Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAMIMILOSOPIYA SA SARILING WIKA: MGA PROBLEMA

AT SOLUSYON*

Florentino T. Timbreza

Ang paksang-diwa ng ating panayam ay hindi lamang kawili-wili’t


kapaki-pakinabang kundi lubhang maha1aga’t napapanahon din. Kawili-
wili’t kapaki-pakinabang, sapagka’t ito’y isang pambihirang pagkakataon
na mai- pahayag sa wikang sarili ang ilang malagintong diwang
pampilosopiya na nakapagpapayaman ng karanasang pangkaisipan at
nakapagbibigay-halaga sa buhay ng tao; makabuluhan at napapanahon din
sapagka’t masasaksihan dito ang likas na kayamanan at kakayahan rig
Pilipino bilang wikang panturo sa pamantasan at kasangkapan sa pagtuklas
ng katotohanang pampilosopiya at pagpapahayag ng karunungang
pangkatunayan at pantao. Angkop din ito sa pagpapalaganap ng kilusang
bilingguwalismo sa larangan rig akademya at paglinang ng Wikang
Pambansa, tungo sa kamalayang pagkamakabansa, sangkabansaang
pagkakakilanlan at sambayanang kabukluran.
Inaasahan kong pagkatapos ng ating talakayan ay masasabi natin na
totoong mayaman ang wikang Pilipino, makabuhay ang diwang
Kayumanggi, na dapat nating ipagkapuri sapagka’t ito ang tatak ng ating
pagkapilipino, sagisag ng ating lahi, at sukatan ng ating sangkabansaang
damdamin at kaisipan.
Paano natin mapauunlad ang Pilipino sa larangan ng pilosopiya? Ano
ang tanging maiaambag ng pamimilosopiya sa pagpapalawak eg
talasalitaang Pilipino? Anu-ano ang mga balakid na humahadlang sa
pagsulong at pag- unlad ng sariling wika, at paano natin makakalakhan
(outgrow) o mapaiimba- bawan (transcend) ang mga ito? Ito ang mga
mahalagang katanungan na siyang ipaghanap natin ng mga kaukulang
kasagutan sa kasalukuyang pa- nayam. Aug pagbabaybay sa mga ito ay
pagbabaha-bahagihin sa tatlong malawakang pagsangdiwa.
Una, Pagpapaunlad ng Pilipino at ang Pamimilosopiya, na kung saan
natin pagmumuni-muniin ang ugnayan nitong dalawa.
Pangalawa, mga Problema ng Pamimilosopiya sa Pilipino at ang Solus-
yon, na kung saan naman natin hahalughugin ang mga pangkalinangang
balakid (culmral barriers) na humahadlang sa pagsulong at pag-unlad ng
Pilipino, at ang ilang mga mungkahing kalutasan sa mga ito.

* Panayam ng may-akda sa Pulong-Isip na itinaguyod ng Kagawaran ng Pilosopiya noong ipinagdiriwang ang


Linggo rig Wika, Agosto 14, 1986, ika 1:00-2:30 n.h. sa Tereso Lara Seminar Room (LS230).

19
20 Florentino T. Timbreza

Pangatlo, ang Kalaguman ng ating pagpapahayag, na kung saan natin


ipagdiriinan ang mga nahinuha at natuklasan sa ating talakayan.

I. PAGPAPA UNLAD NG PILIPINO AT ANG PAMIMILOSOPIYA

Ang pagpapaunlad ng Pilipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang.


Ito’y alinsunod sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang
wika kung hindi ito gagamitin.' Dahil dito, ang palasak na pakiwaring
pabayaan muna nating umunlad ang wikang Pilipino bago natin ito gamitin ay
isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating
wika. Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles
ang wala pang katapat o katumbas na salitang Pilipino ay sapagka’t sa loob ng
matagal na panahon ay itinigil natin ang paggamit nito.
Ginamit at ginagamit pa rin natin ang wikang Ingles, kung kaya’t ito ang
puspusang umunlad; ito ang yumabong at lumawak; samantalang ang wikang
Pilipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit. Ating inalagaan
at pinagsunugan ng kilay ang wikang hiram, subali’t ating pinabayaan, ipinag-
tabuyan, at ipinagwalambahala lamang ang wikang sarili. Ating iginapos at
ikinulong, wika nga, ang wikang Pilipino upang pakawalan at palayain ang
wikang dayuhan. Kaya’t hindi nga kataka-taka na sa ngayon ay magaling at
matatas tayo sa paggamit ng Ingles, samantalang tayo’y ngangawa-ngawa,
ngangasab-ngasab, at ngangapa-ngapa sa paggamit ng Pilipino, lalung-lalo na
sa pagtuturo.
Samakatwid, ang inismong karanasan na rin natin ang siyang nakapag-
papatotoo na ang pagpapaunlad ng Pilipino ay sa pamamñgitan lamang ng
paggamit nito. Habang ginagamit natin ito ay lalo namang yumayabong at
lumalawak ang talasalitaang Pilipino. Pagka’t habang sinisikap nating maipa-
hayag ang ating bagong karanasang pag-iisip sa ating wika’y nakatutuklas,
nakabubuo’t nakalilikha tayo ng mga bagong kataga na siyang kumakatawan
sa mga bagong diwang angat sa mga bagong karanasang-pag-iisip.
Kaya nabubuhay at lumalago ang wika sa pamamagitan ng pag-aaruga,
pagdidilig, at pagsusumikap na gamitin ito. Ang wikang Pilipino ay hindi
nilikha para sa atin. Tayo mismo ang lumikha at patuQy na lumilikha nito
upang umunlad. Kinakailangang ipagpatuloy natin ang paglikha at pagbuo ng
mga salitang magpapayaman at magpapalawak sa ating wika, at magpapalu-
tang sa kahenyuhan ng liping Kayumanggi.
Ngayon ay ating maitatanong: paano natin mapauunlad ang Pilipino
sa larangan ng pilosopiya? Sa wari ko’y sang-ayon sa akin ang mga kapwa
kong dalubguro ng pilosopiya na malaki ang maiaambag ng disiplinang ito sa
pagpapaunlad ng Pilipino., sapagka’t ang pilosopiya ay isa sa mga sangay ng
kaalamang-tao na napakalawak ang nasasaklawan. Saklaw nito ang mga
pangunahing suliraning pantao. Kaya sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 21

ito ay makalilikha at makabubuo tayo ng mga bagong salitang nagpapalawak


sa ating wika.
Dahil sa kakulangan ng sapat na panahon at kalawakan ng pilosopiya,
tayo’y pipili lamang ng ilang mga kapaksaang pampilosopiya bilang
pagbibigay-halimbawa sa katotohanang malaki ang maitutulong ng guro ng
pilosopiya tungkol sa pagpapaunlad ng Pilipino.
Ating umpisahan ito sa pamamagitan ng mausisang tanong: Bakit
kinakailangan pang mamilosopiya ang tao? Hindi ba maaaring magkibit-
balikat na lamang at pangiti-ngiting pagmasdan ang pagdaloy ng panahon?
Kumain, matulog, mag-aral, maghanapbuhay, umibig, magsupling, at mama-
tay?
Tila baga hindi ito maaari. Ang mga awiting sariling atin mismo ay
siyang nagpapatunay sa katotohanang hindi natin maiiwasan ang mamiloso-
piya. Halimbawa, ani Rico Puno:

Bakit ba ganyan ang buhay ng tao?


Mayro’ng mayaman, may api sa mundo?
Kapalaran, kung hanapin, ay di matagpuan?
At kung minsan lumalapit nang di mo alam?

O bakit kaya may ligaya’t lumbay?


Sa pag-ibig may bigo’t tagumpay?
Di malaman, di maisip kung anong kapalaran
Sa akin ay naghihintay!

Sa kadahilanang ito, masasabing ang pagiging tao ay isang nakalilitong


suliranin sa daigdig, at marahil ang buhay ay siya nang pinakamabigat na
kalituhan. Tungkol dito ay ating pagmumuni-muniin ang isinasaad rig mga
pantas eksistensiyalista.
Una, umano’y ang buhay ng tao ay isang malaking kahiwagaan, isang
malaking paradoha (great paradox). Ito’y dahil sa isinilang ang tao na wala sa
kanyang kaalaman at pagkatapos ay mamamatay naman siya nang hindi niya
kagustuhan. Hindi siya pinagsabihan, ika pa, kung nais o hindi niya nais ang
isilang. Hindi siya tinanong kung gusto o hindi niya gusto ang mabuhay.
Basta’t siya’y namulat na lamang na isinilang na’t buhay. Wala na siyang
magagawa kundi mabuhay at mamatay. Dahil iJito, sinabi ni Martin Heideg-
ger, isang pantas Aleman, na ang tao ay tila baga itinapon lamang sa
sangmaliwanag. Ang buhay ay isang pagkatilapon o pagkahagis sa daigdig.
Pangalawa, ang buhay ng tao ay isang di-matingkalang kasalungatan,
isang kabalintunaan, isang kabalighuan. Mula sa takdang oras pa lamang ng
kanyang pagsilang, ang tao’y magsisimula nang mamatay, at bukod pa rito,
lagi siyang namamatay bago ipanganak nang lubusan. Ang ibig sabihin,
22 Florentino T. Timbreza

pagkapanganak ng tao ay magsimula nang lumaki; habang siya’y tumalaki,


lalo naman siyang gumugulang; habang gumugulang, lalo namang tuma-
tanda, pagka’t ang pagtanda ay kaalinsabay rig paglaki. Kaya habang luma-
laki ang tao ay lalo naman siyang tumatanda, at habang tumatanda ay lalo
naman siyang humihina; habang humihina, unti-unti naman siyang lumalapit
sa kanyang kamatayan — sa Himlayang Pilipino.
Kaya’t ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Heidegger na ang buhay ng
tao ay tila baga isang paglalakbay patungong kamatayan, at ang umpisa nito
ay sa takdang oras ng pagsilang. Sa ibang sabi, ang takdang oras ng iyong
pagsilang ay siya na ring pagluwas mo patungong kamatayan. At dahil sa
laging namamatay muna ang tao bago niya lubusang mapaunlad ang kanyang
sarili, kaya naman sinasabi na lagi siyang namamatay bago siya isilang nang
lubusan. Pagka’t kahit na sa ilalim ng mga nakapagpapayamang-isip at kaaya-
ayang kalagayan ng buhay ay mananatiling di-ganap at di-tapos ang kaunlarang
pansarili. Lagi tayong inaabot ng katandaan at kamatayan bago natin
mapaunland nang husto ang ating sarili.
At pangatlo, ang pagiging tao diumano ay isang malaking trahedya,
isang malaking kapahamakan. Isinilang ang tao upang maghirap at
mamatay. Kapag ipinanganak na ang tao, siya’y magsisimula nang
maghirap at maghi- hirap siya hanggang mamatay.
Sa katunayan, ang paghihirap ay kaagapay ng pag-unlad at pagkabu-
hay. Kung hindi ka matutong maghirap ay hindi ka mabubuhay. Kaya ang
pagkatutong maghirap ay siyang pagkatutong mabuhay. Subali’t ang masakit
na biro ng tadhana ay ang katotohanang ang tao’y karaniwang namamatay
muna bago ang kanyang mga minamahal sa buhay, o di kaya ang kanyang
mga minamahal sa buhay ang unang mamamatay bago siya. Alin man sa
dalawa ang mauna o mahuli, walang tanging kasiyahan ang tao kundi pawang
pasakit at kalungkutan. Mararanasan ito ng bawa’t indibidwal.
Ganyan nga ang buhay ng tao sa daigdig. Ang pagiging tao ay isang
malaking kabalighuan (absurdity). Ang katotohanang di-maitatatwa’t di-
maiiwasan ninuman ay: “Ako’y mamamatay!” Dahil dito’y nararamdaman ng
bawa’t indibidwal na ang buhay ay isang nakalilitong katanungan sa halip na
isang kasagutan sa sarili nito. Ang buhay animo’y isang di-malulutas na
bugtong: Bakit kinakailangan pang isilang ang tao kung siya’y maghihirap at
mamamatay rin lamangl Ano nga ba ang fitnay na kabuluhan rig pagkatao?
Ito ang siyang bumabagabag sa kaisipan ng tao mula sa duyan hanggang
sa libingan, mula sa kamusmusan hanggang sa katandaan. Kaya masasabing
ang buhay ay isang malaking suliranin at ang pamimilosopiya naman ay
siyang paghahanap ng kaukulang kasagutan sa pagiging tao. Sa ibang sabi,
ang pilosopiya ay nagsisimula at nag-uugat mula sa karanasang-tao at ito’y
nililimi at binabaybay ang kakumbakitan (shyness) ng bawa’t karanasan
upang magkaroon ng lubusang pang-unawa tungkol sa tunay na kabuluhan ng
Pamimilosopiya se Sariling Wika 23

buhay. Kung gayon ay lubusang magkaugnay ang karanasang-tao at ang


pilosopiya, pagka’t katutubo sa una ang huli.
Hindi maiiwasan ng tao ang pamimilosopiya sapagka’t ang kanyang
sarili mismo ay isang mahiwagang problema. Kaya’t ang pamimilosopiya ay
panghabang-buhay na tungkulin ng tao. Sakaling mas nanaisin pa niyang
umiwas sa pilosopiya, ang naturang pag-iwas ay isa na ring uri ng pamimiloso-
piya, bagama’t ito’y di-wasto at isang kasalungatan.
Naaangkop ngayon ang susunod na katanungan: Mayroon ba kayang
kaukulang lunas o kasagutan sa suliranin rig buhay-tao? Saan matatagpuan o
nakasalalay ang hinahanap niyang kabuuan o kaganapan ng buhay? Iba-ibang
pananaw at pangangatwiran ang itinatag ng tao bilang katugunan dito. Pag-
ukulan lamang natin ng pansin ang apat na kapaliwaflagan: 1) Ang pilosopiya
ng Indiya, 2) Ang pilosopiya ng Tsina, 3) Ang pilosopiya ng Tomismo, at 4)
Ang pilosopiya ng Marxismo.

1. Aug Pilosopiya ng Indiya


Ang panulukang-diwa ng pilosopiya ng Indiya tungkol sa suliraning
pangkabuluhambuhay ay ang konsepto ng nirvana.’ Naniniwala ang mga
pantas Hindu na ang puspos na kaligayahan ay nakasalalay sa nirvana. Ayon
sa kanila, ang nirvana ay siyang huling yugto ng buhay pagkatapos na
makalaya ang kaluluwang-tao mula sa tanikala ng paulit-ulit na pagsilang o
pagmumuling-buhay (refncarnatioit).
Pagka’t sa pag-iisip Hindu, kapag namatay ang isang taong mayroon
pang dungis o kasalanan, ang kanyang kaluluwa diumano ay maglalakbay at
papasok sa katawan ng isang bagong silang na tao o hayop upang doon siya
muling mabuhay at magbayad-utang sa nagawa niyang kasalanan. Habang
naglalakbay o nabubuhay muli ang kaluluwa ay lalo namang naghihirap ito,
kung kaya’t ang maituturing na impiyerno para sa mga Hindu ay ang mun-
dong kasalukuyan. Kaya"t kinakailangang makaiwas kaagad ang tao mula sa
mundong ito sa lalong madaling panahon.
Nguni’t hanggang hindi pa natutubos ng tao ang kanyang sarili mula sa
kasalanan, ang kanyang kaluluwa diumano ay muli’t muling isisilang sa iba’t
ibang katawan. At kapag lubusan nang gialinis ang kanyang kaluluwa ay iyon
na ang kanyang pagkatubos (moksha) at pagkalaya mula sa siklo (cycle) ng
pagmumuling-buhay, at iyon na rin ang katapusan ng pagkakaroon niya ang
kariyanang indibidwal (individual existence).
lyon na ang pagkamit niya rig niwana, ang kalugud-lugod na kaligaya-
han, na kung saan magwawakas ang lahat ng pasakit. ligalig, at paghihirap; at
ang kaluluwang-tao’y makikiisa na sa Brahmun na siyang kabuuan ng puspos
na kaligayahan.
Nang ang isa sa mga alagad ni Buddha diumano ay tinanong upang
ibigay ang katutiiran (dipinisyoti) ng nirvana, pasandaling nag-isip ang pinag-
24 Florentino T. Timbreza

tanungan at saka nagtanong din:


“Totoo kayang mayroon itong tinatawag na hangin?”
“Siyempre, mayro’n,” ang sagot naman ng pinagtanungan.
“Ano ba ang kulay, anyo, at kapal ng hangin? Ito ba’y nakikita at
maaaring hipuin?”
“Hindi, hindi nakikita at hindi nahihipo ang hangin.”
“Kung hindi nakikita, paano mo alam na may hangin?”
“Natitiyak kong may hangin, kahit hindi ko ito nakikita.”
“Ganyan din ang nirvana,” ang sagot ng disipulo ni Buddha. “Hindi ito
nakikita o nahihipo subali’t natitiyak natin na mayroon.”
Tungkol naman sa pagkariyan ng Brahman (ang pinaka-Diyos ng mga
Hindu), isang makahulugang paglalarawang-diwa ang ibinigay ni Shankara,
isang bantog na pantas Hindu na kadalasang inihahalintulad sa katalinuhan ni
Sto. Thomas Aquinas ng Kanluran. Ganito ang kuwento ni Shankara na
matutunghayan sa Chandogya Upanishad.
Isang ama diumano ‹ing nagtanong sa kanyang nagmamarunong na
anak, dahil sa mataas nitong pinag-aralan. kung alam niya ang tungkol sa
kaalaman na maaaring marinig ang di-naririnig, madama ang di-
nadarana, at malaman ang di-nalalaman. Subali’t sa kabila ng mataas na pinag-
aralan at angking karunungan ng anak ay hindi kayang sagutin ang tanong.
Kaya sa halip ay siya ang nagtanong: “Ano ba ’yon, ama?”
“Kumuha ka ng asin at ilagay mo ito sa tubig at bumalik ka bukas,” ang
utos ng ama.
Tinupad ng anak ang iniutos sa kanya at kinabukasan ay sinabi ng ama:
“Kunin mo ngayon ang asin na inilagay mo sa tubig.”
“Nguni’t, ama, hindi ko na makita!” ang sagot ng anak.
“Kung gayon ay tikman mo ang tubig sa dakong hilaga at sabihin mo
kung ano ang lasa,” iniutos ng ama.
“Maalat ho.”
“Tikman mo sa dakong timog.” Tinikman ng anak sa dakong timog at
nalasahan ang asin.
“Tikman mo sa dakong silangan.” Tinikman ang tubig sa dakong
silangan at lasang asin din.
“Tikman mo sa dakong kanluran.”
“Maalat din, po,” ang sagot naman ng anak.
“Gayundin, anak, ang Brahman,” ang paliwanag ng ama. “Ang Brah-
man ay di-naririnig, di-nadarama, di-nakikita, di-matarok, at di-matalos,
subali’t alam nating nanduroon. Nanduroon sa hilaga, sa timog, sa silangan,
at sa kanluran; pagka’t ang Brahman ay siyang kabuuan ng lahat.”‘
Mapapansin natin na ang mga pantas Hindu ay hindi gumagamit ng
katibayang lohikal bilang pagpapatunay tungkol sa pagkariyan ng Brahman.
Sa halip ay gumagamit sila ng mga paglalarawang-diwa o analohiya. Para sa
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 25

kanila ang pagkariyan ng Brahman ay hindi hinahanapan ng katwiran. Ito ang


isang malaking kaibhan ng pag-iisip Silanganin sa pag-iisip Kanluranin.

2. Ang Pilosopiya ng Tsina


Ngayon ay talakayin naman natin ang pananaw ng Taoismo. Ang
pilosopiyang ito’y itinataguyod ng mga pantas Intsik na pinangungunahan
nina Lao Tzu, Chuang-Tzu, at Yang Chu. Isinasaad nito na ang kabuluhan at
kaganapan ng pagkatao ay makakamtan sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa Tao, kung kaya’t tinawag itong Taoismo. Umano, ang Tao ay
siyang “landas ng buhay,” “ang landas ng kalikasan,” “ang likas na kaayusan
ng sandaigdigan,” “ang landas ng langit.” Tinatawag din itong “Diyos” ng
ilang mga dalub-aral.
Ayon sa Tao Te Ching, ang banal na kasulatan ng Taoismo na isinulat
diumano ni Lao Tzu, “ang pakikipag-ugnayan sa Tao ay siyang pakikipag-
ugnayan sa kawalang-hangganan. Ang pakikipag-ugnayan sa kawalang-
hangganan ay siyang pagtatamo ng kaliwanagan.” (Kb. 55) “Ang Tao ay
walang hanggan, kaya’t sinumang makaaangkin nito, kahit magwakas man
ang kanyang katawan, ay hindi mamamatay,” (Kb 16) “Sinumang
nabubuhay at gumagawa nang alinsunod sa wastong Prinsipyo (Tao) ay
makaaasa ng mahabang buhay patungong kawalang-hangganan.” (Kb. 59)
Paano natin maiuugnay (harmonize) ang ating sarili sa Tao? Sa pama-
magitan diumano ng pagsunod sa tanging landasin ng Tao: ang doktrina ng in-
wei o kawalang-gawa (inaction). Umano, “ang Tao ay hindi gumagawa nguni’t
sa pamamagitan nito, lahat ng bagay ay naisasagawa.” Ang doktrina ng
kawalang-paggawa ay binubuo ng sampung landasin:
1) di-paggawa o di-pagkilos nang di-likas o salungat sa kalikasan.
Huwag abusuhin ang sarili. Huwag kang gumawa nang salungat sa iyong
sariling kalikasan.
2) di-pagkaligalig o di-pagkabagabag. Dito nakasalalay ang prinsipyo
rig kahinahunan. Huwag kang maligalig o magwawala kung mayroon kang
suliranin. Maghunusdili ka’t magpakahinahon. Kalamayin mo ang iyong
loob.
3) di-paggawa kailanman nang labis at di-pagnanasa nang labis. Napa-
paloob dito ang prinsipyo ng katamtamang paggawa o moderasyon. Huwag
kang gumawa nang salungat sa sarili mong lakas. Huwag kakayanin ang ’di
mo makakaya. Huwag mong abutin ang hindi mo maabot.
4) di-pagsimula ng gawain nang sala sa wastong panahon at di-pagtigil
nang lagpas sa wastong oras. Mahihiwatigan dito ang prinsipyo ng katakdaan
(timing), kaagapan (anticipation), at panginginita foresight). Umano’y asika-
suhin ang mahirap habang ito’y madali pa. Lutasin ang malubhang suliranin
habang ito’y maliit pa. Kapag binabaliwala ito ng tao ay lalo lamang siyang
mahihirapan.
26 Florentino T. Timbreza

5) di-pabigla-bigla at di-padalus-dalos ng pagkilos. Ito ang pilosopiya


ng kakalmahan at katahimikan. Ang nagmamadali ay malimit na nagkaka-
mali. Ang di-nag-iingat ay madalas na napapahamak.
6) di-paggamit ng dahas at di-paghahamon. Ito ang doktrina ng
kawalang-karahasan (non-violence). Ang paggamit ng dahas ay magaganti-
han din ng kapwa dahas. Ang taong matapang sa paghamon ay malapit sa
libingan. Kaya gantihan ng pag-ibig ang anumang pagkakagalit.
7) di-pagpatay ng tao at di-pagtatanim ng galit. Dito nag-uugat ang
prinsipyo ng pagpapatawad at pakikipagkasunduan.
8) di-pagtatangi rig tao. Ito ang prinsipyo rig pakikipagkapatiran at
pagkakapantay-pantay. Ani Lao Tzu: “Mabait ako sa mababait; mabait din
ako sa di-mabait; sa gayon ay makakamtan ang kabaitan. Tapat ako sa mga
tapat; tapat din ako sa mga hindi tapat; sa gayon ay makakamtan ang
katapatan.” Kaya pakisamahan ang lahat na kasindukha ng alikabok.
9) di-panghihimasok o di-pakikialam. Ito ang prinsipyo ng
pakikipagkapwa-tao. Huwag panghimasukan ang buhay rig may buhay.
Huwag tampalasanin ang karapatan ng may karapatan.
10) di-pagmamataas at di-pagmamalaki. Ito ang doktrina ng kababaang-
loob. Umano, ang paham (sage) ay hindi nagmamataas kung kaya’t siya’y
tanyag. Hindi niya pinupuri ang sarili kung kaya’t siya’y kinikilala. Hindi
siya mayabang kung kaya’t siya’y dinadakila. Siya’y nagpapahuli suba1i’t
lalo naman siyang nangunguna.
Ito ang mga landasin na dapat nating sundin at isakatuparan upang
makaaasa tayo diumano ng kasiyahan, katiwasayan, kapayapaan, katatagan,
makabuhihambuhay at kalaunambuhay, ayon sa mga Taoista. At upang
madaling maiugnay o maiugma ang ating sarili sa Tao, o di kaya’y upang
mas madaling tahakin ang mga sampung landasin na kababanggit lamang,
kina- kailangan taglayin natin diumano itong mga sumusunod na katangian:
1) Kapayakan at kapangkaraniwan ng buhay (simplicity and plainness
or ordinariness). Umano’y mabuhay nang payak at pangkaraniwan lamang.
Iwasan ang kasakiman. Wala nang mas malaking kapahamakan kaysa labis-
labis na pagnanasa. Wala nang mas malaking sakuna kaysa kasakiman. At
wala nang mas malaking sumpa kaysa kawalang-kasiyahan. Kaya’t sinu-
mang nasisiyahan sa kasiyahan ay laging nasisiyahan.
2) Kalambutan at kahinaan. Sabi ng mga Taoista na daig ng malambot
ang matigas. Daig ng mahina ang malakas. Wala nang mas malambot at mas
malusaw pa kaysa tubig, nguni’t wala na ring ibang nakahihigit pang panlaban
sa malalakas at matitigas kundi ang tubig. Halimbawa, ang malamig na tubig
ang mabisang pamuksa sa init ng apoy. Tungkol dito sa pilosopiya ng
kalambutan at kahinaan, may ibinigay na paglalarawang-diwa ang mga Ta-
oista na kapupulutan rig magandang aral.
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 27

Sa isang pagkakataon diumano ay nag-uusap sina Lao Tzu at isang


kasamahan niya. “Anno, pakitingnan mo nga kung mayroon pa akong natiti-
rang ngipin?” ang tanong ng kasama at sabay na ibinuka ang kanyang bu-
nganga.
“Ni isang ngipin ay wala ka na. Matagal nang nasira at nawala ang iyong
mga ngipin,” ang sagot naman ni Lao Tzu.
“Aug aking dila, nariyan pa ba?” ang sumunod na tanong ng kasama.
Oo, ang iyong dila ay naririyan pa at tila walang ipinagbago sa kataga-
lan ng panahon,” ang paliwanag ni Lao Tzu.
“Bakit ho nagkaganoon? Hindi ba dapat sana’y naunang nasira at
nawala ang aking dila pagka’t mas malambot ito kaysa aking mga ngipin?”
ang mausisang tanong ng kasama.
“Iyon ang akala mo,” ang pakli ni Lao Tzu. “Subali’t ito’ng pakatatan-
daan mo, ang iyong mga ngipin ay matagal nang nasira dahil sa katigasan,
samantalang ang iyong dila ay naririyan pa dahil sa kalambutan. Kaya
magmula ngayon ay alalahanin mo na yaong malalakas at matitigas ay mga
kasamahan ng kamatayan, at yaong malalambot at mahihina ay mga kasama-
han ng buhay.”
At ang iba pang mga katangian ay 3) Pagmamahal at katimpian.
Umano, ang pagmamahal ay siyang pinakamabisang sandata sa buong daig-
dig. Ang paglusob sa pamamagitan ng pagmamahal ay tiyak na
magtatagum- pay, at ang pagtatanggol sa pamamagitan rig pagmamahal ay
walang katalu-talo. Kaya gantihan ng pag-ibig ang anumang pagkakagalit.
Gantihan ng kabutihan ang anumang pamiminsala.
Tungkol naman sa pagtitimpi, napakahalaga nito para sa mga Taoista.
Ito’y isa ring lihim sa kaalamang-pansarili (self-knowledge) at kalawigambu-
hay (longevit y). Kawili-wili’t kapupulutan ng malagintong aral ang isang
paglalarawang-diwa tungkol dito.
Umano, nang isilang ang isang tao ay labintatlong kaibigan ang
nagha- tid sa kanya sa buhay. Habang siya’y nabubuhay ay lagi niyang
kasa-kasama ang labintatlong kaibigang ito kahit saan man siya pupunta sa
anumang oras ng gabi o araw. At ang kanyang labintatlong kaibigan din ang
siyang magha- hatid sa kanya sa kamatayan, sa sarili niyang libingan. Sinu-
sino ang labintat- long kaibigan rig tao? Walang iba kundi ang kanyang
dalawang kamay, ang dalawang paa, at ang siyam na butas ng katawang-
tao.
Alalaong baga, ikaw na rin mismo ang matalik na kaibigan at mahigpit
na kaaway ng iyong sarili. Ikaw na rin ang siyang magpapahamak o magpapa-
buti sa iyong sarili. Kung mabibigo o magtatagumpay ka man sa buhay ay
wala kang ibang sisisihin o pupurihin kundi ang sarili mo na rin mismo. Kaya’t
kung kaya mong pigilin (kontrolin) ang iyong “labintatlong kaibigan,” mala-
mang na bubutihin ka; kung hindi at bigyan mo rig layaw ang mga ito,
malamang na sasamain ka. lyan ang pangangaral ng Taoismo.
28 Florentino T. Zimtirexa

3. Ang Pilosopiyang Tomismo


Tayo’y nabilad sa pag-iisip Kanluranin kung kaya’t ito ang siyang
humubog sa ating pag-iisIp at buong pagkatao. Hanggang sa ngayon, ang
sistema ng ating katoruan, pamamaraan rig pananampalataya at ideyolohiya
rig pamahalaan ay maka-Kanluran pa rim. Halimbawa, avg at*ng kinamula-
tang kasagutan tungkol sa tanging kabuluhan at kaganapan ng buhay ay
matatamasa lamang natin sa langit. sa kabilang buhay, sa kaharian ng Diyos
kung tayo’y papalarin. Kung hindi naman ay pupunta tayo diumano sa
impiyerno at doon tayo maghihirap nang walang hanggan. Sa ibang sabi, ang
ganap na kaligayahang inilaan para sa atin ay maaaring ipagkaloob lamang
ng isang Diyos na siyang lumikha ng daigdig at ng tao mula sa kawalan (out
of nothing).
Aug pilosopiyang ito ay mahigpit na tinuligsa rig mga paiiteyista at
materyalista, pagka’t hindi maaaring nilikha diumano ang daigdig mula sa
kawalan. Aug kawalan ay kawalan kung kaya’t wala itong maibibigay na
ano pa man. Hindi mo maaaring ibigay ang wala sa iyo, kung kaya’t ang
paglikha sa daigdig mula sa Jawatan ay isang kasalungatan.
Siibali’t a" 6 s anuntiligsang ito ay pinabiilaanan rig mga pantas
Kanlura- nin na pinangungunahan ni Sao. Tomas. Sa ganang kanya, aiig
paglikha mula sa kawalan ay isang kasalungatan kung ito’y walang
makapangyarihang saudi
ipowerful ‹::ause). Nguni’t ang Diyos ay siyang lumikha at siya'y lubos na
makapangyarihan, kung k•7• ’t kaya niyang liimikba mula sa ltawalan; pag-
ka’t hung hindi’y nangangahulugan na hindi siya ang
pinakamakapangyarihan sa lahat.
Samakatv/id, dahil sa ang Diyos diumano ang siyang pinaJtamagaiing
sa lahat, hindi problema para sa kanya ang paglikha muia sa Jawatan. Ito
ang isinasaad rig paaralang-pag-iisip na tinataguriang Eskolastisismo o
Tomismo.
Bumalangkas ang mga pantas Kanluranin ng lohika bilang instrumento
ng pagpapatunay at pangangatwiran, at ang naging bunga nito’y nagtatag sila
ng dalawang klasikong katibayan tungkol sa pagkariyan rig isang Diyos: ang
katibayang ontolohikal at katibayang kosniolohikal. Sa wari ko’y ialastas na
ninyo ang dalawang ito, subaIi’t tingnan natin ang pagpapahayag sa wikang

Si San Anselmo ang kinikitalang unang nagtaguyod tungkol sa katiba-


yang ontolohikal. Tinatagurian din itong katibayang o priori sapagka’t
ito’y isang katibayan bago ang karanasan. Nag-uumpisa ito mula sa
kakanyahan
{essence} o ideya papuntang kariyanan (existence).
Ayon kay San Anselmo, kung ang Diyos ay siyang pinakahigit o
pinakamagaliug na bagay na maaaring isipin ng tao, nangangahulugan na
nariyan siya (he exists j. Subali’t siya nga ang pinakamagaling na bagay na
maaaring isipin ng tao at wala ang nakahihigit pa sa kanya. Samakatwid ay
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 29

nariyan ang Diyos. Pagka’t ang pagkariyan ng Diyos diumano ay


napapaloob na sa kanyang pagkamagaling at pagkamakapangyarihan
Sa ibang sabi, dahil sa siya nga ang pinakamakapangyarihan at
pinaka- magaling sa lahat, nangangahulugan lamang na nariyan siya,
pagka’t kung wala siya ay hindi maaaring isipin na siya nga ang
pinakamagaling. Kung talagang siya ang pinakamagaling, kinakailangang
nariyan siya hindi lamang sa isipan kundi sa katunayan din.
Ang katibayang kosmolohikal ay tinatawag ding katibayang a posteriori
pagka’t ito’y batay sa o isinasagawa pagkatapos ng karanasan. Bilang
pagbibigay-halimbawa’y talakayin natin ang isang uri nito, ang katibayan
mula sa kaayusan (argument from design).
Umano, kung may kaayusan sa daigdig ay nangangahulugan na may
isang talino (intelligence) na may kagagawan sa naturang kaayusan. Ngayon,
may kamangha-manghang kaayusan sa daigdig, e.g. , ang pag-inog ng plane-
tang lupa sa inugan (aksis) nito sa loob ng eksaktong da1awampu’t apat nan
oras bawa’t araw at ang pag-ikot nito sa paligid ng planetang araw ay isang
mahiwaga’t kagila-gilalas na kaayusan.
Samakatwid ay may isang talino diumano na siyang sumusubaybay sa
kahiwagaan ng namamayaning kaayusan sa daigdig, at ito ang tinatawag na
Diyos ng mga teyista o naniniwala, tulad ng mga Kristiyano. At ayon sa
pilosopiyang Kanluranin, walang ibang makapagdudulot ng kabuuan, kaga-
napan, kabuluhan, at kaluwalhatian ng buhay-tao kundi ang naturang Diyos.
Makakamtan natin diumano ang naturang kaluwalhatian sa kabilang daigdig.

4. Ang Pilosopiya ng Marxismo

Sa kabilang dako naman, isinasaad ng Marxismo sa pangunguna ni


Karl Marx, na ang kabuluhan ng buhay ay hindi natatagpuan sa mga
simulaing itinuturo ng relihiyon, bagkus ay lalo lamang nagpapahirap sa tao
ang mga ito. Sa ganang kay Marx, ang relihiyon ay dili iba kundi isang
instrumento ng paniniil (instrument of oppression). Umano’y
kinakasangkapan ng mga burgis o kapitalista ang relihiyon upang lalong
siilin at alipinin ang mga masa.
Ibig sabihin, ipinagdiriinan ng mga burgiyang pananampalataya sa
isang Diyos upang ito’y maging huwaran para sa mga tao; at sa oras na
maging maka-Diyos at relihiyoso na ang mga tao ay makakalimutan na nila
ang kanilang problema, ang kanilang pagkaalipin sa mga kamay ng mga
maniniil na kapitalista. Hindi na nga sila mag-aalsa o maghihimagsik sapag-
ka’t takot na sila sa Diyos, at sapagka’t ang panghihimagsik ay salungat sa
pangangaral ng relihiyon na “mahalin ninyo ang inyong mga kaaway.”
Dahil dito, sinabi rin ni Marx at ng mga Marxista na ang relihiyon ay
“opyum ng mga tao.” Alalaong baga, kapag ang tao ay naninigarilyo ng
opyum o humihithit ng marijuana ay nakakalimutan niya diumano ang
30 Florentino T. Timbreza

kanyang mga suliranin sa buhay, at animo’y lumulutang siya sa alapaap o


kalawakan; walang pakiramdam, walang himutok, at walang ligalig o
lingga- tong. Gayundin diumano ang epekto ng relihiyon o paniniwala sa
Diyos, ayon kay Marx. Laging nakatungod ang pag-asa ng tao sa kaharian
ng langit, sa buhay na walang hanggan, at puspos na kaligayahang
maipagkakaloob la- mang ng Diyos.
Sa gayon ay makakalimutan nga ng tao ang kanyang mga problema sa
daigdig. Kaya’t siya’y matutong magtiis at mananatiling alipin ng mga ma-
yayaman at malalakas. Siya’y naniniwala na kahit naghihirap siya ngayon,
kapag namatay naman siya ay magkakaroon ng kaluwalhatian sa kaharian ng
Diyos, pagka’t siya’y anak rig Diyos! At sino nga naman ang ayaw na maging
anak ng Diyos? Subali’t ang paghahakang ito’y puspusang binatikos ni Marx.
Sa wart niya’y isang kadenang bakal ang relihiyon na mahigpit na nakatali o
nakapulupot sa tao. Kinakailangan ang puspusang pagkalas sa kadenang ito
upang maging malaya ang tao. At siya’y naniniwala na kapag lubos nang
malaya ang tao ay hindi na niya kailangan ang relihiyon, hindi na kailangan
pang sumampalataya sa isang Diyos.
Para sa kanya, ang tunay na kaganapan ng buhay ay makakamtan
lamang sa isang lipunang klasles na kung saan natin matatamasa ang tunay
na kalayaan, katarungan, at pagkakapantay-pantay; pagka’t sa lipunang
yaon ay wala nang maniniil at manlulupig, kung kaya’t ang relihiyon bilang
isang kasangkapan rig opresyon o eksploytasyon ay mawawalan na ng
saysay; ito’y kusa nang mapaparam at mawawaght sa buhay ng tao.
Ang paghahaka ni Marx ay nagkaroon ng malaking impluho
(influence) sa pag-iisip ni Jean-Paul Sartre, isang pantas eksistensiyalista.
Siya ang may sabing ganap na malaya ang tao kung kaya’t walang Diyos.
Sa katunayan ay sinabi niyang ang tao mismo ay kalayaan.’ Ang tao’y
isinumpa sa kalayaan, pagka’t s”a ayaw niya o sa gusto ay tunay siyang
malaya. Hindi niya maaaring piliin ang di-pagkamalaya sapagka’t ang
kanyang pagpiling ito ay isa na ring uri rig kalayaan.
Kaya dahil nga sa lubos na kalayaan ng tao ay siya lamang diumano ang
maaaring lumikha sa kanyang sarili, ang bumalangkas ng kanyang kinabuka-
san, at ang gumawa ng sarili niyang kasaysayan. walang Diyos na siyang
makikialam sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit bawa’t tao, ayon kay Sartre,
ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa. Siya lamang ang
maaaring magbigay ng kabuluhan sa kanyang buhay. Wala siyang maaasa-
hang biyaya ng Diyos sapagka’t walang Diyos. Ang magiging kabuluhan ng
buhay ay nasusukat lamang sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap ng tao
mismo.
Ito ang ilang mga kapaksaang pampilosopiya na nagpapalutang ng
karanasang-pag-iisip at nagpapalawak din ng talasalitaang Pilipino. Maaaring
wala pang katumbas sa Pilipino ang mga salitang teknikal, nguni’t maaaring
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 31

ipaliwanag ang kanilang katuturan sa sariling wika. Marami namang maisasa-


lin sa Pilipino na higit pang maliwanag kaysa Ingles.

II. MGA PROBLEMA NG PAMIMILOSOPIYA SA PILIPINO AT


ANG SOL.USYON

Batay sa sarili kong karanasan bilang guro ng pilosopiya sa Pilipino, ang


tanging suliranin ng pamimilosopiya sa sariling wika (at sa wari ko’y gayundin
sa iba pang mga aralin) ay nag-uugat sa ating kalinangan at kasaysayan. Ang
aking tinutukoy dito ay ang pangkasaysayan (historikal) at pangkalinangang
(kultural) suliranin. Kaakibat ng mga ito ang mga aspetong sosyolohikal at
sikolohikal na saloobing angat din sa ating kasaysayan at kalinangan. Upang
lubos nating masakyan ang ibig kong sabihin, hayaan ninyong ipaliwanag ko ito
sa pamamagitan ng isang paglalarawang-diwa.
Umano’y may isang palaka na nakatira sa tubig sa loob ng isang balon.
Sapul-mula’y ang kinamulatan niyang tahanan ay ang tubig lamang sa loob ng
balon, at ang kinagisnan niyang pook o lugar ay ang loob lamang ng balon.
Dahil dito, sa buong akala niya’y wala nang ibang pook kundi ang kanyang
tirahan sa loob ng balon. Higit sa lahat, para sa kanya’y wala nang ibang
katawan ng tubig at wala nang ibang nakahihigit pang uri ng tubig kundi ang
tubig lamang sa loob ng balon. Kaya’t nasisiyahan na siya’t laging isinisigaw na
wala nang mas mabuti pang lugar at wala na ring mas malinaw pang tubig sa
buong daigdig kundi ang kinabubuhayan at kinasanayan niyang tubig sa loob
ng balon.
Isang araw ay umulan nang malakas at dahil sa walang-humpay na
pagpatak ng ulan, tumaas nang tumaas ang tubig ng balon, at lalo namang
natuwa ang palaka sapagka’t lalong lumalaki at lumalalim ang inaangkin
niyang tubig sa loob ng balon. Hindi nagluwat at napuno ang balon hanggang
umapaw at umawas ang tubig sa labas nito. Gayon na lamang ang pagka-
mangha at pagkatulala ng palaka nang makita niya na sa labas ng balon ay
mayroon palang mas malaki at mas malinaw pang katawan ng tubig—ang ilog
at ang karagatan!
Kung ating pagninilay-nilayin, ang mabigat na suliranin tungkol sa
pagpapaunlad ng Pilipino ay nahahalintulad sa likas na karanasan ng palaka
sa loob ng balon. Sapul-mula’y Ingles-ang wikang banyaga—ang siyang
kinagisnan nating wikang panturo sa ating paaralan, lalung-lalo na sa mga
dalubhasaan at pamantasan. Ingles ang kinagisnan nating wika rig mga
itinuturing oa magagaling, ng marurunong, mayayaman, at mga edukado o
may pinag-aralan. Dahil dito, tayo’y naniwala na Ingles lamang ang wikang
pinakamagaling at pinakamahusay.
Ito ang dahilan kung bakit nawili tayo sa Ingles at ito na rin ang
humubog sa ating makadayuhang panlasa at pag-iisip. Ating itinuring ang
32 Florentino T. Timbreza

Pilipino bilang isang wika ng mga mangmang, ng mga walang pinag-aralan at


ng mahihirap na tao lamang. Sa madaling salita, ikinahiya natin ang Pilipino.
Nag-atubili tayong magsalita sa Pilipino; baka isipin rig iba na tayo’y mang-
mang at hindi nag-aral.
Tungkol sa saloobin nating ito’y naalaala ko ang pagkamakawika’t
pagkamakabansa ng mga mamamayang Pranses. Pagka’t sa Pransiya diu-
mano ay hindi ka papansinin ng mga tao roon kung magsasalita ka sa Ingles;
kinakailangang magsalita ka raw ng Pranses—ang kanilang pambansang wika
—kung nais mong pansinin ka ng mga tao. Dito sa atin naman ay baligtad.
Karaniwang ’di ka papansinin ng mga kapwa mo Pilipino kung ikaw ay
makikipagtalastasan sa wikang sarili. Kailangang magsalita ka ng Ingles na ala-
Kano upang matawag ang kanilang pansin.
Bukod pa rito, tayong mga Pilipino ay isinilang at lumaki sa iba’t ibang
lugar o sulok ng ating kapuluan, kung kaya’t namulat din tayo sa mga iba-
ibang wikain. Ito ang tanging dahilan kung bakit tayo’y hinulma ng
makasariling paniniwala (tulad ng palaka sa loob ng balon) na wala nang mas
magaling pa kaysa ating kinagisnang wikain, maging ito man ay Bisaya,
Ilonggo, o Igorot. Hindi natin masisisi ang ating sarili. Ito ay bunga ng ating
kanya-kanyang saloobin, kanya-kanyang layunin, at kanya-kanyang damda-
min, at walang ni bahagya man lamang na pagsasaalang-alang tungkol sa
isang sangkabansaang damdamin—ang pagkamakalahi, pagkamakabayan, at
pagkamakapilipino.
Hindi natin maaatim na ang ating katutubong wikain ay daigin o
paimbabawan ng isang pambansang wika, pagka’t sa ating palagay ay wala
nang mas mahalaga kaysa wikaing ating kinamulatan. Ang damdaming ito
ang siyang humubog sa ating panrehiyon o rehiyunalistikong saloobin (re-
gionalistic attitude). At ang naging mapait na bunga nito’y ang katotohanang
higit na minamagaling natin ang matatawag na mga Igorot, mga Ilokano, mga
Bisaya, Ilonggo, Cebuano o Muslim kaysa matatawag na mga mamamayang
Pilipino.
Ito ang ating karanasan. Ito ang ating kasaysayan at kalinangan. At dito
rin napapaloob ang ating suliranin. Kaya, dahil sa ito’y suliraning pangkali-
nangan o kultural, ang tanging kalutasan o solusyon••y may kinalaman din sa
karanasang pangkultural.
Tayo ay mga biktima ng rehiyunalismo o kanya-kanyang saloobin.
Tayo’y mga biktima ng kolonyalismo o makadayuhang pag-iisip. Tayo’y mga
bilanggo ng isang kalinangan na waring ipinataw sa atin ng mga dayuhang
kolonista. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay nahati-hati, hiwa-hiwalay at
nagkawatak-watak.
Suba1i’t bakit tayo mananatiling biktima? Bakit mananatili tayong
bilanggo? Bakit hindi tayo kumalas mula sa ating pagkakabilanggo? Bakit
hindi tayo ang mismong bumalangkas ng ating sariling kalinangan, ng ating
kasaysayan?
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 33

Angkop na angkop sa mga katanungang ito ang sinabi ng isang pantas


Ruso, na walang iba kundi si Nikolai Berdyaev. Sa wikang Ingles aniya:
“There is bitterness in knowledge. But knowledge is by nature a liberating
force. Phflosophical knowledge is called upon to set man free from the power
of the ob jectified (i.e. , cultural) world and from the intolerable servitude to it.
Not the will to power but the will to meaning and freedom is the driving force of
phtlosophical knowledge. 6
Sa wikang sarili’y ganito ang nais ipahiwatig ni Berdyaev: “May kapai-
tan ang kaalaman. Subali’t ang kaalaman sa kalikasan nito’y isang mapagpa-
layang lakas. Ang kaalamang pampilosopiya ay siyang tinatawagang
magpalaya sa tao mula sa kapangyarihan ng kinamulatan niyang daigdig (o
kalinangan) at mula rin sa kanyang di-mapagtiisang pagkaalipin dito. Ang
kapangyarihang taglay ng kaalamang pampilosopiya ay hindi ang pagnana-
sang maging makapangyarihan kundi ang pagnanasang patungo sa kabuluhan at
kalayaan.”
Ang pahayag ni Berdyaev ay napapanahon para sa atin, sa gitna ng
ating pagkamakasarili, pagkagusut-gusot, at pagkakahidwaan tungkol sa
pagpapalaganap ng wikang Pilipino. Ang pilosopiya ay isang mapagpalayang
lakas ng pag-iisip. Ito’y isang mabisang puwersa na nagbibigay lakas sa atin
upang tayo’y kumalas mula sa mga hadlang pangkalinangan na siyang naghi-
hiwalay at namamagitan sa mga kababayan natin. Ito ang pinakamahalaga
nguni’t pinakamahirap na hamon ng pilosopiya.
Bawa’t Pilipino ay bilanggo ng kanyang kinagisnang paniniwala,
kauga- lian, at kalinangan, kung kaya’t ang kanyang karaniwang
pangangatwiran at pakikitungo sa kanyang kapwa-Pilipino ay ibinabatay sa
itinuturo rig kanyang kinamulatang kaugalian, o sa kinagisnan niyang hugis
ng pag-iisip at uri ng wikain (diyalekto) ng kinabibilangan niyang
pamayanan. Kaya ito ang sanhi ng ating di-pagkakasundo at di-
pagkakaunawaan tungkol sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa.
Ngayon, ang tanging layunin ng pilosopiya ay ang pagpapalaya sa ating
mga kababayan mula sa kanilang paniniwala na hindi kapaki-pakinabang at
magiging sagabal sa pagkakaroon natin ng sangkabansaang pagkakaunawaan
at pagkakapatiran. Ang malayang pam osopiya ay isang paraan upang
makaahon ang Pilipino mula sa mga di-makabansa at di-makalahing pag-
hahaka na bumibilanggo sa kanya. Ito’y isang paraan ng pagkalas mula sa
mga tanikala ng tradisyon na naging balakid sa pag-unlad ng pagkakaisa at
pagbubuklud-buklod ng sangkapilipinuhan.
Angkop dito ang sinabi ni John Wild: “Upang tayo ay makatakas mula
sa ating pagkabilanggo sa isang daigdig na tayo na rin mismo ang siyang
b.•malangkas, kinakailangang kumalas muna tayo mula sa mga pala-palagay,
haka-haka, at mga pag-aakalang makasarili.” At marahil ang hamong ito ng
pilosopiya ay siya ring tinutukoy ni Jesus, ang batikang Galileyano, nang
34 Florentino T. Timbreza

sabihin niyang, “Alamin ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ay siyang


magpapalaya sa inyo.”
Alinsunod dito, isang malaking pananagutan natin bilang mga guro ng
pilosopiya at ng iba pang mga aralin o asignatura na ipaalam at isiwalat sa
ating mga kababayan ang katotohanang ating natuklasan, at nawa’y ito rin
ang siyang magpapalaya sa kanila.

III. KAL.AGUMAN

Bilang paglalagom, nasaksihan natin sa ating panayam ang di-mapag-


alinlanganang kayamanan at kakayahan ng Pilipino bila ng kasangkapan sa
pagtuklas at pagpapahayag ng mga katotohanang pampilosopiya. Napatu-
nayan din natin ang katotohanan ng aking mungkahi na ang tanging paraan
ng pagpapaunlad ng sariling wika sa larangan ng pilosopiya ay sa pamamagi-
tan ng paggamit lamang. Malaki ang ugnayan ng wika at ng pag-iisip. Sa
katunayan, ang dalawa’y magkakabit. Laging hinahanap ng pag-iisip ang
wika upang maging buo ito.
Kaya’t habang tayo’y namimilosopiya ay lalong dumarami naman ang
mga katagang ating mabubuo upang maipahayag at mabigyan ng panibagong
bihis ang ating mga diwa. Ang pag-unlad ng wikang Pilipino ay nahahalintu-
lad sa paglaki ng isang buhay na bagay na ang paglaki ay nagmumula sa loob.
Habang ginagamit ang wikang sarili ay lalo namang yumayaman, lumalago, at
lumalawak ang talasalitaan nito.
Ang mga paraan, mga plano, mga programa o palatuntunan na dapat
isagawa upang lalong mapalaganap ang paggamit ng Pilipino sa mga dalubha-
saan at pamantasan ay ipaubaya na natin sa mga kinauukulan, sa mga
tagapangasiwa ng pamantasan.
Waring hindi ako naniniwala na ang tanging suliranin ng
pagpapaunlad ng Pilipino ay dahil sa marami pang kakulangan ang
talasalitaan nito. Ang pag-aakalang ito ay bunga lamang marahil ng ating
pag-aatubiling magsalita sa Pilipino. Sa ganang akin, ang malaking
suliranin at mahigpit na kaaway ng pagpapalaganap rig Pilipino ay hindi
lamang dahil sa malaong pagkakabilad natin sa wikang Ingles at pag-iisip
Kanluranin kundi Phil din sa pagkakabi- langgo natin sa ating sari-sariling
wikain o diyalekto.
Sa kadahilanang ito, ating iminungkahi ang pagkalas mula sa mga ito
upang tayo’y maging tunay na malaya. Umahon tayo sa ating mga sari-sariling
“balon” at huwag tayong gumaya sa palaka sa loob ng balon, na naging
bilanggo ng makasariling paniniwala at kaikliang-pag-iisip (shortsightedness).
Sinabi natin na ito ang hamon ng pilosopiya sa lahat ng mamamayang
Pilipino.
Kumalas tayo mula sa ating pagkamakadayuhan at rehiyunalistikong
saloobin. Kumalas tayo mula sa ating pagkamakasarili upang lalo nating
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 35

maramdaman ang matamis na lasa ng pagkamakabansa at pagkamakapili-


pino.
Bilang pagtatapos ay nais kong mag-iwan ng isang makabuluhang
simulain na hango sa pangangaral ng isang batikang pantas ng Lumang Tsina,
na walang iba kundi si Lao Tzu:
“Ang isang punongkahoy,” aniya, “na kasinlaki ng yakap ng tao ay
lumaki mula sa isang maliit na sibol lamang. Ang isang gusali namang may
siyam na palapag ay tumaas mula sa kaunting bunton ng lupa. At ang
paglalakbay na aabot ng sanlibong milya ay nag-uumpisa sa unang
hakbang. 7

Alinsunod dito ay masasabing ang kalagayan ng pagpapaunlad ng


Pilipino sa larangan ng pilosopiya ay mistulang isang maliit na sibol pa
lamang. Ang kalagayan ngayon ng pagpapalaganap ng wikang sarili ay
nahahalintulad lamang sa kaunting bunton ng lupa. At ang mga panayam sa
Pilipino, tulad nitong ating ginagawa ngayon, ay waring unang hakbang pa
lamang ng napakalayo, napakatagal, at patigil-tigil na paglalakbay patungo sa
lubusang pagkakatatag ng Wikang Pambansa.
Subali’t kapulutan natin ng tanging kasiyahan ang sinasabi ni Lao Tzu:
Anumang malaki ay nag-uumpisa sa maliit. Anumang tagumpay ay nagdara-
nas muna rig pagkabigo. Tulad din ng kasabihang Pilipino: “Walang tagum-
pay na sakdal tamis ang hindi dinilig rig luha’t sukdulang pasakit:”
Kaya’t kung tayo’y magsumigasig at magsumikap na ipagpatuloy ang
ating sangkadiwaang mithiin—ang pagpapalaganap ng Pilipino-makaaasa
tayo na sa hinaharap ay darating ang isang panahon para sa mga sumusunod
pang salinlahi ng liping Kayumanggi na taas-noong sasabihin nila:
“Hindi kami mga Ilokano o mga Cebuano. Hindi kami mga Bisaya o
mga Ilonggo. Ni hindi kami mga Igorot o mga Muslim, mga Kapangpangan o
mga Bikulano. Kami, sila at kayo, ikaw at ako, tayong lahat ay mga Pilipino.”

MGA TALABABA

1. Sumangguni kay Dr. Emerita S. Quitojc Aitg Pilosopiya sa Diwang Pilipino


(Maynila: United Publishing Co. , 1972), p. 11. Sa wari ko’y ito ang kauna-
unahang aklat pampilosopiya na isinulat sa wikang sariling atin. Si Dr. Ouito ay
isang dalubwika (linguist). Ang kinagisnan niyang wikain (diyalekto) ay Pam-
panggo. Sa kasalukuyan, siya ang Tagapangulo rig Kagawaran ng Pilosopiya sa
Pamantasan ng De La Salle. Kamakailan lamang ay ipinagkaloob sa kanya
ang Distinguished Chair of Humanities bilang pagkilala ng naturang Pamantasan sa
kanyang kagalingan sa sarili niyang pinagpakadalubhasaan o espesiyalisasyon.
2. Chandradhar Sharma, Indian Philosophy: A Critical Survey (U.S.A.: Barnes and
Noble, Inc. , 1962), pp. 61, 67, 69—70, 72, 76, 90. Ang pananaw tungkol sa
nirvana ay siyang nangingilalim sa lahat ng paaralang-pag-iisip ng mga Hindu.
Florentino T. Timbreza

Sumangguni rin kay Dr. Quito, Aug Kasaysayan ng Pilosopiya (Maynila:


Pamantasan ng De La Salle, 1974), p. 12. Ang aklat na ito’y isa pang ambag ng
may-akda para sa pagpapalaganap ng Pilipino sa larangan ng pilosopiya. Ginaga-
mit itong sanggunian para sa pagtuturo ng pilosopiya sa Pilipino.
3. Joseph Gaer, What the Great Religions Believe (New York: The New American
Library, Inc. , 1963), p. 48.
4. Swami Prabhavananda and Frederick Manchester, The Upanishads, Breath of the
Eternal (New York: The New American Library, Inc. , 1957), p. 70. E. S. Quito,
Ang Kasaysayan , pp. 23-24.
5. William A. Luijpen, Phenomenology and Atheism (Pittsburgh, Pa.: Duquesne
University Press, 1964), pp. 264-290, et passim.
6. Tingnan ang “The Existentialist View,” sa aklat na pinatnugutan ni D. A.
Drennen, A Modern Introduction to Metaphysics, Readings from Classical and
Contemporary Sources (New York: The Free Press of Glencoe, 1962), p. 222.
7. Arthur Waley, The Way and Its Power, The Tao Te Ching and its place in Chinese
Thought (London: Butler and Tanner Ltd. , 1977), p. 223, ch. 64.

TALAHULUGANAN
(GLOSSARY)

pamimilosopiya
- philosophizing, doing philosophy
pananaliksik pampilosopiya
- philosophical research
pagpapaunlad - development
pakiwari
- opinion, claim
dalubwika
- linguist
ngangapa-ngapa
- groping in the dark
ngangawa-ngawa
- soundless cry, opening and closing of the
ngangasab-ngasab
mouth as a result of fatigue, weakness
hunger, thirst
karanasang-pag-iisip
- intellectual experience
pandaigdigang pananaw
- world-view
kaganapan
- fulfillment, perfection
kabuluhan
- meaning
panulukang-diwa
- fundamental thought, central idea
suliraning
- problem regarding the meaning of life
pangkabuluhambuhay
pagmumuling-buhay
- reincarnation
dalub-aral
- scholar
kawalang-hangganan
- eternity, endlessness, unlimited
kaliwanagan
kawalang-gawa
- enlightenment, brightness
- inaction, inactivity
landasin
di-pagkaligalig,
- path
di-pagkabagabag
- imperturbability, nonbewilderment
Pamimilosopiya sa Sariling Wika 37

katakdaan - proper timing, timeliness


kagapan - anticipation
panginginita - foresight
prinsipyo rig
kawalang-karahasan - principle of non-violence
prinsipyo ng pagkakapatiran
at pagkakapantay-pantay - principle of brotherhood and equality
di-panghihimasok - non-interference
prinsipyo ng
pakikipagkapwa-tao - principle of human fellowship
makabuluhambuhay - meaningful existence/life
kalaunambuhay,
kalawigambuhay - longevity
pag-iisip kanluranin - western thought
sistema ng katuruan - educational system
wikang panturo - language of instruction
mula sa kawalan - out of nothing
panteyista - pantheist
makapangyarihang sanhi - powerful cause
lubos na makapangyarihan - all-powerful
klasikong katibayan - classical proof
pagkariyan, kariyanan - existence
katibayang ontolohikal - ontological proof
katibayang kosmolohikal - cosmotological proof
kasangkapan ng paniniil - instrument of oppression
burgis - bourgeois
ligalig - anxiety, anguish
linggatong - mental perplexity
paghahaka - view, point of view
kusang mapaparam
- to wither away by itself
kapaksaang pampilosopiya
- philosophical topic
pangkalinangang suliranin
- cultural problem
saloobing sosyolohikal at
sikolohikal
- sociological and psychological attitude
paglalarawang-diwa
- illustration, exemplification
sapul-mula
- ever since the beginning, from the very
start
pagninilay-nilayin
- to reflect, to deliberate
dalubhasaan
- college
pamantasan
- university
38 Florentino T. Timbreza

makadayuhang panlasa at
pag-iisip - foreign taste and thought,
pagkamakabansa colonial mentality
pagkamakawika - being nation-centered, nationalistic
makikipagtalastasan - being language-conscious
makasariling paniniwala - to discuss
wikain - egotistical, self-centered belief
sangkabansaang damdamin - dialect
rehiyunalistikong saloobin - nationalistic feeling/spirit
pagkamakasarili - regionalistic attitude
pagkagusut-gusot - self-centeredness, selfishness
pagkakahidwaan - confusion, controversy
pagpapalaganap - indifference, misunderstanding
mapagpalayang lakas - propagation
hadlang pangkalinangan - liberating force/power
sangkabansaang - cultural barrier
pagkakaunawaan - national understanding
pagbubuklud-buklod ng
sangkapilipinuhan - integration of the entire Filipino nation
di-mapag-alinlanganan - indubitable
katotohanang pampilosopiya - philosophical truth
kaalamang pantao - human knowledge
kaalamang pangkatunayan - knowledge of reality
kaikliang-pag-iisip - narrowmindedness, shortsightedness
pagkamakadayuhan - being foreign-centered, stateside-conscious
sanggunian - reference
paglalagom - summary
kalaguman - conclusion

N.B. Ang mga aklat pampilosopiya na maaaring gawing mga sanggunian sa pagtuturo
ng pilosopiya sa Pilipino ay ang mga sumusunod:

1. Quito, Emerita S. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino aynila: United Publishing


Co. , Inc. , 1972.
2. . Aug Kasaysayan rig Pilosopiya. Maynila: Pamantasan ng De
La Salle, 1974.
3. at Abulad,.Romualdo. Aug Pilosopiya rig Tao. Q.C.:
Alemar- Phoenix Publishing House, Inc. , 1980.
4. Berriols, Roque, S.J. Magpakatao. Isang Babasahing Pilosopiko. Pagsubok na
Edisyon. Q.C.: Ateneo de Manila University Press, 1979.
5. Timbreza, Florentino T. Pilosopiyang Pilipino, O.C.: Rex Printing Co. , Inc.,
1982.
6. Dy, Manuel. Mga Babasahing Pilosopiko sa Pilosopifang Moral (1984).

You might also like