Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

PAGHAHANDOG

Lubos ang aking pasasalamat, sa mga inspirasyon at naging bahagi ng riserts na


ito. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa poong maykapal na siyang nagbigay ng
tatag at lakas sa akin. Mula sa aklat ng Joshua 1:9 "Have I not commanded you?
Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for
the LORD your God is with you wherever you go." Ito ay isa rin na nagpapalakas
sa akin upang maisagawa ko nang maayos ang aking Pananaliksik. Sa kanyang
pag-iingat at gabay sa aming mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang
walang hanggan na siyang nangunguna na naging dahilan ng aming pananatili sa
mundong kanyang nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at


pagbibigay sa lahat ng suportang moral, maging ng pinansyal upang kami ay
makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral.

At higit sa lahat , sa aming pinakamamahal, kagalang-galang at mabait naming


propesor, Gng Mitzi G. Canaya na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral sa
asignaturang RES-FIL introduksyon sa pananaliksik wika at panitikan.

Maraming Salamat po!

Pasasalamat

I
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa mga sumusunod na


indibidwal, at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang
humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging
matagumpay ang pag-aaral na ito.
Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa
pagsagot ng tapat sa kanilang kwestyuner at surbey.
Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikatlong taon para sa pagtutulungan,
pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik.
Sa aming guro, Ma'am Mitzi G. Canaya , ang aming tagapayo sa asignaturang
RES-FIL introduksyon sa pananaliksik sa wika at panitikan. Ipinapaabot po namin
ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang pagsuporta , pagtulong ,
paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin ang aming
pananaliksik at lalong-lalo na po sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman.
Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami
sa paggawa ng pag-aaral na ito sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta ,
pagmamahal at inspirasyon sa amin.
Sa poong maykapal, sa pagbibigay sa amin ng determinasyon upang maisagawa
at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa
aming pananaliksik.
Muli maraming-maraming Salamat sa inyong lahat.

Abstrak

II
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa KALAYAGAN NG PAGGAMIT NG DIKSYUNARYO


MULA SA INGLES TUNGO SA FILIPINO SA PAGSASALING WIKA NG MGA NASA
BATSELOR NG EDUKASYON SA PANGKAT-C NG QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022.
Hinangad ng mananaliksik na malaman ang mga sumusunod na Kalayagan ng
paggamit ng Diksyunaryo mula sa Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika ng
nasa Batselor ng Edukasyon sa pangkat-C sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
tatlong (3) salik na binubuo ng (a) panimula , (b) kabanata 2 , (c) talatanungan
hinggil sa nabuong paksa o pamagat na nasa itaas.
Ang sinabing pananaliksik ay ginamitan ng Deskriptib na pananaliksik, pinili ng
mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng
talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay
naniniwala na ang disenyong ginamit ay angkop para sa paksa sapagkat mas
mapapadali ang pangangalap ng datos na isinasagawa.
Saklaw sa pag-aaral na ito ang labing-tatlo (13) respondente na mga mag-aaral
na nasa Batselor ng Edukasyon sa pangkat- III C.

TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat .......................................................... i

Paghahandog .................................................. ii

Pasasalamat ................................................... iii

Abstrak ............................................................ iv

III
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talaan ng talahanayan .................................... v

Kabanata 1: " Ang suliranin o saligan nito"

A. Panimula

B. Batayang konseptwal

C. Layunin ng pag-aaral

D. Kahalagahan ng pag-aaral

E. Saklaw at Delimitasyon

F. Depinisyon ng mga katawagan

Kabanata 2 : " Mga kaugnay na pag-aaral o literature

Kabanata 3 : "Disenyo at paraan ng Pananaliksik

A. Uri ng Pananaliksik

B. Lunan ng pag-aaral

C. Mga kalahok

D. Instrumentong pampananaliksik

E. Mga teknik sa pagtuturo

F. Istatistikal tritment ng mga datos

Kabanata 4: " Presentasyon at interpretasyon ng mga datos"

Kabanata 5: " Lagum , Konklusyon at Rekomendasyon"

BRITANICO, LARA JEAN P.

BSED FILIPINO 3C
KALAYAGAN NG PAGGAMIT NG DIKSYUNARYO MULA SA ENGLISH TUNGO SA FILIPINO SA
PAGSASALING WIKA NG MGA NASA BATSELOR NG EDUKASYON SA PANGKAT C NG

IV
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-


2022 UNANG SEMESTRE

KABANATA 1:

A. PANIMULA

Ang pagsasaling wika ay isa sa mga gawaing kinakailangan ng halos lahat ng larangan at gawain ng tao. Sa
mga guro at estudyante ay napakahalagang matutunan ito sa kanilang paggawa ng mga kagamitan sa
pagtuturo, lalo na’t may mga babasahing sa wikang Ingles lamang nakasulat. Sa mga mag- aaral naman ay
mahalaga rin ito sa patuloy nilang paghahanap ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng
Diksyunaryo sa iba- ibang mga teksto na nasusulat sa ibang wika. Sa mga guro’t mag- aaral, ang pagsasalin
ay napakahalaga lalo na sa larangan ng pananaliksik. Ito ay isang senaryo na kailangang tugunin sa
kasalukuyan.

Ang pagsasaling wika gamit ang mga Diksyunaryo. Ito’y makalumang paraan ng pagsasaling wika. Ang isang
reperensiyang akda ay isang libro o paulit-ulit kung saan maaaring mag-refer ang isa para sa impormasyon.
Ang impormasyong ito ay inilaan upang mabilis na matagpuan kung kinakailangan. Karaniwang tinutukoy
ang mga kahulugan para sa partikular na mga piraso ng impormasyon, sa halip na magbasa simula hanggang
wakas. Ang istilo ng pagsasaling- wika na ginagamit sa mga gawaing ito ay nagbibigay-kaalaman; maiiwasan
ng mga taga-pagsalin ng wika sa english tungo sa wikang filipino sa paggamit ng Diksyunaryo at upang
bigyang-diin ang mga impormasyon ng isang akda upang mas maunawaan at maging makatotohanan.

Ang pagsasaling-wika ay kinabibilangan ng pag-aaral ng leksikon, istrukturang panggramatika, katayuang


pangkomunikasyon, kontekstong pangkultura ng pangangailangang teksto, pagsusuri nito upang malaman
ang ganap na kahulugan, at muling pagsasaayos nito gamit ang leksikon at istrukturang panggramatika na
naaangkop sa wika at kultura ng tagatanggap.

Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984).Isang proseso ng
paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin (Nida at Taber,
1969).Ayon kay C. Rabin (1958) Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,
pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang
dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Ayon kay E. Nida, 1959/1966 Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng
pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa
kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.Sa simpleng salita, Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat
sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.

V
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KONSEPTONG BALANGKAS

Ang Layunin ng pananaliksik na ito ay pag-aralan at alamin ang mga paraan ng pagsasaling wika gamit ang
Diksyunaryo mula sa wikang ingles tungo sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan at
talakayin ang mga kalakasan at kahinaan sa paggamit ng Diksyunaryo sa pagsasaling wika para sa mga nasa
batselor ng Edukasyon bilang III - C. Layunin din ng pag-aaral na ipakita ang isang sining ng pagpapahayag sa
isang orihinal na akda nang hindi nagbabago ang diwa at kaisipang ipinapahayag nito tungkol sa ibang wika.
Ang pagsasaling – wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawan ng isang patay.

Kaugnay pa nito, ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang malaman ang mga kahalagahan, kalakasan at
kahinaan ng pagsasaling wika gamit ang Diksyunaryo mula sa wikang ingles tungo sa Filipino sa mga mag-
aaral ng Batselor ng Edukasyon sa Sekondarya pangkat C.

Layunin :

1. Ano ang kalagayan ng paggamit ng Diksyunaryo sa pagkuha ng Kahulugan ng mga BSED FILIPINO - C?

2. Ano ang kalagayan ng paggamit ng Diksyunaryo sa pagsasalin sa wikang ingles?

3. Ano ang kalagayan ng paggamit ng Diksyunaryo sa Pagsisipi ng mga akda?

VI
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Nilalayon ng pag-aaral na ito na ipakita ang mga kahalagahan, kalakasan at kahinaan ng


pagsasaling wika sa paggamit ng Diksyunaryo sa wikang ingles tungo sa Filipino.

Sa mag-aaral, nakatutulong ang pag-aaral na ito, sa mga mag-aaral upang matutunan nila
ang wastong pagsasaling wika gamit ang Diksyunaryo sa wikang ingles tungo sa Filipino nang
walang pagbabago sa impormasyon na nakuha sa bagong isinalin na wika. Nakatutulong din
ito upang mas mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa pagsasaling wika pasalita man o
pasulat. Higit sa lahat makatutulong ito sa malinaw na pagsusuri sa Kahulugan ng mensahe
at impormasyon.

Sa mga guro, nakatutulong din ito sa mga guro upang makapagbigay o makalikha ng kanilang
sariling pagsasaling wika. Nakatutulong din ito upang mas maibahagi at maituro sa mga
estudyante ang tunay na kahalagahan ng pagsasaling wika sa modernong panahon.

Sa mga magulang, nagkakaroon sila ng ideya kung ano ang kahalagahan, layunin, Kahulugan
ng pagsasaling wika gamit ang Diksyunaryo ngayon modernong panahon.

Sa kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ito ay mahalagang malaman at mas matugunan ng pag-


aaral ang pagsisipi sa pagsasaling wika gamit ang Diksyunaryo sa paraan ng pagkatuto.

Sa mga susunod na mananaliksik , makatutulong ito upang mas mapalawak ang pag-aaral
ukol sa pagsasaling wika sa Ingles tungo sa filipino sa paggamit ng Diksyunaryo bilang paraan
ng paglikha at pagkatuto ngayon modernong panahon.

SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa Kahulugan, kalakasan at kahalagahan ng


paggamit ng Diksyunaryo sa pagsasaling wika sa wikang ingles tungo sa Filipino. Maituturing
na isang paraan ng paglikha at pagkatuto sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Quezonian
Educational College sa kursong Batselor ng Edukasyon sa Sekondarya na
nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga katanungan para sa mga respondante


magkakaroon ng tamang bilang kung ilan ba ang mga mag-aaral na may kaalaman at

VII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

kakayahan sa paggamit ng Diksyunaryo bilang pagsasaling wika sa wikang ingles tungo sa


Filipino bilang paraan ng pagkatuto sa paglikha at pagsasaling wika.

DEPINISYON NG MGA KATAWAGAN

DIKSYUNARYO - Ang Diksiyunaryo o Diksyunaryo ay isang aklat o libro na naglalaman ng mga


salita na may mga kahulugan. Mayroon itong maliit na sukat lamang na pwedeng dalhin
kahit saan.

WIKA - Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o komunikasyon - Ito ay ginagamitan ng


simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ito
ay anumang anyo ng paglalahad ng damdamin o ekspresyon.

PAGSASALING-WIKA - “Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit


na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.”

Kabanata II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Diksyunaryo ng Wikang Filipino Sentinyal na Edisyon 1998

❑Pagsulat o pagsasabi ng anuman sa ibang wika.

❑Ang pagsasalin ay nangangailangan ng mabuting kaalaman ng wikaDIZON (Ideoliya at


Pagsasalin 1998)

Ang gawaing pagsasalin ay kinasasangkutan ng paglilipat ng isang tekstong nakasulat sa


isang wika patungo sa iba at particular na wika.Tatlong Larangan ng Pagsasalin

1.Pagsasaling INTERLINGUAL

VIII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Paglilipat ng mga tanda ng isang wika patungo sa mga parehong tanda ng parehong wika

2.Pagsasaling INTRALINGUAL

Kapag ininterpreta ang mga tanda ng batayang wika batay sa mga tanda ng wikang
ipinagsasalin

3.Pagsasaling INTERSEMIOTIC

Paglilipat mula sa wikang pasalita tungo sa sistemang di-pasalita na mga


tandaHalimbawa: ang paglilipat ng tekstong nakasaulat sa musika o sining
biswal.SILAPANMga Pagsasalin Mula sa Wikang Iloko sa wikang PambansaHinango niya
kay NEWMARK 1998Ang pagsasalin ay ang paglilipat ng mga kahulugan ng teksto sa
ibang wika sa paraang ayon sa intensyon ng awtor ng teksto.

NIDA AT TABER 1982

Reproduksyon ito sa tagatanggap (target) na wika ng pinakamalapit na natural at


katumbas ng orihinal na wika, (una) ayon sa kahulugan, (pangalawa) ayon sa
estilo(pangatlo).

Tandaan:Maliwanag na sinasabing ang salin ay dapat naghahatid ng parehong


kahulugan katumbas na teksto, parehong mensahe at katumbas na diwa ng materyal na
isinasalin.

Ang pagsasalin (pagsasalinwika) ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng


panitik (teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na tinatawag na
salinwika na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na
pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay
tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang
teksto.

Ayon kay Wilmamo witz, " ang pagsasaling wika ay tulad ng Paglilipat ng kaluluwa ng
isang nilalang sa katawan ng isang patay.

IX
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon kay Sirbu (2015) ang pagkakaisa ng Bansa sa Wika lalo na sa pakikipagtalastasan o
pagkakaroon lamang ng isang wika sa pakikipag usap ay mas makakatulong sa
pagkakaintindihanat pag-bubuklod o pagiging isa ng nasyon. Kelangan ang paggamit nito
ay pormal at hindimahahaluan ng ibang wika. Kailangan ito rin ay simple at madali
maunawaan para sa lahat

.Batay kay Widdowson (1978) ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang wika sa
paaralanay para sa wasto at malinaw na paggamit nakasaad din dito na kelangan natin
iwasto ang ating paggamit ng wika dahil maaaring mag ugat ito sa hindi
pagkakaunawaan.

Nakasaad sa pag-aaral ni Rommetveit (1974) parte na ng kultura ang wika at bilang


partenito dapat gaya ng kultura ito ay dinamiko o pinapaunlad sa pag-tagal ng panahon
dahil gaya ngwika ang pag-babago ay maaaring maganap sa lahat ngunit dapat sa pag-
tagal ng panahonmanatiling pormal ang paggamit sa pakikipagtalastasan

. Nakasaad sa pag-aaral ni Akmajian (2017) na nagkakaiba ang paggamit ng wika


sakaramihan sa kadahilanan ng mga dayalektong umusbong kaya napag pasyahan din ng
karamihansa mga bansa na magkaroon ng Pambansang Wika. Ito ang sentro ng
kalakalan at maaaring maging sentro ng pakikipagtalastasan dahil magiging mandatoryo
ito o ipapatupad sa buong bansa.

Ayon sa Utrecht Institute of Linguistics OTS ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan


ay kelangang precise o eksakto batay sa tunay na bokabularyo para mas malinaw na
maipahiwatigang mensahe at pormal ang paraan ng pakikipag usap habang nakikipag
talastasan. Nakasaad din dito na ang kelangang maintindihan kung paano gumagana o
ginagamit ang wika, at kung ito batay nagamit ng tama, sa papaanong paraan.

Ang pagsasaling-wika ay isang gawaing naglalayon na bigyan ng kahulugan ang isang


linggwistikong diskurso mula sa isang wika tungo sa ibang wika. Maari itong gawin gamit
ang diksyunaryo bilang sanggunian o di kaya ay ang kontekstwal na pagpapakahulugan
dito.

Ang pagsasaling-wika ay kinabibilangan ng pag-aaral ng leksikon, istrukturang


panggramatika, katayuang pangkomunikasyon, kontekstong pangkultura ng

X
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

pangangailangang teksto, pagsusuri nito upang malaman ang ganap na kahulugan, at


muling pagsasaayos nito gamit ang leksikon at istrukturang panggramatika na
naaangkop sa wika at kultura ng tagatanggap.

Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson, 1984).Isang


proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa
wikang isasalin (Nida at Taber, 1969).

Ayon kay C. Rabin (1958) Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang
pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may
katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Ayon kay E. Nida, 1959/1966 Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa


pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng
isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.

Sa simpleng salita, Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit


na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.

Ang paggamit ng Diksyunaryo bilang pagsasaling wika kung saan ay maaaring isama ang
impormasyon sa mga kahulugan, paggamit, etymologies, pronunciations, pagsasalin,
atbp. o isang aklat ng mga salita sa isang wika na may mga katumbas sa iba, na kung
minsan ay kilala bilang isang leksikon. Ito ay isang lexicographical produkto na
nagpapakita ng inter-relasyon sa pagitan ng data.

Ang isang malawak na pagkakaiba ay ginawa sa pagitan ng pangkalahatang at


dalubhasang mga diksyunaryo. Kabilang sa mga espesyal na diksyunaryo ang mga salita
sa mga patlang ng espesyalista, sa halip na isang kumpletong hanay ng mga salita sa
wika. Ang mga leksikal na bagay na naglalarawan ng mga konsepto sa mga partikular na
larangan ay kadalasang tinatawag na mga termino sa halip na mga salita, bagaman
walang pinagkasunduan kung ang lexicology at terminolohiya ay dalawang
magkakaibang larangan ng pag-aaral.

Sa teorya, pangkalahatang mga diksyunaryo ay dapat na maging semasiological, pagma-


map salita sa kahulugan, habang ang mga dalubhasang mga diksyunaryo ay dapat na
onomasiological, unang pagkilala ng mga konsepto at pagkatapos ay pagtaguyod ng mga

XI
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

terminong ginamit upang italaga ang mga ito. Sa pagsasagawa, ang dalawang
pamamaraan ay ginagamit para sa parehong uri.

Mayroong iba pang mga uri ng mga diksyunaryo na hindi magkasya nang maayos sa
pagkakaiba sa itaas, halimbawa bilingual (pagsasalin) mga diksyunaryo, mga diksyunaryo
ng mga kasingkahulugan (thesauri), at tumutula mga diksyunaryo. Ang salitang
diksyonaryo (hindi kwalipikado) ay karaniwang nauunawaan na tumutukoy sa isang
pangkalahatang layunin na diksyunaryo ng monolingual.

Mayroon ding kaibahan sa pagitan ng mga prescriptive o descriptive dictionaries; ang


dating sumasalamin sa kung ano ang nakikita bilang tamang paggamit ng wika habang
ang huling sumasalamin sa naitala aktwal na paggamit. Ang mga artipisyal na indikasyon
(eg "impormal" o "bulgar") sa maraming mga modernong diksyunaryo ay isinasaalang-
alang din ng ilan upang maging mas mababa kaysa sa makatuwirang naglalarawan.

Kahit na ang unang naitala na mga dyaryo ay nakabalik sa mga panahong Sumerian (ang
mga ito ay mga bilingual na diksyunaryo), ang sistematikong pag-aaral ng mga
dictionaries bilang mga bagay ng siyentipikong interes ang kanilang sarili ay isang
enterprise na ika-20 siglo, na tinatawag na leksikograpya, at higit sa lahat ay pinasimulan
ni Ladislav Zgusta.

Ang kapanganakan ng bagong disiplina ay hindi walang kontrobersiya, ang mga praktikal
na tagagamit na diksyonaryo na kung minsan ay inakusahan ng iba ng "kakila-kilabot"
kakulangan ng paraan at kritikal-sarili na pagmumuni-muni. Parehong mga diksyunaryo
at mga titik. Naglalaman ito ng mga salita at nagpapaliwanag ng pagbigkas nito, porma
ng salita, kahulugan, paggamit, atbp.

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine Constitution sinasabing ang paggamit


ngwikang pambansa ay dapat pagyamanin at paunlarin habang tumatagal ang panahon.
Nakasaad dinna kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng pakikipag
talastasan sa Pilipinasat bilang parte ng sistema ng edukasyon.

Mula noon ang paggamit ng Tagalog ay lumawak hindina lamang sa Luzon kundi maging
sa Visayas at Mindanao na rin lumawak ang paggamit ngTagalog atpaggamit ng makrong
kasanayan lalo na sa sistema ng pananalita o pakikipag talastasan.

XII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Maraming bihasa sa ating wika lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral o
mananaliksik ng linguistics at mga guro sa asignaturang Filipino naging dalubhasa sila sa
wika bilang requirements nila para makakuha ng digri o kaya naman makapasa.

Hindi required ang mga tao na gumamit ng purong Tagalog dahil hanggat naiintindihan
ayos lang ito. Pero dahil dito tuluyang nabaon o unti-unting nalilimot ang nakagisnang
wika napapalitan ng mga terminolohiyang mas maikli o mas madali bigkasin (Baldon
et.al 2014).

Malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ng Kristiyanismo sa


ating bansa. Pinag-aralan ng mga Kastila ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa
wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon
ay mapalaganap ang kanilang pananampalataya.

Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa Ang mga propagandista na palibhasa’y aral sa


wikang Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t ang kanilang mga akda ay
kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa Pilipinas upang lumagaganap ang
kanilang mga prinsipyo at kaisipan. Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig upang
makapangaliw sa mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Nagamit nang panahon ng
digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na naghahari sa mamamayan.

Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya Kung nais nating sumulong ang
ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika, agham at teknolohiya.
Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito

Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga


Filipino ang mga aklat, pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na
nauukol sa agham at teknolohiya. Sa pamamagitan ng pagsasaling wika mas madaling
mauunawaan ang mga mensahe na nagmula sa ibang akda sa sarili natin wika gamit ang
Diksyunaryo bilang gabay sa pagsasalin ng mga salita.

XIII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA III

A. URI NG PANANALIKSIK
Ang uri ng pananaliksik na ito ay nakabatay sa pagsasaling-wika sa paggamit ng diksyunaryo
na kung ipinapakita dito na ang wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito. Ipinapakita din nito na ang bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging
kakanyahan.

Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat
ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang wika. Sa
muling paglalahad sa pagsasalinang wika gamit ang diksyunaryo ito ay may katumbas ng
orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, na isinasaalang-alang ang kahulugan batay sa
istilo ng pagkasulat.

Dalawa ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito. una ang deskriptib na
pananaliksik dahil saklaw nito ang kasalukuyang kalakaran, kalagayan o sitwasyon ukol sa
mga pagsasaling-wika sa paggamit ng diksyunaryo sisikaping ilarawan ng mananaliksik ang
antas ng pagsagot ng mga respondente ukol sa paksang pagsasaling-wika sa paggamit ng
diksyunaryo base sa resulta ng kanilang pagsagot a talatanungan maging ang semi-
eksperimental upang masuri kung may sang-ayon sa paggamit ng diksyunaryo bilang
pagsasaling-wika. ang pamamaraan ito ay gumagamit ng panuntunan sa pananaliksik na ang
karaniwang tawag sa method of difference naging pinakakilalalng pamamaraan at ito
lamang ang pamamaraan ng pananaliksik na nakasusubok ng hypotesis tungkol sa ugnayan
kalakasan at pagbabago ng pagsasaling-wika.

XIV
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

B. LUNAN NG PAG-AARAL
Nilalayon sa kabanatang ito na lalo pang maihantad ang gagamit ng pag-aaral sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa kalikasan ng wikang Filipino na bilang wikang pagsasalin ay
siyang nasa ubod ng mga talakay sa pananaliksik na ito. Napakahalaga, halimbawa, para sa
sinumang nagbabalak magsagawa ng pagsasalin na mambabasa iulat sa malaking pagkakaiba
ng sistema ng pagkabaybay sa Filipino at sa Ingles, gayundin ang pagkakaiba sa istruktura ng
mga pangungusap at mga pantig, ang pakakaiba sa paraan ng pagbuo at paglalapi ng mga
salita, sapagkat malaki ang kinalaman ng mga ito sa panghihiram ng mga salita na lagi nang
nagiging isa sa malulubhang problema sa pagsasaling wika.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Quezonian Educational College Inc. Atimonan. Ang
paaralang ito ay nagbibigay lamang ng iisang kurso at iyon ay ang kursong edukasyon. Sa
ginawang pag-aaral ang mga mag-aaral na nagpakadalubhasa sa Filipino sa ikatlong antas
ang ginawang kalahok. Bago pa man isinagawa ang pag-aaral ay humingi muna ng pahintulot
ang mananaliksik sa gurong may hawak sa klase sa ikatlong antas ng BSED Filipino. Ang liham
ng paghingi ng pahintulot ay matagpuan sa Apendiks A.

C. MGA KALAHOK
Mga mag-aaral na nagpakadalubhasa sa Filipino ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Pinili
ang mga kalahok gamit ang convenience sampling na ang ibig sabihin lahat ng mga mag-
aaral na nagmemedyor sa Filipino na nasa ikatlong antas sa ilalim ng pamamahala ni Gng
Mitzi G. Canaya ay ukol sa pagsasaling-wika gamit ang diksyunaryo. Maging ang kaluwagan
ng kanilang mga iskedyul ay isinaalang-alang din ng buong klase ng bawat seksyon ay kinuha
sapagkat tumpak na tatlumpong mag-aaral mayroon.

D. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

XV
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Upang masukat ang kabisaan ng pagsasaling wika gamit ang Diksyunaryo ng mga mag-aaral
gumawa ang mananaliksik ng talatanungan na ibibigay sa mga kalahok bago at pagkatapos
talakayin ang ukol sa pagsasaling-wika sa paggamit ng diksyunaryo sa eksperimental at
kontrol na grupo. Ginamit ang dalawang pamamaraan ng pagsusurvey. Ang talatanungan ay
binubuo ng tatlo na pung (30) aytem na may tatlong istatistikal na pagtataya na
matatagpuan sa kabanata 4.

E. MGA TEKNIK SA PAGTUTURO


Susubukin ng mananaliksik ang matagumpay at nakaaliw na paraan ng pagkilala ni (E. Nida,
1959/1966) Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita
man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

Ipinahayag niyang mas epektibo kung muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y
batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.

Sa kabuuan ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na


katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin. Magpapakilala rin ng pagiging praktikal
na gawaing magtutulak sa mag-aaral na pumili ng angkop sa paggamit ng Diksyunaryo bilang
pagsasaling wika sa Ingles tungo sa Filipino.

Sa pamamagitan ng ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang
diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003).

F. ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS

XVI
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pangunahing layunin sa pag-aaral na ito na masuri ang kalayagan ng paggamit ng


Diksyunaryo mula sa Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika ng mga mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Quezonian Educational College Inc.

Upang matukoy kung may kaalaman ba ang mga respondente tungkol sa paksa ay:

1. Tukuyin ang kanilang mga nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa talatanungan.

2. Maitala ang dami ng porsyento ng mga respondente na sumasang-ayon at hindi sa


pamamagitan ng kanilang kasagutan.

3. Mailarawan ang mga datos mula sa talatanungan upang maitala ang bilang ng sumasang-
ayon at hindi sumasang-ayon base sa nalalaman o naranasan.

Sa pagtrato ng datos ang mananaliksik ay gumamit lamang ng isang pamamaraan.

Ang pormula ng porsyento, ginamit ang pormula ng porsyento upang matukoy ang
porsyento ng kinatawan ng mga bilang ng mga respondente mula sa sarbey at ginamit din
upang matukoy ang mga saloobin ng mga respondente ayon sa kanilang isinagot sa sarbey

%=f x 100

na kung saan

% = porsyento

f = bilang ng tugon

n = kabuoang bilang ng mga respondente

Sa pagpasya kung ilang bilang ng mga tao sa sarbey ay isinaalang-alang ang kakayahan ng
mga mananaliksik sa panahon ng nagaganap na pandemya a mayhatid ng paghihigpit at
peligro sa kalusugan ng mga posibleng respondente.

XVII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kabanata IV
Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos
Sa bahaging ito ilalahad at tatalakayin ang mga resulta ng pag-aaral batay sa mga layunin ng
pag-aaral na matatagpuan sa kabanata 1. Susundan ito ng pagpapaliwanag sa mga itinalang
datos sa tsart at bibigyan ng interpretasyon ayon sa resulta ng pagsusuri ng mananaliksik.

Bahagi 1. Kauganayan ng Propayl ng mga mag-aaral na nasa Batselor ng Edukasyon sa


pangkat -C ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan, Quezon.

XVIII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ipinakita sa talahanayan 1 ang kaugnay na profayl ng mga mag-aaral na binubuo ng mga


respondente, edad, kasarian at kurso. Ang respondente ay binubuo ng 13 na may kaakibat
na (100%), pangalawa ang edad, ang edad na 21 ay binubuo ng (3) (25%), ang may edad
naman na 21-30 ay binubuo ng (9) na may kaakibat na (45%). Sinundan ng kasarian,
Mayroong Apat (4) lalaki (35%) habang ang babae ay binubuo ng 9 (65%). At ang panghuli,
strand (35%) ito ay ang mga mag-aaral na nasa Batselor ng Edukasyon.

Bahagi 1: Lebel ng Pagtanggap ng mga Tagatugon sa kalayagan ng paggamit ng Diksyunaryo


mula sa Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika. Ito ay may kabuuang bilang na
tatlumpo (30) mula sa tatlong salik . Una na rito ang bahagi ng panimula, kabanata 2 at
talatanungan. Ito rin ay may panukatan na nasa bahaging ibaba ng talahanayan at may
katumbas na kaukulang interpretasyon upang mas higit na maunawaan ang bawat
indekeytors.

XIX
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

XX
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talahanayan 1:
Sa unang katanungan, Madaling maunawaan ang Ginagamit ang Diksyunaryo upang
mapadali ang pagkuha ng Kahulugan. Siyam (9) ang sumagot ng Lubos na Sumasang-ayon
(LS) at binubuo ito ng (70%), habang ang sumagot naman sa Sumasang-ayon (S) ay apat (4)
na binubuo ng (30%) habang wala namang bahagdan para sa Hindi Sumasang-ayon (HS) at
sa Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS). Ikalawang katanungan Nagkakaroon ng interes sa
pagkuha ng impormasyon sa pagsasaling-wika. Walo (8) ang sumagot sa Lubos na Sumasang-
ayon (LS), na binubuo ng (60%), Habang Lima (5) naman ang sumagot sa Sumasang-ayon (S)
na binubuo ng (40%). Sa unang salik (letter A. Kahulugan) nagpapakita na mayroong
bahagdan na sumagot sa panukatan na Hindi Sumasang-ayon (HS), at sa panukatan na
Sumasang-ayon (S).

XXI
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

XXII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talahanayan 2:
Sa unang katanungan, Nakikita sa pagsasaling wika ang kakayahan ng isang tao na maging
mahusay na tagapagsalin. Anim (6) ang sumasagot sa Lubos na Sumasang-ayon (LS) na may
bahagdan na (50%), habang Lima (5) naman ang sumagot sa Sumasang-ayon (S) na binubuo ng
bahagdan na (40%) at dalawa (2) ang sumagot sa Hindi Sumasang-ayon (HS) na may bahagdan
na (10%) at walang sumagot at nakuhang porsyento sa Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS). Sa
ikalawang katanungan. Nakatutulong ito sa mga manunulat, mga guro at mag-aaral Anim (6) ang
sumagot sa Lubos na Sumasang-ayon (LS) na binubuo ng (50%) na bahagdan, habang Pito (7)
naman ang sumagot sa Sumasang-ayon (S) na binubuo ng (50%) na bahagdan, habang wala
namang bahagdan o porsyento para sa panukatan na Hindi Sumasang-ayon (HS), at Lubos na
Hindi Sumasang-ayon (LHS). Habang ang may pinakamataas naman na porsyento ay ang
katanungan na nasa panghuling bilang at ang nakakuha ng may pinaka mababang bahagdan ay
para sa katanungan ay ang sumagot sa bilang na ikalawa . Habang walang sumagot sa panukatan
na Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS).

XXIII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

T
alahanayan 3:

Sa unang katanungan, tumutugma ang Kahulugan sa isinalin, Apat (4) ang sumagot ng Lubos
na Sumasang-ayon at ito binubuo ng bahagdan o porsyento na (30%), habang Pito (7) naman
ang sumagot ng Sumasang-ayon (S) ay mayroong (50%), at Dalawa (2) ang sumagot sa Hindi
Sumasang-ayon (HS) at ito ang binubuo ng bahagdan o porsyento na (20%) at wala naman
sumagot at nakuhang porsyento sa Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS). Sa ikalawang
katanungan, Naiuugnay ang pagsasaling wika sa totoong buhay , Apat (4) ang sumagot ng
Lubos na Sumasang-

XXIV
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talahanayan 3:
Sa unang katanungan, tumutugma ang Kahulugan sa isinalin, Apat (4) ang sumagot ng Lubos
na Sumasang-ayon at ito binubuo ng bahagdan o porsyento na (30%), habang Pito (7) naman
ang sumagot ng Sumasang-ayon (S) ay mayroong (50%), at Dalawa (2) ang sumagot sa Hindi
Sumasang-ayon (HS) at ito ang binubuo ng bahagdan o porsyento na (20%) at wala naman
sumagot at nakuhang porsyento sa Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS). Sa ikalawang
katanungan, Naiuugnay ang pagsasaling wika sa totoong buhay , Apat (4) ang sumagot ng
Lubos na Sumasang-ayon (LS) na may porsyento na (30%), habang Siyam (9) naman ang
sumagot sa Sumasang-ayon (S) na may porsyento na (70%) at wala namang sumagot sa
panukatan na Hindi Sumasang-ayon (HS) at sa Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS).

XXV
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang KALAYAGAN NG PAGGAMIT NG
DIKSYUNARYO MULA SA INGLES TUNGO SA FILIPINO SA PAGSASALING WIKA NG MGA NASA
BATSELOR NG EDUKASYON SA PANGKAT-C NG QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC
ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG SEMESTRE. Ginamit ng
mananaliksik ang disenyong deskriptib sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang mga
mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga estudyante.
Ikalawa ay upang malaman ang kanilang Kalayagan ng paggamit ng Diksyunaryo mula sa
Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika. Pangalawa, ang pagsusulat ng kabanata 2. At
panghuli, ay ang kalayagan sa paggamit ng Diksyunaryo: Kahulugan, Pagsasalin at pagsisipi
na talatanungan.

Upang matukoy ang iba't-ibang mga Kalayagan ng paggamit ng Diksyunaryo mula sa


Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang
talatanungan o survey questionnaire para sa mga mag-aaral na nasa Batselor ng Edukasyon
sa pangkat-C. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng
pag-aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos.

B. Konklusyon
Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:

XXVI
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

1.) Karamihan ng mga estudyante ay nasa edad dalawampu't isa hanggang tatlongpung
(21-30) taong gulang. Ang bilang ng mga babae ay mas malaki kaysa sa bilang ng mga
lalaki. Ang mga babae ay binubuo ng Siyam (9) na may (65%) porsyento samantalang
ang bilang ng mga lalaki ay binubuo ng Apat (4) na may (35%) porsyento. Ang mga
respondente ay nagmula sa Batselor ng Edukasyon ng Quezonian Educational College
Inc.

2.) Ang talatanungan na isinagawa ng mananaliksik ay binubuo ng tatlong (3) salik na


binubuo ng mga sumusunod: Una, panimula. Pangalawa, kabanata 2 at ang Panghuli,
talatanungan, ito ay upang masagot ang mga Kalayagan ng paggamit ng Diksyunaryo
mula sa Ingles tungo sa Filipino sa pagsasaling wika sa ginagawang pananaliksik.

C. Rekomendasyon
Base sa kasagutan at konklusyon nahinuha, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga
rekomendasyon.

Pagdating sa pagiging epektibo ng pagsasaling wika bilang gamit sa ginagawang


pananaliksik. Malaki ang porsyento o bahagdan na nagsasabi na madaling gumawa ng
panimula, kabanata isa (1) hanggang lima (5) at talatanungan gamit ang mga nakalap na
datos batay sa pananaliksik.

Ang pagsulat ng isang panimula, kabanata isa (1) hanggang lima (5) at talatanungan ay
nakapagbibigay ng isang tiyak na pag-unawa hinggil sa paksa na pinag-aaralan kung nasa
wikang filipino ang ginamit sa pagsasaling wika. Ang pagbuo ng isang panimula,
kabanata isa (1) hanggang lima (5) at talatanungan ay nakatutulong sa isang mahusay na
pang-akademikong pagganap ng mga mag-aaral lalo na kung nasa wikang filipino.

Sanggunian
Source:

https://www.academia.edu/23007697/_Implementasyon_ng_Paggamit_ng_Wikang_Ing
les_sa_lahat_ng_Asignatura_maliban_sa_Filipino_Kabanata_1_and_2

XXVII
Pictu Pictur
re e
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
39 ... 40 ...
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-17-pagsasaling-wika

https://www.coursehero.com/file/82636521/Kabanata-4pdf/

https://pdfcoffee.com/thesisdocx-7-pdf-free.html

https://www.academia.edu/39807149/
Kabanata_II_KAUGNAY_NA_PAG_AARAL_AT_LITERATURA

https://kwf.gov.ph › 2017/03PDF

Batayang Pagsasalin.indd - Komisyon sa Wikang Filipino

https://quizlet.com › pagsasaling-wi...

Pagsasaling-wika Flashcards | Quizlet

https://ik-ptz.ru › ... › Wikang Ruso

Paksa: pagsasalin ng di-katumbas na bokabularyo. Kabanata I

XXVIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Appendises
Pangalan: ________________________. Petsa:
________________
Kalagayan ng paggamit ng Diksyunaryo mula sa Ingles tungo sa
Filipino sa pagsasaling wika ng mga nasa Batselor ng Edukasyon sa
pangkat-C ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon
akademikong taon 2021-2022 unang semestre.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag ng (√) ang angkop na bilang na tugma sa iyong kasagutan.

1
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

2
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

3
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

4
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

5
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pangalan ng mananaliksik: Britanico, Lara Jean P.

Na nasa ika-3 taon ng kursong Batselor ng Pansekondaryang Edukasyon-Filipino.

Kasalukuyang nag-aaral sa Quezonian Educational College inc.

Nagtapos ng Sekondarya sa Malusak National Highschool

At nagtapos ng Elementarya sa paaralan ng Ponon Elementary School.

6
Pictu Pictur
re QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. e
42 ... Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon 41 ...
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

You might also like