Esp6 Div Module Week 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

6

Edukasyon sa Pagpapakatao
QUARTER 2 – MODULE 4

galang sa Suhestiyon ng Kap

1
Unang Bahagi

ALAMIN

Ang pakikipagkapwa ay isa sa natatanging katangian ng mga Pilipino. Saanman o kailanman ay madaling makibagay,
mahusay makisama, at magaling makipagkapuwa ang mga Pilipino.
Sa pakikipag-ugnayan itinuturing natin ang ating kapwa na hindi na iba sa atin. May mga pagkakataon na kapatid o mas higit pa
sa kapatid ang turing natin sa kanila. Pinagkakatiwalaan natin sila ng ating mga sikreto o saloobin. Sa mga pagkakataon na
nakagagawa tayo o nakapagsasabi ng mali,nakatitiyak tayo na nandiyan palagi ang ating mabubuting kapuwa upang tayo ay
maituwid.
Ang ating mga kaibigan ay may malalim na ugnayan sa atin, kahit dumarating ang pagkakataon na hindi palagian ang inyong
komunikasyon. Alam mo na kapag dumating ang ating oras na kailangan mo siya o kailangan ka niya, puwede ninyong takbuhan ang
isa’t-isa.
Ang pakikipagkapwa ay palaging may mga kaakibat na paggalang upang magtagal at manatili ang ating ugnayan sa kanila.

Balikan

Ang pag-uugaling pagkamagalang ay dapat nating taglayin sa tuwina dahil kung may respeto o paggalang ka sa iyong
kapwa ay nangangahulugan na mayroon kang pagmamahal para sa kanila at ayaw mo silang mapahamak o mapasama.
Ang pag-uugaling pagkamagalang ay dapat nating taglayin sa tuwina dahil kung may respeto o paggalang ka sa iyong
kapwa ay nangangahulugan na mayroon kang pagmamahal para sa kanila at ayaw mo silang mapahamak o mapasama.
Ang pagiging magalang ay isang magandang katangian ng mga Pilipino at ito ay likas na sa atin. Naipapakita natin ang
paggalang sa iba’t-ibang paraan, katulad ng pagmano sa mga nakatatanda, pagsabi ng “po” at “opo”, pagsunod sa magulang at
paggalang sa suhestiyon o opinion ng iba. Ang pagiging isang magalang ay nagpapakita din ng pagkakaroon ng respeto sa iyong
kapwa.

2
Suriin

Ang pagbibigay ng opinyon ng ating kapwa ay maaaring makapagdulot ng iba’t-ibang damdamin. Maaari itong
makapagbigay ng positibo o negatibong pakiramdam.
Mayroong mga pagkakataon na kailangan nating humingi ng suhestiyon o opinyon ng ating kapwa lalo na sa mga panahon na
tayo ay nalilito o hindi alam ang gagawin sa mga bagay-bagay. Ang mga suhestiyong ito ay ating tinatanggap at sinusuri upang
makapili tayo ng pinakamainam sa lahat. Ito ay nagsisilbing gabay upang makatulong sa atin.
Ngunit kailangan nating isaalang-alang ang pag-iingat sa pagbibigay ng ating suhestiyon dahil ito ay nakakapagdulot ng
iba’t-ibang damdamin. Maaari itong magdulot ng positibo o negatibong pakiramdam sa ating kapwa.
Hindi din sa lahat ng pagkakataon ay nagugustuhan natin ang suhestiyon o opinyon ng ating kapwa ngunit kailangan pa
rin nating igalang ito dahil mahalaga ang suhestiyon ng ating kapwa.
Narito ang ilang paraan sa pagbibigay at pagpapakita ng paggalang sa suhestiyon o opinyon sa ating kapwa:
 Isiping mabuti ang mga mungkahi o suhestiyon na ibibigay upang hindi makasakit sa kapwa.
 Maging bukas ang ating isipan sa mga opinyon o suhestiyon ng iba lalo na kung ito ay makabubuti para sa atin.
 Hindi lahat ng suhestiyon o opinyon ng iba ay palaging tama o makabubuti para sa atin kaya kailangan nating suriing
mabuti ang mga ito bago natin isagawa.
 Kung may hindi ka nagustuhang suhestiyon o opinyon ng kapwa ay iwasang magalit agad. Isaalang-alang ang damdamin
ng taong nagbigay nito dahil lahat naman ay nadadaan sa maayos na usapan
 Sa mga pagkakataong may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan mas mabuting hingiin ang opinyon o suhestiyon
ng lahat, pagsama-samahin ang mga ito, timbangin at saka magkaroon ng konklusyon.
“Ang pakikinig sa opinyon ng kapwa ay nagpapakita rin ng paggalang”.

Ikalawang Bahagi

Pagyamanin

Gawain I: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng kapwa at MALI naman kung hindi.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_1. Palaging mataas at tama ang tingin ni Dulce sa kanyang sarili.
_2.Pinapakinggan ni Rhea ang suhestiyon ng kanyang kapwa.
_3. Hindi binibigyan ng pagkakataon si Liezl upang maipaliwanag ang kanyang ideya
tungkol sa Anti-Bullying.
_4. Ipinahiya ni Marco si Hazel sa kanilang grupo dahil sinalungat nito ang kanyang
suhestiyon.
_5. Pinapakinggan ni Hexa ang bawat pangaral ng kanyang magulang dahil ito ang
makabubuti para sa kanya.
3
_6. Iniwasan ni Kim ang kanyang mga kaibigan dahil pinupuna nila ang kanyang mga maling
ginagawa.
_7. Tinanggap ng maluwag ni Zoren na hindi makakasama ang kanyang ideya sa ginagawa nilang
proyekto.
_8. Hinihikayat ni Joy ang bawat miyembro sa kanilang grupo na magbigay ng mga sariling
opinyon patungkol sa kanilang paksa.
_9. Humingi ng tulong si Divina sa kanyang guro upang makabuo siya dahil siya ng ideya para sa kanyang
proyekto.
_10. Pinagtawanan si Loiue ng kanyang mga kaklase dahil mali ang kanyang sagot.

Isaisip

Gawain II: Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang kung tama ang sinasabi ng pangungusap at ekis (x) naman kung hindi. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Piliin lamang ang mga taong dapat igalang.
2. Ang pagsunod sa magulang ay nagpapakita ng paggalang.
3. Magsalita din habang nagsasalita ang kausap.
4. Igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng pagkakataon.
5. Maipapakita ang paggalang sa iba’t-ibang paraan.

Isagawa
Gawain III: Isulat sa iyong sagutang papel ang bilang ng mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang.
1. Iniwasan ni Loy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa.
2. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
3. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga idea ng kaniyang kapangkat.
4. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.
5. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang magaganap sa kanilang
lugar.
6. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro at humingi ng idea ukol sa gagawin nilang programa para sa kanilang
punongguro.
7. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang proyekto sa Araling
Panlipunan.
8. Binuo nina Jesiebelle ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang
magagandang karanasan.
9. Tinanggap nang maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang idea sa plano ng kanilang klase.
10. Bumuo ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang lugar.

4
Susi sa Pagwawasto:
Balikan Pagyamanin
1. pagmamalasakit 1. MALI
2. responsible
3. pagkapanagutan 2. TAMA
4. pakikipagkaibigan 3. MALI
5. pangako
6. papel 4. MALI
7. Matapat 5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
Isaisip
A. B.
1. X 1. KARAPATAN
2. / 2. BULLYING
3. X 3. SUHESTIYON
4. / 4. PAGGALANG
5. / 5. UGALI
Isagawa
3. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga idea ng kaniyang kapangkat.
4. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.
5. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang magaganap
sa kanilang lugar.
6. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro humingi ng idea ukol sa gagawin nilang programa para sa
kanilang punongguro.
8. Binuo nina Jesiebelle ang kanilang tula tungkol sa kanilang sa kanilang mga magulang sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang magagandang karanasan.
9. Tinanggap nang maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang idea sa plano ng kanilang klase.
10. Nag-organisa ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang lugar.
Sanggunian:
Ugaling Pilipino sa MakabagongPanahon 6, Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, EdD

5
Department of Education
Republic of the
Philippines Department of
Education Region I
Pangasinan Division II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 6


QUARTER 2, WEEK 4

Most Essential Learning Competency: Nakapagbibigay ng paraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba. K to 12

BEC CG:EsP6P- IId-i–31

Pangalan: Petsa:

Baitang/Seksiyon: Iskor:

WRITTEN OUTPUT
Gawain A.1: Panuto: Buuin ang crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng mga letra upang mabuo ang salitang
kaugnay sa aralin. Isulat ang tamang salita sa sagutang papel.
Pababa
1. kapangyarihan o kalayaang ipinagkaloob sa sinuman
2. pang-aasar o panloloko sa isang mag-aaral na nagpapakita ng masamang ugali.
3. ibang salita para sa mungkahi
Pahalang
4. kagandahang asal ng isang tao na maipapakita sa iba’t-ibang paraan
5. asal o katangian ng isang tao sa kanyang kapwa.
3. S

2. B

1. K

4. P

5. U

6
Gawain A.2: Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ang _ ay isa sa natatanging katangian ng mga Pilipino. Saanman o
kailanman ay madaling makibagay, mahusay makisama, at magaling makipagkapuwa ang mga Pilipino.
2. Ang pagbibigay ng _ ng ating kapwa ay maaaring makapagdulot ng iba’t- ibang
damdamin. Maari itong makapagbigay ng positibo o negatibong pakiramdam.
3. Ang pakikinig sa opinyon ng kapwa ay nagpapakita din ng .

Gawain A.3: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Magmungkahi ng solusyon sa bawat suliranin. Isulat ang kasagutan
sa sagutang papel.
1. Ang probinsya ng Pangasinan ay napapaligiran ng karagatan. Ang isa sa mga pangunahing hanap buhay ditto
ay pangingisda. Ang pamilya ni Mang Tasyo ay isang mangingisda. Kamakailan, ipinagbawal ng pamahalaan
ang paggamit ng dinamita sa pangingisda. Ano ang dapat gawin ni Mang Tasyo?

2. Araw na ng unang markahang pagsususulit ngunit hindi nakapag-aral si Alex kagabi. Nahuli siya ng kanyang
kaklase na si Monica at isinumbong niya ito sa kanilang guro. Ano ang nararapat na gawin ni Alex?

7
PERFORMANCE TASK:

Gawain B.1.Panuto : Basahin ang talata sa ibaba. Piliin ang titik ng salita sa loob ng kahon na aangkop upang mapunan ang
patlang. Sundin ang pormat, isulat ito sa short coupon bond o papel.
Ang lahat ng tao ay may sari-sariling ( 1
) _.
Ito ang dahilan ng ating pagkakaiba- iba.
Ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay may iba’t- ibang
(2) _
(3) _ at
(4) _ _
sa iba’t – ibang paksa. Dahil dito, mahalagang maunawaan na sa isang
(5)_ , hindi lahat ng iyong kausap ay katulad ng iyong iniisip o pinaniniwalaan.

A.Kaisipan B.Damdamin
C. paniniwala D. Kakayahan E. Sitwasyon

Gawain B.2.
Panuto: Lagyan ng tsek ( /) ang patlang kung ginagawa na at ekis ( x ) kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang tamang
sagot.

1. Nakikinig ako tuwing sinasabihan ako ng mga pangaral ng aking mga magulang.
2. Bukas ang isip ko sa opinyon ng iba.
3. Iginagalang ko ang opinyon ng aking kapwa.
4. Malaya akong sabihin ang aking mga opinyon ng may pag-iingat.
5. Magalang kong sinasabi ang aking saloobin na ang aking sariling pananaw ay
katanggap-tanggap.
Gawain B.3
1. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa pakikipag kapwa-tao.(5 puntos)

8
2. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa Paggalang sa Suhestiyon o Opinyon ng Iba.(5puntos)

Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Talata


Anyo-Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi o ipinapasulat. 5 4 3 2 1
Balirala-Wastong gamit ng wika
Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap.
Hikayat –Paraan ng pagtatalakay sa paksa. Lohikal ng
pagkakaayos/ Daloy ng mga ideya. Pagkakaugnay ng
mga ideya.
Nilalaman- Lawak at lalim ng paglakbay sa paksa.

5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay
4- Mahusay 1-Nangangailangan pa ng
tulong o pansanay 3-Katanggap-tanggap

3. Sumulat ng sariling opinyon tungkol sa “Modular Distance Learning”.(5 puntos)

__

Pamantayan sa Pagsulat ng Opinyon


Nilalaman- Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi. 5 4 3 2 1
Lawak at lalim ng pagtatalakay
Balirala-Wastong gamit ng wika
Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram.
Hikayat –Paraan ng pagtatalakay sa paksa.
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay ng gawain.

5- Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng tulong o pansanay 3-
Katanggap-tanggap

9
Susi sa Pagwawasto

WORKSHEET
Gawain A1.
1.KARAPATAN Gawain A.2
2. BULLYING 1.Pakikipagkapuwa
3. SUHESTIYON 2.Opinyon 3.Paggalang
4. PAGGALANG
5. UGALI

Gawain A.3
1.Maaaring gumamit si Mang Tonyo ng ibang paraan para makahuli ng isda si Mang Tonyo.
2. Tanggapin ni Alex na siya ay nagkamali at nararapat lamang na humingi ng tawad.

PERFORMANCE TASK
Gawain B.1
1. A
2. B
3. C
4. D
5. E
Gawain B.2 4. /
1. / 5. /
2. / Gawain B. 3
3. / . Depende sa sagot ng bata.
Gawain B.4
Depende sa sagot ng bata.

You might also like