Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE # 2- FILIPINO 7

FOURTH QUARTER

NAME: _________________________________________________SECTION: _______________ SCORE: _____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ano ang tawag sa kaharian na tinitirhan ng mga pangunahing tauhan?


A. Berbanya B. Albanya C. Atenas D. Babilonya
_____ 2. Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
A. Siya ay isinumpa C. May lumason sa kaniya
B. Siya ay nanaginip D. May epidemya sa kaharian
_____ 3. Ano ang ibinigay ng Hari kay Don Juan bago siya naglakbay?
A. Bendisyon B. Kabayo C. Pagkain D. Salapi
_____ 4. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
A. Platas B. Platas Piedras C. Piedras Platas D. Pidras Platas
_____ 5. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?
A. Tabor B. Armenya C. Berbanya D. Arayat
_____ 6. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
A. Diwata B. Don Pedro C. Lobo D. Matanda
_____ 7. Kanino humihingi ng tulong si Don Juan kapag siya ay nasa panganib?
A. Diwata B. Kapatid C. Hari D. Mahal na Birhen
_____ 8. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon?
A. Pana at sako C. Kutsilyo at hawla
B. Pagkain ng ibon D. Dayap, kutsilyo, gintong lubid
_____ 9. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe nang humarap sila sa panganib para sa ama?
A. Wagas ang pagmamahal nila sa kanilang magulang.
B. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari.
C. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama.
D. Isang kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan
_____ 10. Ano ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda?
A. Maka-Diyos si Don Juan at mapanalangin
B. Likas siyang matulungin at mapagkawanggawa.
C. Nais ni Don Juan ng gabay sa kaniyang haharaping misyon.
D. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya.
_____ 11. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
A. Namamatay B. Nagiging bato C. Natutulog D. Naglalaho
_____ 12. Ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari ngunit walang
makapagpagaling dito. Hanggang sa isang manggagamot ang dumating. Ano ang naging tugon ng
manggagamot?
A. Ang lunas sa karamdaman ng hari ay ang mahiwagang lobo na matatagpuan sa kaharian ng Armenya.
B. Ang sakit ng hari ay hindi na magkakaroon ng kalunasan habambuhay at ito ay lalong lalala.
C. Ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok Tabor.
D. Gagaling lamang ang hari kapag nag-asawa na ang kaniyang tatlong anak.
_____ 13. Bakit hindi nagtagumpay sa kaniyang misyon si Don Diego?
A. Hindi siya nakarating sa kinaroroonan ng Ibong Adarna dahil siya ay napagod na.
B. Nakatulog siya nang mahimbing sa paglalakbay pa lamang papunta sa bundok Tabor.
C. Masama ang binabalak niya sa ibon at ito ay kaniyang itinago sa kaniyang dalawang kapatid.
D. Nagbawas ang ibon at inabot siya ng patak kaya siya ay naging bato at hindi nagtagumpay sa kaniyang
misyon.
_____ 14. Alin ang saknong sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon?
A. Uuwi sa Kaharian C. O, Birheng marilag
Sa Pag-ibig sa magulang Tanggulan ng nasa hirap
May araw ding malalaman Kahabagan di man dapat
Ang nangyaring kataksilan Ang aliping kapuspalad

B. Ang piging nang matapos na D. Ang dalawa ay nagkamay


Ermitanyo ay kumuha Bago sila nagwalay
Ng lamang nasa botelya Matanda sa kabundukan
Lunas na kataka-taka Sa Berbanya si Don Juan
_____ 15. Ano ang kahulugan ng may salungguhit sa saknong?
Kaya kami’y naglakbay
Sa kay amang kagalingan
Ano’t ngayong magtagumpay
Hahangga sa pag-aaway
A. Magsisimula B. Magwawakas C. Mauulit D. Matatamo
_____ 16. Bakit kaya nagtaksil ang dalawang magkapatid sa kanilang bunsong kapatid?
A. Ang bunsong anak ay may ginawa ring masama sa dalawa niyang nakatatandang kapatid kaya sila ay
naghiganti.
B. Ang dalawang magkapatid ay binayaran nang malaki kaya sila nagtaksil kay Don Juan.
C. Ang dalawang magkapatid ay wala sa tamang pag-iisip kaya nagawa ang pagtataksil.
D. Ang inggit ang namayani sa dalawang magkapatid kaya nagtaksil ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.
_____ 17. Si Don Juan sa gitna ng kalapastanganan ng kaniyang mga kapatid ay nagpatawad. Hindi siya nagtanim
ng galit sa mga ito. Alin sa sumusunod na pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa
pangyayari?
A. Pagiging responsible C. Pagmamahal sa kapatid
B. Pagiging matulungin D. Pagmamahal sa magulang
_____ 18. Paano mabibigyang solusyon ang mga suliranin ng magkakapatid sa
tinalakay na akda?
A. Pagbibigyan ang bunso sa lahat ng bagay sapagkat siya ang pinakamahal sa pamilya.
B. Magkaroon ng kampihan ang magkakapatid sa pamilya batay sa mga magkakatulad na opinyon o paniniwala
ng bawat isang miyembro ng pamilya.
C. Magkaroon ng unawaan ang magkakapatid at igalang ang opinion ng bawat isa kahit na ito ay salungat sa
kanilang mga pinaniniwalaan at pinaninindigan.
D. Ang panganay ang dapat laging nasusunod sa lahat ng desisyon sapagkat siya ang unang anak at ang lahat ng
kapatid ay nararapat na sumunod sa kaniya.
_____ 19. Alin ang pangyayari sa tunay na buhay na nagpapakita ng kalutasan sa mga isyung tinalakay sa akda?
A. May kapatid si Lai sa labas ngunit hindi niya ito matanggap dahil anak ito ng kaniyang ama sa ibang babae.
B. Inggit na inggit si Jessa kay Reah sapagkat bukod sa matalino ang kaniyang kapatid ay ito ang paborito ng
pamilya.
C. Tatlo ang kapatid ni Marie. Sa tatlo ay si Ariane ang paborito niya sapagkat ito ang bunso at siyang lagi
niyang kasama.
D. Sina Patricia at Tanya ay magkapatid. Dahil sa panganay si Patricia ay natuto siyang maging
mapagpakumbaba para kay Tanya na siyang bunso ng pamilya. Si Tanya naman ay sumusunod sa
kaniyang ate
_____ 20. Nais mong mag-sleep over sa bahay ng iyong kaklase nang sa gayon ay matapos na ninyo ang inyong
proyekto na kailangan nang maipasa samakalawa ngunit ayaw kang payagan ng iyong ina sapagkat walang
mag-iintindi sa iyong mga kapatid. Tutuloy ka pa ba sa plano ninyong sleep over?
A. Oo. Iintindihin ko muna ang aking mga kapatid, pakakainin ng hapunan at saka ihahabilin sa kapitbahay
hanggang sa kunin sila ng aking ina pagkadating nito galing trabaho.
B. Hindi. Sasabihin ko na lamang sa kaklase ko na maghati kami sa gawain at sa bahay ko iyon gagawin habang
binabantayan ko ang aking mga kapatid.
C. Oo. Pipilitin ko ang aking ina na payagan ako kahit na alam kong walang mag-aasikaso sa mga kapatid ko.
D. Oo. Hindi ko na iintindihin ang mga kapatid ko dahil malaki na sila.

You might also like