Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang tungkulin ng isang mangagawa pilipino sa ating bansa ay napakahalaga.

Dahil ang
manggagawang Pilipino ay katuwang natin sa pagbabago. Masipag, buo ang loob, at may matatag na
pananalig  sa sarili at sa Panginoong  Diyos. Dahil dito, kinikilala ang kanilang husay at abilidad, hindi
lamang dito sa  Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang panig  ng daigdig. Bilang isang studyante ang
masasabi ko tungkol sa kalagayan ng mga pilipinong manggagawa sa ngayon ay mahirap lalong lalo
na at may pinagdadaanan tayong pandemya sa ating bansa. Ang mga mangagawang pilipino ay
nakikipagsapalaran para sa atin kahit Anumang pagsubok ay kaya nilang harapin at pagtagumpayan
maabot lamang ang kanilang mga pangarap para sa sarili, para sa pamilya, at para sa bayan para tayo ay
mabuhay at maprotektahan laban sa sakit at sakuna. Bilang isang mamayan dapat pahalagahan at
suportahan natin ang kanilang pagsisikap at pagpupunyagi dahil kung wala silang magtatrabaho ay
mahihirapan tayo at mahihirapan ang pag unlad ng ating bansa. Ang mga manggagawang pilipino ay
katuwang natin sa pagbabago sa ating bansa at ekonomiya. Kaya Disente at sapat na trabaho para sa
lahat – ito ang pangarap na nais makamit ng ating Pamahalaan. Marapat lamang na huwag natin silang
husgahan o maliitin sa estado ng kanilang trabaho mataas o mababa man ang kanilang kita ay
ginawa nila ang kanilang makakaya at maitutulong para sa ating bayan. Kung wala sila hindi tayo
uunlad ng ganito sa ating bansa.

You might also like