Komfil 6 3 Groupings

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Leader: Ednalyn H. Flores Mrs.

Isabelita Pavette

BTLED 1A January 28, 2022

Group Members: Genadine Lumpas, Michael Angelo Manalang, Alec Troy Vicente, Jane Christiana Lariosa, Princess
Deissery Prudenciado, Clenton Asas, Allyssa ashley Paja

Paglalahat. (Pangkatang Gawain)

SURIIN

Sagutin ang mga sumusunod.Ilagay sa nakalaan na patlang ang inyongsagot

1. Ano ang kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao?

Ang kahalagahan ng kalikasan sa tao ay unang unang dito natin nakukuha ang ating mga pangangailangan tulad ng
pagkain, tubig, tirahan, pananamit hangin at iba pa. Kung wala ang kalikasan paano tayo mabubuhay?

2. Bakit mahalaga na pangalagaan ang kalikasan?

Mahalaga na panagalagaan ito dahil unang una dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan upang tayo ay
mabuhay. Ito ay pahiram lang ng ating Poong Maykapal kayat nararapat na ito ay mahalin, panatilihing malinis at
pagyamanin at alagaan.

3. Ano ang mga paraan upang maiwasan ang polusyon ?

Iwasan ang mga bagay na makakasama sa kalikasan kagaya ng pagtatapon ng basurakung saan saan, bagkus ay
isegregate ito at idecompose ng tama. Iwasan din ang paggamit ng anumang kemikal na makakasira sa ating mga
karagatan kagaya ng dinamita na nagsasanhi ng pagkamatay ng halos lahat ng mga yamang tubig at hayop. Maging
disiplinado dahil dito unang unang nagsisimula ang pagiwas sa polusyon sa ating mga tao.

4. Anu-ano ang mga naidudulot ng polusyon sa mga tao?

Mga pathogens mula sa basura ng tao ay kumalat ang mga sakit sa mga tao sa pamamagitan ng kontaminadong
inuming tubig, pagkain na lumago sa mga kontaminadong lupa, pagkaing-dagat na ani mula sa kontaminadong
tubig, at pagligo at muling paggawa sa mga maruming tubig. Ang mga nakakahawang sakit mula sa pagkakalantad
sa basura ng tao ay kinabibilangan ng bacterial salmonella, parasitic giardia, at hookworm, Bukod sa iba pa. Ang
pagkakalantad ay maaari ring humantong sa mga impeksyon sa tainga, mata, o dibdib at pangkasalukuyan na
karamdaman, tulad ng mga pantal at impeksyon sa balat.
Mga Karadagdagang Gawain

Tula Patungkol sa kalikasan

Sa hinagpis ni inang kalikasan


Tila tayo ngayo’y napaparusahan
Sa paglaganap ng epidemya na mahirap lunasan
Buong mundo ngayon ay nahihirapan

Sa kalamidad at krisis na ngayo’y ating hinaharap


Na napakasakit at sadyang masaklap
Sangkatauha’y ngayon ay naghihirap
Buhay ng isang tao’y kayang mawala sa isang iglap

Ngunit kung sa atin ito’y isang salot


Sa inang kalikasan ito’y nagsilbing gamot
Na tila tayong mga tao ang totoong salot
Dahil sa pagkasira ng ating mundo na tayo ang may dulot

Naway sana ito’y magsilbing isang aral na ating matutunan


Inang kalikasan atin mahalin at pahalagahan
Dahil itong mundo’y ating tahanan
Kaya dapat lang natin itong pag ingatan.

You might also like