawa ng dike pagbuo ng disaster
upang mapigilan ang baha, management plan,
paglalagay ng mga pagkontrol sa
sandbags, kakapalan ng populasyon,
pagpapatayo ng mga paggawa ng mga
flood gates, pagpapatayo ng ordinansa at batas,
earthquakeproof buildings, at information dissemination,
pagsisiguro na may fire at hazard assessment.
exit ang mga ipinapatayong
gusali

You might also like