Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PAGSUSURI SA PELIKULANG "TITANIC"

I. PANIMULA

Sa simula ng pelikula ay pinakita ang lumubog na titanic na kung saan hinahanapan ng mga
mamahaling bagay at mga bagay na akala nilang maibebenta at maitatabi nila. Nahanap nila ang
isang kahon na naglalaman ng mga pininta ni Jack na kung saan inakala nilang kayamanan ngunit
pinta ng katawan at tungkol kay Rose ang laman nito. At dito nakita ni Rose ang kaniyang gamit
sa lumubog na Titaninc at nagsimula ang kwento ukol dito.

II. PAMAGAT

"Titanic" dahiil tungkol ito sa titanic na lumubog noong 1020 na kung saan napakadaming buhay
ang nawala, inalay at pinaubaya para sa mas nararapat mabuhay.

III. KARAKTERISASYON AT PAGGANAP

A. PANGUNAHING TAUHAN

 Rose DeWitt Bukater – ang karakter na ito ay ginampanan ni Kate Winslet.


 Jack Dawson – ito na ginampanan ni Leonardo DiCaprio.

B. KATUWANG NA TAUHAN

 Ruth Dewitt Bukater – siya ang ina ng pangunahing tauhang si Rose.


 Caledon Nathan Hockley – siya ang lalaking ipinagkasundo upang pakasalan ang
dalagang si Rose
 Fabrizio De Rossi – siya ang matalik na kaibigan ng ni Jack.
 William McMaster Murdoch- siya ang unang opisyal sa barkong “Titanic”.
 2nd Officer Charles H. Light roller –ginampanan naman ito Jonathan Phillips
 Spicer Lovejoy – ito ay ginampanan ni David Warner.
 Brock Lovett – isa siyang treasure hunter.
 Thomas”Tommy” Ryan –ito ay ginampanan ni Jason Barry.
 Lizzy Calvert – siya ang apo ni rose
 Bruce Ismay – ginampanan ito ni Jonathan Hyde.
 5th Officer Harold Lowe – ang karakter na ito ay ginampanan ni Loan Gruffudd
 Helga Dahl – ito ay ginampanan ni Camilla Overbye Roos.
 Lewis Bodine – ang gumanap dito ay si Lewis Abernathy.
 Captain E.J Smith –Ito ay ginampanan Bernard Hill.
 Margaret Brown –Ginampanan ito ni Kathy Bates.
 Thomas Andrews –ito ay ginampanan ni Victor Garber

IV. URI NG GENRE NG PELIKULA

This study source was downloaded by 100000820919975 from CourseHero.com on 02-02-2022 10:12:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/85136362/Pagsusuring-pelikuladocx/
Ang uri ng genre ng ginamit sa pelikula ay Romance at Trahedya, Romance dahil sa hindi
inaakalang pag-iibigan sa pagitan ni Rose at Jack na kinamuhian ng magulang dahil sa hindi
mataas na estado ng buhay. Trahedya dahil sa paglubog ng Titanic sa oras ng himbing ng tulog ng
nakararami, trahedya na kumitil hindi lamang sampo kung hindi sa daan-daan o libo-libong
buhay ng tao.

V. TEORYANG KINAPAPALOOBAN NG PELIKULA

Ang Teorya na nakapaloob sa pelikula ay una ay an Teoryang Romantisismo dahil sa


pagmamahalan na nabuo sa pagitan ng dalawang magkaiba ang buhay, pagiibigan nina Jack at
Rose ganoon na din sa pamilya na nagpaubaya para sa kapakanan ng kanilang anak at mahal sa
buhay.

Pangalawa ay ang Teoryang Realismo dahil sa pagsasalaysay sa tunay na nangyari noong


panahon ni Rose noong 1020, sinasabe na tunay ang kwento ng Titanic kaya ito ay isinadula at
maipahatid sa nakararami ang tunay na nangyari.

Pangatlo ay ang Teoryang Sikolohikal dahil ipinaliwanag ng kwento sa pamamagitan ng


pagsasadula nito ay ipinakita ang paktor ni Jack na hindi lamang siya isang binatang magsusugal
kung hindi magliligtas sa isang dalagang kaniyang minamahal at hindi lamang may Rose kung
hindi pati na din sa mga tao sa paligid niya.

Pang apat ay ang Teoryang Existensyalismo na kung saan ipinakita sa pelikula na may
kakayahang pumili ang tauhan sa kung saan at paano nila itutuloy ang tama at mali sa pagitan
nilang dalawa na pag-ibig na ipinagbabawal.

At ang huli ay ang Teoryang Biographical dahil sa kwento o pelikulang ito ay isinalaysay ang buhay
ni Rose noong panahon na silang dalawa ay masaya bago dumating ang trahedya na papatay hindi
lamang kay Jack kung hindi sa lahat.

VI. TEMA O PAKSA NG MAY AKDA

Ang tema at paksa na ipinakita sa pelikula ay ang "PAGSASAKRIPISYO at PAGLABAN SA PAG IBIG
NA BAWAL"MAHAL. Pagsasakripisyo dahil sa pagpapaubaya ng mga tao sa iba upang mabuhay at
maipagpatuloy ang buhay, para sa minamahal at para sa pamilya. Paglaban sa pag-ibig na bawal
dahil sa pagiibigan na hindi inaasahan na basta basta mabubuo at ipaglalaban hanggang sa dulo
ng hiniga.

VII. SINEMATOGRAPIYA

Magaling ang pagkakakuha ng Sinematographer sa bawat anggulo, lokasyon at pati na rin ang
paggamit nito ng ilaw sapagkat sa lahat ng anggulo ay makikita ang nais iparating sa pelikula. Sa
pamamagitan ng mga sinematographer ay nalaman ng bawat manunuod ang tunay na nangyare

This study source was downloaded by 100000820919975 from CourseHero.com on 02-02-2022 10:12:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/85136362/Pagsusuring-pelikuladocx/
bago at pagkalubog ng titanic na hindi inaasahan ng nakararami. At isa ay naipakita ang nais
ipakita sa bawat eksena at naramdaman ang gustong ipadama.

VIII. PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA

Ang bawat tunog at musika na inilalapat sa kwento ay totoo namang akmang akma lalo na
noong oras ng trahedya na para bang hinahayaan na lamang ng mga musikero na lamunin sila ng
dagat dahil wala na din namang pag-asan. Tugtog na kumintal sa puso at damdamin ng bawat
manonood at tunay na dumurog sa puso ng nakararami. Sa bawat linya ay may tugtog na kakabit
simula hanggang sa dulo ng pelikula ay damang dama

IX. EDITING

Kahit ilang ulit kong panoodin ang pelikulang ito ay tunay na napapahanga ako ng editor
sapagkata para lamang tuloy tuloy ang pagkuha nito sa bawat eksena, walang labis at kulang.
Ang bawat eksena ay hindi parang hindi tinahi tahi sapagkat tunay na tuloy tuloy at dahil sa
editing na ito ay hindi nabitin at naguluhan ang mga manonood ukol sa nangyari noon sa
paglubog ng titaninc. Oo nga at nasa loob ng titanic ngunit hindi ito alintana para magalawa at
maibo ng pageedit dahil sa galing na talento ng editor.

X. PRODUCTION DESIGN

Ang production design na mayroon ang kwento ay akmang akma sa tema noong unang panahon
na mula sa mataas hanggang sa pinakamababang uri ng tao. Mula sa maharlika hanggang sa
alipin na tinatawag. Sa kasuotan at disenyo ay tunay na malalaman mo at makikita mo ang
karangyaan at kahirapan na estado nila. Sa pamamagitan nito ay maihahatid ang nais mong
malaman sa katauan noon sa ngayon.

XI. DIREKSYON

Mahusay ang pagkakadirek ng direkto sa pelikulang ito sapagkat para sa akin ay kuhang kuha ang
bawat eksena na mayron noon. Mula sa paglalapat ng musika, tema, pagtatahi ng bawat eksena
hanggang sa pagganap ng bawat aktor at akres sa pelikula. Maayos niyang nagabayan ang
kaniyang tauhan para maipakita ang dapat ipakita at lubha akong napahanga sa paraan niyang
iyon.

XII. BUOD o SYNOPSIS

Pag-iibigan sa hindi tamang panahon, pag-iibigan na hindi nauukol sa oras at lokasyon, tama nga ba o
mali?ipaglalaban mo ba o hindi? Ganyan ang istorya ni Jack at Rose.

Nagsimula sa paghahanap ng kayaman mula sa lumubog na titanic ay ala ala ang nahukay at hindi ginto,
ala ala ni Rose kay Jack na hanggang sa kasalukuyan ay kaniyang Baon. Nahukay na kahon ay hindi ginto
at dyamante ang laman ngunit pinta ng katawan at tungkol lahat sa babaeng dalagita na inibig ni Jack.
Nagsimulang ikwento ni Rose ang katotohanan mula sa pagtatagpo hanggang sa paghihiwalay. Masakit,

This study source was downloaded by 100000820919975 from CourseHero.com on 02-02-2022 10:12:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/85136362/Pagsusuring-pelikuladocx/
masaya at, punong puno ng kagalakan ang puso niya. Mula sa pinagbabawal hanggang sa tamang
pagibig. Pinaglaban at hindi binitawan hanggang sa dulo at huling hininga na mayroon sila. Umiyak,
tumawa at nalungkot ang nadama sa pagiistorya hanggang sa natapos at ibinato ang hinahanap na
dyamante sa dagat na yun pala ang nagdulot upang maalala ala ang lahat.

Gaya ka ba ni Rose na ipaglalaban ang lahat para sa pag-ibig o gaya ka ng iba na nabubulag sa pera at
hindi kilala ang tinatawag na pagmamahal? Tamang tao maling panahon ang sabe ngunit hindi naging
hadlang ang panahon sa kanila para ipagpatuloy ito.

XIII. KWENTO

Ang kwentong ito ay umiikot sa Titanic na marami ang nawala at nagpaubaya. Sa titanic na
marami ang nabuo, pag-iibigan, pagkakaibigan, pamilya at ala-ala ang babaunin hanggang sa
huling hininga. Kwento na nagpabuhay ng galak, saya , galit at pagmamahalan sa puso ng bawat
isa. Kwento na hindi lamang ukol kay Jack at Rose kung hindi sa sariling kaligtasan na hindi
naman natin maiiwasan sa ganoong sitwasyon. Ala ala na kay Rose ang nagpabuhay ang saya,
lungkot at galit na mayroon noong panahon na iyon na hanggang ngayon ay kaniyang baon. At
ang huli ay kwento na nagpamulat sa lahat ng tao na hindi hadlang ang estado ng buhay para sa
tunay na pagmamahalan.

XIV. MGA KAISIPAN o ARAL NG PELIKULA

Ang isa sa mga kaisipan na tunay akong napaisip ay ang "TITANIC IS A SHIP OF DREAM", tunay
na kaisipan sapagakat hindi ito tunay na pangarap para sa nakararami. Oo nga at totoong tunay
na masarap sumakay sa Titanic ngunit hindi mo alam ang kasiguraduhan mo doon kung ikaw ba
ay makakabalik pa ng buhay o hindi na sapagkat wala sa kamay mo ang manobela na
magpapatakbo dito. Pangarap siguro sa nakakarami ngunit hindi sa lahat sapagkat ang titanic ay
magdadala sa iyo sa ibang lugar o dimensyon upang hasain ang mga bagay bagay na hindi mo
nais o baka nais mong malaman.

XV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang aking konklusyon sa Pelikula ay baon pa din ni Rose ang tunay na saya at kagalakan noong
panahon na buhay pa si Jack, na kung saan naramdaman niya ang tunay na kalayaan at pag-ibig
na pinagbabawal man ay hindi naging hadlang. Binaon ito ni Rose hanggang sa huling hininga
niya at hindi na muli pang kinausap ang lalaking isa sa naging hadlang ng pag-iibigan nila. Ang
kwento ng Titanic ay naging usap usapan hanggang sa huling henerasyon na mayroon sina Rose
at tunay na marami ang humanga, nagalit, natuwa at hindi naging maayos ang pakiramdam sa
bawat eksena. Ang huling henerasyon ni Rose ay nakatagpo ng tunay na pagmamahal na tulad
ng mayroon sila noon, itong henerasyon ito ang nagpatuloy sa naudlot na istorya ng dalawa at
hanggang sa pinakahuli hulihang hininga ang henerasyon nila ay nabuhay ang kwento ni Rose at
Jack.

This study source was downloaded by 100000820919975 from CourseHero.com on 02-02-2022 10:12:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/85136362/Pagsusuring-pelikuladocx/
Ang aking rekomendasyon sa bawat manonood ay damahin ang bawat eksena at linya na
mayroon ang titanic sapagkat ito ay makakatulong sa kanila upang hubugin pa ang natatagong
paniniwala nila sa bawat henerasyon, lugar at estado nila.

This study source was downloaded by 100000820919975 from CourseHero.com on 02-02-2022 10:12:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/85136362/Pagsusuring-pelikuladocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like