Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Accenture’s digital Upskilling Program: Enablement for Teachers

Oktubre 21, 2020 (Unang Araw)


Nagsimula ang webinar sa isang panalangin sa pangunguna ng mga kinatawan ng isang kilalang BPO
Company, ang Accenture. Sa unang bahagi na tumagal mula ika-1 n.h. hanggang ika-3 n.h. ang paksang
tinalakay ay ang Hour of Code, ipinakita ng Tagapagsalita ang kagandahan at kalidad ng kanilang
programa kung saan mapapadali nito ang daloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro
sa nakakaengganyong pamamaraan. Ang mga gurong lumahok mula sa iba’t ibang departamento ng
bawat asignatura ay talaga nga naming naging aktibo at atentibo sa pakikinig.
Sa ikalawang bahagi naman ay tinalakay ang aplikasyong Coderdojo na magagamit sa pagko-code ng
mga aplikasyong maaaring makabuo ng websayt, mga instructional materials na maaaring magamit sa
pagtugon sa pangangailangan ng mga guro at mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Nagwakas ang
ikalawang bahagi ng webinar ng ika-5 n.h. Nagkaroon ng magandang pidbak ang unang araw ng webinar
mula sa mga kaguruan sa pangunguna ng Brigada Eskwela Coordinator

Okrubre 22, 2020 (Ikalawang Araw)


Ang ikalawang araw ng webinar ay sinimulan sa isang panalangin sa pamamagitan ng isang video clip.
Gaya sa unang araw nito, ang pagtalakay ng mga paksa ay dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay
nagsimula ng ika-1 n.h. at natapos ng ika-3 n.h. ang paksang tinalakay ay Skills to Succeed Academy kung
saan ang bawat isa sa mga guro ay may pinanood na mga video clip mula sa isang websayt patungkol sa
pagkakaroon ng motibasyon at kung paano magkakaroon ng kasiyahan sa ginagawa. Gayundin, ang lahat
ay pinagawa ng sariling kuwento sa pamamagitan ng pagko-code ng HTML at CSS gamit ang isang
websayt. Ang lahat ng gurong dumalo sa webinar ay aktibong lumahok at isinagawa ang gawain.
Ang ikalawang bahagi naman ay tinalakay ang FB Digital Tayo sa pangunguna ni Gng. Maya Verana, ang
Tagapagsalita ng paksa. Sa bahaging ito, ibinagi ni Gng. Verana ang mga paraan kung paano maging
ligtas ang mga account sa aplikasyong Facebook. Ibinahagi rin niya ang kung paano maglagay ng Log-in
Alert sa nasabing aplikasyon. Kasama rin sa kanyang tinalakay ang mga paraan kung paano magiging
positibo ang pakikilahok ng mga tao online gaya ng maging bukas sa mga bagay-bagay at maging
sensitibo sa ating paligid. Sa pagtatapos ng webinar, ang mga gurong dumalo sa webinar ay nagbigay ng
magagandang pidbak. Nagwakas ito ng ika-5 n.h.

You might also like