Final AP7 Q4 LAS 1 Kolonyalismo-at-Imperyalismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

k

ARALING PANLIPUNAN 7
Kwarter 4, LEARNING ACTIVITY SHEET 1
(Week 1 at 2)

Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya

1
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 7
Activity Sheet Bilang: 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng


mga Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa
kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet


Manunulat: Whitzel I. Coles, Bioso IS, Zumarraga

Editor: Eloisa R. Zartiga


Tagasuri: Rhea B. Otida, Parasanon NHS, Pinabacdao
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo, EdD, CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr., PhD, CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro, PhD - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga - EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos, EdD – PSDS/LRMS Manager-Designate
Melissa N. Mabangue - District Head

Constancio R. Iso- School Head

2
Araling Panlipunan 7

Pangalan ng Mag-aaral:____________________ Baitang:_____ Seksyon:______


Paaraalan : ______________________________ Petsa:___________

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya

I. Panimula:

Natutuhan mo sa nakaraang Aralin 1, modyul 3 ang mga


pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin sa Asya. Natukoy mo rin ang mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya na sinakop ng mga Kanluranin at kung bakit ito sinakop. Ganito rin
kaya ang dahilan ng pagpunta ng mga Kanluranin sa mga bansa sa
Silangan at Timog-Silangang Asya?

Sa aralin na ito ay maalalaman mo ang mga karanasan ng mga bansa sa


Silangang at Timog-Silangang Asya na napasailalim sa mga patakaran ng
mga mananakop na kanluranin. Mababatid mo rin ang panig ng mga
nakaranas ng paghihirap, kalupitan, at karahasan sa mga kamay ng mga
mananakop na Kanluranin.

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng


mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Mga Tiyak na layunin:

1. Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng pagpasok ng mga Kanluraning


bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya sa Silangan at
Timog-Silangang Asya (ika 16-17 siglo)
2. Natataya ang epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
(ika 16-17 siglo)

III. Pamamaraan:

A. Simulan:
Gawain 1: TAMA O MALI

3
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung sa iyong palagay ang pangungusap
ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung ito ay walang
katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_______1. Si Mohandas Gandhi ay nakilala dahil sa kaniyang mapayapang


pamamaraan ng paghingi ng kalayaan.
_______2. Ang merkantilismo ay ang prinsipyong pang- ekonomiya na kung
may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman.
_______3. Ang Krusada ay isang kilusang pilosopikal na makasining at dito
binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece
at Rome.
_______4. Ang Imperyalismo Ito ay nagmula sa salitang Latin na “imperium”
na nangangahulugang command.
_______5. Ang mga pampalasa ay isa sa mga kilalang produkto sa Asya na
nagpabighani sa mga Europeo.

Gawain 2: MAPA-NAKOP

Panuto: Gamit ang mapa tukuyin mo ang mga bansa sa Silangan at


Timog-Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin. Pagkatapos ay
sagutin mo ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Timog-Silangang Asya Silangang Asya

______________________ ________________
______________________ ________________
______________________ ________________
______________________ ________________

4
Pamprosesong mga tanong:

1.Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang karamihan ng mga bansa sa


Asya?
________________________________________________________________________
2.Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng
mga Kanluranin?
________________________________________________________________________

B. Alamin:

Mahalaga na malaman mo na ang panig ng mga Kanluranin hindi


upang sila ay kampihan o tularan, ngunit upang mas mapalawak mo pa ang
iyong pananaw sa pagsusuri ng mga pangyayari na may kaugnayan sa Una
at Ikalawang yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya


Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang sinakop
ng mga kanluranin noong unang yugto ng imperyalismo (ika-16 at ika-17
siglo).
Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, nagtayo ng kolonya ang
mga kanluranin sa Asya. Nagkani-kaniya ang mga kanluranin sa pagsakop
sa mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya
ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng pananakop. Kadalasan, isang
bansang kanluranin ang nakakasakop sa isang bansang Asyano,subalit
may pagkakataon din na dalawa o higit pang mga bansa ang nakasasakop
dito. Iba-iba ang pananaw ng mga kanluranin sa panamakop sa lupain.
Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa, ang iba naman ay sinakop
lamang ang mga piling bahagi nito.

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-


Silangang Asya (ika-16-17 siglo)

PAGSUSURI SA TEKSTO

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang
Asya sa mga bansang kanluranin dahil sa mga rutang pangkalakalan.

5
Bunga nito, nabatid ng mga kanluranin ang karangyaan ng mga bansa
sa Silangang Asya, Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop,
hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng
imperyalismong kanluranin dahil narin sa matatag na pamahalaan ng
mga bansa dito.

Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansa na naghangad


na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China.
Nakuha ng Portugal ang Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi
nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.

Sa Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin, maraming bansa


ang nag-unahan na masakop ang bansang China.

Timog Silangang Asya


Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang
nagng kapalaran ng mga bansa sa Timos-Silangang Asya noong unang yugto
ng imperyalismong kanluranin. Karamihan ng mg daungan sa rehiyong ito ay
napasakamay ng mga kanluranin.

Dahilan upang sakupin ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ng mga
kanluranin:
Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan at mga pampalasa
at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog
Silangang Asya

Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin tio
ng mga kolonya sa Timog-Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din
ang mga bansang England at France.

Ang mga sumusunod ay bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop noong


unang yugto ng imperyalismong Kanluranin:

Pilipinas
Sumakop: España
Narating ni Ferdinand Magellan ang Silangan gamit ang rutang pa-kanluran.
Napatunayan sa kaniyang paglalakbay na bilog ang mundo.
Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi
ng Mindanao
Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa ginto. May mahusay na daungan tulad
ng Maynila
Paraan ng Pananakop: Nabigo si Ferdinand Megellan na masakop ang
Pilipinas dahil napatay siya ng mga tauhan ni Lapu-lapu sa labanan sa
Mactan.
Ang paglalakbay na pinamumunuan ni Miguel Lopez de Legazpi,ang
nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng
pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit ng dahas. Itinayo
6
ang unang pamayanan ng Español sa Cebu noong Abril 27, 1565 mula dito
ay sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa
sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya. Nakatulong
din sa pananakop ng Spain ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Natuklasan din ng mga Español ang karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo na
sa lugar Ilocos, Camarines, Cebu at Butuan sa Mindanao.
Kristiyanismo-nakatulong ang mga misyonero na mapalaganap ang
Kristiyanismo pagkatapos maisakatuparan ang patakarang
reduccion(naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa
malalayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan sa kolonya,
gayundin ang pagpapalaganap ng kristiyanismo). Nasakop ng relihiyon ang
pag-iisip at damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas madali silang
mapasunod ng mga Español.

Mga patakaran na ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas

Pangkabuhayan
Polo Y Servicio- sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang
mga kalalakihang edad 16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay, kalsada,
simbahan, gusaling pampamahalaan, at iba pa. Marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.
Tributo- sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang mga
katutubo. Ilan sa maaaring pambayad ay ginto, mga produkto, at mga ari-
arian. Dahil sa pang-aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo ang
naghirap at nawalan ng kabuhayan.
Monopolyo- pagkontrol ng kalakalan, hinahawakan nila ang pagbebenta ng
mga produktong nabili sa Europe tulad ng tabako. Kumita rin sila ng malaki
sa Kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi sila
nakapagtanim ng makakain. May mga pamilya din na kumita sa kalakalang
galyon at tinatawag sila na Illustrado.

Pampolitika
Sentralisadong Pamamahala- napasailalim sa pamumuno ng Español ang
halos kabuuan ng bansa. Ang Gobernador heneral ang pinakamataas na
pinuno ng Español sa Pilipinas. Nawala sa kamay ng mga katutubong ang
karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang
maglingkod sa pamahalaan subalit sa pinakamahabang posisyon.
Ang Simbahang Katoliko- dahil sa impluwensiya sa taong-bayan, naging
makapangyarihan din ang Español na pari at kura paroko noong panahon ng
pananakop sa mga Español.

Pangkultura
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo-niyakap ng mga katutubo ang
Kristiyanismo. Ipinapatay ang mga pinuno ng mga katutubong relihiyon.
Dahil dito, maraming katutubo ang naging Kristiyano at mas madaling
napasunod ang mga Español ang mga katutubo.
Wika at mga pagdiriwang-natuto ang mga katutubo ng wikang Español.
Idinaos din ang mga taunang pagdiriwang tulad ng piyestang bayan,

7
Santacruzan, Araw ng mga patay, Pasko. Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay
may kaugnayan sa Kristiyanismo. Lalong nagpakulay sa kultura ng mga
katutubo ang mga nabanggit na pagdiriwang.

Indonesia
Sumakop: Portugal, Netherlands, at England
Mga lugar na sinakop:
Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal
Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa Portugal.
Panandaliang nakuha ng England subalit ibinalik din sa Netherlands
Batavia(Jakarta):nasakop din ng Netherlands
Dahilan: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos
na daungan
Paraan ng pananakop: Dahil sa hangad na pampalasa, narating ng Portugal
ang Ternate sa Moluccas
noong 1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang
palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo. Pinaalis ng mga Dutch ang mga
Portuges noong 1655 at sinakop ang mga isla Amboina at Tidore sa Moluccas
gamit ang mas malakas na puwersang pandigma. Upang mapanatili ang
kanilang kapangyarihan, nakipag-alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na
pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng divide and rule policy isang
paraan ng pananakop na kung saan ay pinag-away away ng mananakop ang
lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar ginagamit naman ng mga
mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo, upang
mapasunod at masakop ang mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon ng
monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch. Lalo pang
napatatag ng Netherlands ang monopolyo nang itatag nito ang Dutch East
India Company(itinatag ng pamahalaan ng Netherlands ang Dutch East India
Company noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala
ng paglalayag sa Asya). Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas
dahil sa epekto ng Napoleonic Wars subalit nabalik din ito sa mga Dutch
matapos ang digmaan.

Malaysia
Sumakop: Portugal, Netherlands, at England
Dahilan: Pagkontrol ng sentro ng kalakalan
Paraan ng Pananakop: Bukod sa kalakalan sinubukan din ng Portuges na
palaganapin ang Kristiyanismo
sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil
sa malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong
naimpluwensyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng
Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga
nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.

8
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-ano ang naging pangunahing dahilan ng pananakop ng mga
kanluranin sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
2. Paano sinakop ng mga kanluranin ang mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya? Ipaliwanag ang mga pamamaraang ginamit.
3. Sa iyong palagay, Malaki ba ang naging epekto ng mga patakaran na
ipinatupad ng mga Kanluranin sa pamumuhay ng mga Asyano?

Gawain 3: KROSALITA
Panuto: Mula sa krosalita ay subukan mong hanapin, sa anomang
direksyon, ang mga salita na tumutukoy sa bawat bilang at pagkatapos
isulat ito sa sagutang papel kung ano ang siyang tinutukoy nito.

P Z A S T M A C A O Q O P A
M O N O P O L Y O T B E G H
M A L E P R V U E R W B C D
A B R O L B P I L I P I N O
G O F V Y Z S F G B Q K C I
E S C I T S A N D U G U A N
L A H D F D E T R T Z L W D
L D A O M A D R A O J J D O
A O A W R U I O V S E N U N
N H O M A L A Y S I A X C E
R K W E I Q A H R S C X N S
E L A A Y U W V C T P I M I
K R I S T I Y A N I S M O A
_____1. Isa sa mga paraan na ginamit ng mga Español sa pananakop. Isa
rito ay pakikipagkaibigan sa mga lokal na pinuno na pormal nilang
ginagawa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan at paggamit ng dahas.
______2. Pagkontrol ng kalakalan, hinahawakan nila ang pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Europe tulad ng tabako.
______3. Sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang
mga katutubo. Ilan sa maaaring pambayad ay ginto, mga produkto, at mga
ari-arian.
______4. Ang bansang ito ay sinakop ng Portugal, Netherlands at England
dahil sa pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan bukod din dito ay nais ng

9
mga Portuges na palaganapin ang kristiyanismo subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon.
______5.Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga
kalalakihan na may edad na 16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay,
kalsada, at iba pa.
______6. Isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop ng mga
Kanluranin dahil sa mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan
at may maayos na daungan.
______7. Isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop ng mga
Kanluranin dahil mayaman ito sa ginto at may mahusay na daungan tulad
ng Maynila.
______8. Relihiyong ipinalaganap ng mga Español sa Pilipinas.
______9. Ito ay lugar sa China na nasakop ng Portugal noong unang yugto
ng kolonyalismo at imperyalismo, ngunit hindi rin nagtagal ay nilisan din ng
Portugal ang himpilan.
______10.Siya ay nakarating ng Silangan gamit ang rutang pakanluran.
Napatunayan sa kanyang paglalakbay na bilog ang mundo.

C. Bumahagi:

Gawain 4: OPINYON MO, KAILANGAN KO!

Panuto: Punan ang tsart, magbigay ng mabuti at hindi mabuting epekto sa


mga Asyano ukol sa ibinigay na paksa o sitwasyon ibaba. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Mabuting Epekto Di-mabuting Epekto


PAKSA
________________________ ____________________
________________________ Pananakop ng mga ____________________
________________________ Kanluranin sa mga ____________________
________________________ bansa sa Silangan at ____________________
________________________ Timog-Silangang Asya ____________________
________________________ noong unang yugto ng _____________________
________________________ Kolonyalismo at _____________________
________________________ Imperyalismo (ika-16 _____________________
________________________ hanggang ika-17 siglo) _____________________
________________________ _____________________
________________________ _____________________

Gawain 5: TRIPLE MATCHING TYPE

10
Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto, dahilan/sanhi sa bawat
kahon. Sa hanay A ay makikita ang konsepto. Sa hanay B ay ang
dahilan/sanhi. Sa hanay C, piliin ang titik na kumakatawan sa naging
epekto nito sa mga Asyano o sa kontinente ng Asya sa kabuuan. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A B C
Konsepto Dahilan/ Sanhi Epekto
a. Maraming mga Pilipino ang
naghirap sa pananakop na ito ng
a. Mayaman sa mga
mga Español
1.Pilipinas pampalasa
b. Walang naging epekto sa
b. Relihiyon na pamumuhay at kultura sa
2.Polo Y Servicio panahon ng Español
ipinalaganap ng mga
Español c. Hindi naging mahalaga ang
relihiyon sa panahon ng Español
3.Indonesia c. Mayaman ang bansang
a. Napasunod at nasakop ang mga
ito sa ginto.
4.Divide & Rule Policy tao sa Moluccas
b.nagkaroon ng magtatag na
d. Pagpapagawa ng mga
5.Pagpapalaganap ng samahan sa pagitan ng mga
tulay, kalsada, at iba pa
Kristiyanismo kanluranin at Moluccas
c.nawalan ng tiwala ang mga tao
e. Nag away-away ang
sa mga pinuno sa Moluccas
lokal na pinuno o mga
a.Naging makapangyarihan ang
naninirahan sa Moluccas
mga pari at kura paroko
b.Niyakap ng mga katutubo ang
Kristiyanismo
c.Lahat ng nabanggit
a.Maraming katutubo ang
naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
b.Marami sa kanila ang nahiwalay
sa pamilya at namatay sa hirap.
c.Wala sa nabanggit
a. Maraming katutubo ang
umunlad ang pamumuhay sa
panahon ng pananakop ng mga
kanluranin
b. Hindi ito naging epektibo at
hindi rin napalawak ang teritoryo
ng mga Español
c. nagkaroon ng monopolyo sa
kalakalan ng mga pampalasa ang
mga Dutch.

D. Gawin Mo

11
Gawain 6: MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang
TITIK ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1.Ito ay itinatag ng pamahalaan ng Netherlands noong 1602 upang pag-


isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
A. Dutch East India Company C. East Dutch India
Company
B. Dutch West India Company D.West Dutch India
Company
2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mga kanluranin sa pagsakop ng
mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?
A. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Maayos na daungan
C. Sentro ng kalakalan at pampalasa
D. Lahat ng nabanggit
3. Ito ay tumutukoy sapilitang pagtatrabaho na naganap noong sakupin ng
Espanya ang Pilipinas.
A. Polo Y Servicio C. Open Door Policy
B. Sphere of Influence D. Tianjin
4. Ang bansang ito ay sinakop dahil sa daungan, pampalasa at kalakalan
A. Indonesia B.Japan C. Pilipinas D. China
5. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mga
mananakop ang mga local na pinuno na naninirahan sa isang lugar,
ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo upang masakop ang
ibang tribo.
A. Sphere of Influence C. Divide and Rule Policy
B. Open Door Policy D. Polo Y Servicio
6. Tawag sa relihiyong ipinalaganap ng mga Español na sumakop sa pag-
iisip at damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas madali silang
mapasunod ng mga Español.
A. Hinduismo B. Kristiyanismo C. Komunismo D. Jainismo
7. Bansa na nadiskubre ni Magellan sa pamamagitan ng rutang pakanluran
at unang lumapag sa lugar na Homonhon anong bansa ito sa Timog
Silangang Asya?
A. China B. Japan C.Indonesia D. Pilipinas
8. Sinong manlalakbay ang nakarating ng Silangan gamit ang rutang
pakanluran at nagpatunay din sa kanyang paglalakbay na ang mundo ay
bilog.
A. Marc Philip C. Philip Fernando
B.Ferdinand Magellan D. Achmed Saturno
9. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bayan sa kasalukuyang
panahon?
A. Sumama sa mga rally at protesta.
B. Lumikha ng samahang tutuligsa sa pamahalaan.
C. Maging mabuting mag-aaral at lumahok sa mga gawain ng
komunidad.

12
D. Magtrabaho sa ibang bansa para lumaki ang remittance ng dolyar
sa bansa.
10. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis sa pagtatanggol ng
teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong
bansa, alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong
gagawing resolusyon?
A. Hindi na magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala
lang naman.
B. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman
ang mangyari.
C. Papayag na lang sa kung anong gusto ng malakas na bansa para
wala na lang gulo.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin
para magkaroon ng kaalyado

Gawain 7: IPAGPALAGAY MO

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nabubuhay noon, ano kaya ang maari


mong ginawa sa pagdating ng mga mananakop? Sa kasalukuyang panahon,
kung sakaling may mananakop na dumating sa bansa, ano ang iyong
gagawin? Kung sa hinaharap ay may darating na mananakop, paano mo ito
haharapin? Gawin ito sa isang short bond paper.

Rubriks para sa pagbibigay ng puntos

Puntos Pamantayan Katangian ng paliwanag


5 Napakahusay Napakahusay
Malinaw at maayos ang
pagkakasulat ng ideya at daloy ng
paliwanag. Nagpapakita ng
maliwanag na kamalayan sa
gawain
4 Mahusay Maayos ang pagkakasulat at daloy
ng paliwanag. May sapat na
kamalayan sa gawain.

3 Katamtamang Katamtamang husay


husay Katamtamang husay ang daloy ng
paliwanag
13
IV. Mga Sanggunian:

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa


Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City,
Philippines: Department of Education

www.google.com

V. Susi sa Pagwawasto
GAWAIN 3
GAWAIN 2
1.Sanduguan
Timog-Silangang GAWAIN 5
GAWAIN 1 2.Monopolyo
Asya 1.C , A
1.Tama 3.Tributo
1.Pilipinas 2.D, B
2.Mali 4.Malaysia
2.Indonesia 3.A ,C
3.Mali 5.Polo Y Servicio
3.Malaysia 4.E, A
4.Tama 6.Indonesia
5.B, B
5.Tama 7.Pilipinas
Silangang Asya
8.Kristiyanismo
1. China
2. Taiwan 9.Macao

10.Ferdinand
Magellan

GAWAIN 6

1.A 6.B

2.D 7.D

3.A 8. B

4.A 9.C

5.C 10.B

14

You might also like