Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

2

MATHEMATICS
Ikalawang Markahan–Modyul 3
Problem Solving Using Subtraction
Subukin
Panuto: Basahin at suriin ng maigi ang sumusunod na
mga word problems. Piliin ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

Si Fely ay tumulong sa kanyang nanay sa


A. pagtitinda ng pinya sa palengke. Mayroon silang
267 na pinya. Naibenta ni Fely ang 149 nito. Ilan
ang naiwan sa mga pinya?

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


a. Ilan ang pinya lahat?
b. Ilan ang naiwan sa mga pinya?
c. Ilan ang naibenta na pinya?

2. Ano –ano ang mga datos o numero na ibinigay sa


suliranin?
a. 149
b. 267
c. 267 at 149

3. Ano ang operation na dapat gamitin?


a. addition
b. subtraction
c. multiplication

2
Balikan

Panuto: Basahing maigi ang word problem, ibigay


kaagad ang tamang sagot at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Si Ana ay may 50 na kendi. Ibinigay niya ang 20 na


kendi sa kanyang kapatid. Ilan ang naiwan na kendi ni
Ana?

2. Isang araw, si Kardo ay binibigyan ng P25.00 na baon


ng nanay niya. Ginastos niya ang P15.00 sa kanyang
recess. Magkano ang natipid niyang baon?

3. Si Lina ay may 45 na pirasong papel. Sinulatan niya ang


25 nito. Ilang pirasong papel ang hindi pa niya
nasulatan?

4. Si Jessa ay may 24 na lanzones, kinain niya ang 14 nito.


Ilan na lang ang naiwan na lazones niya?

5. Si Pedro ay may P100.00 sa kanyang pitaka. Ibinigay


niya sa kanyang kapatid ang P50.00. Magkano nalang
ang naiwang pera ni Pedro?

4
Suriin
Talakayin natin ang unang suliranin na nasa tayahin.

1. UNDERSTAND THE PROBLEM


 Ano ang tinatanong sa suliranin?
(Sagot: Ilang gold fish ang natira sa pet shop?)
 Ano – ano ang mga datos o numero na naibigay sa
suliranin? (Sagot: 787 at 345)
 Anong operation ang dapat gamitin?
(Sagot: Subtraction)

2. PLAN
 Ano ang number sentence? (SAGOT:787 - 345 = N)

3. SOLVE
 Ano ang tamang sagot? SAGOT: 787
-345
442 Natira na
Paano mo nakuha ang tamang sagot? gold fish sa
Magsimula sa pagsubtract sa… pet shop
 ones place,
 isunod ang tens place,
 isunod ang hundreds place.

4. LOOK BACK
Tingnan mo kung tama ba ang operation na iyong
ginamit at nalagyan mo ba ng tamang label ang iyong
sagot.

6
Pagyamanin
Panuto: Basahin, suriin at lutasin ang suliranin gamit ang
tamang paraan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
A. Inimbita ni Mika ang lahat na
mag- aaral sa ikalawang baitang sa
kanyang kaarawan. May dumating
na 115 niyang kamag-aral.
Pagdating ng hapon umuwi ang 14
na mga bata. Ilan na lang ang
nagpaiwan sa bahay ni Mika?

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


2. Ano- ano ang ibinigay na mga numero sa suliranin?
3. Anong operation ang dapat gamitin?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang tamang sagot?

B. Si Thea ay nakaipon ng P1000 sa kanyang alkansiya.


Gusto siyang bumili ng mga gamit pang – eskwela kaya
kinuha niya ang kanyang naipon.

Naipon Gamit pang - Naiwan


ni Rosita eskwela na pera

P1000 P550 ?

8
Isagawa

Isagawa A
Panuto: Basahin nang maayos, suriin at lutasin ang uliranin
sa matematika gamit ang tamang paraan. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang. papel.
Si Ginoong Cruz ay isang tindero.
Mayroon siyang 750 na itlog sa
manok na gusto niyang ibenta.
Nang dahil sa covid maliit lamang
ang kanyang naibenta. Magkano
ang naiwan na itlog kung
nakabenta lamang siya ng 250 na

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


2. Ano- ano ang ibinigay na mga numero sa suliranin?
3. Anong operation ang dapat gamitin?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang tamang sagot?

10
Tayahin
Panuto: Basahin nang maayos, suriin at lutasin ang
suliranin sa matematika gamit ang tamang
paraan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Mayroong 748 ang kabuuang mag aaral sa


Mababang Paaralan ng Kisante. 535 lamang ang
sumali sa field demonstration. Ilang mag – aaral ang
hindi sumali?

Mababang Paaralan ng Kisante

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


2. Anu- ano ang ibinigay na mga numero sa suliranin?
3. Anong operation ang dapat gamitin?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang tamang sagot?

12
Susi sa Pagwawasto

14

You might also like