Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
DESKRIPTIBO
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
PAGLALARAWAN SA TAUHAN
Ang mga tauhan sa storyang ito ay sina Irene at Daniel. Si Irene ay labis na
mailalarawan bilang isang "Tala ng Kabukiran" dahil sa angkin nitong kagandahan,
kabaitan, at kahinhinan. Kinikilala rin siya bilang Ineng na palayaw sakanya ng
nakararami. Siya ay hindi gaanong maganda ngunit sobrang nakaka-aliw, may mga
magagandang mata, kulay kayumanggi, magandang pagkaka-hugis ng mukha, at
bilugang pisngi na may magagarang dimples. Siya ay malambing at kinagigiliwan nang
lubos ng kanyang mga ka-nayon. Tinagurian siyang “Dalaginding” ng mga nakakatanda
dahil sa pagiging magalang, mabait, at masunuring anak. Siya ay kilala rin bilang "Ang
Magsasampagita" dahil nakatira siya sa bukid ng mga sampaguita. Siya ay disiplinado,
mapagmahal, masikap, at mapagkakatiwalaang dalagita. Sumunod ay si Daniel. Siya ay
isang binatang may lihim na pag-hanga kay ineng at pumapakyaw sa paninda nitong
sampaguita. Siya ay isang lalaking mayaman na may pagka-sikat din sa kaniyang pook.
Bilang isang may lihim na pagtingin kay Irene, hindi importante sa kanya kung mahirap
man ang dalaginding sapagkat nahulog ang loob nito sa babae.
PAGLALARAWAN SA EMOSYON
Ang nobelang Bata, Bata, Paano ka Ginawa? ni Lualhati Bautista ay naglalahad ng maraming
emosyon at damdamin. Mailalarawan sa nobelang ito ang katangian ng isang matatag,
mapagmahal, at may integridad na babae. Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng
paglalarawan sa tauhan sapagkat ito ang nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan
ang kanyang ginawa. Si Lea, ang pangunahing tauhan, ang babaeng binibigyang diin ang
nararamdaman, emosyon at karapatan nito sa isang lipunan. Makikita sa nobela ang
matatalinhagang emosyong kanyang pinanghawakan at pinagdaanan. Isa sa emosyong
mailalarawan sa nobelang ito ay ang "katapangan ng isang babae". Katapangan niya sa iba't-
ibang aspeto ng buhay tulad ng paaralan ng kaniyang anak, kaniyang trabaho, at maging sa
lipunan. Bagama't minsan, bilang bida, nakaranas rin ito ngemosyon pagkalungkot at
pagkahina ng loob sapagkat mahirap tanggapin ang mahal niyang may kinakasamang iba.
Siya rin ay nalugmok sa kalungkutan na naghantong sakaniyang labis na pagkakaluha sa
ganoong sitwasyon. Siya ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon dahil sa
katangian niyang ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang babae sa lipunan. Masisilayan sa
kaniyang emosyon at damdamin ang pakikipaglaban sa karapatan ng bawat tao sa lipunan,
kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama, o di kaya’y
nakulong o pinatay. Makikita din dito ang emosyong paghanga sakaniya ng kapwa babae dahil
sa angking nitong katapangan at pagiging mapagmahal na ina. Pinakita rin sa nobela kung
paano siya nanatiling matatag na ina sa kaniyang mga anak sa gitna ng mahirap na sitwasyon
nila ng kaniyang dalawang asawa.
PAGLALARAWAN SA TAGPUAN
Ang nag-iisang tagpuan sa nobelang "Canal De La Reina" ni Liwayway Arceo Bautista ay
ang isang totoong pook sa Tondo Maynila na Canal De La Reina. Ito ay isang magandang
ilog ng kasaysayan na binalot ng kadumihan pagkalipas ng panahon. Inilarawan din dito
ang pagiging madumi at mabaho ng ilog na dati’y malinis at tila paraiso ang tanawin.
Makikita ng malinaw ang mga detalye sa tagpuan na madumi, mabaho, at ipinapakita ang
larawan ng kahirapan ng mga iskwater sa pook. Maraming mahihirap na mamamayang
nakatira at nakapalibot sa gilid ng ilog na ito. Ang tagpuan na ito ay kasalukuyang
nakalubog na sa putik at nababalot ng masangsang na amoy. Ang kagandahan nito noong
unang panahon ay hindi maihahalintulad kumpara sa ibang ilog sapagkat ito ay nagsisilbi ng
magagandang tanawin na kinalaunay binago ng di magandang pamamalakad sa
sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng bawat mamamayan. Ang pook na ito ay
napapalibutan ng mga basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa agos ng buhay ng mga
Manileño. Nakilala ito dahil sa ganda at halimuyak ng kapaligiran. Ito ay hindi lamang
lupang sinilangan ng mga ninunong Pilipino, kundi ito rin ay isang representasyon ng
pagkagising at pagbabago ng tungo sa kaunlaran ng lugar.