2nd QTR Handout Aralin 4 Kakayahang Pragmatik at Istratedyik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2021-2022


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
IKALAWANG MARKAHAN

I. Aralin 4: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


Kakayahang Pragmatik at Istratedyik
II. Nilalaman:

ALAM MO BA?

Isa sa mga pinakaunang modelo ay ang modelo ni Aristotle na matatagpuan sa kanyang aklat na Rhetoric.

Modelo ni Wilbur Schramm

Ipinababatid ng modelong ito na ang mga kalahok sa komunikasyon ay tumatanggap din ng mensahe.
Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm ang feedback o reaksiyon.

KOMUNIKASYON

• Mula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”

• Ito ay akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. (Webster)

URI NG KOMUNIKASYON

 Verbal

 Di Verbal
Verbal na Komunikasyon (pasalita,pasulat)

Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.

DI VERBAL NA KOMUNIKASYON (gumagamit ng kilos o galaw ng katawan)

Hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang
mensahe sa kausap.

Ayon sa pag-aaral ni Albert Mehrabian na lumabas sa kaniyang aklat na Silent Messages: Implicit
Communication of Emotions and Attitudes, 7% raw ng komunikasyon ay nanggagaling sa mga salitang ating
binibigkas, 38% ay nanggagaling sa tono ng ating pagsasalita, at 55% ay nanggagaling sa galaw ng ating
katawan.

Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di Verbal na Komunikasyon

KINESIKA (KINESICS)

Ito ay ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

EKSPRESYON NG MUKHA (PICTICS)


Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.

GALAW NG MATA (OCULESICS)

Ito ay ang pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin.

VOCALICS

Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito ang
pagsutsot, buntonghininga, at iba pang di lingguwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe.

PANDAMA O PAGHAWAK (HAPTICS)

Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.


Halimbawa:
pagtapik sa balikat, ang paghablot, pagkamay, pagpisil
PROKSEMIKA (PROXEMICS)

Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T.
Hall. Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap.

Halimbawa:
0-1.5 ft. intimate
1.5-4 ft. personal
4-12 ft. social distance
12 ft. public

CHRONEMICS

Ito ay pag-aaral ng tumutukoy kung paanong ang oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating.

Hal.
Ang pagdating nang maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may disiplina ang nag-aaplay.

Kakayahang Pragmatik

• Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatic natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi
at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.

• Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan.

Kakayahang Istratedyik

• Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps)
sa komunikasyon.

Pagtataya blg. 4

Tukuyin ang detalyeng hinihingi sa bawat bilang. Bibigyan ko lamang kayo ng tatlumpung segundo upang
sagutan ang bawat katanungan.

TANDAAN: Bawal ang bura.

_______ 1. Ito ay tumutukoy sa uri ng komunikasyon na gumagamit ng pasalita o pasulat na pamamaraan sa


paghahatid ng mensahe.

_______ 2. Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

_______ 3. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga


simbolikong cues na maaaring verbal at di verbal.

_______ 4. Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.

_______ 5. Ito ay tinatawag na ______ kung saan ang pagitan ay 12 feet.


Takdang-aralin:

Sagutin ang mga sumusunod. Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Ano-ano ang tatlong antas ng komunikasyon?

2. Ano ang kakayahang diskorsal?

3. Ibigay ang anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo.

III. Sanggunian:
 Dayag, Alma M. et.al (2017), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 177-187

You might also like