Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Araling Pandaigdig

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Panahon ng Renaissance Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lolita D. Espineda
Editor: Pangalan Tagasuri:
Pangalan Tagaguhit:
Pangalan Tagalapat:
Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Ang Panahon ng Renaissance
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul para sa araling
Ang Panahon ng Renaissance!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang
Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa


pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21
siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob


kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Modyul ukol sa Ang Panahon ng


Renaissance!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
>> Nasusuri and epekto ng Renaissance sa daigdig
>> Nabibigyang halaga ang epekto ng Renaissance sa kasalukuyang panahon

PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naging epekto ng Renaissance?


A. Nagpaunlad ng pilosopiya, literature at edukasyon
B. Nagbigay daan sa Repormasyon
C. Nakatulong sa pagtuklas ng heograpiya at ekplorasyong maritama
D. Nagpabagsak sa Relihiyong Kristiyanismo
2. Nakaimbento ng movable type printing press.
A. Leonardo da Vinci C. Johann Gutenberg
B. Isaac Newton D. Martin Luther
3. Ang Intellectual Revolution ay tumutukoy sa .
A. Pag-usbong ng siyensiya C. Pagtuligsa sa simbahan
B. Paglakas ng Humanismo D. Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal
4. Ang unang aklat na nailimbag ni Johann Gutenberg ay kopya ng .
A. Bibliya B. Song Book C. The Prince D. Decameron
5. Ano ang pangunahing naidulot ng pagkakaimbento ng movable type printing press?
A. Mabilis na pagdami ng mga kopya ng aklat at sulatin
B. Paglaganap ng mga ideya na umusbong sa panahon ng Renaissance
C. Pagdami ng mga natutong bumasa
D. Pag-unlad ng sining at kultura

BALIK-ARAL

Talahanayan
Panuto: Balikan ang mga nakilalang Humanista sa panahon ng Renaissance. Punan ng
impormasyon ang talahanayan batay sa pangalan ng Humanista, larangan kung saan ito nakilala
at ambag nito
Humanista Larangan Ambag

ARALIN
Epekto ng Renaissance

Gawain 3: Cause and Effect

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan, mag-isip ng maaring maging epekto sa pangyayari o
gawain na ipinapakita sa larawan

https://www.vectorstock.com/royaltyvectors/boy-reading-vectors
https://www.vectorstock.com/royaltyvector/boy-standing-in-the-rain-vector-6848405
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vectors/children-playing-video-games-vectors

Ano ang mabuti o masamang ang epekto ng mga pangyayari na inyong nakita sa larawan?

Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan


nakilala ang mga personalidad sa iba’t-ibang larangan. Bagkus nag-iwan ng maraming pagbabago
at mga pamana ang panahon ng Renaissance na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang
panahon. Ang mahalagang ideyang umusbong sa panahon ng Renaissance ay hindi lalaganap
kung hindi dahil sa pagkakaimbento ng palimbagan.

Noong unang bahagi ng dekada 1450, nakapaglimbag ang German na si


Johann Gutenberg ng unang aklat, isang kopya ng Bibliya, gamit ang
naimbento niyang movable type na mas moderno sa mga naunang
woodblock printing.
Pagdating sa ika-16 na siglo, laganap na sa Europa ang halos siyam na
milyong kopya ng 40 iba’t-ibang aklat. Karamihan ditto ay mga akdang
panrelihiyon, mga klasiko, mga akdang may kinalaman sa batas, pilosopiya
at iba pa.
Ang movable press na naimbento ni Gutenberg

https://en.wikipedia.org/wiki/Printing_press

Mga Epekto o Bunga ng Renaissance

Pinagyaman ang kabihasnan ng daigdig. Ang impluwensiya ng Renaissance sa pag-yaman ng


kabihasnan ay dahil na rin sa pag-unlad ng mga kaisipan at obra na may kaugnayan sa politika,
sining, panitikan, kasaysayan at maging relihiyon na nagbukas sa kaisipan at kapasidad ng mga
tao.

Nag-ambag ng mga natatanging likha ng sining at panitikan. Sa sining,Gumamit ang mga pintor sa
panahon ng Renaissance ng makatotohanang estilo sa pagpipinta. Ang kanilang paksa ay
patungkol sa mga Romano at Griyego, gayundin ang relihiyon. Binigyang pansin ang personalidad
ng indibidwal.
Sa Literatura, ang latin ang itinuturing na wika ng mga iskolar sa panahon ng Renaissance.
Gayunpaman, gumamit din ng wikang vemacular o katutubong wika ang mga manunulat sa
panahon ng Renaissance.

Nagbigay-daan sa Intellectual Revolution. Ang pag-usbong ng Renaissance ay nagdulot ng pag-


uusisa at hilig sa kaisipang klasikal o Intellectual Revolution. Ito ay ang kaalaman at ang diwa ng
pagtatanong na pumukaw sa pagnanasang pag-aralan ang nakaraan at gawing kapakipakinabang
sa kasalukuyan.

Binago ang kaisipan ng mga tao tungkol sa maling paniniwala at pamahiin ng simbahan sa panahon ng
Medieval Period. Sa panahon ng Medieval Pariod ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro lamang
sa mga aral at paniniwala ng simbahan.
Sa panahon ng Renaissance tumaliwas ito sa turo ng simbahan at binigyang diin na ang
paniniwala ay dapat nakabatay sa ebidensiya at katotohanan, hindi sa pamahiin o paniniwalang
panrelihiyon lamang.

Nagpalawak ng kaalaman tungkol sa daigdig. Sa panahon ng Medieval Period pinaniwalaan na ang


mundo ang sentro ng sansinukob. Dahil sa Renaissance ay nabago ang pananaw sa daigdig, na
ang araw at hindi ang daigdig ang sentro ng sansinukob.

Nagbigay-sigla sa mga eksplorasyon upang makatuklas ng mga bagong lupain. Napukaw ng Renaissance
ang interes mga Europeo na tumuklas ng mga bagong lupain at magpalawak ng kanilang
teritoryo.

Pinahina nito ang kapangyarihan ng papa at mga Maharlika. Ang mga akda ng mga humanista tulad na
lamang ng akda ni Erasmus na In praise of Folly ang naging daan upang tuligsain ang teolohiyang
eskolastika,pang-aabuso ng mga kaparian at ang mga maling gawa ng mga maharlika.

Nagbigay-daan sa Rebolusyong Protestante o Reformation. Ang pagkamulat sa makabagong kaisipan ay


nagbigay diin sa rebulosyong Protistantismo at Repormasyon (pinangunahan ni Marthin Luther)
na naghahangad ng reporma o pagbabago sa simbahan.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Dismiss Slip


Aking Natutunan sa aralin Aking Masasabi sa aralin

Nais ko pang malaman sa aralin

Gawain 2: Cause and Effect Diagram


Panuto: Magbigay ng mga pangyayari bunga ng Renaissance at ang epekto nito.

1. 1.

EFFECT

2. CAUSE 2.

3. 3.
PAGLALAHAT
Gawain: Kung Ako!
Panuto: Kung papipiliin ka ng isa sa mga bunga ng Renaissance, sa iyong opinyon alin ang may
pinakamabigat ang naging epekto sa kasalukuyang panahon. Pangatwiranan ang iyong sagot

PAGPAPAHALAGA
Gawain: Slogan
Panuto: Gumawa ng Slogan na magpapaliwanag sa Kahalagahan ng bunga mga epekto ng
Renaissance

SLOGAN
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ng mabuti ang bawat tanong at lagyan ng kung tama ang pahayag at kung mali
ang pahayag sa epekto ng mga ambag ng Renaissance.
1. Dahil sa Renaissance ay nabago ang pananaw sa daigdig, na ang daigdig at hindi
ang araw ang sentro ng sansinukob.
2. Ang akda ni Erasmus na In praise of Folly ang naging daan upang tuligsain ang
teolohiyang eskolastika,pang-aabuso ng mga kaparian at ang mga maling gawa ng mga Maharlika.
3. Sa panahon ng Renaissance tumaliwas ito sa turo ng simbahan at binigyang diin
ang paniniwala ay dapat nakabatay sa ebidensiya at katotohanan, hindi sa pamahiin o
paniniwalang panrelihiyon lamang.
4. Gumamit ang mga pintor sa panahon ng Renaissance ng makatotohanang estilo sa
pagpipinta karaniwang paksa nila ay kulturang itinuro ng simbahan.
5. Napukaw ng Renaissance ang interes mga Europeo na tumuklas ng mga bagong
lupain at magpalawak ng kanilang teritoryo.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C; Michael, Mercado M; Mark Alvin M; Cruz, Angelo C; Espiritu, Edna L;
DeJesus, Asher H; Pasco, Rowel, S; Padernal, Yorina, C; Manalo, Kalenna Lorene, Asis S;
2014. KASAYSAYAN NG DAIGDIG: Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig,
City: Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepED-BLR)
Mateo, Grace Estela C; Rosia, Tadena, D; dl Jose Mary Dorothy, Balonso Celinia, E; Boncan,
Celestina P; Ponsaran, John N; Ong Jerome, A. 2012. KASAYSAYAN NG
DAIGDIG:Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon,City: Vibal Publishing House Inc.
Soriano, Celia, D; Antonio, Eleanor D; Imperial, Consuelo, M; Samson, Maria Carmelita, B.
2017. KAYAMANAN:Kasaysayan ng Daigdig,Batayang Kaganitang Pampagtuturo.
Quezon,City: Rex Printing Co.

DepEd Project Ease Module Araling Panlipunan, Modyul 11

Mga Larawan
https://en.wikipedia.org/wiki/Artemisia_Genteleschi.
“Boy Reading” n.d. vectorstock.com. Accessed June 18, 2020.
https://www.vectorstock.com/royaltyvectors/boy-reading-vectors.
“Boy Standing in the Rain” n.d. vectorstock.com. Accessed June 18, 2020.
https://www.vectorstock.com/royaltyvector/boy-standing-in-the-rain-vector-6848405.
“Children Playing Video Games” n.d. vectorstock.com. Accessed June 18, 2020.
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vectors/children-playing-video-games-vectors.
“Printing Press” n.d. Wikipedia. Accessed June 25, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Printing_press.
“Statue of David” n.d. Wikipedia. Accessed June 25, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/David_Michelangelo.Don
“Don Quixote” n.d. Wikipedia. Accessed June 15, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Don_Quixote.
“Romeo and Juliet” n.d. Wikipedia. Accessed June 15, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Romeo_and_Juliet.
“Johannes Gutenberg” n.d. Wikipedia. Accessed June 15, 2020.
https://en.wikipedia.org/wiki/Johannes_Gutenberg.

You might also like