Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Hunyo 3-4, 2019


Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Naipapamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa kanyang talento, kakayahan, at
kahinaan, hilig at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.

b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Unang araw: PAUNANG PAGTATAYA

Layunin: Sa 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natataya ang mga kaalaman na kabilang sa mga tanong sa Paunang pagtataya sa unang
aralin

b. Nalilinang ang kakayahan sa wastong pagpili sa pamamagitan ng mga nasabing pagsusulit

c. Naiwawasto ang sagutang papel ng kaklase.

II. NILALAMAN

PAKSA: Mangarap ka!

BATAYANG KONSEPTO: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa : pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at pagiging mapanagutang tao.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: sagutang papel, bolpen

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

B. PAGGANYAK

Stretching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling pagbati
upang maganyak ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na
huwag mangamba kung hindi makakapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi itatala
ng guro ang nakuhang grado. Ito ay pagtataya lamang kung ano at hanggang saan ang
kanilang nalalaman sa mga darating na mga aralin

C. PAGWAWASTO SA MGA SAGUTANG PAPEL

Makikipagpalit ng sagutang papel sa katabing mag-aaral upang iwasto ito.

IV. TAKDANG ARALIN

Maghanda sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng sagutang papel.


Ikalawang araw: Pagtuklas ng dating Kaalaman

I. Layunin: Sa 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang na 8-9 hanggang sa
kasalukuyang aspetong: pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad; papel sa lipunan bilang
lalaki o babae; asal sa pakikipagkapwa sa lipunan at kakayahang makagawa ng maingat
na pagpapasya

b. Nakapagbabahagi ng gawain sa harapan ng klase.

II. NILALAMAN

PAKSA: Modyul 1: Mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata.

BATAYANG KONSEPTO: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa : pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at pagiging mapanagutang tao.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: sagutang papel, laptop, “Pusong Papel”(reward) para sa magbabahagi ng


gawain sa harap ng klase

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

B. PAGGANYAK

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila
hanggang sa sila ay maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang klase
kung anu-ano ang kanilang napansin sa mga pagbabagong naganap sa mga artistang
ipinakita. Matapos iyon ay sasabihin ng guro na nais din niyang malaman kung anu-ano
ang mga pagbabagong naganap sa bawat isa sa pamamagitan ng gawain.

C. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Panuto: Sa iyong sagutang papel, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo
sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang
pagbabago sa sarili. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.

a. Pakikipag-uganayan sa mga kasing edad

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.

2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malalapit na kaibigan at hinihingi ang
kanilang opinyon

3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush


4. Iniiwasan ang pakikipag-away.

5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa


paaralan.

Ngayon, ikaw naman:

a. Pakikipag-uganayan sa mga kasing edad

1. _______________________________

2. _______________________________

3. _______________________________

4. _______________________________

5. _______________________________

b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki

6. _______________________________

7. _______________________________

8. _______________________________

9. _______________________________

10. ______________________________

c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa

11. _______________________________

12. _______________________________

13. _______________________________

14. _______________________________

15. _______________________________

d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya

16. _______________________________

17. _______________________________

18. _______________________________

19. _______________________________

20. _______________________________

D. PAGTATAYA

Magkakaroon ng pusong papel ang mga mag-aaral na magboboluntaryong


magbabahagi sa harapan. Bibilangin ito ng guro sa susunod na linggo upang maitala sa
hanay ng “recitation” para sa karagdagang marka. Ang resulta ng gawaing Pagtuklas sa
dating kaalaman ang siyang magiging pagtataya sa linggong ito.
IV. TAKDANG ARALIN

Sagutan ang “Profayl ko, Noon at Ngayon

Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging


pagbabagosa iyo. Kung hindi ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa
positibong pagbabago sayo.

Sa iyong sagutang papel, sumulat ng isang repleksyon o pagninilay tungkol sa


paghahambing na iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?

2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata?


Ipaliwanag.

3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang nagdadalaga/nagbibinata?

4. Makatutulong ba ang pagbabagong ito sa iyo? Sa anong paraan?

5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa anong paraan?

6. Anu-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

Inihanda ni:

JANNIRY P. CATOR
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Hunyo 10 11 at 17, 2019
Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Naipapamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos
sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa kanyang talento, kakayahan, at kahinaan,
hilig at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maunawaan ang palatandaan ng pag-unlad bilang nagbibinata at nagdadalaga at ito ay
nahahati sa iba’t ibang aspeto.
b. Maunawaan ang kwentong Alice in Wonderland at makapagbahagi ng gawain sa
harapan ng klase.

II. NILALAMAN

PAKSA: Modyul 1: Mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata.

BATAYANG KONSEPTO: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa : pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at pagiging mapanagutang tao.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: laptop, “Pusong Papel”(reward) para sa magbabahagi ng gawain sa harap


ng klase

III. PAMAMARAAN

A.PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

Pagbalik aral

B. PAGGANYAK

Ang guro ay magtatanong kung pamilyar ang klase sa kwentong Alice in Wonderland.
Ipapanood ito sa klase at magtatanong sa klase kung ano ang kanilang naunawaan sa
palabas.

C.PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN

Ang guro ay magpapaliwanag sa klase ng mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon


ng pagbibinata at pagdadalaga sa iba’t ibang aspeto.
D. PAGTATAYA

Isaalang-alang ang gabay na mga tanong:

1. Ano ang tema ng kuwento?

2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring makapagpalaki sa iyo
ang pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas
matututo”. (Food can make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and
experience can make you wise.)? Ipaliwanag.

3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na may kaugnayan sa


pagdadalaga ni Alice.

a. Chesire Cat b. Mad Hatter c. Catterpilar d. Queen of Hearts e. White Queen f. At iba pa

4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong makikita kay Alice na
isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.

5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?

6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang paglinang sa mga


inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo
ito lilinangin?

IV. TAKDANG ARALIN

May iba ka pa bang alam na pelikula, nobela o kuwento na tungkol sa


pagdadalaga/pagbibinata? Sa iyong palagay, tama ba ang paglalarawan ng mga ito ng
mga inaasahang kakayahan at kilos ng mga nagdadalaga o nagbibinata? Pangatuwiranan.

Inihanda ni:

JANNIRY P. CATOR
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Hunyo 18 24 at 25, 2019
Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Naipapamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos
sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa kanyang talento, kakayahan, at kahinaan,
hilig at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

PAGPAPALALIM
Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Maunawaan ang mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
b. Maunawaan ang walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay
Havighurst.
c. Maunawaan ang mga tungkulin sa paghubog ng isang maayos at ganap na pakikipag-
ugnayan.

II. NILALAMAN

PAKSA: Modyul 1: Mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata.

BATAYANG KONSEPTO: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa : pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at pagiging mapanagutang tao.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: laptop, “Pusong Papel”(reward) para sa magbabahagi ng gawain sa harap


ng klase

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

Pagbalik aral

B. PAGGANYAK

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng nag-uusap na ina at ng kanyang anak tungkol


sa mga pagbabawal sapagkat nagdadalaga na ang kanyang anak.

C. PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN

Ipapaliwanag ng guro sa klase ang tatlong mahalagang layunin sa inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
Gayundin ang walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay
Havighurst. Pagpapaliwanag ng mga hakbang sa tungkulin para hubugin ang isang
maayos at ganap na pakikipag-ugnayan.

D. PAGTATAYA

TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao?

2. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga


kasing-edad?

IV. TAKDANG ARALIN

1. Paano tunay na maipakikita ang pagiging mapanagutan sa iyong pakikipagkapwa?

2. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?

3. Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata?

Inihanda ni:

JANNIRY P. CATOR
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Hulyo 1-2, 2019
Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Naipapamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos
sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa kanyang talento, kakayahan, at kahinaan,
hilig at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makagawa ang bawat isa ng tsart tungkol sa “Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na
Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata”.
b. Makapagbahagi ng gawain sa harapan ng klase.

II. NILALAMAN

PAKSA: Modyul 1: Mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata.

BATAYANG KONSEPTO: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at


kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa : pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto ng buhay at pagiging mapanagutang tao.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: laptop, “Pusong Papel”(reward) para sa magbabahagi ng gawain sa harap


ng klase

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

Pagbalik aral

B. PAGGANYAK

Stretching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling pagbati
upang maganyak ang mga mag-aaral sa pagsagot sa gawain.

C. PAGHAHANDA

Ipapaliwanag ng guro ang panuto para sa pagsasabuhay ng pagkatuto.

D. PAGTATAYA

Tunghayan ang Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na Inaasahang


Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata sa ibaba. Gumawa ng
ganitong tsart sa iyong kuwaderno. Punan ito. Sundin ang panuto sa ibaba.
Panuto:

a) Lagyan ng tsek () ang bawat araw kung nagawa ang itinakdang gawain at ekis ( x)
kung hindi. Gumawa ng sariling listahan ng mga gawain. Gawin ang mga gawaing
inilista sa loob ng dalawang linggo.
b) Kailangang mayroong nakahanandang mga patunay ng pagsasabuhay, maaaring mga
larawan, sulat mula sa iyong magulang, kapamilya o kaibigan at iba pa.
c) Pagkatapos ng dalawang linggo, bilangin ang lahat ng tsek at isulat ito sa kolum ng
“Kabuuan”. Kunin ang porsyento ng iyong pagtupad sa bawat gawaig inilista mo.
Gamiting gabay ang nasa unang bilang sa talahanayan sa ibaba

Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa


Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata

IV. TAKDANG ARALIN


Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa ginawang Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa
mga Inaasahang Kakayahan at Kilos Pamamahala sa mga Pagbabago sa Panahon ng
Kabataan.

Pansinin: Mga dapat makita sa pagninilay:

a. paglalarawan ng mga bagay na natuklasan mo sa iyong sarili. Halimbawa, kung tinukoy


mo ang pagtanggi sa di mabuting gawain ng iyong kaibigan o barkada, paano ito
makatutulong sa iyo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay, ang late
adolescence?

b. pagtukoy sa mga taong maaaring hingan ng tulong, gabay o suporta (mga taong may
higit na kaalaman sa pagpapahalaga sa moral na pamumuhay)

c. Kahalagahan ng pamamahala sa pag-unlad ng iyong pagkatao bilang paghahanda sa


susunod na yugto ng buhay.

Inihanda ni:

JANNIRY P. CATOR
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Hulyo 8-9, 2019
Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences Survey
Form ni Walter Mckenzie
b. Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
c. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga talento at kakayahan at
paglampas sa mga kahinaan

Unang araw: PAUNANG PAGTATAYA

Layunin: Sa 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natataya ang mga kaalaman na kabilang sa mga tanong sa Paunang pagtataya sa


unang aralin
b. Nalilinang ang kakayahan sa wastong pagpili sa pamamagitan ng mga nasabing
pagsusulit
c. Naiwawasto ang sagutang papel ng kaklase.

II. NILALAMAN

PAKSA: Mangarap ka!

BATAYANG KONSEPTO: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at


kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: sagutang papel, bolpen

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

B. PAGGANYAK

Stretching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling pagbati
upang maganyak ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na
huwag mangamba kung hindi makakapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi
itatala ng guro ang nakuhang grado. Ito ay pagtataya lamang kung ano at hanggang
saan ang kanilang nalalaman sa mga darating na mga aralin
C. PAGWAWASTO SA MGA SAGUTANG PAPEL

Makikipagpalit ng sagutang papel sa katabing mag-aaral upang iwasto ito.

IV. TAKDANG ARALIN

Maghanda sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng sagutang papel.

Ikalawang araw: Pagtuklas ng dating Kaalaman

I. Layunin: Sa 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Maipamamalas ang kahalagahan ng paglinang ng ating mga talento at kakayahan.


b. Nakapagbabahagi ng gawain sa harapan ng klase.

II. NILALAMAN

PAKSA: MODYUL 2: TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN!

BATAYANG KONSEPTO: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at


kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.

SANGGUNIAN: Esp7 Modyul para sa mga mag-aaral

KAGAMITAN: sagutang papel, laptop, “Pusong Papel”(reward) para sa magbabahagi ng


gawain sa harap ng klase

III. PAMAMARAAN

A.PANIMULANG GAWAIN

Panalangin

Pagbati

Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Pagtatala ng liban

B.PAGGANYAK

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng nagsusumikap na mapaunlad at magamit


nang mahusay ang kaniyang mga talento at kakayahan sa kaniyang pananampalataya
sa Diyos.

C.PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno matapos na mabasa ang kuwento.

1. Ano-ano ang katangian ni David na naging dahilan upang siya ay tumanyag at sa huli’y
maging hari ng Israel? Ipaliwanag kung paano nakatulong ang mga katangiang ito upang
maging matagumpay siya at sa huli’y maging hari.

2. Paano natalo ni David si Goliath sa kanilang engkuwentro? Anong aral ang


masasalamin sa pagkapanalo ng batang si David sa higanteng si Goliath?
3. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan: “Ang hindi pagbibigay ng iyong
pinakamahusay ay pagwawalang-bahala sa regalong kaloob ng Diyos.”

4. Ano ang regalong tinutukoy dito? Paano mo iuugnay ang kasabihang ito sa naging
buhay ni Haring David?

D. PAGTATAYA

Magkakaroon ng pusong papel ang mga mag-aaral na magboboluntaryong


magbabahagi sa harapan. Bibilangin ito ng guro sa susunod na linggo upang maitala sa
hanay ng “recitation” para sa karagdagang marka.

IV. TAKDANG ARALIN

Basahin ang maikling anekdota na nagpapakita naman ng kahalagahan ng paglinang ng


ating mga talento at kakayahan.

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno matapos na mabasa ang kuwento.

1. Anong mga kataga ni Easy Ed Macaulay ang labis na nakatulong kay Bill Bradley upang
magtagumpay?

2. Ano ang nagtulak upang lalong magtagumpay si Bill Bradley?

3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagtatagumpay ng isang tao?

4. Ano ang iyong motibasyon sa pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay


ang iyong talento at kakayahan?

Inihanda ni:

JANNIRY P. CATOR

You might also like