Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Donna Jane Peteros XII-OWEN

Theme: “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Buwan ng Agosto. Buwan ng wika. Taon-taon ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang


kahalagahan ng ating pambansang wika sa buhay ng bawat isa bilang pagkakakilanlan. Tunay
nga na ang wika ay mahalaga bilang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin,
opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang
sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ngunit hindi rin
natin maikakaila na ang Filipino, bilang pambansang wika, ay tumutulong na mapanatili ang
mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Ngunit dapat ba na Filipino lamang ang ating pahalagahan kung gayong kaakibat ng mga
Pilipino ang iba't-ibang wikang katutubo tungo sa dekolonisasyon?
Mahigit isang daang taon na rin ang lumipas mula ng ating makamit ang kalayaan. Tayo ay
dumanas ng proseso ng dekolonisasyon. Mula sa pagiging bansang nakadepende sa mga
sumasakop rito, ating unti-unting natutunan kung paano mamuhay ng malaya. Unti-unti rin
nating binuhay muli ang mga katutubong wika na minsan ay kinaligtaan dahil sa pananakop ng
iba't-ibang bansa sa atin. Isa ang ating wika sa mga naging simbolo ng ating kalayaan na tila ba
ang paggamit natin nito ay nangangahulugan sa ating pagyakap ng kasarinlan. Ito ang
nagpapaalala sa atin na hindi na natin kailangang aralin at matutunan ang wikang hindi naman
atin. Ito ang nasagsasaad na tayo ay may sarili nang pakakakilanlan at hindi na lamang nakakubli
sa ilalim ng saya nang mga Espanyol o Hapon o Amerikano. Ito ang ating kaakibat sa patungo sa
kaunlaran at paglago bilang buong sambayanan. Ito ang ating kultura. At sa aking bawat
pagbanggit ng salitang “ito”, hindi lamang ang wikang Filipino ang aking tinutukoy. Kasama rito
ang iba't-ibang lenggwahe at katutubong wika na ating ginagamit sa ating bansa. Ang mga wika
na madalas hindi pag-usapan o bigyang halaga, wikang bibihira lang bigyan ng pagpupugay.
Mapa Filipino, Ilocano, Ibanag, Igorot, Pangasinense, Panggalatok, Kapampangan, Chavacano,
Ivatan, Tausug, Waray, Aklanon, Bisaya, Bicolano, at marami pang iba. Lahat iyan ay may
kanya-kanyang ginampanan sa bawat taong gumagamit dito.
Bilang isang malayang bansa, malayu-layo na rin ang ating narating. Tayo ay umunlad, tayo
ay bumangon, tayo ay nagkaroon ng pagkakataon na isipin ang tungkol sa dekolonisasyon.
Ngunit sa ating patuloy na pag-abante, atin sanang huwag kaligtaan ang ating pagkakakilanlan,
ang ating mga wika na siyang naging malaking bahagi ng ating pagyakap sa kariktan.

You might also like