Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aralin 3: Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika (W1 at W2) Teorya at Praktika

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA

Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng pag-aaral ng wika


upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika. Ngunit totoong mailap ang ang mga kasagutan
dito. Upang maliwanagan tayo kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung anu-ano na ang
pinaniniwalaan ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at pagkatuto ng wika,
misteryoso at may mahika ng aba?

Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong
Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o
bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang
klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of Grammar ay sumikat at ginawang
modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at Griyego.

A. ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR

Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-aaral ng Wika.
Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang
Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang
Filipino. Kaya ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa
Filipino.

Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay naglundo sa
metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay
nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.

b. ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC

Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano nabuo ang mga ito,
at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng
mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng
pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap.
Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting paraang
pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman
sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman
sa kayarian ng unang wika.

Malaki ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso ng pagkatuto:

Maraming gampanin ang bawat teorya hinggil sa pagkatuto ng bawat mag-aaral sa larangan ng wika
kung saan naihahayag ang ilang gawain o hakbangin .Sa bawat teorya kalakip din ang pamamaraang
nauukol sa sikolohiya sa pagkatuto.

1. Teoryang Behaviorist – ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang
kilos at gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran.

Binigyang-diin ni Skinner (1968) isang pangunahing behaviorist na kailangang “alagaan” ang pag-
unlad ng intelektwal sa pamamagitan ng paggayak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang
mabuting kilos o gawi.

Naniniwala si Skinner na maaaring maisagawa ng bawat isa kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang
direksyon. Hal. pagkapanganak ng isang bata ay maaring hubugin ng isang magulang ang kanyang anak
para sa isang bagay o gawain .

Ang Audio-Lingual Method (ALM) ay naging popular noong taong 1950 at 1960 ay ibinabatay sa
teoryang behaviourist kung saan nauukol sa pagkatao ng isang tao. May mga katangiang taglay ang
Audio-Lingual method na ninilahad ng behaviourist: Sa bahaging ito isinasaad ng binibigyang -diin ang
mga kasanayang pakikinig at pagsasalita ng isang mag-aaral sa loob ng klase. Kaugnay din nito ang diin
ang pag-uulit at mga pagsasanay o drill ay bahagi rin ng pagkatuto. Kung isang mag-aaral ay may
pagkatuto nabibigyan din ito ng tamang target na wika, sa pagbibigay ng mga gantimpala at pagbibigay
ng pagpapatibay sa bawat tamagnsagot. Sa bawat kagyat ng kamalian at pagwawasto at pagtuturo ay
palagiang nakatuon sa guro.

2. Teoryang Innative -Ang pagkatuto ng wika ng bata ay batay sa kanyang angking likas na kakayahan.
Ayon kay Noam Chomsky, ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula sa pagkasilang na
umuunlad sa pakikipag- interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran.

Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD). Ang
aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black box’ na matatagpuan sa
isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang
terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay
ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

3. Teoryang Cognitive. Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing
may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin,
at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga Cognitivist, ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto.

Sa teoryang kognitibist nakatuon dito ang pagkaklase ng mga mag-aaral kung saan nakapokus dito
ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod.

Sa dulog na Pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na


halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat o pagbubuod ng
tuntunin

Sa dulog na Pasaklaw-paglalahad ng tuntunin patungo sa halimbawa.Ang teoryang kognitibist ay


palaging nakapokus sa kaisipang pagkatuto ay isang aktibong prosesong pangkaisipan. Sa ganitong
pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong impormasyon kung saan ang mga
impormasyon ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa
kanilang dating kaalaman.

Sa pagkatuto ng wika kailangang himukin ng guro ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalayan at
pag-usapan ang wika upang maipag-ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.

4. Ang teoryang Cognitive at Innative ay halos magkatulad ang tanging pagkakaiba ng dalawang teorya
ay ang implikasyon ng mga ito sa paraan ng pagkatuto ng bata. Pinaniniwalaan ng mga “Innativist” na
ang suporta sa pagtatamo ng wika ng bata ay hindi na kailangan dahil likas niya na itong natututunan.
Samantala, pinaniniwalaan naman ng mga “cognitivist” na upang mabilis na matuto ng wika ang bata ,
kailangan ang pakikipa- ugnayan sa kapaligiran. (Page at Pinnel, 1979).

5. Teorya ng akomodasyon: Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at
linguistic divergence, Ang mga ito’y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay
ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabi na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay
sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob,
pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence
sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at
identidad.

6. Teorya interference phenomenon -ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa


impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbawa, ang Taglish, Singlish, o
kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga
bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles.

7. Teoryang interlanguage -tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa


proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating
ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay
binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng
mga alituntunin.

8. Teoryang Makatao- Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga


salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang
kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng
bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.

Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang
sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia
ni Lazonov.

9. Sosyo-linggwistikong Teorya ng Wika- ang wika ay isang kasangkapan o instrumento sa pakikipag-


ugnayang sosyal.Batay sa pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang lipunang penomenon
nagiging makabuluhan ang anumang pahayag,aksyon,salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto
sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo-dahil dito nakabubuo ng iba’t ibang konteksto
ang paggamit ng wika sa iba’t ibang gawain papel,interes,saloobin,pananaw ang kasangkot sa
komunikasyon.

10. Teorya ng Convergence- kaugnay ng second language nagkakaroon ng tendensya na gumaya o


bumagay sa pagsasalita ng kausap upang bigyang halaga ang pakikipaglagayang loob o pagiging kabilang
sa grupo.
11. Teoryang Divergence- (gustong maging kakaiba) Pinipilit na ibahin ng isang tao ang kanyang
pananalita sa kausap upang ipakita ang pagiging iba o naiiba

12. Teorya ng Interference phenomenon-ang nakapokus sa mga wikang kasangkot. Impluwensya ng


unang wika sa pangalawang wika, naaapektuhan ang bigkas, leksikon, morpolohiya at sintaks.

Balik Diwa:

1. Tinalakay ang instruktura ng Ingles sa kahalagahan ng wikang Filipino.

2. Kahalagahan ng tunog sa pagkatuto ng wika

3. Iba’t-ibang teorya na nauukol sa pagkatuto na may malaking papel sa bawat mag-aaral.

You might also like